H E N R I
"Gising..."
Boses ng isang lalake 'yon. Malaki, manly, at kalmado. Hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko dahil sa antok.
"Gising na..."
I can feel a hand touching my arm and shaking it. Hindi ko pa rin iminumulat ang mga mata ko. Hoping that if I open my eyes, si Julio ang bubungad sa akin, at masamang panaginip lamang 'yong kanina.
That I was kidn*pped by a man and I was being pointed by a gun.
"Gising! Hoy!"
Iminulat ko nang tuluyan ang mga mata ko nang maramdaman ang malakas na pagtapik nito sa braso ko.
I saw a guy who looks like in his late 20's. Makapal ang bigote at maliliit ang tubo ng kanyang balbas. He's wearing Julio's black suit.
So, it wasn't a dream after all.
Agad akong napaupo nang makita ang hawak niyang baril. Kinahaban ako bigla. I looked for my phone bago ko maalalang ibinigay ko nga pala 'yon sa kanya kanina.
It's pitch black outside. Hindi ko makita kung nasaan kami. Hindi ko rin alam kung ilang oras at paano ako nakatulog kanina. Ang alam ko lang, I am not safe right now.
"Bumaba ka ng kotse." He told me. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago kinakabahang bumaba.
I was about to shout for help when I felt the cold feeling of the gun on my back. Hindi ako nakagalaw. Napapikit ako sa kaba.
"Katulad ng sinabi ko sa 'yo kanina, hindi ka masasaktan kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko sa 'yo." He made me remember that warning again. Tumingin ako sa paligid. "Kahit tumakbo ka rito, walang makakakita sa 'yo. Liblib ang lugar na 'to. Kaya kung ako sa 'yo, huwag mo nang ituloy ang pinaplano mo." It's as if he read what was on my mind seconds ago.
Iyon ang gusto kong gawin ngunit kahit ayokong paniwalaan ang lalakeng 'to ay mukhang tama siya. Nang magbigay ng kaunting liwanag ang buwang natatakpan kanina ng makapal na ulap, I had a chance to see the view of this place.
Kahit saan ako tumingin, makakapal na cogon grasses lang ang nakikita ko. Walang bahay sa malayo, walang kahit anong ilaw at walang senyales na may mga taong malapit na nakatira rito.
I have nowhere to run to. Tama ang lalake. Mukhang liblib nga ang lugar na 'to.
"Maglakad ka," he pushed me using the gun. Napa-abante naman ako agad at sinunod ang gusto niya. Sa loob ko'y inis na inis na ako sa kanya. "Dire-diretso lang at huwag kang lilingon," utos niya sa 'kin.
"Wala kang mapapala sa akin," nagawa kong makapagsalita sa unang pagkakataon, mula nang magising ako, habang naglalakad kami sa madamong daan na ito. "I told you, kunin mo na ang ten-thousand pesos sa wallet ko, and my phone. Then, you can leave. I won't sue you for k********g me. Basta, hayaan mo lang akong umalis ngayon." Pakiusap ko at aktong lilingunin siya ngunit naramdaman ko na namang muli sa likuran ko ang baril niya. Muntik pa akong mapamura.
"Manahimik ka. Hindi ko sinabing magsalita ka." Ang mapait nitong tugon sa mga narinig mula sa akin. "Hindi kita basta pwedeng palayain dahil kailangan kita at ang pera mo," dagdag pa nito.
Hindi na ako sumagot pa at kahit naiinis, piniling maglakad na lang sa gitna ng makapal, at madamong lugar kung nasaan kami.
Hindi katulad ng mga napapanuod ko sa pelikula, this kidnapper isn't that aggressive, maliban sa pagtutok niya sa akin ng baril. His voice is calm kahit pa inuutusan ako nito at binabantaan. Kung wala lang siyang hawak na baril, 'hindi ko siya labis na katatakutan.
"Anong ginawa mo kay Julio?" hindi ko mapigilang itanong 'yon sa kanya after remembering my butler. "Nasaan siya?" patuloy ako sa paglalakad habang naghihintay sa isasagot nito sa akin.
"Hindi ko siya sinaktan," nagkaroon ako ng relief nang marinig 'yon. Pero nasaan ang butler ko? Paanong nasalisihan siya ng lalakeng 'to? "Tinulungan niya ako sa plano kong pag-kidnap sa 'yo." Nanlaki ang mga mata ko at gusto kong matigilan sa paglalakad. What the f**k? Julio helped him?
"Anong ibig mong sabihin?" I asked. Hindi ko maintindihan kung paano mangyayari 'yon at kung paano magagawa ni Julio sa akin 'yon.
Julio is working with me as my butler for 5 months now. My parents insisted for it kahit ayoko. They are in Australia dahil doon naka-locate ang business ng pamilya namin.
They hired Julio from a trusted agency. Julio is a kind person. Nasa edad trenta na ito pataas pero hindi ko nakitaan ito ng kahit anong bahid ng kasamaan kaya pinagkatiwalaan ko siya.
And now? Hindi ko na alam kung magagawa ko pa 'yon.
"Kaibigan ko si Julio," nagimbal ako sa narinig mula sa lalake. Hindi ako lumilingon at dire-diretso lang sa paglalakad kahit gusto ko na siyang harapin, at suntukin nang dahil sa nalaman ko. "Kung inaalala mo ang kaligtasan niya, mabuti nang huwag na lang." Nanggigil ako sa narinig. I feel betrayed right now.
How could that person betrayed me after 5 months of working as my butler?
I'm seriously having so much trust issues right now. Sa puntong ito ng buhay ko, hindi ko na talaga alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Everyone is starting to betray me.
"That fucker," napatiim-bagang ako sa inis habang binibilisan ang paglalakad ko sa gitna ng matataas na cogon grasses. "Huwag lang akong makaalis rito nang buhay, makikita niya." Bulong ko ngunit narinig 'yon ng lalake.
"Ako ang nagtulak sa kanya para tulungan ako sa plano ko kahit ayaw niyang gawin 'yon. Hindi ka dapat magalit sa kanya," he said that made me annoyed even more. "Kailangan ko ng malaking pera kaya ginagawa ko 'to," dagdag pa nito in a serious, deep, and calm voice.
Nanggigil ako.
"A betrayal is a betrayal. Kahit saang anggulo mo tingnan at kahit anong uri pa 'yon ng pagtataksil." Padabog akong naglalakad dahil sa panggigigil. "The fact that Julio let you kidn*pped me, he already betrayed me, and my family. Sinayang niya ang tiwala ko sa kanya." Inis kong tugon rito at natanaw ang isang bahay sa hindi kalayuan.
"Huwag ka nalang magsalita. Bilisan mo nalang maglakad," utos nito sa akin at marahang itinulak ang likod ko. Malapit na kami sa bahay na natanaw ko kanina. "Pumasok ka sa pinto, bukas 'yon. Diretso lang sa unang kwarto na makikita mo." Naiinis man pero sinunod ko 'to.
Isa itong lumang bahay nang makita ko sa malapitan. Gawa ito sa bato at mukhang abandonado. Sa paligid ay wala kang makikitang kahit isang bahay. Tanging makakapal na cogon grasses lang at matatayog na puno ng niyog ang mapapansin mo. It creeps me out.
I opened the door as what he told me to do. Pagbukas ko no'y agiw mula sa taas ng pinto ang unang bumungad sa akin. Magabok at maraming sapot ng gagamba. Hindi rin kanais-nais ang amoy ng semento kaya't agad akong napaubo.
"What the f**k is this place?" ang nausal ko sa sarili nang makapasok. Natigilan ako.
Bukas ang ilaw ng bahay na 'to. Sa harap ko ay may saradong pinto, ang kwartong sinasabi ng lalake. Sa gilid naman nito ay isang lamesang gawa sa kahoy at ang nakakadiring itsura ng tila nabubulok nang sofa bed. Nandiri ako.
"Ano pang hinihintay mo d'yan? Pumasok ka na." He pushed me dahilan para mapalapit ako sa harap ng pinto ng kwartong tinutukoy niya. I looked back at him.
"Heto na," I glared at him before entering the room.
Walang ni-isang gamit sa loob nito. Masikip ang buong espasyo at walang bintana para makapasok ang hangin. Parang hindi ka rito tatagal ng ilang oras dahil mamamatay ka sa suffocation.
"You're not actually thinking of letting me die here, right?" sarkastiko kong tanong sa lalake nang harapin ko ito. Isinarado niya ang pinto. "I'm going to die here! Oh my God! I can't breathe!" nagpanic ako habang lumilingon, tumitingala, at naghahanap ng butas kung saan ako makakalanghap ng sariwang hangin.
"Huwag kang maarte. Hindi ka mamamatay rito sa kwarto." Sagot niya habang ina-unbotten ang puting collar shirt matapos nitong hubarin ang itim na blazer na suot. "Sa init, pwede pa. Huwag ka nalang masyadong kumilos para hindi ka gaanong mainitan." Ngumisi ito.
That's ridiculous!
Nilagay nito sa gilid ng pinto ang puting sando na hawak. Ang mga hinubad naman niya'y nasa sahig.
He's shirtless right now. Tanging ang suot lang nitong itim na butler's slacks. He's wiping his sweat from his chest, pababa sa tiyan nito. This guy has a great and mature-looking body. He has a nice chest and a well-defined abs.
He looked at me and caught me staring at him. Kumunot ang noo nito. Matapos 'yon ay nagsuot na siya ng sando na isinabit niya sa gilid ng pinto.
Tumagilid ito at kinuha ang mga hinubad na damit. Sa gano'ng posisyon, nakita ako ang baril niyang nakalagay sa handgun holster, na naka-attached sa kanyang sinturon na suot. Napalunok ako.
Gusto kong kunin ang pagkakataon at kunin 'yon mula roon ngunit gagalaw pa lang ako, he already picked up the clothes from the floor. Tiningnan ako nito at ngumisi.
"Masyado kang mabagal kumilos," he said, as if he's teasing me while he's wearing that annoying smirk of him. "D'yan ka lang." Malamig na sabi nito sa akin at binuksan ang pinto bago ito lumabas.
Kinuha ko ang tiyansa upang lumapit sa pinto at nagmadaling paikutin ang doorknob, ngunit naka-lock ito. Damn it! He locked it from the outside!
Napasuntok ako sa pinto dahil sa inis. "f**k you!" sigaw ko at muling sinuntok ang kahoy na pinto bago umatras.
Napaupo ako sa sahig habang sinasabunutan ang sarili. Gusto kong maiyak sa inis sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa ang nasa ganitong sitwasyon ngayon?
First, I found out that my boyfriend was cheating on me, and even caught him having s*x with a girl. A b***h, actually. And now, I'm kidn*pped by this man na hindi ko alam kung ano ang tunay na intensyon sa akin kung bakit niya ako dinala sa lugar na 'to.
Kung may tao mang deserve ang ganitong sitwasyon, si River 'yon at hindi ako. He should be here, suffering, and not me. Kahit 'yon man lang ang maging karma niya sa panloloko niya sa akin.
Natigilan ako sa nalalapit na pag-iyak nang marinig kong bumukas muli ang pinto. Tumunghay ako't inalis ang dalawang palaf na nakatakip sa akong mukha.
The kidnapper came in. He's holding a plate with a bread on it. Sa kabilang kamay nito ay hawak niya ang isang stainless na baso. Lumapit ito sa akin at inilapag ang mga 'yon sa sahig, kaharap ko. Hindi ako gumalaw at tiningnan lang ang mga 'yon.
Then I looked at him with annoyance.
"Kainin mo 'yan."
He stood up.
"Seriously?" napangisi ako sa inis habang tinitingnan ang inilapag niya. "Tingin mo, gaganahan akong kumain pagkatapos mo 'kong kidnap-in at dalhin sa nakakasulasok na lugar na 'to?" hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin 'yon.
Walang reaksyon ang kanyang mukha matapos marinig 'yon. "Kung ayaw mong mamatay sa gutom, kakain ka." Tugon niya. I rolled my eyes on him.
"Ano bang kaibahan kapag kumain ako? Eh, papatayin mo rin naman ako, 'di ba?" gigil kong sabi sa kanya.
Bahagya niyang iniluhod ang kanan niyang tuhod at seryoso akong tiningnan. "Wala akong balak na patayin ka." Nagulat ako nang marinig sa kanya 'yon. "Pera lang ang kailangan ko sa 'yo at sa mga magulang mo." Napangisi ako sa sinabi nito.
"Really?" natawa ako dahil sa inis. "Ganito na ba ka-desperado ngayon ang mga taong tulad mo? Nang dahil lang sa pera?" napailing ako sa gitna ng pagngisi.
Umigting ang panga nito habang tinitingnan ako. "Nasasabi mo 'yan dahil pinanganak kang maraming pera at nasusunod ang mga luho mo." Natigilan ako sa pagngisi't nainis sa narinig sa kanya. Tumayo na ito. "Hindi kita pipiliting kumain kung ayaw mo. Bahala ka," those are his last words bago ito tumalikod at maglakad papunta sa pinto.
Sinamaan ko siya ng tingin at nang bubuksan na nito ang pintuan, tinawag ko ito.
"Magkano ba?"
Natigilan siya at binitawan ang doorknob. Humarap siya sa akin suot ang parehong seryoso na mukha niya kanina.
"Magkano ba ang kailangan mo?" I asked him, directly.
Saglit itong natigilan habang nakatingin sa akin, bago ito maglakad ng kaunti para lumapit.
"Dalawang milyon."
Kung pwede lang lumuwa ang mga mata ko nang dahil sa gulat nang marinig sa kanya 'yon, nangyari na.
"What?!"
Two f*****g million pesos?
What the hell is he gonna do with such sum?
***