"PAKOPYA sa BM(Business Math)."
Hindi ko pinansin si Pip kinaumagahan pagpasok ko sa school. As usual siya na naman ang nauna doon para maglinis ng school.
Hindi maganda ang tulog ko kagabi dahil sa nangyari kaya badmood ako.
Dumeretso uli ako sa Gazebo at doon walang ganang inilapag ang mga gamit.
"Hoy, ayos kalang?" pangungulit niya na sinundan pa ko kahit hindi niya pa tapos ang ginagawa niya. "Mas badtrip ka yata ngayong araw. Anong nangyari?"
Napabuntong hininga lang ako at napasandig sa upuang kahoy.
"Pakopya."
Gulat man nang dumungaw siya mula sa likuran ko ay hindi parin ako natinag. Wala talaga ako sa mood ngayon.
"Wala akong assignment."
"Ikaw pa mawalan ng assignment!" hindi naniniwalang aniya.
"Nag-away kami ni mommy." pag-amin ko.
Natahimik naman agad siya at lumipat sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko at matamang tumitig sakin.
"S-sinampal niya ako." nanlabo ang paningin ko nang may mamuong luha sa mata ko.
Napabuntong hininga siya. Sa itsura niya at hindi niya alam ang gagawin, siguro ay gusto niya akong pakalmahin. Kumikibot ang labi niya at parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi.
Maya maya ay mas inilapit niya ang sarili sa akin. Hanggang hawakan niya ang kamay ko at hilahin iyon para mayakap ako.
Walang nagsalita sa amin. Ilang sandali kaming nakayakap sa isa't isa at tanging paghikbi ko lang at t***k ng puso niya ang naririnig ko.
"Tama na nga." natatawang sabi ko at bumitaw sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.
"Okay kana ba?" aniyang titig parin sakin.
"Mm, may calming power ata yung yakap mo eh." biro ko at napangiti naman siya.
"Siyempre, ako pa!" proud na aniya saka finlex and muscles niya. Natawa ako.
"Gagawin ko na assignment ko. Maglinis kana ron."
Tumayo naman siya. "Pakopya ako ah."
Umikot ang mata ko. Parang hindi naman ako sanay. "Oo na. Iiwan mo notebook mo, ako na gagawa."
"Yown! Arigato!" lumabas na siya sa gazebo at bumalik sa trabaho niya.
Kahit papano ay kumalma ako kaya pinilit kong gawin ang assignment namin.
Bago pa siya makabalik ay tapos ko na ng sulatan ang notebook niya kaya pinatulog ko na lang siya.
Sinadya niya pang takpan ng notebook ang mukha niya kaya sumimangot ako. Hindi ko na siya matititigan.
Dahil wala akong magawa ay kinuha ko nalang ang phone ko at pinicturan siya.
Nang mabored ako ay nag-music ako. Pero dahil sa nakakaantok na music ay di ko namalayang nakatulog pala ako.
Ilang minuto ang lumipas. Nakarinig ako ng sound ng camera kaya napaigtad ako.
Ang sumunod na nangyari ay ang naramdaman kong paghawak sa itaas ng dibdib ko kaya dahan dahan akong napamulat.
Kumurap-kurap ako nang makita ko sa harapan ko si Pip. Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kamay niya----na nakahawak sa dibdib ko!
Marahas na umiling si Pip na parang sinasabing mali ang iniisip ko saka agad na binitawan ako.
Nanlaki ang mata ko at galit na sinugod siya.
"Pilipe!"
"Aray!" Hiyaw niya nang kurutin ko. "Hindi ko sinasadya yon, okay?"
"Anong hindi?! Bakit nasa dibdib ko ang kamay mo ha?!" inis na sigaw ko at sinugod ulit siya pero nakatakbo na siya palayo.
"Mahuhulog ka kasi!" aniyang natigilan ako dahil mukha naman siyang seryoso.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" paniniguro ko.
"Summer naman! Parang hindi mo naman ako kilala. Hindi ako manyakol no!"
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Saka..." hirit pa niya. "Magpapaalam naman ako sayo pagnagkataon eh." kinagat niya pa ang labi niya para pigilang matawa.
Inis akong binato siya ng sapatos ko at mas lalo lang akong nainis nung masambot niya iyon.
Galit akong binato muli sa kanya ang kapares na sapatos ko pero muli niya iyong nasambot.
"Grr. Philipp!" padabog na sabi ko at mas lalo siyang natawa.
Itinaas niya ang dalawa kong sapatos at lumapit.
"Sige na. Sorry na. Wag ka nang magalit. Kahit hindi ko sinasadya yun sige, sorry parin." sabi niya at iniluhod ang isang binti sa damuhan. "Isuot mo na to at baka madumihan ang mga medyas mo. Tsk, Cinderella na sana sa kagandahan, kaso ba't ang laki ng paa mo?"
Sumama ang mukha ko at galit na padabog na naglakad pabalik sa gazebo.
Pero bago pa man ako makarating ay bigla niya akong binuhat. Iyon bang buhat nung ikinakasal. Dinala niya ako papasok sa gazebo.
"I-ibaba mo ko, Pip!" inis na sabi ko pero hindi siya nakinig hanggang maiupo niya ako sa upuan.
Agad ko siyang pinalo at nahihiyang tumingin sa paligid.
"Nababaliw ka na ba?" singhal ko.
"Sa'yo?" sagot niya na ikinatigil ko. "Hindi pa naman." isinuot na niya ang sapatos ko. "Pero malapit na."
Gulat akong napatingin sa kanya nang bitiwan niya ang salitang iyon. Pero hindi siya nakatingin sakin dahil sa sapatos ko parin ang paningin niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Biglang naging tahimik ang paligid at ako naman ay hindi na nakapagsalita. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon kaya napapalunok akong nag-iwas ng tingin lalo na nang tumayo na siya. Awkward!
"Aga-aga, LQ!" napalingon ako sa paparating na si Sky. Meron nang mangilan-ngilang estudyanteng pumapasok. "OMG kayo, rinig na rinig doon sa malayo ang sigawan niyo."
Umupo siya sa tabi ko at napatitig sakin.
"Hoy! Anyare sayo, te?"
"H-ha? Wala naman, bakit?"
Naningkit ang mga mata niya at tinantya ako. Hanggang sa umiling siya. "Never mind. Teka, may assignment kana sa BM?"
"O-oo kanina ko lang natapos." sabi ko at pasimpleng nilingon si Pip. Nakatalikod ito samin.
"Oh Philipp, anong ginagawa mo dyan?" napansin rin pala ito ni Sky.
"A-ah, n-nagmememorize!" sagot ni Pip at gusto kong matawa dahil hindi totoo yon."
"Wow ha, ngayon lang kita nakitang nagmememorize."
Tumayo nalang ako at kinuha ang bag ko.
"Tara na, Sky." sabi ko at hinila siya palabas.
"Aray ko, ba't ka ba nagmamadali?"
Napabuntong hininga na lang akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room namin.
Ilang minuto kaming naghintay ng guro habang si Sky ay hinahabol ang assignment niya. Panay ang tanong at daldal niya pero hindi ko yon maintindihan dahil wala doon ang diwa ko.
Nakatingin ako sa labas ng bintana at malalim ang iniisip. Hindi na naalis sa isip ko yung sinabi ni Pip.
Nagtatanong ang isip ko kung totoo ba iyon o isa na naman iyong biro mula sa kanya.
Napabuntong hininga ako. Pero natigilan ako nung magawi ang paningin ko sa circle na nasa tapat ng building namin. Nakaupo doon si Pip habang kausap sina Huck at Caleb.
Kahit iniwas ko na ang paningin ko ay parang may magnet na humihila sa paningin ko sa kanya.
Natunghayan ko ang pagtawa niya habang nagsasalita. Hanggang sa itinuro niya ang daliri sa gawi ng building namin na parang may sinasabi siyang nakakatawa.
Hanggang sa tumingin na nga siya sa gawi ko at magkasalubong ang paningin. Ang malawak na ngiti niya'y unti unting nabawasan at natigilan sa pagsasalita.
Ilang segundo kaming nagkatitigan. Dahil malayo ay nakayanan kong tagalan iyon.
Maya maya ay tinapik siya ni Caleb sa braso kaya nawala ang paningin niya sakin at kamot kamot ang ulong kinausap ang mga kaibigan.
Napabuntong hininga akong umayos ng upo at nilingon si Sky, na kanina pa palang nakatingin sakin at sa tinitingnan ko.
Uh-oh.
***