Chapter 1

2261 Words
H E N R I "Let's fix this, Ri!" Binilisan ko ang bawat paghakbang ko palabas ng campus ng Collegio Del Pierro. Kung 'di ko ito gagawin, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kung anong pwedeng gawin ng kamay o kamao ko kay River kapag naabutan niya ako. Magmula kaninang umaga hanggang ngayong dismissal na ng klase ay habol pa rin siya nang habol sa akin kahit sinabi ko na sa kanya kagabi pa na ayokong makita ang pagmumukha niya o marinig ang nakakairita niyang boses. Tinapos ko na kami. It's over. We are over. "Henri!" naabutan ako nito. He grabbed my right hand with so much force. Napaharap ako sa kanya dahilan para masampal ko siya nang sobrang lakas. Nagtinginan ang mga estudyanteng napadaan ngunit hindi ko sila binigyan nang labis na atensyon. Wala rin naman akong pakealam at gano'n din sila dapat. Halata sa mukha niyang nakapaling sa kanan, ang sakit na naramdaman, nang tumama ang palad ko sa kanyang kanang pisngi kahit hindi ito umaray. Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin. Hindi man lang niya hinintay na makalabas ako ng campus bago siya gumawa ng ganitong eksena. "Ri—" "Wala na tayong dapat ayusin pa. Wala nang maaayos pa dahil sinira mo na 'yong kung anong mayroon tayo, River. You ruined it!" gigil kong sabi na hindi siya binigyan ng pagkakataong ituloy ang sasabihin. Tiningnan ko ang bakat ng aking palad sa mapula niyang pisngi ngayon. He deserves it. "Hindi lang relasyon natin ang sinira mo, River. Pati ang tiwala ko!" pahabol ko pa at pinasadahan siya ng inis na tingin bago tuluyan siyang lagpasan. Naglakad ako palabas ng gate. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo habang kaharap siya. 'Yong mukha niyang paiyak na ay gusto kong sampalin nang paulit-ulit. Hindi bumenta sa akin ang gano'ng itsura niya. Lalo lang akong nakakaramdam ng galit tuwing makikita ko siya. Ang gusto ko nalang ngayon ay puntahan ang kotse kung saan nag-aabang ang butler kong si Julio, ilang hakbang ang layo mula sa gate ng campus, at umuwi para makapagpahinga. Ngunit 'di pa man ako tuluyang nakakalapit sa puting Ferrari, may humila na naman sa kamay ko. "Ri, please! Just give me another—" At sinampal ko siyang muli. This time, mas malakas, mas masakit at mas deserve niya. "Another slap?" nginisian ko si River. Sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang suntukin at tadyakan sa kanyang pagkalalake. Nagpipigil lang talaga ako. "Pwede ba, River? Tigilan mo na nga ako! I already broke up with you last night. Tanggapin mo 'yon and leave me alone!" sinigawan ko siya. Napatingin ang ilang taong dumadaan. "But I love you!" his face is telling me that he's about to cry. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa sakit ng pagkakasampal ko o dahil nag-iinarte lang siya para makuha ang loob ko? "Gano'n mo nalang ba kadaling itatapon ang two years na relasyon natin, Henri?" nagsimula itong humikbi at suminghot. Oh, please! Napairap ako, tumingin sa gilid, bago tumingin sa kanya. "Sana tinanong mo muna 'yan sa sarili mo bago ka gumawa ng isang bagay na alam mong sisira sa relasyon nating dalawa, River!" I told him. "You cheated on me! You made me a fool! Nahuli ko kayong dalawa na nagse-s*x at sa clubhouse pa namin! Nasaan ang pagmamahal mo para sa akin na sinasabi mo? Ni-hiya nga ay wala ka, eh. Wala kang hiya!" I pushed him. Napaatras ito. He's sobbing and it disgusts me even more seeing him like this. "Ri, it was nothing. Ikaw ang totoo kong mahal at hindi si Gwen!" napangisi ako dahil sa narinig mula sa kanya. "Hindi ko siya mahal!" napairap ako at nang aktong kukunin niya ang kamay ko upang hawakan, inilayo ko ito. It was nothing? Gusto ko siyang sampaling muli. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasakit para sa akin ang pakiramdam na 'yong boyfriend mo for two years ay nahuli mong nakikipagsex sa isang babae. Pero hindi ko na gagawin. Bukod sa hindi naman matutumbasan ng kahit na ilang sampal sa mukha niya ang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na rin maaatim na ilapit muli sa pangatlong pagkakataon ang palad ko rito. "Hindi na kita mahal, River." Mariin ang mga salitang 'yon nang sinabi ko sa kanya. Nakatingin ako sa lumuluhang mga mata nito. Hindi ito makatingin sa akin nang diretso. "At sana noon palang ay hindi na kita minahal." Umiling ako ng dalawang beses at tiningnan siya sa huling pagkakataon. Hindi siya nakapagsalita. "And one more thing," that stopped him from crying and he looked at me. Nginisian ko siya nang may panggigigil sa mga mata. "You're disgusting..." those are my last words to him before I started to walk towards the car. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at walang lingun-lingon na binuksan ang puting Ferrari. Julio didn't open the car door for me, unlike he always does. Wala kasi siya sa labas. Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil namumutawi pa rin sa loob ko ang inis at galit kay River. Ang gusto ko nalang ngayon ay umuwi at itulog ang lahat ng 'to. Humiga ako agad pagpasok ko dahil ganito naman ang lagi kong siste. Ibabato ang bag at hihiga sa kumportableng horizontal cushion. "Diretso na sa bahay, Julio." Ang sabi ko habang binubuksan ang cellphone ko. Julio didn't respond. Madalas ay kung hindi 'sige po' ang kanyang sagot ay magtatanong ito sa akin kung sigurado ba akong hindi kami dadaan sa coffee shop ko. Hindi ko nalang pinansin ang presensya ni Julio nang magsimula itong magmaneho. Marahil ay nahalata niya rin na wala ako sa magandang mood at nakita rin siguro niya ang sitwasyon namin ni River kanina. That Jerk. In-unfriend at in-unfollow ko na siya sa lahat ng social media accounts ko pero hindi naman ako nakaligtas sa panggigisa ng mga kaibigan ko at ng online page ng Collegio Del Pierro nang magpost ito patungol sa break-up namin ni River. Totoo nga ang kasabihang ‘rumor spreads like wildfire’. "OMG! CDP's Hottest Gay Couple broke up! Maybe, they are not meant for each other. Girls, kalmahan niyo! Pumila na ang gustong pumila para kay River Dominguez at para kay Henrique Joe Almazen! Walang magtutulakan, ah?! Let's go!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis nang mabasa ang post na 'yon ng page. Pinili kong umirap. Kung may tama man sa post na 'yon, iyon ay ang mga salitang nagsasabi na siguro ay hindi kami para sa isa't isa ni River. Hindi 'siguro' dahil hindi naman talaga. Hindi kami para sa isa't isa and God knows how pissed I am for realizing it this late. "I told you, we told you! He was only up for money. Hindi ka nakinig, eh." Napailing na lang ako when I read Almira Policarpio's message. One of my two closest friends in school. Hindi ko siya ni-reply-an. "He's a real jerk, Henri. You should've believed us." That message is from Ronald King, my other  friend. Napairap nalang ako matapos basahin 'yon at in-off na ang cellphone ko. Pumikit ako at dinama ang pag-andar ng sasakyan habang naiinis pa rin ngayon. Hindi lang sa lalakeng 'yon. Sa lahat. How could my friends be insensitive right now? Alam kong mali ako at hindi ako nakinig sa kanila when they warned me about River. That the jerk was only up for my money. Nagkamali ako, alam ko 'yon, at hindi na nila kailangang ipaalala pa sa akin. I never asked them for any comfortable words when I found out that River was cheating on me with that b***h, Gwen. Hindi ako nagsalita at piniling tumahimik habang nasasaktan dahil alam kong walang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko, for trusting that jerk, and for loving him. Napamulat ako ng mata. My phone's ringing and it's Tiago who is calling. Hindi ko 'yon sinagot. Natatawa ako habang naiinis sa sarili ko. Santiago Ricks is way better than River pero noong pareho nila akong niligawan, 'yong demonyo pa ang sinagot ko. The ringing stopped. Kasunod no'n ang isang message notification na galing rin kay Tiago. I opened it. "I know you're not okay. Hindi ko rin alam kung gusto mo ng makakausap pero alam ko na kung kakailanganin mo, nandito lang ako." Napangiti ako habang binabasa 'yon. What now, Henri? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa sarili ko dahil gusto kong makipagkita kay Tiago kahit alam kong hindi 'yon tama. Hindi ko pa gaanong napoproseso 'yong sakit na ibinigay sa akin ni River kahapon pero gusto kong samantalahin ang pagkakataon na kalimutan 'yong sakit kasama si Tiago. Hindi pwedeng ang walang hiya ko lang na ex-boyfriend ang sumaya. Mula sa pagkakahiga, umupo ako. "Julio, sa coffee shop tayo. Nagbago ang isip ko." I told him while looking at my phone, replying to Tiago. "Meet me at my coffee shop." I clicked the send button and took a deep breath before I put down my phone. I looked outside through the car's window. Napakunot ang noo ko nang mapansing iba ang ruta na dinadaanan namin ngayon. "Julio..." pagtawag ko rito habang tinitingnan ang mga punong malalagpasan namin. "This is not the way to the coffee shop. Didn't you here what I've said? I told you, sa coffee shop tayo dumiretso." I told him nang humarap ako sa unahan. Hindi ito sumagot. He was just driving but I know, something's weird. Actually, kanina pa. When I looked at the rearview mirror, that's when I found out that it's not Julio, my butler. Nagulat ako nang tumingin rin ito sa salamin. His eyes gave me chills. I started to get nervous. "Who the hell are you?! Where's Julio?!" I shouted. "Manahimik ka riyan," kalmadong utos sa akin ng lalake. He's wearing Julio's black suit. Why the hell did I not notice that he was not Julio, 15 minutes ago? Right! I was busy thinking about River. "Hindi ka masasaktan kung isasarado mo 'yang bibig mo." Dagdag pa nito in a deep, calm voice. Lalo akong kinahaban dahil sa narinig. Is he a kidnapper? Obviously. "Stop the car and leave. You still have a chance to get away with this. Or else..." while saying those words, I'm slowy getting my phone from where I put it down. I have to call the police. "Ituloy mo at ipuputok ko 'to sa bungo mo." Sa gulat ko'y nabitawan ko ang hawak na cellphone. Napalunok ako while he's pointing a goddamn gun in front of my face. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako nang malamig habang patuloy sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. I can't get myself to utter a word. Tila umurong ang dila ko dahil sa baril na ano mang oras ay pwedeng kitilin ang buhay ko. I was thinking of snatching the gun from his hand while he's looking at the road. Ngunit hindi ko 'yon ginawa. He can easily pull the trigger sa kaunting maling galaw ko lang. Isa pa, I never learned how to snatch a gun before. Ni ang makahawak nga ay hindi ko pa nagagawa. Wala akong laban sa sitwasyong 'to. He has the upper hand right now. "A-Anong kailangan mo sa akin?" iyon ang itinanong ko nang magawa kong makapagsalita. Nanginginig ang boses ko habang nakatutok pa rin sa 'kin ang baril na hawak niya. "Pera mo," he answered me without hesitation. I knew it. What should I expect from a kidnapper? It seems like, hindi lang si River ang mukhang pera sa mundo. "M-Magkano?" I am looking at the rearview mirror and only seeing half of his face. "I have ten thousand cash in my wallet, would that be enough for you? Heto na, kunin mo na lahat! Even my phone, I just bought it last month. You can sell it. Just let me go!" I started to panic while getting the wallet from my bag. "Ang sabi ko, huwag kang gagalaw." Natigilan ako at nanigas sa kinauupuan ko nang ilapit niya pa sa noo ko ang baril. I dropped my bag. Napalunok ako. His voice is calm pero punong-puno 'yon ng otoridad. "Dahan-dahan mong kunin 'yong cellphone mo, pati 'yang bag mo at marahan mong ihagis rito sa unahan. Kung may tinatago ka pang extra-phone, ilabas mo na. Hindi ka masasaktan kung susunod ka." He commanded me. May parte sa isip ko na gustong kunin ang cellphone ko at buksan ‘yon, to call for help, pero hindi ko gagawin. I'll be dead before I could do that. Kaya sumunod nalang ako sa inuutos niya. Marahan kong ihinagis sa unahan ang cellphone, pati na ang bag ko. "Happy? Now, please let me go!" pakikiusap ko. "Hindi pa sa ngayon." Ibinaba niya ang nakatuktok na baril sa akin at tiningnan ako sa rearview mirror. Kahit puno ng takot, sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka mamamatay kung uupo ka lang d'yan, mananahimik, at walang gagawing katangahan." Sabi nito sa akin kaya't hindi nalang ako nagsalita o gumalaw. When I looked outside, malayo na kami sa pinanggalingan namin kanina. We are leaving the city. Natatakot ako para sa sarili ko sa kung saang lugar ako dadalhin ng lalakeng 'to at kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos ng araw na ito. Kung alam ko lang na mangyayari ang bagay na 'to, na maki-kidnap ako, sana ay tinadyakan at sinampal ko na si River nang maraming beses dahil wala namang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako nang buhay. Akala ko, wala nang mas imamalas pa ang araw na 'to, after I made it clear to River that we're over, mayroon pa pala. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD