H E N R I
Umaga na nang muli kong imulat ang mga mata ko.
I don't know how I managed to sleep in this place. I hate to admit it but the pillow, the flattened cardboard box, and the blanket that the weird kidnapper gave me helped. Pero ayoko nang matulog rito ng isa pang gabi. Baka hindi ko na talaga kayanin 'pag nagkataon.
Thank goodness, the weird guy let me use the bathroom. Paggising ko kasi ay punong-puno na ang pantog ko. I thought, he'll let me piss here. That would be so disgusting if ever.
Matapos ang ilang minuto nang makabalik ako sa loob ng masikip na kwarto, the door opened and then he came in. He's wearing the same white sando and black suit pants that he was wearing last night. Napatingin ako sa hawak niya. He's holding a mug. Umuusok 'yon habang palapit siya sa akin.
Hindi ako gumalaw sa sahig na kinauupuan ko at tiningnan lamang siya.
"Kape," ibinaba nito ang hawak na mug sa sahig.
"Ayos ka rin, 'no?" tiningnan ko siya habang tumutunghay ito matapos niyang ibaba sa harap ko ang kapeng ibinigay niya. "Ngayon lang ako nakakilala ng isang kidnapper na pinagkakape ang biktima niya." Natawa ako nang mahina bago balingan ng tingin ang itim na kulay na laman ng baso.
"Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo ng mga inumin at pagkaing binibigay ko," he answered while looking at me with the same serious face. "Kung gusto mong maka-survive rito, kakainin at iinumin mo ang lahat ng mga ibinibigay sa 'yo." He added. That made me smirk.
The smell of the coffee in front of me made my stomach rumbled.
Natawa ang lalake nang marinig 'yon.
"What's so funny, huh?" inis kong tanong sa kanya.
Sumeryosong muli ang kanyang mukha bago tumalikod at naglakad palabas ng kwarto. Hindi niya 'yon isinara dahil ilang segundo lang ay bumalik muli siya dala ang isang maliit na plastik ng tinapay. Marahan niyang ihinagis sa akin 'yon. I catched it, unintentionally.
Tiningnan ko ang ibinato niyang 'yon. I don't know what kind of bread this is. The plastic is transparent, that's why I can see what's inside. Maliliit na mga brown na bilog ang nasa loob and when I touched it, matigas ito.
"Hindi ka pa kumakain magmula kagabi."
"Anong pakealam mo?" I looked at him with annoyance. "Kakain lang ako kung kailan ko gusto at kung gusto ko ang pagkain." Mariin kong sabi sa kanya na nakapagpangisi rito.
"Halatang anak-mayaman ka nga sa bawat pagbuka ng bibig mo," mula sa pagngisi ay sumeryosong muli ang mukha nito. Nanatili akong nakatingin sa kanya nang masama. "Alam kong gutom ka na. Hindi mo naman ikakababa kung kakainin mo 'yan." Ang sabi pa nito na tinuro ang tinapay na hawak ko.
Inilagay ko 'yon sa tabi ng mug kung saan niya ito ibinaba bago tuminging muli sa kanya. "Mas gugustuhin ko nalang na mamatay sa gutom kaysa ang tumanggap at kumain ng kahit anong galing sa wirdong kidnapper na tulad mo," I smirked.
His forehead furrowed. "Wirdo? Ako?" tila nagtataka nitong tanong bago matawa nang kaunti at lumapit sa akin nang bahagya. "Puwes, ikaw, isip-bata." He said that with emphasis. Nagulat ako dahil sa sinabi nito.
"How dare you call me childish? You don't even know me!" I shouted out of annoyance. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Unlike you, kilala kita at ang mga taong katulad mo. A swindler! Manggagantso!" napapikit ito at napangisi. Hindi ko alam kung nagpipigil siya ng inis pero mukhang tinamaan siya sa sinabi ko.
"Sinabi sa akin ni Julio na bente uno ka na pero sa nakikita ko ngayon, para kang disisais kung umasta." Napailing ito na hindi inalis ang nakangising tingin sa akin. Lalo akong nainis sa kanya. "Kaya ka siguro hiniwalayan ng nobyo mo kasi gan'yan ka." That assumption from him made me angry.
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at gigil na hinarap siya. Napatingala ako rito nang bahagya dahil 'di hamak na mas matangkad ito sa akin, pero hindi ako nasindak no'n. Sa sinabi niya'y gusto ko siyang suntukin. Nanggigigil ako.
"Wala kang alam!"
Namalayan ko nalang ang sarili ko na itinulak siya ngunit hindi ito napaatras mula sa kinatatayuan niya. Ni ang magulat dahil sa ginawa ko ay hindi makikita sa mukha niya. He's just looking at me, as if he doesn't have a care.
Itinitig ko ang masama kong tingin sa kanya. "Unang-una, hindi mo ako kilala. Pangalawa, wala kang karapatang husgahan ako dahil sa ating dalawa, ako ang biktima rito, at ikaw ang masamang tao!" gigil kong sigaw sa kanya ngunit hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin nang seryoso. "At pangatlo, ako ang nakipaghiwalay sa kanya! He cheated on me! Kaya huwag kang magsasalita na parang ako 'yong masama rito. Uulitin ko, wala kang alam! Wala kang alam!" buong panggigigil kong sigaw sa kanya. Nakita kong kumurap ito at lumunok bago marahang tumango.
Ngumisi ito sa akin. "Pasensya..." matapos bitawan ang salitang 'yon, tumalikod na siya't naglakad palabas ng pinto.
He slammed the door.
Napaupo ako sa inis habang tinitingnan ang pinto. Parang lahat ng dugo sa katawan ko'y napunta lahat sa ulo ko matapos ang pagsigaw kong 'yon sa harap niya. Hindi ko lang kasi napigilang hindi siya patulan, lalo na nang isali niya sa usapan ang tungkol sa hiwalayan namin ni River. He must've seen that scene when River and I were fighting, yesterday. Baka nga narinig pa niya ang mga sinabi ko kay River at kung paano ako makipaghiwalay rito. But if he did, why would he assume that it was my fault why we broke up?
Hindi lang pala siya isang weird na kidnapper. Chismoso rin siya. Chismoso't weird na kidnapper na walang alam.
Napailing ako sa kawalan.
Sa taas ng boses ko kanina at sa pagtulak ko sa kanya nang malakas, dapat ay nagalit ito o nagreact, lumaban o gumati. Pero pinili nitong tingnan lang ako at pakinggan. He just left.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit nag-aabala pa siyang dalhan ako ng mga pagkain at maiinom. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang kamuhian for bringing me to this place, for k********g me, and for locking me up inside this stupidly tight room. Ngunit hindi ko magawa nang buong-buo kahit inis na inis na ako sa pagmumukha niya. It's as if I'm seeing his calm side more than his aggressive side. Binibigyan niya ako ng dahilan para isipin na talagang weirdo siya, that he's a real weird kidnapper, and that he's not used to this and not a pro when it comes to this kind of s**t.
Gusto ko nalang matawa sa inis. Sa kanya at sa sitwasyon, pati na rin sa sarili ko. How could I ever get away from this? Ruming-rumi na ako sa sarili ko. Suot ko pa rin ang parehong putting longsleeves polo, gray necktie, and this gray slacks that is now stained by dust. I need a f*****g shower! I need to get out from this f*****g place!
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarinig ako ng boses mula sa labas. The weird kidnapper is talking to someone again.
Out of curiosity, I stood up and walked to the door. Katulad kagabi, medyo idinikit ko ang kabila kong tenga sa pinto upang marinig 'yon. It seems like he's talking to someone over the phone but this time, I can slightly hear the person who's talking from the other end.
"Nahihirapang huminga si Mac, Kuya Scott..." boses 'yon ng isang batang babae. "Ang sabi ni Doc, kailangan na daw siyang ma-operahan sa lalong madaling panahon..." bakas ang pag-aalala sa boses ng taong nasa kabilang linya. Napakunot ang aking noo nang marinig 'yon.
"Papunta na ako d'yan. Ako na mismo ang kakausap sa doktor."
Iyon lang ang mga salitang narinig ko mula sa kidnapper bago tuluyang tumahimik ang paligid. Bakas rin sa boses nito ang bahid ng sobrang pag-aalala. Napalunok ako habang iniisip ang mga narinig. Narinig ko kagabi na may kausap siya sa cellphone at tungkol rin 'yon sa kapatid niyang sa aking pagkakaintindi ay may sakit, at nasa ospital. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Nagulat na lamang ako nang bumukas ang pinto habang nakadikit pa rin ang aking tenga roon. Napaatras ako nang dahil sa gulat. Napalunok ako nang makita siyang pumasok sa loob ng kwarto dala ang cellphone ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso. Mahigpit at nasasaktan ako sa ginagawa niya.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
"Tawagan mo ang mga magulang mo!" hindi niya pinansin ang pagdaing ko't itinutok sa akin ang cellphone. Seryoso ang mukha nito't hinihingal. "I-dial mo ang numero nila! Ako mismo ang kakausap sa kanila para sabihing nandito ka!" agresibong utos nito sa akin, pawisan at madaling-madali na ibinibigay sa akin ang cellphone.
Nakuha ko ang gusto niyang iparating sa akin at kung bakit niya gustong gawin 'yon ngunit hindi ko ginawa. Tinitigan ko lang ang cellphone na hawak niya't binalingan siya ng masamang tingin.
"I told you, I don't have my parents' number! Hindi ko rin 'yon saulo!" sagot ko rito habang pumapalag sa mahigpit niyang pakakahawak sa magkabilang braso ko. "At kahit alam ko 'yon, hinding-hindi ko susundin ang gusto mo!" sigaw ko.
Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya mula sa narinig sa akin. Saglit ako nitong tinitigan nang seryoso habang halatang nakatiim-bang bago ako nito bitawan. Napailing ito habang tinitingnan ako. Kunot-noo ko lang siyang tiningnan habang dinadama ang mga braso ko.
Without saying any words, he turned his back on me and walked outside the room. He slammed the door once again. I even heard a loud noise outside. Then, I heard the slamming of the door. Sa aking palagay ay lumabas siya.
Umupo akong muli at kinalma ang sarili matapos ang kabang naramdaman ko, nang pumasok siya rito at harasin ako. Naiinis ako sa ginawa niya. Napailing ako't napahilamos ng dalawang palad sa aking mukha.
Dalawang oras na siguro akong nakahiga pero hindi pa rin bumabalik ang lalakeng kidnapper na 'yon. Sa loob ng mga oras na 'yon, hindi ko mapigilang isipin ang mga narinig ko kanina sa kanya at sa kausap niya sa tawag. He seems so problematic because of what he heard. His sibling needs an operation as soon as possible, that's what I heard. Hindi ko maiwasang isipin kung anong sakit ng kapatid niya at kung gaano na 'yon kalala.
Kagabi ko pa napagtanto na kaya niya ginagawa 'to, kaya niya ako kinidnap, at dinala rito ay dahil sa perang gusto niyang makuha kapag ipinaalam niya sa mga magulang ko na hawak niya ako. I guess, the two million pesos that he was demanding is for his brother's operation.
Hindi ko magawang lubos na maintindihan ang sitwasyon niya ngayon. He kidn*pped me. Biktima pa rin ako rito. At krimen ang ginawa niyang pagdala at pagkulong sa akin sa lugar na 'to. Ngunit gaya ng sabi ko, weirdo ang kidnapper na 'yon, at halatang hindi marunong manakit ng tao. Kaya rin siguro hindi ako lubos na natatakot sa kanya dahil sa mga ipinapakita niya magmula kahapon. Seryoso siyang tipo ng kidnapper pero siya na rin ang may sabi na wala siyang balak na patayin ako. He's only up for money.
Honestly, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Ako 'yong biktima rito at hindi ko siya kilala pero bakit nakakaramdam ako ng awa, hindi sa kanya, kung 'di sa sitwasyon niya at ng kapatid niya?
Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa inis.
Ilang minuto pa'y nagpasya akong tumayo. Paikot-ikot lang sa bawat sulok ng maliit na kwarto kung nasaan ako ngayon. Hindi alam kung ano ang gagawin at hindi alam kung ano ang mararamdaman. Ilang beses akong umupo't tumayo, paulit-ulit, bago ko naisipang lumapit sa pinto.
Hinawakan ko ang doorknob nito. I twisted the doorknob, only to find out that it isn't lock. Nagulat ako at tuluyang pinihit 'yon upang buksan. Are you freaking kidding me right now? I spent two hours inside this f*****g room and it was not lock all along? Great!
Napailing ako sa inis bago lumabas mula roon. I looked for my phone and bag but I can't find them. Sumilip ako sa bintana at nakita ang malawak na area kung saan wala ka halos matatanaw kung 'di ang makakapal na cogon grass, mga puno ng niyog, at kawalan. Mataas ang sikat ng araw sa labas at sa palagay ko'y bandang alas dies na ng umaga.
Napalunok ako't naglakas loob na lumapit sa front door. Agad kong hinawakan ang doorknob at pinihit ito. Nakapikit ako't hinihiling na sana katulad ng sa kwarto, hindi ito naka-lock.
And it opened.
Ang init ng sikat ng araw ang unang bumungad sa akin. Walang paglagyan ang tuwang namumutawi sa loob ko nang lumabas ako mula roon. That weird kidnapper didn't lock the doors. I guess, hindi lang siya weird, tanga rin siya. He's stupid for not locking the door and giving me the chance to escape.
Napatingin ako sa kawalan. Sa kalawakan ng paligid. The first thing that came into my mind was to run and so I did.
I ran.
Tumakbo ako nang tumakbo at lumayo nang lumayo sa abandonadong bahay na pinanggalingan ko. Hindi ako lumingon. Hinihingal ako habang iniisip ang pagtakas at ang kalayaan ko.
Ngunit natigilan ako.
Hindi dahil sa pagod at pagkahingal. Natigilan ako nang maalala ko ang mukha ng lalakeng weird na kidnapper. Napahinto ako nang maalala ang mga narinig ko kanina, nang maalala ang sitwasyon niya, at lalo na ang kapatid niyang may sakit. Napalunok ako't hindi magawang maihakbang ang mga paa ko para magpatuloy. Napatingala ako't napasabunot sa sarili.
What am I doing?
This is my chance to escape. Away from this strange and filthy place, and away from that weird kidnapper. One step forward and I'll be going home, and this will be all over. Babalik na sa normal ang lahat.
Why the f**k am I hesitating to escape? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bullshit!
Nilingon ko ang abandonadong bahay kung saan ako nanggaling. Tinitigan ko ito nang matagal at napatiim-bagang bago napailing. f**k you, Henri.
Seconds later, I realized that I am walking back to that house.
***