Chapter 3

2457 Words
H E N R I “Patayin mo nalang ako dahil wala kang mapapala sa akin.” Mariin kong binitawan ang mga salitang ‘yon sa kanya. Nakatingin siya sa akin nang seryoso habang nakatayo sa harap ko. Nakaupo pa rin ako kaharap ang pagkain at inuming inilapag niya sa sahig. “At kahit patayin mo pa ako ngayon, wala kang makukuhang dalawang milyon sa akin.” Nginisian ko siya. “Gusto mo ng pera? Kunin mo lahat ng laman ng wallet ko pero ‘yon lang ang makukuha mo sa akin.” Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nakipagtitigan lang ako sa kanya matapos kong sabihin ang mga salitang ‘yon. He’s demanding for two million pesos. Dalawang milyon! Kahit may gano’n pa akong kalaking pera, hinding-hindi ko ibibigay sa kanya. Ano siya? Sinuswerte? “Hindi naman sa ‘yo mismo manggagaling ‘yong perang hinihingi ko, eh...” he paused for a second. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa at may kinuha mula roon. It’s my phone. “Sa mga magulang mo.” Iwinagayway niya ito sa harap ko. I’m starting to get what he’s trying to do at kung bakit niya ako dinala sa nakakasulasok na lugar na ‘to. I smirked at him. “Kidnap for ransom, I suppose?” hindi ko pinakita sa kanya na na-apektuhan ako ng pinaplano niya. “Well, too bad for you. Walang naka-save na contact numbers d’yan ang mga magulang ko.” I smiled in a way that could annoy him. Halata sa ekspresyon nito ang pagtataka at tiningnan ang hawak na cellphone. “Anong ibig mong sabihin?” natawa ako’t napailing nang magtanong ito sa akin. He’s looking at me, as if hindi niya na-gets ang sinabi ko. I looked away and smiled. “Katulad ng sinabi ko sa ‘yo kanina sa kotse, kabibili ko lang n’yan. Hindi lahat ng contact numbers mula sa dati kong phone ay naka-save na d’yan. Sadly, I don’t use backups for my files too.” Tumingin ako sa kanya. I pouted my lips to piss him off. Halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha ngunit nanatili itong seryoso. “Hindi naman magiging problema ‘yon.” He said. “Tatawagan ko si Julio para ipaalam sa mga magulang mo ang sitwasyon mo. Kapag nalaman nilang na-kidnap ka, doon ko hihingin ang perang kailangan ko, at matatapos na ang lahat pagkatapos no’n. Pagkatapos kong makuha ang dalawang milyon, makakalaya ka na.” Napangisi ako nang marinig ang tila nabuo na niyang plano sa utak. Napatingin ako sa kanyang ibaba bago paakyat ang mga mata hanggang sa ulo nito. “Tingin mo talaga, gagana ‘yang plano mo? That my parents would give you two f*****g million pesos? Come on, Mr. Kidnapper. Think twice.” Natawa ako at napailing. “My parents would rather locate where I am than to give you a cash. Hindi tatalab ang plano mo. Isip ka ng panibago.” Halata ang pag-igting ng panga nito matapos marinig ang sinabi ko. He’s obviously pissed off right now. At kinatutuwa ko na makita siyang ganito. “Kung mangyari man ‘yang sinasabi mo, wala na akong magagawa kung ‘di—” “Patayin ako?” I cut what he was going to say, or should I say, I just continued it? “No one’s stopping you. Actually, kung kanina ay takot pa akong mamatay, ngayon ay hindi na. You can shoot me dead right now. Dali!” paghahamon ko sa kanya out of annoyance. Seryoso itong nakatingin sa akin. Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo. “Para sa isang na-kidnap, masyadong matabil ‘yang dila mo.” Tugon nito sa akin. “Gan’yan ka bang pinalaki ng mga magulang mo?” I laughed as soon as I heard what he was asking me. “What the hell?” hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. “At sa akin mo pa talaga itinanong ‘yan, ha? The audacity! Kung may dapat mang magtanong ng tanong na ‘yan, sa ating dalawa, ako ‘yon. Gan’yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Desperado? Handang gumawa ng krimen para lang sa pera?” my face got serious, as well as my tone. Nakatingin ako sa kanya nang may panghuhusga. Bigla nitong iniluhod ang kanan niyang tuhod sa sahig, kaharap ko, at tiningnan ako nang diretso sa mga mata ko. “Wala kang alam kung bakit ko ‘to ginagawa.” May diin ang tono ng kanyang pananalita nang sabihin ‘yon sa akin. Hindi ako bumitaw sa seryosong pagkakatitig sa kanya. “Wala ka sa posisyon para husgahan ako dahil wala kang alam.” Kalmado ngunit halatang inis nitong dagdag. Napangisi akong muli. “Really?” gusto ko itong lalong inisin. “Eh, kung magtrabaho ka kaya nang marangal para magkapera ka? Kung imbes na nangingidnap ka ng tao, e naghahanap ka ng malinis na paraan para kumita? Bakit hindi nalang gano’n? Siguro, kapag gano’n ang ginawa mo, hindi ka mahuhusgahan.” Nginitian ko siya matapos sabihin ‘yon. Isang sarkastikong ngiti na nagpatitig lalo ng mga mata niya sa akin bago ito tumayo. Tumalikod ito agad. “Hindi ko kailangang sumagot ng kahit na anong tanong mula sa ‘yo.” Nang sabihin ‘yon, nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto. I hit the nail on the head, didn’t I? Natawa na lang ako. “Iyong Ferrari...” natigilan siya mula sa pag-ikot ng doorknob nang marinig ako. “Hindi ko alam kung aware ka o hindi, pero that costs more than what you’re asking for. Bakit ‘di mo nalang kinuha ‘yon at itinakbo? E ‘di sana, wala ako ngayon rito at hindi mo na kakailanganin pang mag-isip ng plano kung paano makakahingi ng pera sa mga magulang ko.” I hate myself for telling him that pero hindi naman siguro siya tanga para ‘di malaman ang tungkol doon. Binitawan niya ang pagkakahawak sa doorknob at nilingon akong muli. “Kung gano’ng kalaking pera ang kailangan ko, wala ka sana rito ngayon.” Seryosong sabi nito na nagpataas ng kilay ko. “Dalawang milyon lang ang kailangan ko at hindi na hihigit pa roon.” Dagdag niya that makes me think that he’s a real weirdo. A really weird kidnapper. Una, para sa isang kidnapper, masyado siyang kalmado. Pangalawa, sinabi niya sa akin na hindi niya ako papatayin, dahil kung ibang kidnapper ‘to ay gagawin ang lahat para lang matakot ang kinidnap nila. At pangatlo, siya lang ang kidnapper na ayaw ng Ferrari at sa malaking perang makukuha niya kapag binenta ito. Parang binigyan mo na siya ng pagkakataong kunin ang limpak-limpak na salapi pero mas gusto nito ang kakarampot. I don’t get him at all. “Weirdo.” Bulong ko’t umiwas ng tingin sa kanya. “Kung ayaw mong kumain, bahala kang matulog nang walang laman ang tiyan.” He said before turning his back on me and opened the door. He gave me a serious look before closing it. Napangisi ako’t napailing before looking at the plate and the cup he gave me earlier. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Sino bang makakaramdam ng gutom sa ganitong klase ng lugar at sitwasyon? Sige nga? I looked at the place where I am right now. Sa buong kwartong wala man lang bintana sa kahit na saang sulok nito. Walang kisame at wala kahit na anong pwedeng mahigaan. Where is he expecting me to sleep here? Sa sahig? Napairap nalang ako sa kawalan. Habang fini-figure out kung paano ako matutulog sa loob ng masikip na kwartong ito ay bumukas muli ang pinto. The weird kidnapper came in with a pillow, a blanket, and a flattened cardboard box in his hands. He gently put them down in front of me. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Gano’n rin ito na hindi magawang tumingin sa akin. His face is serious. Matapos ‘yon ay lumabas na ito ng kwarto. Sandali akong napatitig sa ngayo’y sarado nang pintuan bago tingnan ang mga bagay na dinala niya rito sa loob. Hindi siya nagsalita ng kahit na ano. Hindi niya sinabi kung paraan saan ang mga ‘to ngunit obvious namang dinala niya ito rito para gamitin ko sa pagtulog. Hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko. Why would he do that? As a kidnapper, really? Hindi ako makapaniwala at gusto kong matawa nalang. Siya lang ang kidnapper na kilala kong may pakealam sa tutulugan ng kinidnap niya. A kidnapper who gave a pillow and a blanket to his victim. A real weirdo. I set aside the plate and the cup he gave me. Kinuha ko ang unan at kumot, habang hindi pa rin sigurado kung anong gagawin ko sa karton na isinama niya. What am I supposed to do with this? Hindi ko ‘yon ginalaw. Kahit hindi ako kumportable sa pakiramdam ng matigas na unan at makating kumot sa balat ko, nahiga ako kasama ng mga ito. Sa sahig at dinama ang lamig nito. Nakatingin ako sa itaas. Nandidiri ako sa sarili ko. Ito ang unang pagkakataong hindi ako nagpalit ng uniporme ko bago matulog. Kung nasa bahay ako ngayon, malamang ay nagbababad na ako sa bathtub. Hindi ko nga alam kung anong oras na, eh. Tanging mga kuliglig at ang nakakabinging katahimikan lang sa labas ang nagbibigay sa akin ng ideya na dis oras na ng gabi. Habang nakahiga at nakatingin sa itaas, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako habang iniisip si River. Ang gagong ‘yon. How could he hurt me this way? Dalawang taon rin kaming magkarelasyon at totoong minahal ko siya nang buo. Ngayon, napapaisip tuloy ako kung sa loob ba ng dalawang taon na ‘yon ay minahal niya rin ako nang totoo? Siguro hindi. Siguro nga tama ang mga kaibigan ko na bukod sa hindi siya mapagkakatiwalaan, he was only up for my money. Sa mga luhong ako mismo ang nagbigay sa kanya. I gave him all the material things he asked me. Kasi alam kong doon siya masaya, doon ko siya mapapasaya, at isa ‘yon sa mga paraan ko para ipakita kung gaano ko siya minahal. Pero nagkamali pala ako. Maling-mali. He was able to enter Collegio Del Pierro because of the scholarship from the City Government. Hanggang ngayong graduating na kami sa parehong kursong BS Hospitality management ay ‘yon pa rin ang pinanghahawakan niya. He’s not from a wealthy. Hindi katulad ko, hindi siya sanay sa karangyaan sa buhay. Ang totoo n’yan, simple lang siya noong unang beses ko siyang nakilala, and that made me fall for him. Kaya rin siguro napalapit ang loob ko rito dahil naawa ako sa sitwasyon niya dahil tuwing magkakaproblema sa pera ang pamilya niya, sa akin siya lumalapit at umiiyak. Sino ba namang matitiis ang katulad niya? Hindi ko itatanggi ang kagwapuhang taglay ni River. Para sa isang taong ‘di mayaman, hindi ‘yon halata sa mukha niya. He’s handsome as hell, that’s how students at the campus described him. Matangkad, tisoy, at may ipagmamalaki pagdating sa katawan. Gustong-gusto ko ang naka-brushed up niyang kulay brown na buhok tuwing makikita ko ito sa umaga. Natutuwa ako palagi sa ganda ng kanyang ngiti at kinang ng kanyang malalalim na mata. Ngunit ngayon? Habang iniisip ko ang mga katangian niyang ‘yon at ang itsura niya? Gusto ko nalang masuka. Mahal ko siya, minahal ko siya, at ‘di madali sa akin ang bitawan siya nang gano’n nalang. Ngunit alam kong iyon ang pinakatamang desisyong ginawa ko sa buhay ko. Ang makipaghiwalay sa kanya para sa sarili ko at para sa ikabubuti ko. Sa pag-iisip ko kay River, I remembered Tiago. We were supposed to meet earlier. Malamang ay iniisip na no’n na pinagtripan ko lang siya for telling him to meet me at my coffee shop. Tiago is a good-looking guy. He came from a well-known family of politicians. Katulad ni River, he’s also a handsome guy. Halos pareho lang siya ng physical features, ang kaibahan lang, may lahing German si Tiago na halata sa itsura niya. He’s always been nice to me. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko ‘yon nakita. Bakit ‘di nalang siya ‘yong sinagot ko, instead of River? He once shared with me that his family wants him to enter politics after college. Mukhang ‘yon rin naman ang gusto ng puso niya. Kaya rin siguro hindi ko siya sinagot ng mga panahong ‘yon. Not that I hate politics but it’s just not my thing, at sa gusto kong maging karelasyon. Napahinga ako nang malalim at naramdaman ang lamig ng aking likuran. The floor is giving me so much cold. Hindi ko ito natiis kaya’t mula sa pagkakahiga, napaupo ako. The weird kidnapper didn’t even give me a thin sheet of mattress, or at least a comforter for me to sleep comfortably. Pero naalala ko, why would he even bother? Kidnapper pa rin siya and he won’t give me that much comfort. Napatingin ako sa flattened cardboard box sa gilid, katabi ng mga pagkaing inilagay ko sa roon, at napatitig rito nang ilang segundo bago pumasok ang isang ideya sa utak ko. Kinuha ko ‘yon at isinapin sa parte ng sahig na hihigaan ko. This is so brilliant of me. Ngayo’y nakakahiga na ako nang hindi gaanong nilalamig ang aking likod. Then I realized something. Did that guy gave me this flattened cardboard box for the same purpose? Napailing na lang ako’t hindi na nag-isip pa dahil ilang segundo lang matapos akong mahiga, napapikit na ako dahil sa antok. I fell asleep. Nagising ako sa hindi ko malamang dahilan. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at kinusot ang dalawa kong mata. Tumayo ako. Kahit walang bintana sa maliit na kwartong ‘to ay alam kong gabi pa rin ngayon. Wala lang akong ideya kung anong oras na at kung gaano ako katagal na nakatulog. I was about to go back to sleep when I heard someone talking outside. Natigilan ako’t pinakinggan ‘yon. Is that the kidnapper? ‘Yong ngayo’y naririnig kong may kausap? “Pupunta rin ako d’yan...” I immediately went to the door. Idinikit ko ang kabilang tenga ko roon out of curiosity. Mahina ngunit naririnig kong may kausap siya sa tawag. Hindi ko kasi naririnig ang kausap nito. “Malapit na...” napakunot ang noo ko habang nakikinig. “Gumagawa lang si Kuya ng paraan para matuloy na ang operasyon mo...” Ang mga sumunod na sinabi niya’y hindi ko na narinig matapos kong ilayo ang aking tenga mula sa pinto. Hindi ko mapigilan ang sarili kong bumuo ng konklusyon sa totoong dahilan kung bakit ako kinidnap ng lalakeng ‘yon. Operasyon? Is that the reason why he’s doing this? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD