bc

Overrated

book_age18+
207
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

“Once upon a time, a broken prince met an angel...”

Mahirap talagang maging pogi. `Yan ang madalas sabihin ni Victor sa sarili, dahil kahit saan s'ya magpunta, eh, maraming mga babae at binabae ang naghahabol sa kanya. Pinagbibigyan lang naman niya silang lahat. s*x lang naman `yun eh, paglalabas ng init sa katawan, and for him, 's*x is overrated'.

Ito ang iniisip niya nang maging close sila ng kaklaseng si Akari, na kahit pa obvious na patay na patay sa kanya, eh, hindi s'ya minanyak o inabuso ni minsan.

Hanggang sa makatuwaan niya ang bagong kaibigan.

Hanggang sa siya na ang nagnanasa rito.

chap-preview
Free preview
Stage 1: Chapter 1 - Sex is overrated
“s*x is overrated.” “I mean, pag-chinupa mo ako, titigasan ako. Pag tinira kita, lalabasan ka. Cause and effect lang, `di ba? Pisikal na pangangailangan ng katawan na hindi naman talaga importante na tulad ng pagkain `pag nagugutom ka, o pagtulog `pag pagod ka na.” “Gago, sinasabi mo lang `yan, palibhasa maraming nagkakagusto sa `yo!” sabi ng kababata kong si Prang. “Binyayahan mo nga ako niyang gayuma mo, Bicoy, para makaranas naman ako ng ‘kos en epek’ na `yan!” “Haay... ewan ko nga ba kung anong nakikita nila sa `kin. Ni `di ko naman sila kilala.” Tumayo ako mula sa kama ni Prang. Kasalukuyan akong nasa kanilang bahay, napagsaraduhan nanaman kasi ako ni tiya Lucy ng pinto, palibhasa, alas onse na, `di pa ko nakakauwi. “Pahiram naman ng shorts, ang init kung itong pantalon ang ipangtutulog ko,” sabi ko sa kaibigan. Tumayo si Prang mula sa upuan sa kaniyang mesa. Busy s’yang nanonood ng porno sa kaniyang PC. “Tsk, alam mo naman kung nasaan, hindi ka pa kumuha mag-isa.” “S’yempre may kahihiyan pa naman ako. Kuwarto mo `to, eh,” sagot ko sa kaniya. “Kahihiyan, eh, ayan nga’t iniistorbo mo ko sa pagja-jakol ko!” Binuksan niya ang kaniyang aparador at binato ako ng kansonsilyo. “Salamat.” Inalis ko ang suot kong pantalon. Sinuot ko ang pinahiram ni Prang na shorts at pumunta sa may bintana. “Tingin mo ba, kakayanin pa rin ako ng puno ng bayabas papunta sa kuwarto ko?” tanong ko sa kaibigan na bumalik na sa kaniyang pinapanood. “`Wag mo nang subukan, at nang huling pinilit mong tumawid sa bahay ninyo, eh, nahulog ka mula d’yan sa 2nd floor namin.” Kumuha siya ng lotion at naghanda ng tissue. “Baka mamaya, ako nanaman ang sisihin ng tiyahen mo, sabihin kinukunsinti kita, porke matanda lang ako sa iyo ng isang taon!” Nagsimula nang magsalsal si Prang. “Pare, kailangan mo’ng tulong?” alok ko sa kaniya. “Pucha, `wag mo nga `kong istorbohin!” galit niyang sinabi. “Saan ka ba galing kanina? Sana doon ka na lang nakitulog!” Napahinga ako ng malalim. “Alam mo si ate Lexy, `yung cashier sa AltaMarket?” Biglang napalingon si Prang sa akin na nanlalaki ang mga mata. “Puchang `na! Yung malaki joga?!” mukha siyang naiinis na `di makapaniwala. “Nagpatulong sa akin magbitbit ng mga gamit... sa bahay pala dadalhin.” “Eh, bakit umuwi ka pa?!” tanong ng kaibigan kong `di makapaniwala. “Like I said, s*x is overrated,” sagot ko. “Isa pa, umuwi `yung erpats n’ya, kaya pinatakas n’ya `ko sa likod bahay nila.” “Wa-ha-ha-ha-ha!” malakas na humalakhak si Prang. “May pa-over-overrated ka pa’ng nalalaman! Eh, kaya ka pala nag-e-emote, eh, dahil nabitin ka kanina!” Bitin? On the contrary. Nakadalawa na siya nang umuwi ang parents niya. Oo nga at hindi ako nilabasan, pero buti na `yun, since isang capote lang ang dala ko. Hinayaan ko na lang humalakhak ang kaibigan ko. “Okay, pare, since bitin ka, halika dito at damayan mo ako!” Umurong siya para mapanood ko rin ang porno na pinag ta-tyagaan niya. Isang cheap na video ito ng batang house wife na nagtawag ng tubero. Same old s**t. “No thanks, inaantok na `ko.” Humiga na lang ako sa kama niya at nagtakip ng unan. “Bahala ka!” Mula pa pagkabata ay madalas nang may nagkakagusto sa akin. ‘Let’s be friends!’ sasabihin nila. Tapos ay biglang, ‘I want to be special!’ at ‘I want to be your only one!’ Nakakatuwa, dahil tinatrato nila ako nang mabuti. Pinaglalaanan nila ako ng oras at binibigyan pa minsan ng mga regalo. Pero habang tumatagal, unti-unting nawawala ang feelings at nagsasawa rin sila sa akin. ‘Bakit parang ako lang ang kumikilos?’ ‘Bakit close ka pa rin sa ibang mga babae?’ ‘Bakit parang ako lang ang nagmamahal sa `yo?’ Ilan lang `yan sa mga tanong na lagi kong naririnig sa mga karelasyon ko, then, after a while, iiwan nila ako, at may bago nanamang lalapit sa akin. Well, I’m a generous guy. Pinagbibbigyan ko lang sila. Pero, as always... overrated lang talaga ang s*x. And so is love. That’s why I don’t get into relationships anymore. Tumabi na si Prang sa akin sa kama. Amoy t***d pa siya.Tinulak niya ako palapit sa pader. Nagkunwari naman akong tulog, as always. “Hoy, Bikoy, ang laki-laki mo na, `di na tayo kasya sa kama.” Buti na lang at mas maliit siya sa `kin. Dinuro-duro pa niya ang mukha ko. Tapos ay piningot ang ilong ko’ng matangos at marahang humalik sa aking pisngi, as always. “Good night,” bulong niya sa akin. Kinabukasan, maaga akong bumangon at pumunta na sa aming bahay. “O, saan ka nanaman nanggaling kagabi?” galit na tanong ng tiyahin ko’ng matandang dalaga. “Nakapagtabi na ako ng mga pinanahi, wala ka pa rin?!” “Pasensya na po, Tita, may tinulungan po akong magbitbit ng gamit sa may AltaMarket, marami palang buhatin.” “Hay, nako, ang hilig mo kasing tumulong, minsan tuloy pinagsasamantalahan ka na ng mga tao!” sabi ni Tita na pinanganak atang nakakunot ang noo. “Nag-umagahan ka na ba?” “Opo, Tita, nakikain ako ng konti kina ate Remy. “Ano? Nang-istorbo ka nanaman sa kabila?” “Magbibihis lang po ako, tapos pasok na `ko school.” “Sige, `yung order sa palengke idaan mo na.” Itinuro ni Tita ang isang bungkos ng mga damit sa tabi ng kaniyang sewing machine. Mamaya pa’t nasa palengke na ako. “Victor, ikaw pala!” bati sa akin ni aling Menggay na may dalawang pwesto sa tiyangge. “Kumain ka na ba? Halika, saluhan mo na kami!” “Tapos na po ako, aling Menggay...” sagot ko. “Naku, Menggay na lang, ikaw talaga...” hinimas niya ang aking dibdib. “Para namang ang tanda-tanda ko na kung tatawagin mo `kong ale!” Nangiti na lang ako. Lampas singkuwenta na si aling Menggay, at nangungulubot na ang mukha, pero mapula ang kaniyang labi at buhok na alaga sa parlor. “Sige, Menggay, eto na po `yung sub-con ni Tita.” “Ah, salamat, paubos na nga `yung pinatahi ko sa inyo last week, maganda kasi trabaho ng Tita mo, pulido at malinis.” Naglabas siya ng pera mula sa suot niyang belt bag at nagbilang ng tig-iisang libo. “Three hundred pieces ito, tama ba?” “Opo.” “O, eto.” Nag-abot siya sa akin ng bente-uno mil at nagdagdag pa ng limang-daan. “Ayan, sa `yo na `yung extra, para may panggastos ka.” Ngumiti siya sa akin habang pinipisil ang namumutok ko’ng braso na nangangalay pa sa pagbuhat ng mga panahi niya. “`Wag kang magpapakagutom ha, mukhang nangangayayat ka na.” “Salamat po, Menggay.” Ngumiti ako at pinanood s’yang kiligin. Well, at least may dagdag pambaon ako, may pambili na rin ako ng materials para sa project namin sa architecture class ko. “Viiic!” tawag ng isang bakla sa kabilang stall. “Good morning!” Natigil ako sa paglakad at lumingon pabalik. Kumaway ako sa kaniya at ngumiti ng tagilid. Mukhang babae na ang baklang ito. Malaking babae. `Wag lang s’yang magsasalita. May s**o na siya, pero may t**i rin na nakatago. “Magandang umaga po, ate Julie. Oorder po ba `uli kayo ng blouse kay Tita?” “Oo, pakisabi naman oorder ako ng mga 200 pieces, kung p’wede sa Sabado ko na makuha.” “Sige po, sabihin ko kay Tita.” “Eto nga pala, para sa `yo.” May inabot siya sa akin na supot ng kakanin. “Sumobra kasi bili ko kanina, ibigay ko na lang sa `yo `yung natira.” Natira, pero puros naka seal pa ang mga pagkain sa loob ng supot. “Salamat po,” muli akong ngumiti. Hinimas niya ang kamay ko sa pag-abot ko ng supot. “Mamayang hapon, p’wede ka bang dumaan sa bahay? Ibibigay ko `yung half ng bayad para sa ipapatahi ko kay Tita mo?” Makahuluhan ang tingin niya sa akin. “Naku, pasensya na po, hanggang alas-sais ang klase ko ngayon, at may ginagawa pa kaming project sa archi.” “Ah, ganoon ba?” Lumungkot ang mukha niya. “Sige, next time na lang.” May dinukot naman siya ngayon sa bulsa. Isang 200 peso bill. “Eto, idagdag mo para sa project mo.” Ganito ang mga umaga ko. Magde-deliver ako ng mga panahi ni tita kung saan, makaka-score ng baon at pagkain, tapos ay saka papasok sa university kung saan second year architecture student ako. Maraming nakakakilala sa akin dito, karamihan mga babae at ilang mga bading. Pare-pareho lang naman silang may cravings. Pare-pareho ko rin silang pinagbibigyan. Pero yang si Julie, iniiwasan ko na `yun, nang huli kasing nagdeliver ako sa kaniya, pinilit niya akong chupain. Well, pare-pareho lang naman ang bibig, at malaking tulong ang bigay niyang dalawang libo sa akin noon, dahil magpapasukan na at kulang pa ang mga aklat ko sa school. Pero ayokong magpachupa sa bakla. Sobrang nakakababa `yun ng pagkatao. Pwede nila akong hipuan, halikan sa katawan, at batehin kung nasa mood ako, pero hanggang don lang. At ang halik sa labi? Hindi na ako nagpapahalik. Babae, o lalaki man. Nagmadali na akong umalis, baka ma-late pa ako sa klase. At least, hindi ko na kailangan bawasan ang pera ni Tita para sa baon ko. Nagpunta akong banyo at pumasok sa cubicle. Binalot ko ang pera sa papel at itinago ito sa ilalim ng backpack ko para hindi mawala. Alas nueve pasado na nang makadating ako sa klase. Nine-thirty pa naman ang unang subject ko, pero dumiretso na ako sa room para makapag handa sa short quiz namin sa araw na iyon. “Good morning Vic!” bati ng mga kaklase ko. “Nag-aral ka na ba for our quiz for today?” tanong ni Aida. “Baka p’wede, study tayo together?” umupo siya sa tabi ko. Hinarap ko siya at hinawi ang buhok na bumagsak sa aking mukha. “Okay, sabay-sabay na tayong mag-review?” tumabi rin sa amin ang iba pang mga babaeng kaibigan niya. Matagal nang nagpapapansin sa akin ito’ng si Aida. S’ya ang pinaka maganda sa class, at mukhang siya rin ang unang susubok sa akin this new semester. I’ve been through it before. Ang pinaka maganda ang leader. S’ya ang first dibs. After niyang magsawa o masawi, saka lang p’wedeng pumorma ang mga kaibigan niya. “Vic, hindi ko talaga maintindihan ang question na `to!” lumapit siya sa akin at idinikit ang malusog niyang dibdib sa braso ko. “Ah, madali lang `yan...” bahagya kong inatras ang braso ko, rubbing her breast. I guess it’s about time na pagbigyan ko na siya. Para matigil na rin siya sa pangungulit sa akin. “Hey, later, you wanna grab something to eat?” aya niya matapos ang aming klase. “Sure, saan mo gusto?” At ang kainan ay nauwi sa motel. “V-Victor! I really like you!” she screams as I pound her from behind. “Hmm... I like you too...” “I-is it... really a no?” tanong niya. “Sorry...” “I-it’s okay... I just... really wanna be with you... kahit one night lang!” Malapit na ako. Binilisan ko pa ang pagbayo sa kaniya. “I-I’m c*****g!” she screams. Much later, pauwi na ako. Nakabili na ako ng gagamitin namin sa project. Nakakain na rin ako, at naka-extra pa. “O, nakuha mo ba ang bayad ni aling Menggay?” “Opo, Tita.” Nagmano ako sa kaniya bago iniabot ang pera. “Si Julie po, oorder daw ng 200 pieces na blouse.” “Aba, mabuti, tamang-tama, sa katapusan, magbabayad pa tayo sa kuryente at kay bumbay.” Binilang niya ang pera at kumuha ng isang-libo rito. “Hindi ka pa pala kumukuha ng baon mo?” “Hindi na po, Tita, nagbigay po sa `kin si aling Menggay ng extra, ayos na po `yon.” “Aba? Talaga nga naman, s’werte talaga `pag ikaw ang pinapapunta ko sa palengke!” natawa si Tita. “Pero `wag kang basta-basta tatanggap ng kung ano sa mga `yun ha, baka mamaya kung ano rin ang hingin nilang kapalit!” “S’yempre naman po, Tita,” nginitian ko siya ng pilyo. “Hay, ikaw talaga, Bicoy, kuhang-kuha mo ang ngiti ng tatay mo. Sumalangit nawa.” Nag-krus si Tita. “Sana lang hindi ka magmana sa pagiging chickboy ni Franco.” “Of course! Kayo lang naman po ang babae sa buhay ko, eh!” Inakbayan ko siya at hinalikan sa pisngi. “Hay, naku! Pati pagka-bolero ni Franco nakuha mo rin!” pareho kaming nagtawanan. “Kumain ka na ba?” “Opo, Tita.” “Sige, mag-linis ka na at matulog, bukas maaga ka pa, may delivery tayo sa Baclaran.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook