Symptoms - 3/3

1475 Words
Nakita ko si Esme na kanina pa mukhang balisa. Kahapon, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Kaya kami nag-away. Nakakagulat nga na naaalala ko pa 'to, siguro dahil ayaw na ayaw ko talagang nag-aaway kami. Hindi matanggal sa isip ko buong maghapon ang sagutan namin. Ni hindi nga rin siya lumalapit sa akin. Kung sino-sinong kasambahay ang lumalapit at umaalalay sa akin, maliban sa kanya na siyang mismo ko pang katulong sa lahat ng bagay. Sobra na akong nababahala dahil dito. Kaya naman, naisipan ko nang lapitan si Esme. Para makausap at makipagbati sa kanya. Hindi ko na kayang ganito na lang kami habang buhay. Ayaw ko nang gan'on, iniisip ko pa lang 'yun ay parang hindi ko na kakayanin. Itinuturing ko na siyang parang kapatid ko. Lumapit ako kay Esme na nasa gilid sa pagitan ng kusina at dining area. Nandoon lang siya nakaupo at tila may inaasikaso. Tahimik akong lumapit para tingnan ang ginagawa niya. Nakita ko na may parang notebook siyang dinedesenyo. Ano naman kaya ang gagawin niya diyan? "Esme?" mahina kong tawag sa kanya. Agad siyang lumingon at nagitla nang makita ako. "A-anong kailangan mo? Ba't ka nandito?" tanong niya at napansin ko pang pa-simple niyang tinago ang mga gamit niya. Tumingin ako sa kanya, parang iniiwasan pa rin niya ako. "Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ko. Tumingin siya sa akin na parang natigilan dahil sa pakiusap ko. Ilang sandali ay bumuntong-hininga siya. "Pumunta na lang tayo sa kwarto mo, oras na rin para sa mga gamot mo eh. Doon na lang tayo mag-usap," saad niya sa akin sabay kuha ng mga gamot ko sa cabinet. Nauna na siyang maglakad patungo sa taas, sa aking kwarto. Habang ako nama'y nasa likod niya at nakasunod lang sakanya. Nang makarating sa kwarto, agad niyang inasikaso ang mga gamot ko. Sa pagkakaalam ko, hindi naman talaga permanenteng gamot ang mga 'yan. Gamot lang 'yan para sa pagtigil sa pagsakit ng iba't ibang parte ng katawan ko, at para maiwasan ang pagkalimot ko. Umupo ako sa upuan habang nakatayo siya't inihahanda ang mga gamot ko sa mesa. Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa niya iyon. Binigay niya sa akin ang mga gamot at ininom ko naman ang mga iyon. Binigyan din niya ako ng tubig at ininom ko na rin iyon. Tahimik niyang ibinalik sa kahon ang mga gamot ko habang tinitingnan ko lang siya. Medyo nahihiya pa akong magsimula ng usapan mula sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Madalas kasing bigla na lang kaming nagkakaayos kapag mayroong tampuhan, at hindi naman kami nag-aaway madalas eh. "Uh, Esme. Hindi ba't mag-uusap pa tayo?" saad ko nang makinitang aalis na siya sa aking kwarto. Lumingon siya sa akin at mukhang ngayon lang naalala na may pag-uusapan nga kami. Bumalik siya at umupo sa tapat ko. "Anong pag-uusapan?" tanong niya. Bumagsak ang mga balikat ko. Umaasa pa naman akong magiging bukas ang isipan niya—na parang hindi niya naman alam ng tungkol dito. Malamang dahil nag-away nga kami, 'yun lang naman ang mapag-uusapan namin ah. "Gusto kong humingi ng sorry sa'yo," panimula ko. Tumingin siya sa akin. "Hindi ko nakontrol ang emosyon ko at ang pagiging makakalimutin. Kaya pasensya na sa mga nasabi ko sa'yo n'ong nagkaroon tayo ng sagutan," saad ko. Umiwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa labas ng bintana. "Wala naman akong intensyon na sirain ang relasyon niyo ni Emmanuel. Ang totoo niyan, magkaibigan lang talaga kami. At alam kong ikaw ang mahal niya, hanggang ngayon. Kaya nga gusto kong sana ay matigil na ang kasal," saad ko naman. "Alam ko naman 'yun. Pero alam naman natin na malabong mangyari ang pagtigil ng kasal niyo, kahit pa hindi na muna ito natuloy. Pero, maraming salamat dahil sinusuportahan mo pa rin kaming dalawa," tugon sa akin ni Esme na tila nawawalan na ng pag-asa sa kanyang buhay-pag-ibig. Tiningnan ko siya na may pag-aalala. Tumingin din siya sa akin saka nagsalita. "Ay oo nga pala, bago ko malimutan. May nais sana akong ibigay sa'yo," saad niya. Napuno naman ng kuryusidad ang aking isipan. May dinukot siyang isang bagay sa kanyang apron. Isang kwaderno, na sa tingin ko ay nakita ko na. Ito yata ang nakita kong pinagkakaabalahan niya kanina pa. Ang kwaderno ay masasabing handmade—ngunit maganda, bago, at mukhang matibay na pagkaka-gawa. "Para sa akin? Nako, salamat. Pero bakit mo nga pala ako niregaluhan nito?" tanong ko pagka-abot niya sa akin ng kwaderno. Binuklat ko rin ang mga pahina habang naghihintay ng sagot niya. "Naisip ko kasi na nagiging makakalimutin ka na. Makakatulong 'yan para maalala mo ang lahat ng tungkol sa'yo, lahat ng mahahalagang detalye tungkol sa buhay mo. Kaya kapag inatake ka na naman ng pagiging makakalimutin mo, babasahin mo lang ang kwaderno na 'yan," paliwanag niya. Namangha ako dahil sa ideyang naisip niya. Marahil nga na isang malaking sanhi ng kaguluhan ang pagiging makakalimutin kong ito, kaya naisip niya pa ito. Ngumiti ako. Nagpapasalamat ako dahil mayroon akong kaibigan na mapagpasensya at maaalahanin, at syempre 'yung palagi akong iniintindi. Lahat ng mabuting katangian ng isang matalik na kaibigan ay na kay Esme na, at ako'y napakaswerte dahil kaibigan ko siya. "Hali ka, magsulat ka na agad ng mga detalye tungkol sa iyong sarili. Baka mamaya kasi, bigla ka na namang mag-iba," kantyaw niya. Tumawa kami pareho at sinimulan ko na agad ang pagbibigay ng impormasyon sa kwadernong ito. Elizabeth's Journal Natapos na namin ang mga importanteng detalye na naalala ko at naalala rin niya. Sinulat ko rin ang mga nararamdaman ko at mga sikretong naalala ko pa rin hanggang ngayon. Saktong matapos kami sa aming ginagawa nang may kumatok sa pinto. Binuksan iyon ni Esme at tumambad sa labas ng pinto si Mamá at ang dalawang doktor na kasama niya. Mukhang magkakaroon na naman yata ng test sa akin. Magalang na pinapasok ni Esme ang mga panauhin at dumiretso sila sa akin. Niyakap ako ni Mamá pagkalapit niya sa akin at tinanong ako kung kamusta naman ang aking araw. "How's your day?" tanong niya. "It's fine," tipid kong sagot. "What do you mean by fine, Elizabeth?" sabat naman ni Tita Cassandra, kaibigan na doktor ni Mamá. Nakalapit na sila sa amin, si Esme naman ay tahimik lang sa likod namin. "Uh, hindi naman po ako nakaramdam ng hilo o sakit ng katawan. Hindi rin ako naging makakalimutin ngayong araw," paliwanag ko sakanila. Tumango naman si Tito Felix. "Are you going to sleep na ba, Eliz?" tanong ni Mamá. Tumango naman ako. Inalalayan na niya ako sa aking kama at pinahiga. Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatingin pa rin sa akin at mukhang nag-aalala ang kanyang mukha. "Bakit po?" tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Plano naming gumawa ng tests sa'yo, para ma-detect namin kung ano nga bang mali sa katawan mo. We'll also scan your brain," pahayag niya. Nakaramdam ako ng pangamba habang pinapakinggan ang plano nila sa akin. Hindi ko alam kung maigi ba iyon para malaman kung anong sakit ko o isang panganib dahil baka kung mapaano ako. "Pero ba't naman po pati sa utak ko?" nauutal ko pang tanong. Nagkatinginan naman ang tatlong doktor sa isa't-isa. "Esmeralda, ano ang mga kakaibang kilos ni Eliz ang napapansin mo simula nang magkanito siya?" bigla namang tanong ni Mamá kay Esme na nasa sulok. Mabilis na lumapit si Esme sa amin saka sumagot. "Ah, madalas po siyang makakalimutin. Hindi simpleng pagkalimot, kun'di pagkalimot sa ibang memorya niya. Nasabi rin po niya sa akin na sumasakit ang ulo niya o 'di kaya nahihilo't halos nabibingi na siya. M-minsan din ay bigla na lang siyang nagbabago ng kondisyon bigla. Sa totoo lang, nakakatakot kapag nagbabago iyon na parang nagiging ibang tao siya," kwento ni Esme. Narinig ko naman ang lahat ng sinabi niya at ngayon ko lang nalaman na gan'on pala ang mga napapansin niyang kakaiba sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. "Sinasabi mo bang, nababaliw na ako?" saad ko sa kanya. Napatingin naman ang lahat sa akin. "Kumalma ka muna, Eliz," saad ni Tita Cassandra habang nakatapik sa aking balikat ang kamay niya. Napahinga ako nang malalim nang sabihin niya iyon. "I think isa lang ang maaaring related sa sakit ni Elizabeth," saad naman ni Tito Felix. "Ano po iyon?" tanong ko naman na ngayon ay nakasandal nang muli sa aking kama. "It could be related to the brain," tuloy niya. Kumunot ang noo ko. Parang sinasabi nilang lahat na baliw ako. "Hindi ito katulad ng iniisip mo, Eliz. Hindi porket may sakit sa utak, baliw na kaagad. Pero maaaring may mental illness ka nga," saad niya. Napasinghap naman ako. Isa-isang pala-isipan ang lumitaw. Baka idadala nila ako sa Mental Hospital, o ikukulong sa kulungan ng mga baliw? H-hindi ko alam, pero ayaw ko n'on. Gusto kong maiyak dahil sa mga naiisip ko. "Or something more complex than that," saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD