H E N R I “Kahit ano po?” bakas sa mukha ni Jessy ang pananabik habang nakaharap sa counter at nakatingala sa menu ng aking coffee shop. Halatang hindi ito makapagdesisyon dahil sa dami ng pagpipilian. Ngumiti ako sa kanya. “Kahit ano at kahit ilan, walang problema roon.” Tiningnan ako nito’t lalong lumawak ang pagngiti dahil sa narinig. Tiningnan ko naman si Scott na katabi nito. “Ikaw, Scott? Anong gusto mo?” alok ko rito na seryosong nakapatong ang mga palad sa magkabilang balikat ng kapatid. Napatingin ito sa akin. “Wala bang 3 in 1 rito? Kung mayroon, ‘yon nalang.” Hindi ko alam kung nagbibiro lamang ito o hindi. His face is telling me that he’s not. Napangiti ako’t umiling sa kanya. “Mayroon naman siguro. Pero kung ako sa ‘yo, ita-try ko ‘yong mocha latte. Isa ‘yon sa mga best se

