Prologue
“Iʼll be back. Huwag mo na ‘kong sundan.” I told Julio, my butler. “Dito ka nalang.”
“Sige po, sir.”
Kinuha ko ang box ng mga bagong movies na in-order ko from the USA. Binuksan ko ang pinto ng Ferrari at lumabas.
Itʼs Sunday, the sun is setting, and here I am at my family’s clubhouse. Kagagaling ko lang sa “Henrique's”, the name of my coffee shop. And since dumating na 'yong package that I ordered yesterday, naisipan kong dalhin na 'yon rito bago umuwi.
River and I always watch movies together here at our clubhouse. Especially, the horror ones. Kaya excited rin akong dalhin ‘to rito and ask him to watch a movie tomorrow after class.
When I entered the clubhouse’s gate, I saw a black Kawasaki motorcycle. Nakaparada ito sa parking lane sa loob. Nagtaka ako dahil wala ni-isa sa mga katiwala namin dito ang may gano’ng klase ng motor.
Wala rin namang tao sa pool area nang madatnan ko. Kung may bumibisita man rito ng ganitong araw, ako lang ‘yon at si River. But River doesn’t have a Kawasaki. At kung may pupunta man rito na ibang tao, may tatawag sa akin para i-inform ‘yon agad.
Bago pumasok sa pinto, I saw one of our clubhouse’s maids. Tinawag ko ito mula sa kanyang pagda-dust ng mga table at upuan sa labas. She immediately came to me.
“Hello po, Sir Henrique.” Pagbati nito sa akin. “Ako na po d’yan sa dala niyo,” she offered but I refused, and proceeded to what was the reason I called her.
“Kaninong motor ‘yong nakaparada?” bigla itong napatingin sa motor na tinutukoy ko. Ngayo’y napalunok siya. Napakunot ang noo ko. “Hindi ba sinabi kong ‘pag may pumunta rito, inform me first?”
“Opo...” yumuko ito.
Tiningnan kong muli ang itim na motor bago siya balingan ng tingin. “Kanino ‘yon?” I asked again.
“Sir...” para itong tuta na akala mo’y nahihirapang tumahol. Hindi siya makapagsalita. “Ano po kasi...”
Napataas ang kilay ko. “What?” nakaramdam na ako ng inis. “I am asking you, whose motorcycle is that?” pangatlong beses kong pagtatanong ngunit parang nag-aalinlangan pa rin ‘tong sumagot.
She looked at me with so much hesitation.
“Binilin po kasi sa akin na huwag ko raw pong itatawag sa inyo...” napakunot lalo ang noo ko nang marinig itong sabihin ‘yon.
Ngayon ay mas naramdaman ko ang inis. “I own this place. My family owns this place. Sino bang amo mo at sino ang nagpapasweldo sa ‘yo?” nilapitan ko ito nang kaunti at pinipigilan ang sarili kong mas mainis. “Sa huling pagkakataon, binibigyan kita ng chance para sagutin ang tanong ko or I will fire you.”
“S-Si Sir River po!” dali-dali nitong sagot matapos matakot sa sinabi ko. “Siya po ‘yong nagsabi sa akin, sa amin, na huwag itatawag sa inyo na nandito siya sa clubhouse.” Yumuko ito matapos sabihin ‘yon. Nanggigil ako dahil sa narinig pero nanatili akong kalmado.
Why would River do that? Hindi naman siya pumupunta rito sa clubhouse namin nang hindi ako kasama. And he doesn't own a Kawasaki, so it doesn't make sense.
“Hindi kay River ang motor na ‘yan,” I told her. “Kanino ‘yan?” gigil pa rin ako dahil hindi nito lubos na nasagot ang itinatanong ko.
“Sa kasama niya po...” sagot nito habang nakayuko pa rin. Hindi na nito hinintay na magtanong pa ako dahil pati ang nasa isip ko palang ay sinagot na niya. “Sa kasama niya pong babae.”
Napalunok ako kasabay ng pag-igting ng aking panga. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ayokong maniwala ngunit sa lakas ng t***k ng puso ko ngayon, gusto kong kumpirmahin kung totoo ‘yon.
“Nasaan sila?”
“Sir?” she lifted her head and looked at me, as if she didn't understand my goddamn question.
“Where are they?!” I can’t help but to shout at her.
“N-Nasa kwarto niyo po, Sir Henri—”
Sapat na ang mga salitang ‘yon para maglakad ako papasok sa loob ng clubhouse at magmadaling pumunta sa kinaroroonan ng master’s bedroom. Ang kwarto ko rito.
Dala ang box ng movies, halos mabitawan ko ito nang tumapat na ako sa pintuan no’n. Kahit pa soundproof ang kwarto ay hindi nakaligtas sa tenga ko ang mga ungol na naririnig ko mula sa loob nito. Ngayon pa lang ay nanghihina na ang tuhod ko.
“You’re so good at this, Riv...” boses ‘yon ng isang babae. “Yes, right there...” I can hear her disgusting moan kahit nasa labas ako ng kwarto.
Napalunok ako, napapikit habang mariing hinahawakan ang box sa kaliwang kamay ko, at ang doorknob sa kanan. Ayokong makita kung ano ang makikita ko sa loob pero kailangan kong gawin. Kailangan kong buksan ang pinto at kumpirmahin kung talagang nasa loob nga si River.
Huminga ako nang malalim at marahang binuksan ang pinto. Hindi pa ako handa pero wala akong ibang pagpipilian kung ‘di ang maging handa sa mga susunod kong makikita. Ilang beses akong napalunok kasabay ng paglaki dalawang mata ko.
Si River nga iyon.
He’s on top of a girl. Ang babaeng kapit na kapit sa likuran niya at halos bumaon na ang mga daliri habang nakapikit ay namukhaan ko agad.
Si Gwen. The campus b***h.
Tumaas ang dugo ko nang makita kung ano ang ginagawa nilang dalawa. Kapwa sila hubo’t hubad, at patuloy sa pag-ungol na ‘di nahinto kahit lumangitngit ang pinto. Ilang segundo akong na-estatwa habang nakatulala kung paano gumalaw si River at kung paano niya sakupin nang buong-buo ang babae.
Nandiri ako.
Diring-diri ako sa nasasaksihan.
Gusto kong sumabog sa galit dahil sa nakikita ko. Gusto kong tumakbo at umalis pero hindi ko ginawa. Gusto ko sila parehong saktan.
Ngunit ikinalma ko ang sarili ko. Pinilit kong pabagalin ang t***k ng puso ko at huminga nang malalim kahit alam kong hindi ‘yon nakatulong. Tuluyan kong binuksan nang malaki ang pinto.
Doon ko nakuha ang atensyon nilang pareho.
“Of all the places, dito pa talaga, River?” he immediately jumps from bed after he noticed me standing at the door. Gigil ko siyang tiningnan at ang babaeng ngayo’y hindi alam ang gagawin dahil sa gulat.
“Ri!” pagtawag nito sa akin na bakas sa mukha ang itsura ng pagkalito sa kung ano ang sasabihin. “Magpapaliwanag ako—”
I slapped him. Dalawang beses sa magkabilang pisngi nito.
“Anong ipapaliwanag mo? Kung bakit gan’yan katigas ang maliit na ari mo?!” hindi ko na napigilang sumigaw. I looked at Gwen and threw the box on her. “At ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha niyong gawin rito sa clubhouse namin ang kababuyan ninyo!” then I looked at River. Hawak nito ang pisngi niya.
Gwen immediately wore her clothes at nagmadaling lumabas ng kwarto. Hiyang-hiya ito. Gusto ko pa sana siyang kaladkarin palabas pero nagkusa na siya.
“Two years. Two f*****g years!” nagsimula akong maging emosyunal at maluha habang tinitingnan si River. Hindi ito makatingin sa akin nang diretso. “Minahal kita, binigay ko sa ‘yo ang lahat, at pinagkatiwalaan kita pero paano mo nagawa sa akin ‘to?! Bakit mo ‘ko niloko?! Ha? Bakit?!” I pushed him hard. Napaatras siya malapit sa kama.
“Henri...” he tried to hug me but I pushed him again.
“Don’t you touch me!” dinuro ko siya. Nagsimula itong maging emotional. How can he be emotional after his erection? Wala siyang karapatan! “I should’ve listened to my friends. Hindi ko dapat binalewala ang mga babala nila tungkol sa ‘yo. Tama sila. Mali ako.” Ilang beses akong napailing habang tinitingnan siya nang may pandidiri.
“I’m sorry, Ri...” lalapit pa sana ito pero ihinarang ko ang palad ko sa harap niya.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. “We’re done, River. Ayoko nang makita ka pa o makarinig ng kahit na ano tungkol sa ‘yo.” Pilit kong kinalmahan ang tono ng boses ko. “Get out,” utos ko sa kanya.
“Ri...”
“Get out!” buong lakas na sigaw ko sa kanya.
Kinuha niya ang mga damit na nasa sahig at nagmadaling isuot ito. He looked at me with his crying face, na parang nagmamakaawa, but it didn’t change my mind, and the way I see him.
“Henri...”
“Get out, River. Get the f**k out!” gigil kong sigaw kaya’t nagmadali itong lumabas ng kwarto.
Pagkaalis niya’t bumigay na ang tuhod ko, at napaluhod kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking pisngi.
How could he do this to me?
I spent two years, simula second year hanggang ngayong fourth year na kami, kasama ang gago na ‘yon!
How did I not notice it? Bakit hindi ako naniwala sa mga kaibigan ko? Bakit ngayon ko lang nalaman?
Iyak ako nang iyak.
Maraming tanong sa isip ko ngunit isa lang ang sinisiguro ko ngayon, ayoko na. After what I saw earlier? Ayoko na. Ayoko na kay River.
That’s one thing I told him when we were still starting.
Kapag nagloko siya, hindi ako magda-dalawalang isip na hiwalayan siya agad. Hindi ko papatagalin, at tatapusin ko agad ang relasyon naming dalawa.
At ‘yon ang ginawa ko.
Even though it hurts so much, I ended us.