15

1726 Words
"R-RICO..." Agad na nilapitan ni mommy si Rico. "Anong meron at maraming tao dito?" salubong ang kilay na sabi ng lalaki. "It's Summer's birthday, nakalimutan mo na ba?" paliwanag naman ni mommy. "Kasama niya ngayon ang mga kaklase niya to celebrate. "At hindi mo man lang ako sinabihan?" pigil ang galit na sabi nito kaya nainis ako. "I-I thought your know..." nahihiyang sabi ni mommy. "Kahit naman alam ko. Noon hindi naman nagce-celebrate ang anak mong yan hindi ba. Parte ng pagre-rebelde niya." Nagtagis ang bagang ko at masamang tumingin sa kanya pero hindi niya ata nakikita yun dahil medyo madilim ang kinatatayuan ko. "Come on, hon. Hayaan nalang nating magcelebrate ngayon ang mga bata. Tayo na sa loob, may mga niluto ako." hinawakan ni mommy ang braso ng lalaki at pinipilit itong inaakay papasok sa loob. "Wag mong sabihing nagpakapagod ka kanina? I told you wag kang magpapagod dahil makakasama sa pinagbubuntis mo! Nananadya ka ba!" sigaw ni Rico kay mommy na may kasama pang amba. "Ayaw mong mapagod ang mommy ko pero gusto mong sinasaktan siya?" galit na paglapit ko sa kanila. Nakita kong nanlisik ang mata ni Rico pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kanya. "Summer!" pigil ni mommy sakin na umiiling. "Go to your friends, ako nang bahala sa tito Rico mo." aniya saka nakikiusap sa lalaki habang pilit na hinihila ito. Nagtagumpay man siya pero sakin parin nakatingin ang lalaki habang naglalakad papasok. "Pagsabihan mo yang anak mo, Sarina! Napakabastos!" narinig ko pang galit na sabi ng lalaki. "O-oo, hon. Bukas pagsasabihan ko. Hayaan mo nalang muna siya ngayon, please." Napabuntong hininga akong bumalik sa pwesto namin. "Sorry guys, nakita at narinig niyo pa iyon." paumanhin ko. "Okay lang iyon, Sum. Mag-enjoy nalang tayo ngayon." sabi ni Sky. Agad akong inakbayan ni Pip. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at pilit ngiti naman akong tumango. "Sanay naman ako sa ugali niya." "Tara na, inuman na guys." sabi ni Ish saka hinawakan ang bote ng alak at itinaas iyon. Isa-isa naming kinuha ang inumin namin kasama na si Reign na juice ang hawak. "Cheers!!!" sabay sabay na sabi namin bago ininom ang sariling mga inumin. "Happy birthday, Summer." bati ni Reign kasabay si Huck. "Happy birthday, Sum!" si Sky. "Happy kaarawan, Summer!" si Ish. "Happy birthday, beautiful." bati naman ni Pip na kumindat pa. "Thank you guys!" masayang sabi ko. Ilang oras kaming nagkwentuhan at nag-inuman. Tahimik sa paligid kaya mga boses lang namin ang tanging naririnig. "O Huck, inom pa! Ang hina mo naman." sabi ni Ish na namula na sa dami ng nainom pero mukhang hindi siya madaling malasing. "I can't drink that much. Ihahatid ko pa si Reign." sagot naman ni Huck na sinulyapan pa si Reign. "Oo nga pala." kamot sa ulong sabi ni Ish. "Teka, kayo na ba?" Natigilan naman si Huck at Reign. Nahiya bigla si Reign dahil nasa kanila ang mga paningin namin. Tumikhim si Huck. "H-Hindi...pa." "Eh ikaw, pre." sabat naman ni Pip kay Ish. "Kumusta na kayo ni Wendy. Pota, mas palagi mo nang kasam yun kesa samin ah." Napanguso naman si Ish at hindi nakasagot. "Kayo na ba nun?" tanong pa ni Pip. "H-hindi ah..." utal na sagot ni Ish. "Loko ka. Magkaibigan lang kami." "Ba't hindi mo pala sinama si Wendy, Ish?" tanong ko. "Gusto ko sana siyang imbitahin kaso wala naman akong number niya. Hindi ko rin siya friend sa FB." "Uhm, n-nahihiya ako eh." nasagot nalang niya. "Mahina ka pala eh!" pang-aasar ni Pip. "Ulol, porke nililigawan mo na si Summer eh. Wag mo ngang sagutin yan, Summer." Natawa nalang ako sa dalawa. Nagpatuloy ang inuman at kwentuhan. Halos maubos narin ang mga pagkaing nakahain doon. Kahit kaunti lang ang iniinom ko dahil binabantayan ako ni Pip, ay nararamdaman ko nang nag-iinit ang pisngi at katawan ko. "Okay kalang?" bulong ni Pip sakin. Napansin ata ako. "Wag ka nang uminom. Ito nalang juice oh." nagsalin siya sa baso ng juice at ibinigay iyon sakin. Gusto ko sanang tumanggi pero baka magalit siya kaya ngumuso nalang akong tinanggap iyon. Bilib din talaga ako rito kay Pip at Ish dahil napakalakas nila sa inuman. Habang si Caleb naman ay mukhang nakatulog na at nakasandal na ang ulo sa balikat ni Sky na pupungay-pupungay narin ang mata. Maya maya ay napatingin kami kay Ish na napatayo habang titig sa phone niya. "Bakit, pre?" tanong ni Pip. "Pahiram muna ng motor mo, Pip." sa halip ay na sabi ni Ish. "Ha? San ka pupunta?" "Basta, dito muna kayo. May pupuntahan lang ako." "Anong bang nangyari?" tanong muli ni Pip habang inaabot ang susi ng motor. "Basta, maya ko na ipapaliwanag. Babalik ako kaagad." Nagmadali siyang umalis at naiwan naman kaming nagtataka sa kung san siya pupunta. Ilang oras kaming naghintay sa kanya pero naubos na ang mga alak at pagkain ay hindi parin nakakabalik si Ish. "Sum, uuwi na kami. Makikisabay kina Huck at Reign." "Summer, thank you sa pag-invite samin ha." si Reign. "Sige thank you sa inyo. Ingat kayo ha. Sky, Reign, Huck kayo na bahala maghatid kay Caleb." "Ako na ang bahala sa kanya." si Huck. "Eh pano ka, Pip?" biglang tanong ni Sky. Maliit lang ang kotse ni Huck at kasya lang sa kanilang apat. "Loko talaga yun si Ish. Nakalimutan na ata akong balikan." "Nag-aalala tuloy ako. Baka kung ano nang nangyari don." sabi ko. "Tatawagan ko nalang." sabi ni Pip saka bumaling kina Sky. "Sige na, mauna na kayo guys. Hihintayin ko nalang si Ish." "Sige, mauna na kami, Sum." "Ingat kayo guys." sabi ko at pinanuod namin silang sumakay na sa kotse hanggang paandarin ni Huck iyon paalis. Bumalik kami ni Pip sa garden. "Hindi sumasagot..." sabi ni Pip habang nasa tenga parin ang phone niya. Kanina niya pang tinatawagan si Ish pero hindi niya ito ma-contact. Nilinis ko ang pwesto namin para hindi na mamroblema si mommy asikasuhin iyon. Si Pip naman ay tinulungan akong dalhin ang mga hugasin sa kusina at hinugasan iyon. "Kung dito ka na kaya matulog?" sabi ko nang matapos na kami ay wala parin si Ish. Nabigla naman siya sa sinabi ko saka umiling. "Hindi, babalik iyon. Hintayin ko nalang." "Okay." sabi ko at naupo sa sofa. Napansin kong nakatayo parin siya kaya hinila ko ang kamay niya kaya napaupo siya sa tabi ko. "Siguradong tulog na iyon sila mommy." sabi ko at napansin ko naman na natigilan siya. "M-Matulog kana, anong oras na. May pasok pa tayo bukas." sabi niya saka tumayo. "San ka pupunta?" Napatayo ako nang akma siyang lalabas. "Sa labas na lang ako maghihintay. Sige na isara mo itong pinto niyo." "Ha? Hindi, anong maghihintay? Baka mapano ka diyan sa labas." Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila papasok. Isinara ko ang malaking pintuan. "Tara sa kwarto ko. Doon nalang tayo maghintay." "S-Samarra..." aniya nang hilahin ko siya paakyat sa kwarto ko. Pero pinilit ko siya hanggang papasok sa loob. "A-anong gagawin natin dito?" utal muling aniya nang isara ko ang pinto ng kwartong iyon. "Dito nga tayo maghintay." sabi ko at umupo sa kama. "Dito ka." utos ko sa kanya nang nanatili lang siyang nakatayo. I saw he pursed his lips and still not moving. Kaya hinila ko ang kamay niya palapit sakin at pinaupo siya sa tabi ko. Napabuntong hininga siyang umiwas ng tingin sakin. "Ano kayang nangyari don sa Ish na yun?" takang tanong ko sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa ibaba. "E-ewan ko." pabalang na sagot niya at natawa naman ako dahil parang kinakabahan siya. "Ba't parang ayaw mo naman akong kausap." "H-huh?" sa wakas ay nilingon niya ako. Tinitigan ko ang mga mata niya. Katulad ko ay namumungay narin ang mga mata niya, hindi sa epekto ng alak kundi sa antok dahil malapit nang mag-alas dose. Pinagmasdan ko ang itsura niya habang nakatitig sakin. Ang pagkurap ng mga mata niya, ang pamumula ng pisngi at labi niya. Mas matagal na namalagi ang paningin ko sa labi niya dahil napakapula nun. Epekto marahil ng alak kaya naging mapula. Nang maghagip ng paningin ko ang paglunok niya ay napatingin ako sa mata niya at nagsalubong ang mga titig namin. Awtomatikong kumilos ang kamay ko at napahawak sa hita niya para tumukod at ilapit ang mukha sa kanya. "S-samarra..." pigil niya na hinawakan pa ang braso ko. "Lasing kana." Mahina akong tumawa pero hindi parin inilalayo ang mukha sa kanya. "Hindi ako lasing noh. Gusto lang talaga kitang halikan." pag-amin ko at bahagya naman siyang nagulat. Napabuntong hininga siya. "K-kapag hinalikan mo ko ngayon. Ibig sabihin sinasagot mo na ako." hamon niya at nabigla naman ako. Napangiti akong inilapit pa ang mukha ko hanggang iilang sentimentro nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Habang siya naman ay tila hinihintay lang ang gagawin ko. Maya maya ay napangisi ako. "Asa ka." sabi ko saka inilayo ang mukha sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Diyan ka muna. Maliligo lang ako." sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Agad akong dumeretso sa banyo at nagsipilyo saka naligo doon. Nang lumabas akong nakatapis ay naabutan ko siyang nagpipindot ng kanyang cellphone. Nag-angat siya ng tingin sakin nang marinig ang paglakad ko papuntang closet para kumuha doon ng mga damit. Agad siyang umiwas ng tingin nang makitang nakatapis lang ako ng tuwalya. "L-lalabas na muna ako." "Diyan ka lang, Pip." utos ko kaya natigilan siya sa akmang pagtayo. "Sa banyo ako magbibihis." nakangiting sabi ko at pumasok muli sa banyo at doon nagbihis. "Di parin sumasagot?" tanong ko nang makalabas ako at naabutan siyang may tinatawagan sa phone. Umiling siya at napabuntong hininga. Halatang pinipigilan niyang mainis kay Ish. "Baka gusto mong gumamit ng banyo." sabi ko na tinuro pa ang banyo. Tumango naman siya at nagtungo doon. Habang nasa loob siya ng banyo ay nagpapatuyo ako ng buhok. Saktong pagbukas ng pinto ng banyo ay nakaupo na ako sa kama ko at nakasandal sa headboard. "Inaantok ka na ba? Matulog kana, babantayan kita." sabi niya at umupo sa gilid ng kama at nakaharap sakin. "Pano ka? Maghihintay ka parin?" tanong ko pa at tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko. Napabuntong hininga ako. "Sige, good night." humiga na ako at siya naman ay ibinalot ang kumot sa akin. "Good night." nakangiting aniya habang nakahawak parin sa kamay ko. Mabilis akong dinalaw ng antok kaya nakatulog kaagad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD