Chapter 5

2600 Words
H E N R I “Bakit hindi mo tinuloy?” hindi ako nagsalita nang marining ang tanong ng wirdong kidnapper. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko siya tiningnan. Nanatili akong nakaupo sa isang sulok ng masikip na kwarto kung nasaan ako. “Pagkakataon mo nang tumakas pero bumalik ka pa...” he added that made my forehead furrowed. Tumingin ako sa kanya. “What are you talking about?” maang-maangan ko kahit may ideya na ako sa bagay na tinutukoy niya. Napangisi ito ngunit seryoso pa rin ang kanyang mukha. It’s been twenty minutes since I decided to go back in this abandoned house. Pagbalik ko ay ilang minuto lang, narinig ko rin ang pagdating niya. He came back after two hours. He’s speaking as if he saw me earlier. Ngunit paano? Wala naman siya rito kanina. “Pabalik na ako rito noong makita kitang tumatakbo sa labas,” lumapit ito sa akin nang bahagya at dala ang isang plastik, na may lamang tubig at pagkain, ibinaba niya ito sa harap ko. “Huminto ka at bumalik. Bakit mo ginawa ‘yon?” bakas ang pagtataka sa seryoso niyang mukha. Napaiwas ako ng tingin. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Wala akong lubos na eksplanasyon kung bakit hindi ako nagpatuloy sa pagtakas. Wala akong maipapaliwanag kung bakit bumalik pa ako rito. Nakakatangang isipin dahil dapat ay tumuloy nalang ako at hindi na bumalik pa. Ngunit kung may isang bagay man na sigurado ako, ginawa ko ‘yon dahil na-apektuhan ako sa narinig at nalaman kong sitwasyon niya, at ng kapatid nito. Hindi ako nagsalita. “Kainin mo ‘yan at pagkatapos ay pwede ka nang umalis. Kunin mo sa akin ang susi ng sasakyan mo, ang bag, at ang cellphone mo pagkatapos.” Napatingin ako rito nang may gulat sa mukha. Hindi ko inasahan ang bigla nitong sinabi. Hindi ako makapaniwala. “Kung gusto mo akong kasuhan, hindi kita pipigilan. Pero huwag muna ngayon. Kailangan ako ng mga kapatid ko.” Seryoso ang tono ng kanyang boses at tumalikod na. Dapat ay nagdi-diwang na ang puso ko ngayon sa tuwa dahil sa sinabi niya. He’s letting me go. Makakaalis na ako sa lugar na ‘to. Makakabalik na ako sa normal na buhay ko. Ngunit bakit hindi ko lubos na maramdaman ‘yong tuwa? Habang tinitingnan ko siya kanina, isang taong punong-puno ng lungkot at problema ang nakikita ko. Hindi ko rin maiwasang mag-isip. Bakit niya ako papakawalan? Paano ang dalawang milyon na hinihingi niya? Paano ang operasyon ng kapatid niya? “Paano ‘yong dalawang milyon?” bigla siyang natigilan sa nalalapit na paglabas ng pinto nang marinig akong magsalita. Nilingon ako nito suot ang seryosong mukha. “Kalimutan mo na ‘yon.” Tumingin siya sa gilid niya bago ako muling balingan ng tingin. “Ikaw lang ang kilala kong pinapalaya na ng kidnapper na gusto pa ring pag-usapan ang tungkol sa ransom.” Ngumisi ito at umiling bago muling tumalikod. “Paano ang kapatid mo?” Iyon ang nakapagpatigil sa kanyang muli sa paglalakad palabas ng pinto. Agad itong tumingin sa akin ngunit sa pagkakataong ito, may kunot na sa kanyang noo. “I overheard your phone call with your sister.” Pag-amin ko’t lumunok hahang tinitingnan siya. “Ginagawa mo lahat ‘to because of your brother, right? Kaya mo ako kinidnap at kaya gusto mong makuha ‘yong dalawang milyon. Para sa operasyon niya.” Sandaling natigilan ang lalake dahil sa gulat nang marinig ang sinabi ko. Ngumisi ito. “Bilib rin ako sa ‘yo. Kahit nasa ganitong sitwasyon ka na, nagagawa mo pa ring makinig sa usapan ng ibang tao.” Napailing ito’t sumeryoso ang mukha. “Tama ka. Ginawa ko ‘to para sa kapatid ko kahit alam kong mali. Kaya ngayon, pinapalaya na kita. Hahanap na lang ako ng ibang paraan.” Diretsahan niyang sabi at lumabas na ng kwarto. Iniwan niyang bukas ang pinto kaya’t tumayo ako’t lumabas para sundan siya. Nilapitan ko ito habang nakatalikod siya’t may inaayos sa lamesa. “Anong sakit niya?” natigilan ito. “Gaano na kalala?” hindi ko napigilang pangalawahan ang pagtatanong ko sa kanya. Marahan niya akong nilingon suot ang kalmado ngunit may bahid ng pagkairitang mukha. “Bakit mo ba tinatanong? Ano bang pakealam mo?” he asked. Napalunok ako’t tumango. “Dahil gusto kitang mas maintindihan...” I answered him. “Gusto kong lubos maintindihan kung ano ang sitwasyon mo. Kung bakit ka napunta sa sitwasyong ‘to. At bakit mo ‘ko pinapalaya kahit wala ka pang nakukuha sa akin?” sunod-sunod kong sabi sa kanya na nakapagpakunot lalo ng kanyang noo. I sound weird, alam ko ‘yon. Maski naman ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lamang ako magtanong sa kanya. Hindi ko naman dapat ginagawa at wala naman dapat akong pakealam pero hindi ko mapigilan. Ang hirap pigilan. Tiningnan ako nito na halatang may pagkairita sa kanyang mukha. “Sinabi ko na sa ‘yo ang totoo. Ginawa ko ‘to dahil sa kapatid ko. At pinapalaya na kita dahil alam kong mali ang gawin pa ‘to.” “Pero paano ang kapatid mo? Paano ang operasyon niya? Saan ka kukuha ng pera?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin siya ulit. Nagtunog concern tuloy ako nang dahil doon. Parang inilalagay ko ang sarili ko sa posisyon kung saan ay gusto kong baguhin niya ang isip niya’t bihagin ulit ako dahil sa mga tanong kong ‘yon. Pakiramdam ko’y lalo siyang nairita sa akin. “Wala ka nang pakealam sa kung anong diskarte ang gagawin ko. Katulad ng sinabi mo, hindi mo ‘ko kilala at hindi rin kita kilala. Hindi tayo magkakilala.” Mariin nitong sambit na nakapagpalunok sa akin. “Pinapaalis na kita. Pwede ka nang umalis rito.” Kinuha niya ang bag ko’t ibinigay iyon sa akin, kasama ng susi ng Ferrari. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako napailing. Kinuha ko ang mga ‘yon. Tiningnan ko siya nang seryoso bago kunin sa lamesa, kung saan nakasandal ang dalawa niyang kamay, ang cellphone ko. Isinukbit ko ang aking bag at marahang naglakad papunta sa harapan ng front door. “Congenital Heart Defect...” Natigilan ako sa aking nalalapit na paghakbang palabas ng pinto nang marinig ko ‘yon sa kanya. Agad akong napalingon rito. Nakatalikod siya sa akin, sa parehong pwesto kung nasaan siya kanina. Hindi ako sumagot. “Lagpas isang linggo na siya sa ospital. Ang sabi ng doktor, kailangan na siyang ma-operahan para matakpan ‘yong dalawang butas sa puso niya...” huminto ito sa pagsasalita at nilingon ako nang marahan. “Hindi ako masamang tao pero hindi kita masisisi kung ‘yon ang tingin mo sa akin. Pero ginawa ko lang ‘yon para sa kapatid ko, dahil kailangan ko ng pera, at gusto ko pang dugtungan ang buhay niya.” His eyes are telling me that he’s telling the truth. Napalunok ako bago humarap sa kanya at tuluyang tumalikod mula sa pinto. That's why he was so weird all this time. Kaya bukod sa pagiging seryoso at paghawak niya ng baril, hindi naman siya mukhang masamang tao. He didn't hurt me. Kahit sinagot-sagot ko na siya kagabi at kanina ay hindi pa rin ito lumaban. Hindi pa rin niya ako sinaktan. I thought, he’s just a weird kidnapper. Naipit lang pala siya sa sitwasyon kaya niya nagawa ‘yon. I can’t deny that I’m annoyed by him, at galit ako sa kanya dahil sa pangingidnap niya sa akin. Ngunit ‘di ko rin maitatanggi na sa pagkakataong ito, mas naiintindihan ko kung bakit siya gumawa ng ganitong klase ng krimen. And it was all because he care about his brother. “Nasaan ang mga magulang niyo?” iyon ang unang tanong na pumasok sa isipan ko nang makalapit ako sa kanya. “At ikaw, wala ka bang normal na trabaho?” iyon naman ang pangalawa kong tanong. He gave me a serious look. “Wala kaming aasahan sa mga magulang namin. May iba na silang pamilya kaya ako ang nag-aalaga dalawang kapatid ko. Sinubukan kong sabihin sa kanila ang tungkol sa kalagayan ni Mac pero wala silang naging pakealam.” Makikita sa kanyang mukha ang inis at galit matapos sabihin ‘yon. “Nagde-deliver lang ako ng mga parts ng sasakyan pero tinanggal rin ako sa trabaho. ‘Yong konti kong naipon, nagalaw na. Wala na.” Halata ang pagka-stress sa itsura niya matapos niyang ibahagi ang bagay na ‘yon. Maski ako ay ‘di mapigilang kumunot ang noo sa narinig at nalaman. First of all, how could their parents abandon them like this? Ang mga kapatid niya? Sinong mga magulang ang matitiis ang anak nila na nasa kritikal na kondisyon? Huminga ako nang malalim. “Gusto ko lang malaman mo na hindi ko nakakalimutan ang ginawa mong pag-kidnap sa akin. Krimen pa rin ‘yon.” Sinamaan ko siya ng tingin. Tinitigan lamang ako nito nang seryoso. “Pero handa akong tulungan ang kapatid mo.” Nagkaroon ng espasyo ng pagkabigla sa reaksyon ng lalakeng kaharap ko. Umiling ito. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan. Hindi naman na ako humigingi ng kahit ano galing sa ‘yo.” Agad niyang pagtanggi. “Alam ko.” Huminga ulit ako nang malalim. “Hindi ko naman ‘to gagawin para sa ‘yo. Gagawin ko ‘to dahil gusto ko, dahil kailangan ng kapatid mo, at dahil naiintindihan ko ang sitwasyon mo.” Pinilit kong magtunog malinaw sa kanya at sa intensyon ko. Umiling ito’t inalis ang pagkakasandal ng mga kamay sa lamesa. “Pero kinidnap kita...” pagdadahilan nito na umiwas ng tingin sa akin. “Pero pinalaya mo rin ako at napagtanto mong mali ka, na hindi mo dapat ito ginagawa.” Sagot ko sa kanya. He looked at me with a confused look in his eyes. “Kidnapper pa rin ako at biktima pa rin kita.” “Correction, you’re not just a kidnapper, you are a weird kidnapper.” Napairap ako nang sabihin ‘yon bago humugot ng lakas upang ipagpatuloy ang aking sasabihin. “Hayaan mong tulungan kita. Hayaan mong tulungan ko ang kapatid mo.” Nang sabihin ko ‘yon ay napailing siyang muli at umiwas sa akin ng tingin. “Hindi ko ko matatanggap ‘yang tulong mo...” pag-aalinlangan nito na ikina-kunot ng noo ko. Tumalikod siyang muli at humarap sa lamesa. “Ikaw na rin ang nagsabi, ‘di ba? Masama akong tao. Kaya bakit mo tutulungan ang isang katulad ko?” he said. That made me think for a second. Bakit ko nga ba tutulungan ang isang weird na kidnapper na tulad niya? Hindi naman talaga dapat. He kidn*pped me and brought me here at this place. To this very strange place na hindi ko alam kung gaano kalayo mula sa pinanggalingan ko. For 18 hours, hawak niya ako, at bihag niya ako. Hindi ako nakapagshower at suot pa rin ang uniporme kong madumi na ngayon. Hindi natuloy ang pakikipagkita ko kay Tiago kahapon dahil sa kanya. I slept on a stupidly tight room na walang malambot na kama. I wasn't able to attend my class today. Pati ang coffee shop ko’y hindi ko napuntahan kaninang umaga katulad ng palagi kong ginagawa. All of those things happened because of him. He ruined 18 hours of my life. It happened all because he kidn*pped me. Ngunit weirdo ang lalakeng ‘to. Binigyan niya ako ng dahilan para pagdudahan ang pagiging kidnapper niya. He gave me reasons to believe that he isn’t that bar after all. Hindi naman niya ako sinaktan. In fact, he gave me things to help me sleep, bring me water and food, and even a hot cup of f*****g coffee this morning. Gawain ba ‘yon ng isang lehitimong masamang tao? “Oo na. Hinusgahan kita agad pero ikaw na rin nagsabi, ‘di ba? I can't blame you for that. Isa pa, I have all the reason and the right to judge you because of what you did to me. You just kidn*pped me, hello?” inirapan ko ito habang nakatalikod pa rin siya. “Pero handa akong tulungan ang kapatid mo sa operasyon niya.” Buong lakas ng loob kong sabi sa kanya. Umiling itong muli. “Hindi ko kayang tanggapin ang tulong mo...” he refused again. Napairap ako sa kawalan dahil sa narinig. “Seriously? So, mas kaya mong tanggapin ‘yong perang galing sa krimen kaysa sa perang galing sa pagmamagandang-loob? Unbelievable!” inis ko ritong sabi ngunit hindi siya nagsalita at nanatiling nakatalikod. “Your brother’s dying, Mr. Weird Kidnapper!” “Scott...” Napakunot ang noo ko. “What?” “Scott ang pangalan ko.” He said. Napairap ako’t napailing sa kawalan matapos niyang sabihin ang pangalan niya. I took a deep breath. “Your brother needs the money for his operation, Scott.” I told him. “I am an only child. Wala akong kapatid and how I wish I have one. Kaya rin siguro noong marinig ko ang kalagayan ng kapatid mo, naawa ako, at hindi nagdalawang isip na bumalik rito kanina habang nasa kalagitnaan ako ng pagtakas.” I confessed the truth. Iyon naman talaga ang totoo. Humarap ito sa akin suot ang naguguluha’t seryosong mukha. “Kahit ang kapalit no’n ay gamitin kita bilang biktima?” tanong nito sa akin. “Kahit ang kapalit ay kaligtasan mo?” Napalunok ako’t tinanguan siya. “Kung ‘yon ang tanging paraan para matulungan kita at ang kapatid mo sa ospital, oo.” Nanindigan ako sa sagot ko sa kanya. “Ipinakita mo kasi sa akin na hindi ka gano’n kasama at ginagawa mo lang ‘to out of desperation. Kaya oo, gagawin ko pa rin. If it means I’ll be able to save someone’s life.” I sincerely said those words to him. Lumapit ito sa akin. Hindi ako gumalaw o umatras nang nasa harap ko na siya. Sa tangkad niya’y napatingala ako nang kaunti. His serious stare made me feel awkward. “Anong kapalit?” he asked. “Kapalit ng ano?” kumunot ang noo ko. “Kapalit ng pagtulong mo.” He cleared it. “Hindi ko kayang tanggapin ‘yon ng libre.” Ang sabi nito’t hindi inalis ang seryosong pagtitig sa akin. Natawa ako’t napailing. He’s really weird. Hindi niya kayang tanggapin ng libre ang tulong na ibibigay ko pero kaya niyang tanggapin nang walang pag-aalinlangan ang perang makukuha niya sa pag-kidnap sa akin kung sakali. The hell? “Hindi ko naman sinabing wala kang babayaran,” I answered him with a smirk. “I’ll pay for your brother's operation and you’ll pay me back, but not with money.” Makikita ang pagtataka sa kumunot nitong noo. “Anong ibig mong sabihin?” “Be my butler.” Nagulat ito sa narinig sa akin. Since, wala rin naman siyang gano’n kalaking halaga para ibalik sa akin, ‘yon nalang ang naisip kong paraan. “Paano si Julio?” napairap ako nang marinig ang pangalan ng butler kong traydor. “f**k him!” inis kong tugon. “Hindi ko naman siya aalisin sa pagta-trabaho sa akin. Maiiba lang ang trabaho niya. And you, you’ll take over his place as my personal butler. Is that okay with you, Scott?” ang tanong ko rito matapos ipaliwanag ‘yon. Saglit siyang tumitig sa akin nang seryoso, huminga nang malalim, yumuko at sa huli’y binalingan ako ng tingin bago marahang tumango. “Tinatanggap ko na ang tulong mo.” I smiled. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD