Nang bumalik kami sa aking kwarto, at pumunta sa isang silid na para sa aking paghahanda mamaya. Nakita ko ang mga tao na nag-aayos na ng mga gamit para ayusan ako.
"Miss Elizabeth, nandito na po ang mga gowns na nais niyong isuot. Kayo na lang po ang pumili kung anong gusto niyo," saad ng stylist.
"Miss Elizabeth, pagkatapos niyong kumain ng tanghalian ay maaari na raw po kayong make up-an," saad naman ng katulong.
Para ata akong mahihilo sa pagka-busy ng mga tao sa paligid ko.
"Ah haha, sandali lang po. Gagawa agad ako ng schedule para sa mga gagawin ni Elizabeth bago ang party. Okay, haha. Ito na po, wait lang kayo ha," humarang si Esmeralda para kausapin ang mga tao na nasa loob ng silid na ito, at agad na naglista ng mga gagawin ko.
"Pasensya na po, hehe," saad ko saka sumunod kay Esmeralda.
Tiningnan ko siya habang nagsusulat.
"Oh heto. So ngayon, pipili ka muna ng mga isusuot mong gowns," saad niya.
"Hindi ba pwedeng isang gown lang?" tanong ko.
"Miss Elizabeth, ang sabi po ng Papá niyo ay maaari niyo lang suotin ang kahit at least 3 gowns sa mga ito," saad naman ng stylist. Bumagsak ang balikat ko. Pakiramdam ko ay nakakapagod suotin ang mga iyon.
"Pagkatapos, rereviewhin mo ang mismong program kasama ang host para alam mo syempre ang gagawin mo. Alam mo na 'to, irereview mo lang ulit," saad ni Esme.
"Then, kakain ka ng early lunch mo. Sunod ay maliligo ka na't mamake up-an at aayusan ng buhok," tuloy niya saka tinapos na pagbabasa roon.
"Mamaya ko na ulit sasabihin kung anong sunod kapag natanong ko na sa mga organizers. Don't worry, igotchu! (I got you)" saad niya sa'kin. Tumawa ako.
Napakaswerte ko dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni Esmeralda.
Masaya akong nagtungo sa may closet para tingnan kung anong gowns ang gusto kong suotin. Pinili ko ang gowns na gusto ko, base sa kulay nito. Puro gold ang pinili ko.
Pagkatapos ay binigay sa'kin ang programme list. Nandito na ang oras at mga activities na gagawin sa buong programme ng aking birthday celebration. Namamangha ako dahil kumpara noon, maayos na ang daloy nito.
Naging busy ako sa pagrereview at pagtatanong nang makaramdam ako ng lamig. Bigla akong nilamig at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman mahangin, at hindi rin naman makulimlim dahil maaraw naman sa labas.
"Eliz, ayos ka lang ba?" tanong ni Esme. Ngumiti ako sa kanya at tumango lang.
Pagkatapos, bumaba kami para kumain na ng early lunch. Nakita ko si Eleanor na kumakain ng brunch niya. Sumabay na ako sa pag-kain.
"Wow, busy na busy ka para sa debut mo ah," saad ni Eleanor.
"Talaga! At magiging busy ka rin next year dahil ikaw naman ang magdedebut," sabat naman ni Esme. Ngumiti ako nang marealize iyon. Isang taon lang din kasi ang gap namin ni Eleanor.
"Hindi kita kinakausap," masungit na saad ni Eleanor kay Esme. Naglaho naman ang ngiti ko.
"Eleanor, 'wag kang gan'yan. Hindi ba't para na nating pamilya si Esme," mahinahon kong saad. Ang reaksyon naman niya'y parang nandidiri. Tapos umiling lang siya't umirap. Nagpatuloy na siya sa pag-kain.
Lumapit ako kay Esme na naghahanda ng pagkain ko.
"Wag mo 'yung pakinggan ha. Matabas lang talaga ang dila ng kapatid kong 'yun," saad ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti.
"Alam ko naman kung anong lugar ko rito, Eliz. Sanay na ako," saad niya sa'kin. Inilagay na niya ang pagkain ko sa hapag-kainan. Tahimik at mabilis lang akong kumain.
Nang matapos ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Naghanap ako ng damit na maaari kong suotin.
"Eliz?" narinig ko si Esme, nakita ko siyang pumasok sa aking kwarto.
"Hmm, bakit?" saad ko habang mariing pumipili ng damit na isusuot ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Esme sa'kin.
"Ah, napili ng susuotin ko. Ay, ito pwede na ba?" tanong ko kay Esme habang pinpakita ang isang dress. Balak ko sanang pumasyal sa labas ng mansyon, sa aming hacienda. Katulad ng palagi kong nakasanayang gawin.
"Hindi, 'yung may butones na lang na damit," suhestyon niya. Kumunot ang noo ko. Kakaiba ang fashion sense niya, ah. Mainit ang may butones na damit, at saka hindi naman ako aalis ng hacienda.
"Ba't may butones? Wala akong masyadong damit na gan'on. At saka, hindi naman ako aalis ng hacienda," tawa kong saad.
"Eh? Syempre mamake up-an ka't aayusan ng buhok eh. Para madali mo iyon tanggalin kapag nagpalit ka ng susuotin mo," paliwanag ni Esme sa'kin.
Dahan-dahang kumunot ang noo ko. Dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Huy, ano ba Eliz? Lutang ka na naman!" saad niya sa'kin. Bumuntong-hininga ako.
Naghanap na lang ako ng may butones na damit kahit hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Sinasabi pa niyang aayusan ako? Haha, para saan naman?
Nang makaligo't makapagbihis ng damit, lumabas na ako para makapunta sa may lawa.
Sa paglalakad ko sa hallway pababa, may nakita akong mga tao sa may isang silid.
"Miss Elizabeth! Kanina pa po kayo hinihintay!" saad ng isang katulong. Kumunot ang aking noo.
Hinihintay para saan?
Lumapit ako sa may silid na iyon at nakita ko na busy ang mga tao.
"Ano ba Eliz? Kilos na! Mamake up-an ka na," saad sa'kin ni Esme na busy na rin.
"Esme, para saan?" mahina kong tanong. Napatigil si Esmeralda sa kanyang ginagawa.
"Seryoso ba? Grabe na 'yang pagka-ulyanin mo Elizabeth," saad niya saka hinila ako sa isang upuan at doon pinaupo. Kaharap ko ang isang malaking salamin at sa harap ko rin ay mayroong mga kagamitan para sa make up. Inayusan na ako ng mga stylists at make up artists.
"Excuse me po, gusto ko lang malaman kung para saan 'yung paghahanda na 'to?" tanong ko sa make up artist. Natawa naman siya dahil sa tanong ko.
"Miss Elizabeth, surprise party ba ang hinanda for you? Ang alam ko, kanina lang ay busy ka sa pagrereview ng programme ah," saad niya sa'kin.
"Programme po para saan?" tanong ko.
"Huh? Edi para sa debut mo,"