5

1506 Words
"GUYS, sa gymnasium daw tayong lahat. Now na!" anang class president namin na si Hilton. "Sir Gibson is waiting!" Si sir Gibson ang P.E teacher at last subject namin tuwing biyernes. Wala kaming idea kung bakit doon kami pinapupunta at nagtaka nalang ako nang maraming estudyante ang sumabay samin papunta sa gymnasium. Nang makarating kami ay naroon ang lahat ng P.E teacher ng school. Agad kaming naupo doon at agad ding nagsimula ang mga teacher. "Students, makinig kayong lahat. We, your Physical Education instructors will have joint special project for you. For your last performance task this semester, you will have a group performance." "Buong grade 11 ang mape-perform sa gymnasium at bawat representative ng strand ay bubunot ng kanilang magiging performance. The categories are drama, singing, at dance na mahahati sa sub-categories na hiphop, ballroom at interpretative." "Kelan gaganapin? Next month. You have 3 weeks to prepare and pratice. At dapat ninyong seryosohin at gandahan ang mga performances niyo dahil meron tayong mga bisita kaya gusto kong ipakita niyo sa kanila that our school has the best and talented students among others. Makakaasa ba kami sa inyo?" "Opo!!!" sabay sabay na sigaw ng nga estudyante. "That's good. Kapag nagawa niyong maganda lahat ng performances niyo, we give you the base score of 95 for the entire semester at iaadd nalang ang iba pa ninyong written performances. Okay ba yun?!" "Okay na okay po!!!" "Good good. To all the presidents of each class, come and join us." At lahat nga ng presidente ng klase ay pumunta sa stage kasama ng mga guro. Pinabunot ang mga ito isa-isa ng papel na nasa bowl. Nang makabunot ang lahat ay isa isa rin nitong inanunsyo ang performance ng bawat strand. "For STEM strand, drama." Naghiyawan ang klase nina Reign. "For HUMSS, hiphop dance." "For ABM, ballroom dance." sumimangot ako nung iyon ang napili ng strand namin. Mas gusto ko pang kumanta nalang kaysa sumayaw. Lalo na Ballroom? Gosh, ang hirap non. Sunod namang inanunsyo ang TVL na nakakuha ng singing at sa GAS ang interpretative dance. "That's all guys, thank you for your cooperation. You may go home now." Umingay ang buong gymnasium nang nagsilabasan ang mga estudyante. Pinili kong magpaiwan muna dahil ayukong makipagsiksikan. "Awit! Ballroom?" bulalas ni Pip na nasa likuran ko. Nagpangalumbaba siya sa sandalan ko at dinungaw ako. "Okay lang sayo yun?" "Syempre hindi. Pero anong choice natin?" kibit balikat na sabi ko. "Tang-inang yan, hiphop gusto ko eh!" reklamo niya. "Mr. Alfonzo!" Gulat kaming napatingin kay sir Gibson. Andoon pa pala ang mga teacher. Napapahiya namang nagtago si Pip na tinawanan namin ni Sky at Caleb. "S-sorry po, sir." Maya maya ay bigla akong kinudlit ni Sky. "Hm?" takang tanong ko sa kanya. Inginuso niya si Ish na animo'y tulalang nakapangalumbaba at nakatitig kay Wendy na blangkong nakatingin lang sa unahan. Napansin din iyon nina Pip at Caleb kaya naman biglang bumulong si Caleb dito pero rinig namin. "Ganda no?" "Sobra..." Nagulat kaming lahat kaya nung marealize ni Ish ang sinabi ay umayos ito ng upo at sumama ang tingin kina Caleb. "Baliw kana, pre." pang-aasar ni Pip. "Gago!" namumulang sabi ni Ish at tumayo. "T-tara na nga!" Nang umalis ang mga lalaki ay lumapit ako kay Wendy. Nakangiti akong inilahad ang kamay sa kanya. "Hi, ikaw si Wendy di ba?" Nag-angat siya ng tingin sakin. Ilang segundo bago siya tumango ng wala man lang nagbago sa itsura niya. "Ilang araw ko nang gustong magpakilala sa iyo. Ako nga pala si Samarra, summer na lang. Sana maging friends tayo balang araw." Ilang sandali akong naghintay sa kanya at nagkatinginan pa kami ni Sky dahil akala ko ay babaliwalain niya iyon. Pero tumayo siya at dahan dahang kinuha ang kamay. "W-wendy..." mahinang sabi niya at napangiti naman ako. "Ako naman si Sky, nice to meet you!" masayang pakilala ni Sky. Binitawan niya ako at inabot ang kamay ni Sky. Nabigla ako nung ngumiti siya ng kaunti. Sabay kaming lumabas ng gymnasium hanggang sa paglabas ng gate ng school. Naabutan naming naghihintay doon ang mga boys. Nagkahiwalay kami dahil iba-iba ang ruta namin pauwi. Si Wendy ang unang umalis na sinundan naman ni Ish. Si Sky naman ay naiinis kay Caleb dahil ayaw nitong kasabay ang lalaki sa paglalakad. Kami naman ni Pip ay dumeretso sa tinatrabahuan niyang coffee shop. Nakita ko na naman ang salubong na kilay ng boss niya. Nang bumili ako ng milk tea ay saka lang nag-aliwalas ang mukha nito. Lihim lang akong umismid nung tinapunan niya ako ng ngiti. Buraot! Ilang oras na naman ang hinintay ko doon. Ilang videos na sa youtube ang pinanood ko at pagnagbabasa naman ako ay inaantok ako. "Oh my gosh, he's so cute!" Napakunot-noo akong nilingon ang mga babaeng nasa katabing table ko. Nakatingin sila kay Pip na abalang kumukuha ng order nung ibang customer sa gilid. "And he's damn hot!" Nakaramdam ako ng inis sa mga ito. Mga college student na sila base sa mga suot nilang uniform. Tatlo silang pinagpapantasyahan si Pip kaya kumukulo ang dugo ko at hindi ko iyon maintindihan. "Call him." "Why?" "Ask his number." "Oh, oo nga no?" Natigilan ako doon at nag-aalalang tinanaw si Pip. Hindi ka pwedeng lumapit sa kanila! "Waiter!" halos umikot ang mata ko pagkarinig sa maarteng boses ng babae. At talagang ginandahan pa ang ngiti habang sinesenyas si Pip na lumapit. Inosente namang lumapit si Pip sa kanila. "Yes ma'am?" at talagang ngumiti pa! Sobrang gwapo niya kaya kapag kita ang biloy niya! "Uhm, hi, my name is Cloe!" sabay lahad nito ng kamay sa lalaki. Taka man ay tinanggap iyon ni Pip. Nagtagis ang bagang ko nang kitang kita kong hinahaplos ng hinlalaking daliri ng babae ang kamay niya! "Philipp." ngiting pakilala naman ni Pip. "Oh, such a nice name." malanding ani ng babae. At talagang hindi pa nito binitawan ang kamay ng lalaki. Maya maya pa ay tumayo ang dalawang kasama nito at nakipagkilala din. "Hello, I'm Messy." "And I'm Jody. By the way, you look so hot!" walang hiyang complement naman ng isa kaya naman nahihiyang ngumiti itong si Pip at napakamot sa ulo. "T-thank you, ma'am. May order pa po ba kayo?" Sumingit muli ang isang nagngangalang Cloe at hinawakan ang braso ni Pip na ikinabigla nito. "Yeah, can I have your number, please?" Natigilan si Pip at ako naman ay nahigpitan ang hawak sa milk tea ko sa gigil ko sa babaeng to. Masasambunutan ko to! "Oh s-sorry ma'am, it's not included in our menu." pabirong tanggi ni Pip at lihim akong nagbunyi. Good boy! "Silly!" malandi paring sabi ng babae at mas lalong hinigpitan ang hawak sa braso ni Pip. "Sige na please. I just want to be friends with you." Napabuntong hininga naman si Pip. Akma na itong magsusulat sa dala niyang papel. Sa tindi ng panggigil ko ay hindi ko namalayang nakuyumos ko na ang milk tea ko hanggang sa mag-apaw yon at dumaloy mula sa mesa hanggang sa damit ko! "s**t!" gulat na sigaw kong napatayo pa at lumayo sa tumutulong milk tea. Napasinghap ako sa lamig niyon na bumasa sa damit ko. Nagdulot pa iyon ng mantsa sa uniform ko. Pero mas ikinatuwa ko yata yun dahil nakuha nila ang atensyon ko lalo na si Pip na patakbong lumapit sakin. "Summer anong nangyari?" nag-aalalang sabi niya at naipakita ko lang ang damit kong basa ng milk tea. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghubad niya ng suot niyang tshirt na may logo ng coffee shop nila. Narinig ko pa ang mahinang 'oh' ng mga haliparot na babaeng iyon. Mabilis niyang pinunasan ang damit ko gamit yon. Napakagat labi nalang ako hindi dahil sa nakita kong abs niya---pero medyo lang---kundi dahil nakita ng mga babaeng iyon kung gano kaganda at katakam takam ang katawan niya! Masama akong tumingin sa kanya at wala sa sariling pinalo ang braso niya sa inis. "Bakit?" takang tanong niya. Hindi naman ako nakasagot at inis lang siyang tiningnan. "OMG, is she his girlfriend?" di makapaniwalang sabi nung Cloe at napangisi ako dahil doon. "Nakakahiya ka girl." bulong pa nung isa. "Ano bang nginingisi mo diyan?" natigilan tuloy ako nung tingnan ako ni Pip. "Halika, may cr dito. Mag palit ka." sabi niya at bahagyang niyakap ako para alalayan papunta sa cr ng shop. "Pero wala akong extrang damit." sabi ko nang makapasok sa cr. Iniwan niya muna ako saglit. Pagbalik niya ay may dala siyang tshirt na kulay grey. Natural na may dala siyang extrang shirt dahil nagtatrabaho siya. "Oh." inabot niya yun sakin. "Labhan mo yan bago mo ibalik sakin ah?" Napangisi naman ako. "Pwede arbor nalang to?" "Ha?" gulat na aniya. "Oh sige, sayo na yan. Bilhan mo na lang ako bago." Umismid na lang ako at isinara ang pinto ng banyo. Napatitig ako sa hawak kong damit niya. Kusang ngumingiti ang mga labi ko habang tinititigan iyon. Inamoy amoy ko pa talaga iyon bago isuot. Napabuntong hininga ako. Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang t***k niyon. Kelangan ko na yatang ipatingin itong puso ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD