8 years later

1001 Words
Maawa ka sa akin, wala akong atraso, wala akong kasalanan, pakiusap bata 'wag mo akong patayin.'' pakiusap ng matandang gumagapang paatras pero bingi na ako sa pakiusap nito, dahil sangkot na ang nanay at mga kapatid ko. Kaya nanginginig man ang mga kamay ko ay nakalabit ko parin ang gatilyong tumama sa kanang mata nito. Halos kitang kita ko ang umuusok na bala habang slow motion na unti unting lumalapit sa ulo ng matanda. Kitang kita ko ang pagbaon ng bala sa mata nito,habang unti unting namang nadudurog ang kanang mata nito. ********** Pawis na pawis ang buong katawan ko ng bumangon ako ng kama. 'Di ko akalain na ganito ang kahahantungan ko. Aaraw-arawin ako ng konsensya ko. ''Panaginip na-naman. Lagi nalang akong ganito, ito ba ang tinatawag na konsensya?'' mahinang usal ko habang hingal na hingal akong napatingin sa paligid. Nine years na ang lumipas, nag bago na ang lahat. hindi ko na rin kaya pang pumatay. Tama na ang mga napatay ko. ''Ayoko na.'' tama na ang mga naririnig kong sumisigaw sa utak ko at sa panaginip ko, ayoko ng madagdagan pa 'yon ng kahit isa pang tinig ng pagmamakaawa. Pero 'di ganon kadaling umalis at umiwas. Dahil sa ngayon ang kapalit ng pag tigil ko sa grupo, ay ang kapahamakan ng buong pamilya ko Dahil Hindi na papayag pa si boss na umalis at kumalas nalang ang isang gaya ko na marami ng alam sa kalakaran ng mga gaya namin. Natatakot na ako hindi para sa akin kundi para sa pamilya ko, na walang kaalam-alam sa trabaho ko. At isa pa ayokong matulad kay Red na pinatay habang ang asawa nito ay dinala sa kuta at ipinagahasa sa ilang hayok sa laman. Kung sa akin at mga kapatid ko mangyayari ang ganung pangyayari baka hindi ko kayanin. Kaya ako nalugmok sa ganitong trabaho ay para sa mga mahal kong pamilya tapos ito rin palang trabaho na ito ang sisira sa buhay ng mga kapatid ko kung sakali. Hindi ko kinaya ang ganung nangyari kay Red kaya ng may pagkakataon akong umalis at isama ang pamilya ko, kinuha ko ang mga ito at inilayo, katunayan ay paalis na sila mamaya papuntang America. Tama sa America ko sila dadalhin dahil halos lahat ng pera na nakukuha ko ay iniipon ko at itinago upang kung dumating ang ganitong pangyayari ay may maiiwan at maibibigay ako kay nanay, upang kahit malayo na kami sa isat isa ay magiging matatag na sila kahit wala na ako sa tabi nila ay makakaya na nila magbagong buhay dahil nailayo kona sila sa lugar na ito. At sisiguruhin ko iyon, dahil hindi ko na talaga sila dito ibabalik pa kahit na anong mangyari. Nasa gano'n akong pag iisip ng marinig kong nag ring ang cellphone ko at ng tignan ko ang screen, number ni Lea ang nakita ko. ''Sabi ko 'wag na silang umalis ng bahay dahil delikado bakit umalis pa rin ito?'' inis na sabi ko bago ko sinagot ang tawag nito. ''Lea? Diba sinabi ko sayo na 'wag kanang lumabas bakit ngayon may patawag tawag kapa? Saan kaba nagpunta?'' tanong ko kahit hindi pa nagsasalita ang nasa kabilang linya. ''Lea ano kaba? Sigaw ko pero agad akong napatigil sa pagsasalita ng marinig kong tila may tumatawa. ''Lea?'' tanong kong muli sa kabilang linya habang kinakabahan sa nangyayari sa kanyang kapatid. ''Tingin mo Cen, gano'n lang ako kadaling matakasan? P'wes nagkakamali ka.'' sabi nito kasabay ang malakas na pagtawa nito. ''Anong ginawa mo sa kapatid ko? Nasaan kayo?'' malakas na sigaw ko, na lalong ikinasaya ng mga ito. ''Natatakot ka? Alam mo bang kanina pa uhaw na uhaw sila dito sa kapatid mo? Sabi nito. ''Hayop ka papatayin kita subukan mo lang galawin ang kapatid ko.'' sabi ko sa mga ito pero parang mas naging masaya pa lalo ang tawanan ng mga nasa kabilang linya. Nanginginig ang buong kalamnan ko natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa kanyang kapatid na si Rose. ''Pwes pumunta ka dito sa lumang gusali alam kong alam mona 'yon kung saan.'' sabi nito saka nito pinatay ang cellphone. Tut...Tut....Tut.... lalo tuloy akong kinabahan walang pwedeng sayangin na oras o kahit segundo. Nasa panganib ang kapatid ko. ''Kailangan kong magmadali'' mahinang sabi ko saka ako tumayo at agad na umalis, kailangan kong makuha ang kapatid ko kahit ano pa ang mangyari sa akin. 'di baleng ako nalang ang mamatay 'wag lang ang kapatid ko na walang ka alam-alam. ********************** Bossing's Point of view.. Bangggg.. Tunog nang baril habang umuusok na naka tutok sa dalagang kapatid ni Cennon. Napatili at nagsisigaw ito habang humahagulgol ng iyak. Ipinadukot ko ito habang nasa labas, ng walang nakaka-alam. ''Tulong parang awa n'yo na.'' malakas na palahaw at sigaw ng dalaga habang umiiyak. ''Sige sumigaw ka lang hanggang gusto mo Pero pasensya ka nalang walang makakarinig sa iyo kahit pa mapaos ka.'' sabi ko habang lumalapit ako dito at hinihimas ang pisngi nito. Napakagandang bata, sayang ang kinabukasan. ''Alam mo bang malaki ang atraso ng kuya mo sa akin?'' sigaw ko dito na naging dahilan ng pag pikit nito at pag tili. ''Mabait ang Kuya ko, hindi siya masamang tao, kayo ang masama.'' sigaw nito sa akin habang nanlilisik ang mata. ''Aba't huwag kang masyadong matapang bata, lalong ng gigigil ang mga tauhan ko sa iyo.'' gigil na sabi ko saka ko ito sinampal ng sobrang lakas, na naging dahilan ng pagkawala ng malay nito. ''Magpahinga kana muna bata. dindo, igapos mo ang bibig ng babae na 'yan saka mo dalhin sa may bodega.'' ''Opo boss.'' masiglang sabi nito saka binuhat ito at dinala sa lumang bodega. ''Wala pa rin ba hanggang ngayon si Cen?'' inis na sigaw ko. Masyado ng lumaki ang ulo ni Cen dapat na itong palambutin. ''Wala pa Boss pero tingin ko parating na iyon.'' ''Dapat lang kung ayaw niyang matulad ang kapatid niya sa asawa ni Red.'' Nakangiti nitong sabi saka kumuha ng dos por dos at inihampas sa hangin. ''Ngayon makikilala na niya kung paano magalit ang isang tulad ko.''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD