8 galit at pagkamuhi

1049 Words
Cennon Nagmamadali ako pumunta sa napag-kasunduan na lugar kung saan naroon ang kapatid ko. Kinakabahan at natatakot hindi para sa akin kundi para sa kapatid ko. Ako alam ko na kayang kaya kong makipagsabayan sa mga kasamahan ko dati pero ang kapatid ko anong alam niya sa kalakaran ng trabaho ko. Mabilis na mabilis ang takbo ko hanggang sa nakita ko na ang luma at abandunadong gusali. Huminto ako at agad akong bumaba at binuksan ang lumang malaking gate. Pero di pa ako tuluyang nakakapasok sa loob naramdaman ko nalang na may pumalo sa ulo ko na ikinayuko ko at ikinaupo. Naramdaman ko ang mga yabag na lumapit sa akin hanggang sa naramdaman kong may sumabunot sa buhok ko at itiningala ako. ''Anong akala mo gano'n mo ako kadaling mapagtataguan? Nagkakamali ka. Gusto mong matulad ang kapatid mo sa asawa ni Red?'' tanong ni boss, na agad kong ikina alarma. ''Walang alam ang kapatid ko 'wag n'yo siyang idamay.'' sigaw ko dito pero tinawanan lang nito ang mga sinabi ko. Lumuhod pa nga ito upang magpantay ang mukha namin saka walang ano anong sinuntok nito ang mukha ko gamit ang bakal nitong singsing. Halos sumabog ang mukha ko ng maramdaman ko ang bakal na singsing sa kamao nito, pero hindi 'yon ang ininda ko kundi ang hawak ng isa sa mga kasamahan kong malaki ang naging inggit sa akin. Ang kapatid ko, walang malay habang hawak-hawak nito, anong ginawa nila sa kapatid ko? ''Hayop ka 'wag mong subukang kantiin ang kapatid ko kung hindi iisa-isahin ko kayong lahat.'' banta ko na halatang hindi nagustuhan ni boss. ''Tinatakot mo ba ako? Sa tingin mo tanga ako? Sino ba ang nasa dehadong sitwasyon at tila napaka yabang mong hayop ka? Gusto mo pakita ko sayo kung sino ang dapat matakot sa ating dalawa?'' sabi nito saka walang sabi-sabing kinuha nito ang kapatid ko at unti unting tinatanggalan ng botones ang blouse nito. Agad akong natakot para sa kapatid ko kaya naman napasigaw ako. At agad na nagwala pero hindi ako maka-palag dahil hawak nila Rigo at Roy ang mga braso ko. ''Boss 'wag ang kapatid ko, nakikiusap ako.'' mahinahon na pakiusap ko dito na ikinatawa nito ng malakas. ''Marunong ka naman palang makiusap eh.'' sabi nito saka tinignan ang kapatid ko. D'yos ko wag ang kapatid ko. Hanggang sa narinig ko ang mga pangbubuyo nila Rigo sa boss namin. ''Boss ipatikim n'yo na sa amin 'yan, mukhang batang bata at sariwang sariwa oh. Pustahan tayo virgin pa 'yan.'' sabi ni Rigo na tinignan ko ng masama. ''Hayop ka tigilan mo ang kapatid ko.'' banta ko dito, pero sinikmuraan lang ako nito. '''Wag mo akong takutin gago.'' sagot nito sa akin saka ako muling sinuntok. Maya-maya narinig kona ang tili ng kapatid ko, gising na ito. ''Kuya, tulong.'' sigaw nito sa akin ng makita niya ako. Pero agad itong binusalan sa bibig kaya 'di na ito muling naka pagsalita pa o kahit gumalaw ay 'di na rin nagawa sa tindi ng hawak nito sa kapatid ko. ''Pakiusap palayain mo ang kapatid ko, at lahat ng iuutos mo ay gagawin ko.'' ''Paano ako makakasiguro sa iyo eh trinaydor mo na kami.?'' sabi nito sa akin saka nito dinilaan ang mukha ng kapatid ko. '''Wag, pakiusap.'' pakiusap ko ulit dito. '''Wag na boss patayin na natin 'yan, tutal naman bumaligtad na siya sa grupo. Tapos 'yang kapatid niya ako na ang bahalang magdala sa kanya sa langit.'' banat ni Roy. Hayop na mga ito, ngayon ko lang napagtanto na tama pala talaga ang sinasabi ni Red noon. Sa oras na pamilya mo na ang nasa sitwasyon na gaya ngayon, ay talagang 'di ka makakapag isip ng maayos. Lalamunin ka ng takot at kaba, hanggang sa huli malulugmok kang muli sa karahasan. kung ako lang kayang-kaya kong makipag sabayan sa kanila. Pero iba na ngayon damay na ang kapatid ko. Ayokong mapahamak sila ng dahil sa pagkakamali ko. Kaya muli akong nakiusap dito, kahit magmukha akong tanga at uto-uto sa paningin nito ayos lang sa akin ang importante mailayo ko ang kapatid ko sa nagbabadyang panganib. Bossing's Point Of View. Wala akong planong gawan ng masama sa kapatid nitong si Cennon, ang importante sa akin ay bumalik si Cen sa grupo. Gusto ko ang trabaho nito, at alam kong mas magiging batikan itong si Cennon. At gusto ko ito ang humalili sa akin, kaya ngayon palang pinapakita kona dito na ako ang mas may kakayahang kontrolin kung ano siya ngayon. Lumapit ako sa kapatid ni Cennon saka ko ito tinutukan ng baril sa noo. At gaya nga ng inaasahan ko aalma ito at magwawala. ''Alisin mo ang baril na 'yan sa mukha ng kapatid ko.'' sigaw nito sa akin. ''Tinatakot mo ba ako Cen?'' tanong ko dito, habang walang tigil sa impit na pa-iyak ang kapatid ni Cen. Nakita kong lumamlam ang mukha ni Cen at saka pikit matang nakiusap muli. ''Pakiusap, ialis mo sa kapatid ko ang pagkakatutok mo sa baril. Lahat ng sabihin mo gagawin ko.'' sagot nito na ikinangiti ko. Gustong gusto ko ang galit at takot sa mukha nito kaya naman pakiramdam ko nagtagumpay na talaga ako. Cennon's Point Of View. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Habang naririnig ko ang impit na iyak ng kapatid ko, ay lalo akong natatakot para sa kapatid ko. Muli napapitlag ako ng marinig ko ang salita ng boses ng amo ko. ''Mabuti naman kung gano'n, at nagkakaintindihan tayo, Siguraduhin mo lang na 'di kana gagawa ng ikagagalit ko Cennon dahil pag inulit mong muli ang ginawa mong pagtra-traydor, hindi lang itong kapatid mo ang mawawala sa mundo kundi pati na ang dalawa mo pang kapatid. Naiintindihan mo?'' malakas na sabi ni boss bago muling lumapit sa akin. Hinimas himas pa nito ang ulo ko bago may kinuhang maliit na kutsilyo sa bulsa. saka walang ano anong hinawakan nito ang pisngi ko at. ''Ahhhhhhh tama na.'' sigaw ko, pero wala na akong nagawa. Nagawa na niya ang gusto niya, naukitan na niya ang mukha ko ng letrang X, masakit sobra namanhid ang mukha ko. ''Rigo bitawan n'yo na ang kapatid ni Cen.'' sabi nito habang bakas na Bakas sa mukha ng hayop na Rigo ang panghihinayang dahil hindi siya napagbigyan sa kagustuhan niya. Hayop ka makawala lang ako dito papatayin kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD