2

1267 Words
"HOY." mahinang sigaw ni Pip. Naroon kami sa coffee shop na pinagpa-part time niya at doon ako naki-tambay. "Kanina pang nakatingin sayo ang boss ko." Nilingon ko naman ang boss niyang lalaki at nginitian ito pero seryoso lang itong tumitig sakin. "Nagagandahan lang siguro sakin kaya ganon." biro ko pero sumama ang mukha niya. "20 minutes ka nang nakaupo diyan, um-order ka naman!" reklamo niya. Kunwari ay nagpupunas siya ng katabi kong table para hindi mahalata ng boss niyang kasama niya ako. "Edi sige. Waiter!" kunwari'y malakas na tawag ko sa kanya at peke naman siyang ngumiti at lumapit sakin. "Yes, Ma'am?" "Can I order some water, please." Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang inis at ako naman ay nagpipigil ng tawa. "Anything else, Ma'am?" pinanlakihan niya ako ng mata while gritting his teeth. Kunwari'y inosente naman akong umiling. "Oh nothing else, pakibilisan nalang please." matamis pang ngiti ko at wala naman siyang nagawa kundi ang umalis at tumungo sa loob ng counter at kumuha ng isang basong tubig. "Here's your water, ma'am." nakangiti ngunit tiim-bagang na ani Pip pagbalik dala ang kailangan ko. Ipinatong niya iyon sa harap ko. "Thank you, handsome." matamis na ngiting sabi ko. Umismid muna siya bago ako iniwanan. Ininom ko ang malamig na tubig. At nang lingonin ko ang boss niya ay salubong na ang kilay kaya naman muntikan kong maibuga ang tubig sa bibig ko. Agad akong umiwas ng tingin at inilapag ang baso saka nagkunwaring abala sa pagsusulat sa notebook. Sa tagal kong naghintay sa kanya, naubusan ako ng gagawin dahil sa bagot. Pati ang panunood ng youtube ay nakatulogan ko na at hindi namalayan ang oras. I groaned when I felt a hand pinched my cheek and then slightly slapped it thrice. "Summer, gising na." napabangon ako sa tawag ni Pip sakin. Saka ko lang napagtantong madilim na. "Anong oras na ba?" sabi kong humikab sa harap niya. "6 pm na. Off na ko." aniya at saka ko lang napansing nakapagpalit na siya ng damit. "Tara na." Tinulungan niya pa akong ilagay ang mga gamit ko sa bag bago kami tuluyang lumabas. "Nagalit ba ang boss mo?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kanto sa may sakayan ng jeep. Nagkibit-balikat naman siya at napabuntong hininga. "Sinabi ko nalang na girlfriend kita para hayaan ka nalang niya." "Ano?" gulat na singhal ko at natawa naman siya. Pinalo ko ang braso niya pero matigas yon kaya walang epekto. "A-anong girlfriend?" "Ibabawas niya nalang daw sa sahod ko." Natigilan tuloy ako sa paglalakad. "Seryoso?" naniniguro pang sabi ko. At tumango naman siya. "Bakit mo ginawa yun?" inis na sabi ko. "Mababawasan ang kita mo!" "Okay lang yon." inakbayan niya ako. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan na maging palaboy sa kalsada dahil lang ayaw mo pang umuwi sa inyo." Hindi ko magawang mainis dahil nangibabaw ang pagka-touch ko sa kanya. Hindi ko siya kaibigan dahil espesyal siya sa buhay ko. "Basta libre mo palagi meryenda ko ah?" nakangiti aniya at napatango naman ako. Nang may may dumaan na jeep ay halos punuan iyon kaya nagmadali kaming makapasok doon. Naunang maupo si Pip sa siksikan. Uupo na sana ako sa tabi niya nang biglang umandar ang jeep at mapaupo ako sa kandungan niya. Agad nanlaki ang mata ko habang si Pip naman ay mahinang napamura. "Pilipe!" inis na asik ko. Inosente naman siyang natatawa habang pilit akong binibigyan ng space. "Ba't ako? Si manong may kasalanan." reklamo niya. Napapahiya akong naupo roon at iniwasan ang mga tingin ng mga nakasakay doon. Nasa unahan ko si Pip kaya naman nakikita ko ang bawat reaksyon niya kahit nakatingin siya sa unahan. Nakalapat na ang mga labi niya at bahagyang namumula ang mga pisngi. Maya maya ay tumatama ang buhok ko sa mukha niya dahil sa hangin. "Y-yung buhok mo, Summer." mahinang bulong niyang sa unahan parin ang tingin. "Ha?" tanong kung inilapit pa ang mukha dahil hindi ko narinig. "Yung bu---" natigilan siya nang lumingon siya sa akin. Saka ko lang napansing sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi imposible iyon dahil para kaming sardinas na sa jeep na iyon. Umayos ako ng upo at hinawi ang mga buhok ko papuntang kaliwang side ko. Nang lingonin ko si Pip ay naabutan ko ang paglunok niya. Ang paningin ay sa leeg ko. Napatingin ako sa labas at nakita kong lumampas kami kaya pumara na ako. "Tara na." sabi ko kay Pip at lumabas ng jeep. Maya maya ay nilingon ko si Pip ng may pagtataka. "Bakit?" tanong ko at tumingin lang siya sa kamay niya---na hawak ko pa. Nahihiya akong binitawan iyon. "S-sorry." He chuckled. He suddenly bitten his lips to stifle a smile. "Sa shop kalang magpapanggap na girlfriend ko, Summer." nang-aasar na aniya. "Hindi pati sa labas." Natigilan ako pero nakabawi agad. "Siraulo, hindi no!" singhal ko. "Diyan ka na nga!" tinalikuran ko na siya pumasok sa village namin. Habang siya naman ay naririnig ko paring tumatawa. Nasa kabilang village ang bahay nito. Inis akong naglakad ng mabilis hanggang sa makarating ako sa bahay. Ganoong oras ay wala pa si Rico dahil minsan ay inaabot iyon ng hating gabi pag-uwi. Pagkapasok ko ng bahay ay bumalik ang itsura ko sa pagiging blangko. Ilang taon akong nagtitiis sa bahay na yon dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako. Hindi katulad sa school na malaya akong gawin ang gusto ko. Doon lang ako nagiging masaya at tumatawa. Pagdating ko sa bahay, back to reality ika nga. "Nakauwi kana pala, anak." sinalubong ako ni Mommy. Hindi ko naman siya sinagot at inilagay lang mga sapatos sa shoe rack na naandon. "I made you snacks. Kumain ka muna bago umakyat." "No thanks, I already ate outside." malamig na tugon ko bago naglakad papunta sa hagdanan. "W-wait." hinawakan niya ako sa braso para pigilan. Ngayon ko lang siya natingnan ng matagal. Nangingitim ang kanang pisngi niya at mugto ang mga mata. "Bakit ba palagi ka nalang ganto sakin, Summer?" Inalis ko lang ang pagkakahawak sa kanya at napabuntong hininga. "Please, tell me." pakiusap niya pero hindi ko na siya nilingon. Pinipigilan kong sumabog ang emosyon na naipon na sa katawan ko. "Ano bang nagawa kong mali sayo para ituring mo kong ganito? Hindi ka naman ganto nung bata ka ah." narinig kong umiiyak siya. Saka ko lang siya nilingon at napangisi. "Of course, that was the time I didn't know what's happening in our family." nagsimulang mangilid ang luha ko sa pagkimkim ng galit. "Lumaki akong paiba-iba ang itinuturing kong ama, sinong matutuwa don ha?" "You don't understand..." pahagulgol na aniya at natawa naman ako. "Hindi ko naiintindihan? Sige, mommy, ipaintindi mo sakin! Ano ba iyong hindi ko naiintindihan? Bakit tayo iniwan ng daddy?" Hindi siya sumagot at tinakpan lang ang mukhang lumuluha habang paulit-ulit na umiiling. "See?" inis na sabi ko. "Eh hindi niyo nga masabi sakin ang totoong dahilan kung bakit iniwan tayo ni Daddy. Pero alam ko naman eh." Napatingin siya sakin. "Kahit hindi mo sabihin sakin, alam ko kung anong kasalanan mo kay Daddy, mom." "Samarra!" pigil na sigaw niya pero hindi ako nagpatinag. "Dahil may iba kang lalaki hindi ba? Nanlalaki ka---" Napahawak ako sa pisngi ko nang dumapo doon ang malakas niyang sampal. Pero ininda ko ang sakit niyon at naluluhang masamang tumingin sa kanya. "I---" Agad ko siyang tinalikuran at patakbong inakyat ang hagdan hanggang marating ko ang kwarto ko at isinara yon at ni-lock. Naupo ako sa aking kama at tumingala para pigilan ang pagbuhos ng mga luha. Iyon ang unang beses na nagkasagutan kami ni mommy. Iyon din ang unang beses na masampal niya ako. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD