16

1287 Words
NAGISING akong wala na si Pip doon. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay nagmessage pala siya na nakauwi na siya. 3am nang nakarating si Ish. Hindi na daw niya ako ginising para hindi ako mapuyat. Gusto ko pa sanang matulog pero may pasok kami ngayong lunes. Kahit kaunti lang ang nainom ko ay masakit parin ang ulo ko. Agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ay naabutan ko si mommy. "Kaya mo bang pumasok ngayon, anak? Hindi ba masakit ang ulo mo?" aniya. Napahawak naman ako sa sintido ko. "Medyo masakit nga mommy. Pero kailangan kong pumasok ngayon eh." "I've cooked you sopas. It's for your hangover. Come here." iginiya niya ako sa kusina. Nakahanda na sa mesa ang sopas. "Sitdown anak." pinaghila niya pa ako ng upuan at agad naman akong umupo. "Humigop ka ng sabaw para mabawasan ang pananakit ng ulo mo." Napangiti naman akong tumango. "Thank you, mommy." agad kong kinuha ang kutsara at nagsimulang humigop ng sabaw niyon. Nang maubos iyon ay agad akong nagpaalam sa kanya dahil baka ma-late ako. Nang makarating ako sa school ay marami ng tao. "Sum!" tawag ni Sky sakin nang makarating ako sa hallway na tapat ng aming room. Naunahan pa pala nila ako ni Reign. Ako kasi ang palaging nauunang pumasok sa kanila. "Hindi ba sumakit ang ulo mo?" tanong ko sa kanya. "Sumakit ng konti pero nawala naman agad nung nilutuan ako ni Mommy ng noodle soup." "Uy ako rin, sopas ang niluto ni mommy." "Close na talaga kayo ng mommy mo noh." aniya at napangiti nalang ako. Di lingid sa kaalaman nilang hindi kami close ni mommy noon. "Wala pa ba sina Pip?" tanong ko habang inililibot ang paningin sa loob ng classroom. "Si Caleb at Huck pa lang ang nakikita kong dumating. Ayon ang Caleb." ininguso niya si Caleb na nakahiga ang ulo sa desk at mukhang nahihilo pa. "Knockout ba naman kagabi." natatawang aniya . "Sina Ish at Pip ay wala pa." "Baka napuyat ang mga iyon." sabi ko at napabuntong hininga. "Alas-tres na kasi nakabalik si Ish. Nalaman ko lang yun paggising ko at nabasa ko ang text ni Pip." "What happened daw ba?" tanong naman ni Reign. "Yun nga, hindi naman binanggit ni Pip. Malalaman nalang natin mamaya pagdating nila." tugon ko. Maya maya ay umalis na si Reign at nagtungo sa classroom nila. Saktong dumating na ang guro ay saka palang nakarating ang dalawa. Mukhang hindi maganda ang mood ni Pip habang si Ish naman ay nakanguso lang. Hindi ko na sila nagawang makausap dahil nagsimula nang magturo ang teacher namin. Natapos ang unang klase at agad namang sumunod ang sunod na subject kaya hindi ko pa nalapitan sina Pip. Saka lang namin sila nakausap nang magbreak time. Naroon kaming pito sa circle at naguusap. "Hoy, Ish. San kaba talaga nanggaling kagabi?" tanong agad ni Sky. "Naku, natanong ko na yan kaninang madaling araw pa. Ayaw sabihin." inis na sabi ni Pip. "May nangyari ba Ish?" tanong ko naman. "May nangyari? Anong nangyari?" takang tanong naman ni Caleb na mukhang nahimasmasan na. Napabuntong hininga naman si Ish at umiling. "H-hindi ko kasi pwedeng sabihin sa inyo guys." "Ha? Bakit naman?" tanong ko. "Nangako kasi ako sa kanya na wala akong pagsasabihan." "Sino ba kasi yun?" iritableng tanong ni Pip. "Ako bro, kahit naiinis ako sayo dahil pinaghintay mo ko kagabi, hindi ko pinakita yun sayo dahil mas lamang ang pag-aalala kong may mangyari sayo doon." "S-sorry talaga pre, di ko naman kasi in-expect na ganoon ang sitwasyon niya." "Who?" si Huck. Iiling iling si Ish na napayuko. Mukhang walang balak na sabihin ang totoo. "Si Wendy ba?" sabi ko at napatingin naman sila sakin maliban kay Ish na natigilan habang nakayuko parin. "Oo nga pala. Absent si Wendy ngayon di ba?" dagdag naman ni Sky. Nag-angat ng paningin si Ish at napabuntong hininga. "Oo, si Wendy ang pinuntahan ko kagabi." pag-amin niya at nagulat naman kami. "Pero hindi ko pwedeng sabihin kung anong nangyari. Kaya sorry talaga guys." Napabuntong hininga nalang ako. "Okay lang yan. Kailangan din nating irespeto ang pasya ni Wendy kung gusto niyang isarili ang nangyayari sa buhay niya." sabi ko. Nag-aya si Sky na pumunta sa canteen pero sina Caleb, Reign at Huck lang ang sumama sa kanya. Nagpaiwan ako kasama si Pip. Si Ish naman ay medyo malayo ang kinauupuan sa amin at halatang malalim ang iniisip. "Inaantok pa ako." mahinang sabi ni Pip na isinandal ang ulo sa balikat ko. "May 15 minutes pa naman, matulog ka muna." malambing na sabi ko at pinagpagan ng marahan ang hita ko para doon siya pahigain. Matamis naman siyang ngumiti at humiga sa sementong kinauupuan namin saka ginawang unan ang hita ko. "Gigisingin nalang kita kapag time na." sabi ko at tumango naman siya habang nakapikit. Napatitig ako sa maamong mukha niya. Nagiging kalmado ang pakiramdam ko kapag natititigan ko ang mukha niya ng ganoon kalapit. Kumilos ang kamay ko para haplosin ang ulo niya at sinuklay suklay iyon gamit ang mga daliri ko. Nang matapos ang break time ay niyugyog ko ang balikat ni Pip. Agad naman siyang bumangon. Nang tumayo siya ay inilahad niya ang kamay sa harap ko. Napangiti naman akong tinanggap iyon at nagpahila sa kanya pabalik sa building namin. Nang matapos ang lahat ng klase ay muli kaming nagpractice para sa performance namin next month. Meron nalang kaming two weeks para magpractice. Nabuo na namin ang sayaw, kailangan nalang naming ma-polish ang mga galaw namin at pagkakasabay-sabay. LUMIPAS ang dalawang linggo at kinabukasan na ang aming performance. Nakahanda na ang aking susuotin na pinatahi ni mommy sa isang tailoring shop sa isang mall. "Handa ka na ba for tomorrow, anak?" tanong ni Mommy. Napangiti akong tumango. "Galingan mo ha, manunuod ako." sabi pa niya. Kasama kasi sa mga audience ang mga parents namin kaya nakakakaba din. Pero muntik ko nang makalimutan ang araw na ito! "Mommy, I have to go. Birthday po kasi ngayon ni Pip." "Oh really? Pakisabi nalang sa kanya, happy birthday. Teka, may regalo ka na ba for him?" Malapad naman akong ngumiti at lumawak din ang pagngiti niya nang makita iyon. "Oh interesting...Sige na. Enjoy anak." aniya pa at inihatid ako palabas. "Bye, mommy." paalam ko at tuluyan nang lumabas sa gate. Sumakay lang ako ng tricycle papunta sa village ni Pip dahil sira daw ang motor niya at pinaayos niya pa sa talyer. "Kuya, sa tabi lang po!" sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Pip. "Ito po ang bayad." iniabot ko ang pera sa driver at naglakad na. "Ineng sukli mo!" tawag sakin ng driver. Haharap na sana ako pabalik nang bigla akong may mabunggong tao---taong grasa. "Ay sorry po." paumanhin ko. Pero hindi siya nagsalita at inilahad lang ang kamay sa akin. Napatingin ako sa kanya. Lalaking mahaba na ang buhok at balbas at halatang ilang buwan nang hindi naliligo dahil sa dumi ng katawan at mukha na hindi na makilala ang itsura. Napabuntong hininga akong nilapitan ang driver at kinuha ang sukli. Inabot ko iyon sa lalaki. Agad naman siyang ngumisi kaya natigilan ako. "Salamat, bata." aniya at naglakad paalis. Salamat, bata. Salamat, bata. Manahimik ka, bata! Ang boses na yun! Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla nalang iyong bumilis at malakas na tumibok. Bigla akong nakaramdam ng takot at hindi ko alam kung bakit. Ang boses na yun. Pamilyar ang boses na yun! Hindi ako nagkakamali. Unti unting naapektuhan ang paghinga ko dahil sa kaba at takot. Nakaalis na ang tricycle na sinakyan ko at nawala narin ang taong grasa. Tanging ako lang ang naroroon at nanginginig bigla ang buong katawan sa takot nang dahil lang sa pamilyar na boses na iyon. Hindi kaya...siya ang lalaking iyon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD