MABUTI na lang at dumating si sir Castro. Natakasan ko ang mapanuksong tingin ni Sky.
"Ms. Merranda."
Napatayo ako nang tawagin ako ni Sir Castro. "Sir?"
"Go to the auditorium. Pinapatawag kayo para sa pictorial." aniya. "Excuse ka muna for today."
"Sige po sir." sabi ko at lumabas ng room.
"Summer."
Natigil ako sa paglalakad sa hallway at nilingon ang tumawag sakin.
"Reign." hinintay ko siyang makalapit sakin. Isa rin siyang modelo ng school banner. "Tara, sabay tayo." nakangiting sabi ko.
Sabay kaming nagtungo ng auditorium at naabutan namin ang ilang mga estudyanteng katulad din naming school models.
Simula grade 7 hanggang grade 12 ang may mga representative. Kumpara sa grade 7,8,9 at 10 na tig-isa lang, mas marami ang modelo ng senior high dahil iba't ibang modelo bawat strands.
Dahil by grade ang pagkuha ng litrato. Naunang magpapicture ang grade 7. Kaya kaming mga senior ang huli.
Habang naghihintay ay may nag-aayos at nagmi-make up samin na kapwa rin namin students. Sila yong mga magagaling sa beauty care strand ng TVL track.
"Ang ganda mo, Summer." puri ni Reign sakin.
Napangiti naman ako at tiningnan ang ayos niya. "Mas maganda ka no." sabi ko at nahiya naman siya. Sa aming dalawa siya yung hindi palaging nagmi-make up. Di katulad ko na palaging may baon na press powder at liptint.
Magkaiba rin kami ng ganda dahil maamo ang mukha niya na parang si Francine Diaz. Habang ako naman ay si Andrea Brilliantes ang awra.
"Seniors, magready na!"
Agad kaming lumapit ni Reign sa pwesto ng pictorial at doon pumila.
Isa-isa kaming kinunan ng litrato na gagamitin daw sa banner na ipapaskil sa labas ng school at ia-advertise sa website at social media ng school.
Natapos ang pictorial ay saktong breaktime na kaya dumeretso kami ni Reign sa Canteen.
Pero di namin inaasahan ang naabutan namin.
"Anong nangyari?" mahinang bulalas ni Reign.
Gulat kaming nakitang nakaupo si Wendy sa sahig. Mukhang nadapa o natumba ito dahil nagkalat ang tray, plato at pagkain sa tabi niya. Pinalibutan na siya ng mga tao doon at gumagawa ng ingay.
Lalapitan ko na sana siya para tulungan nang maunahan ako ni Ish at tinulungan siyang tumayo. Madilim ang mukha ni Wendy na nanatiling nakatayo.
Maya maya ay lumapit siya sa grupo ng mga babae. Saka ko lang napansing kanina pa bumubungisngis ang mga ito at natigilan lang nung lumapit si Wendy.
"Bakit mo ko pinatid?" salubong ang kilay na tanong niya sa babaeng mukhang maarte. Nakikita ko ito sa HUMSS. Ngayon palang ay nagtataka akong ba't yun ang strand niya.
"As if I did it on purpose." pairap na sagot nito at tumawa naman ang dalawa nitong kasama.
"I saw you tripped me! Tinawanan niyo pa ko pagkatapos." pigil ang galit na turan ni Wendy.
"And so what kung sinadya ko yun? Gagantihan mo ko?" hamon ng babae kaya nagulat kami nang hablutin ni Wendy sa kwelyo ang babae.
"Oh my God." bulalas ni Reign at natakpan ang bibig.
Aawatin ko na sana sila pero naunahan na naman ako ni Ish.
Magkakilala ba sila?
Hinawakan niya ang braso ni Wendy pero hindi siya nito pinansin at nanlilisik ang matang tumitig sa babae.
"W-what are you going to do?" sinikap pa nitong maging matapang kahit na ang mukha nito ay takot sa kanya. "A-are you gonna hurt me? Are you gonna kill me too? Like your father?"
Natigilan kami nang marinig iyon. Pati si Wendy ay nawala ang blangko ng mukha at gulat na napatingin sa babae.
A smirk formed on that girl's face. Kaya agad na napuno ng bulungan sa lugar na iyon.
"Ano bang sinasabi mo diyan, Lyn?" inis na tanong ni Ish. Mukhang kilala niya rin ang babae.
"Oh hindi mo pa pala alam? Di niya ba nasabi sayo?" sagot ng babae at taka namang napatingin si Ish kay Wendy. "Hindi niyo pa ba alam na itong babaeng to ay anak ng isang killer!!!"
Natakpan ko ang bibig ko at lahat kami ay nagulat.
Biglang lumayo ang ibang mga estudyante at takot ang itsurang nakatingin kay Wendy.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng awa kay Wendy. Naniniwala akong hindi niya kasalanan kung totoo mang nakapatay ang ama niya.
Pati si Ish ay natahimik. Nag-angat ng tingin si Wendy at kay Ish iyon sumalubong. Nanatiling nakahawak ang mga kamay nito sa kwelyo ng babae pero nanginginig na ang mga iyon.
"Pano mo naman nasabing anak siya ng killer? Kilala mo ba siya?" hindi na ako nakapagtiis at lumapit sa kanila.
Tumaas ang kilay ng babae at pekeng ngumiti.
"Noong una hindi. Pero dahil pamilyar ang mukha niya pati ang apelyedo niya, doon ko nalaman na nakita ko siya noon sa TV." anito saka matapang na tumingin kay Wendy. "Iyon yung maaresto ang daddy niya for murdering his own wife!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Mas lalong umingay ang lugar na iyon pero ang mas napansin ko ay ang matinding pagnginig ng kamay ni Wendy. Nakayuko na siya at hindi ko makita ang reaksyon niya.
"Nakita ko siyang nahagip sa camera at umiiyak kaya naging pamilyar siya---"
"Tama na!!!" dumagundong doon ang sigaw ni Wendy na nagpatahimik sa aming lahat. Naghalo ang pag-aapoy ng mga mata niya at pagtulo ng mga luha doon. "Isang salita mo pa, paglalamayan ka na."
Pagkatapos niyon ay binitawan ni Wendy ang babae saka mabilis na naglakad palabas ng canteen.
Maya maya ay sumunod si Ish at hinabol siya.
"Ish!" tawag ni Caleb pero wala na ito kaya napabuntong hininga na lang siya.
"Hoo! What a show." si Sky. Saka ko lang napansing nandoon na silang lahat.
"O tapos na ang palabas." malakas na sabi ni Pip nang hindi parin umaalis ang mga tao roon. Lumapit naman siya doon sa babae. "At ikaw, wag kang gumawa ng eksena dito. Hindi to He's into Her, ha?"
Maarteng umirap ang Lyn na iyon at niyayang lumabas ang mga kasama.
"Grabe, ngayon lang nangyaring may ganyan." sabi ni Sky nung magsimula na kaming kumain.
"Anong ngayon lang, matagal nang may bullies dito, no!" sabat ni Caleb at inikutan siya ng mata ni Sky.
"What I mean is, tapos na ang bully era. Dahil may batas na tayo ngayon di ba? Bawal nang manakit ng kapwa estudyante ngayon, makukulong ka."
"Naku, malabong wala nang mga bullies!" singit ni Pip. "Yung iba diyan, patago kung tumira."
Sumang-ayon naman ako. Alam kung meron parin talagang mga bully sa school. Hindi lamang ng mga ito pinapakita sa lahat para makaiwas sa batas.
"Kilala ba ni Ish si Wendy?" curious na tanong ko kay Pip na kumibit balikat lang.
"Parating wala si Ish, siguro sila ang parating magkasama."
"Nakakaawa si Wendy." malunggkot na ani Sky.
"True." sabi naman ni Reign.
"Kaya pala ganoon ang personality niya." Napabuntong hininga ako.
"Napansin mo rin pala yon?" ani Caleb. "Nakausap ko siya once, para siyang bato. Hindi nagsasalita. Wala ding reaksiyon ang mukha."
"Hindi natin siya masisi kung ganoon siya." mahinahong sabi ni Reign. "Ang lungkot ng nangyari sa pamilya nila. Namatay ang mommy niya, at ang killer ay sarili niyang ama. Kung ako yun ay madi-dipress ako at hindi na makakapasok sa school."
"Curious lang din ako," si Sky. "Kaya ba siyang nagtransfer dito sa school natin ay dahil binubully siya doon sa dati niyang school?"
"Malamang sa malamang!" pagsang-ayon ni Pip.
Dahil sa pagchi-chismis namin ay hindi namin namalayang natapos ang oras ng breaktime.
Nagmadali agad kaming bumalik sa room at nagulat akong naroon na si Wendy.
Bumilib ako sa katatagan niya dahil nakakayanan niya paring pumasok kahit na ganoon ang pinagdadaanan niya.
Kung ako iyon ay nag-cutting na ako sa klase.
***