Chapter 2 - Akari

1039 Words
Dulo-dulo ang sakay ko kinabukasan. Mula sa amin sa Pasig, sumakay ako ng MRT at pumuntang South pa-Baclaran, tapos noon ay sasakay naman ako hanggang sa kabilang dulo sa Trinoma para pumasok sa paaralan ko sa QC. Pababa na ako ng estasyon, naka-score nanaman ng baon, nang may napansin ako paglabas ko ng bagon. May nakaupo sa may bench na nadaanan ko. Nakayuko siya, pinagpapawisan, at napansin kong nanginginig ang kanyang katawan, pero ang nakatawag talaga sa pansin ko, eh, ang neon green na bag na kaniyang bitbit. Lagi ko kasi itong nakikita sa classroom namin, pati na rin ang keychain niyang stuffed giraffe. “Akari?” tawag ko sa apelyido niya. Dahan-dahan siyang tumingala sa akin. Tumutulo ang butil-butil na pawis sa mukha niya pababa sa t-shirt niyang puti na maluwag ang kulyar. Nasilip ko ang u***g niya. Kulay pink ito. “V-Victor?” mahina ang boses na sumagot sa akin. “Masama ba pakiramdam mo?” Tumango siya, hindi na nakasagot. “Halika, gusto mong pumuntang CR?” “H-hindi ko yata...” at bago pa niya matapos ang sasabihin ay bumagsag na siya sa kaniyang kinauupuan. Nasalo ko naman siya bago siya mahulog sa sahig. Tinawag ko ang guard sa estasyon at binigyan namin siya ng first aid. “Kakilala mo ba siya, sir?” tanong ng guard sa akin. Nagdalawang isip ako bago sumagot. “...Opo.” “Sandali po, at tatawag ako ng ambulansya para sa kaibigan n’yo.” Sabi ko nga nga ba, eh. Mas mabuti pa yata, sinabi ko na lang na `di ko siya kakilala, male-late ako nito, eh. Tumayo ako at naisipang umalis na, since may darating namang ambulansya. “Baka po p’wedeng – “ habol ko sa guard, pero natigilan ako at napatingin pabalik. Nakakapit kasi si Akari sa polo ko. “`W-wag... mo `ko... iwan...” nakapikit niyang bulong habang nagluluha ang mga mata. Tsk... istorbo naman ito... Well, tinuruan ako ni Tita na maging mabait at matulungin, kaya umupo na lang `uli ako sa tabi niya at napa-buntong hininga. “Stress, dehydration, anemia, pagod at gutom...” sabi ng doktor sa health center na pinagdalhan sa amin. “Dapat ipahinga mo sarili mo. Kumain ka ba ng umagahan?” Umiling ang katabi ko’ng namumutla. “Mag-irereseta ako sa `yong gamot, p’wede kang kumuha sa pharmacy namin, `yung iba bilihin mo na lang sa labas.” Nag-abot siya ng reseta kay Akari. “S-salamat po,” sagot nito, sabay yuko. “Walang anuman, hijo, sige, p’wede na kayong umalis, pero kumain ka agad ha, kung `di, sa susunod, isu-suwero na kita!” pahabol ng doktor. “Uuwi ka na ba?” tanong ko kay Akari matapos naming dumaan sa pharmacy. “M-may klase pa tayo, `di ba?” sagot niya habang umiinom ng tubig. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. “Oo, next class natin 11 AM.” Tinignan ko ang relo ko. “May oras pa naman para makahabol tayo, pero kaya mo pa bang pumasok?” Tumango naman siya. “Salamat sa tulong...” sabi niya sa akin. “I’ll make it up to you next time.” “Walang anu man.” Sumakay na kami ng jeep. Kinuha ko mula sa bag ko ang isang pakete ng biskwit na bigay sa akin ng isa sa mga suki ni Tita sa Baclaran. “Eto, kumain ka para `di ka nahihilo.” “Ah... hindi na, salamat na lang!” agad niyang sagot. “I insist. Mahirap na, baka mamaya himatayin ka nanaman.” Kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon ang pack ng chocolate chip cookies. “Eh, paano ka?” tanong pa niya. “Meron pa akong isa.” Binuksan na nga niya ang pack at sinimulang kumain. Mukhang gutom nga siya dahil agad nangalahati ang laman nito. “Taga saan ka ba?” Para siyang nabigla sa tanong ko. “S-sa Bulakan...” mahina niyang sagot. “Sobrang layo ba? Hindi ka na nakapag-breakfast, eh.” “H-hindi naman, nagmamadali lang akong pumasok... pati... tinapos ko kasi `yung project natin sa archi, kaya ayun...” “Next week pa naman ang pasahan noon, ha?” “M-may... gagawin kasi ako sa weekend... so...” nag trail off ang salita niya. “Hmm. Basta alagaan mo lang sarili mo.” Ginulo ko ang buhok niyang nakatakip sa mga mata niyang singkit. Mukhang nagulat siya sa pagkapit ko sa kaniya at napatingin sa akin. Anak siya ng Hapon, obviously. Isa siya sa mga pinagkaguluhan ng mga girls sa klase namin since freshman years, kaya lang may pagka-introvert itong si Kenjiro Akari, kaya na-turn-off agad sila sa kaniya. May katangkaran naman siya, at about 5 feet 5 inches, pero hanggang baba ko lang siya sa taas kong 6 feet 2, at mukha s’yang maliit dahil palagi s’yang nakahukot. “Dito na tayo.” Bumaba kami sa College of Architecture at dumiretso na sa aming next class. “T-thank you `uli, Victor! Babawi talaga ako sa `yo next time!” ulit niya bago kami makapasok ng classroom. “Walang anu man.” Ngumiti ako sa kaniya at nakitang magkulay ang mga pisngi niya. Kitang-kita ito dahil sa flawless niyang kutis na kasing puti ng gatas. “Victor, magkasama ata kayong dumating ni Akari?” tanong ni Rick na isa sa mga kabarkada ko sa klase. “Oo, nagkita kami sa MRT station, kaya sabay na kaming pumasok.” “Ingat ka d’yan, duda `ko bakla `yan,” biglang singit ng kaibigan naming si Jojo. “Nakita namin `yan dati ni Rona, may kaakbayang lalaki, papasok ng motel!” si Rona ang kaniyang current girlfriend na Education ang kinukuha. “Oo, pare, baka mamaya gapangin ka n’yan!” sabi naman ng kaibigan naming si Tony. “Hirap pa naman maging chickboy, habulin ng babae at mga bading.” Nagtawanan ang tatlo ko’ng kaibigan. “Nakasabay ko lang naman siya, eh.” sagot ko habang nakikitawa sa kanila. “Saka, wala namang masama kung magkagusto siya sa `kin, eh. It’s a free world, pare, and it doesn’t mean na kailangan ko s’yang patulan.” Lalong natawa ang tatlo. Napansin kong napatingin sa amin si Akari ng bahagya. Nginitian ko siya, at agad s’yang umiwas ng tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD