BUMANGON si Pip at umunat-unat ng mga braso sa harap ko.
"Anong oras na ba?" tanong niyang siya rin ang tumingin sa relo para tingnan ang oras dahil nagkunwari akong busy sa pagsusulat. "Magi-8 am na pala. Nakatulog na ko't nagising lahat-lahat hindi mo parin natapos yan?" hindi makapaniwalang ani niya nang silipin ang gawa ko.
"Oh tapos na!" inis na sabi ko at ibinato sa mukha niya pero, mabilis niya itong nasambot, sayang.
"Sus, iilang sentences lang pala. Ngayon ka lang natapos dahil buong oras mo kong tinitigan no?"
Sumama ang mukha ko. "A-anong tinitigan? Nakita ko kasi may langaw na pumasok sa bibig mo!"
"Ano?" nanlalaking matang aniya. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa para asarin siya. "Weh, sinungaling!"
I gave him a serious look kaya naman bumalatay ang pamumutla niya. Pinipigilan ko talagang matawa sa itsura niya.
"S-seryoso?" pagkukumpirma niya at seryoso naman akong tumango.
"Aalisin ko na sana kaso nalunok mo yata."
Natawa na ako ng malakas nung ngumiwi siya at astang masusuka sa pandidiri.
"Samarra Merranda!!!" galit na sigaw niya pero iniwanan ko siya doon habang tatawa tawang nagtungo sa room namin.
Bukas na iyon at marami na akong kaklaseng nasa loob.
"Summer!" nilingon ko ang tumawag sakin mula sa likuran ko.
"Sky." nakangiting tawag ko sa kanya.
"Nakita ko kayo ni Pip. Anong nangyari don?" natatawang tanong niya at nagkibit balikat nalang ako saka nagpatiunang umupo sa seat ko na nasa gitna at malapit sa bintana.
Tumabi naman agad sakin si Sky at hinahanapan na naman ako ng kwento.
"Ano ngang nangyari?"
Napabuntong hininga ako habang inilalabas ang libro para sa unang subject namin sa umaga.
"Wala, sinabi ko kasing pinasukan siya ng langaw sa bibig niya dahil nakanganga siyang matulog."
"Totoo?" bulalas niya.
"Siyempre hindi." sabi ko naman at peke siyang tumawa habang binubuksan ang sariling bag.
"Sarap mong kausap e no?" sabi nito at tumahimik na din nang maalalang wala pa siyang assignment sa Science at nagmamadaling gawin iyon.
Maya maya ay pumasok si Pip kasama sina Ish at Caleb. Kaklase rin namin ang mga ito sa ABM habang si Huck at Reign naman ay nasa STEM.
Panay na ang tawa niya at mukhang nakalimutan ang pang-aasar ko sa kanya.
Pero akala ko lang yon, dahil nang makita niya ako ay agad sumama ang mukha niya at handa na sana akong komprontahin. Mabuti na lang dumating na si Sir Castro at agad kinolekta ang mga assignments namin.
"Mr. Lucero, labas!"
Nakasimangot na lumabas ng room si Ish at doon pina-squat.
Bumungis-ngis sina Pip at Caleb at sinilip sa labas ang kaibigan.
Ganoon ang parusa ni Sir Castro sa amin kapag wala kaming assignments.
Habang busy sa pagchi-check si Sir Castro ay panay ang pang-aasar nina Pip at Caleb kay Ish. Nasa malapit kasi sila ng pinto kung saan naandon sa gilid nakapwesto si Ish.
"Hoo." kunwari ay nagpunas ng pawis si Sky. "Muntikan na ko doon ah."
"Buti natapos mo." sabi ko.
"Oo naman, ako pa." aniya. Mas matalino siya kaysa sakin pero tamad nga lang mag-aral.
Maya maya napatingin ako sa pinto nang may pumasok na babaeng estudyanteng ngayon ko lang nakita.
"Sino siya?" tanong sakin ni Sky nang lingonin ito. Pati ang iba pa naming kaklase ay naagaw ang atensiyon niya kaya gumawa ng ingay iyon at makuha ang atensyon ni Sir Castro.
"Pasok ka, ija." utos ni Sir sa babae na agad naman nitong sinunod.
Tuluyang pumasok ang isang babaeng maganda, maputi at nakaponytail ang buhok. Curious namang sumilip doon si Ish at nakangangang tumitig sa babae.
"Class, she's a transferee." sabi ng guro at nilingon ang babae. "Introduce yourself, ija."
Blangko ang mukhang humarap sa amin ang babae.
"I'm Wendy. Nice to meet you." maikling pakilala niya. Halatang ayaw niyang magpakilala dahil hindi man lang siya ngumingiti.
"Your full name, ija." nakangiti ngunit istriktong ani Sir. Castro.
Napabuntong-hininga ang babae.
"I'm Arianna Wendell Arraullio, sir."
Gusto kong matawa sa itsura ni Sir Castro. Halatang pigil inis nitong isinenyas na maupo yung Wendy.
Doon siya naupo sa pinakahuli. Nang magtama ang paningin namin ay agad niyang iniwas iyon.
"Parang ang cold niya no?" narinig kong bulong ni Sky. "Pero mukhang may kalaban ka na sa pagandahan." dagdag pa niya at natawa naman ako.
Ako kasi ang muse ng room namin. Palaging ako ang binoboto nila dahil bukod doon ay isa ako sa mga modelo ng school.
Kung tutuusin ay mas maganda sakin si Wendy pero dahil sa cold aura niya ay natatakpan niyon ang tunay niyang ganda. Tuloy ay curious ako kung anong itsura niya kapag ngumiti.
Natapos ang dalawang subject at breaktime kaya tatayo na sana ako para sana lapitan si Wendy at yayain sa canteen pero bigla itong tumayo dala ang bag niya at lumabas ng room.
"Ang ilap niya, girl." anas ni Sky.
Napabuntong hininga na lang ako.
Niyaya ko na siyang lumabas at habang naglalakad sa hallway ay may biglang umakbay sakin.
"Akala mo ata, nakalimutan ko na ha." sabi ni Pip at agad naman akong ngumisi.
"Libre ko na snacks mo."
Agad akong pinakawalan ni Pip at malapad ang ngiting napatingin kay Caleb.
"Yown! Tara pre. Ililibre tayo ni Samarra!"
"Tang-ina mo, Pip! Wala na kong pera!" inis na sigaw ko at akmang susugurin siya pera agad nitong hinihila si Caleb patakbo.
"My treat!" pag-ako ni Sky.
"Yown, baka si olaf yan!" pang-aasar ni Caleb.
"I hate you!" sigaw ni Sky. "Wait, asan si Ish?"
"Nasa taas nagyo-yos---" natakpan ni Pip ang bibig ni Caleb at napatingin sa gawi namin.
Saka ko lang napansing may guro sa aming likuran.
"Wala yun, mam." nakangising sabi ni Pip saka hinila na palayo ang kaibigan.
"Mr. Alfonzo!" sigaw ni Mrs. Cruzat na hindi na nagawang mahabol ang dalawa.
Natawa na lang kami ni Sky at sinundan sila.
Agad kaming pumunta sa palagi naming pwesto. Hinagilap ko sina Pip at Caleb, nakita ko silang nagtatago sa gilid ng counter kaya kumaway ako sa kanila at sinenyas silang lumapit.
"Hindi ba sumunod si dragona?" tanong muna ni Caleb. At nang umiling si Sky ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.
"Uy, Sky, ikaw na ba manlilibre?" tanong ni Pip.
"Oo nga, tara samahan niyo ko."
"Hoy, Caleb, samahan mo si Sky oh." utos ni Pip.
"Ulol, ikaw lang naman nagpapalibre eh!"
"Sige na, bagay naman kayo eh."
"Eww!" bulalas ni Sky na ikinatawa ko.
"Pakyu ka, Pilipinas!" asik ni Caleb at tatawa-tawa naman siyang itinataboy ng kaibigan.
Naiwan kami ni Pip na parehong nakaupo at magkaharap.
"Pwede ba akong tumambay mamaya sa trabaho mo?" tanong kong nakapangalumbaba sa kanya.
Naningkit naman ang mga mata niya. "Sa Biscotti?"
Nakangiting tumango ko.
"Basta um-order ka ha?"
"Oo tubig." nakangising sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.
Maya maya ay dumating sina Caleb at Sky dala ang mga in-order nilang snacks.
Di nagtagal ay dumating din si Reign kasunod si Huck. Dumeretso sila sa counter at um-order ng kanila.
Huling dumating si Ish.
"Loko ka, Pip. Sinumbong mo ko kay dragona no?"
"Ulol, hindi ako. Itong si Caleb, ang ingay kasi, yun tuloy narinig ni dragona."
"Sinong dragona ba?" inosenteng singit ni Reign. Sa aming lahat siya ang pinakamahinahon magsalita. Iyon bang mala-Moira Dela Torre ang atake.
"Si Mrs. Cruzat." sabay naming sagot ni Sky.
"Oh eto ang sayo, Ish. Mas nakakabusog yan kesa sa yosi." ani Sky pagkaabot ng burger at juice kay Ish.
Nakanguso namang tinanggap yun ni Ish.
"Thank you, Olaf." sa halip magpasalamat ay nang-asar pa ito.
"Ugh, stop calling me that!"
"Bakit nga ba Olaf?" tanong naman ni Huck. This school year lang kasi nito naging kaibigan sina Pip.
"Tagalog ng cloud." sagot naman ni Caleb.
"Ahh." tatango-tango namang bulalas ni Reign na ikinabungisngis namin ni Pip habang si Sky ay naaasar ang mukha kay Ish.
Maya maya pa ay nagulat kami nang biglang mabilaukan si Ish habang kinakain ang burger.
"Mabibilaukan ka talaga pag libre." natatawang ani Caleb.
Sinundan namin kung saan siya nakatingin.
Ah, yung Wendy, pumasok sa canteen at bumili sa counter. Bago lumabas ay napatingin ito sa gawi namin kaya napayuko si Ish na akala mo ay nagtatago.
***