Chapter 6

2298 Words
H E N R I As soon as I paid the partial amount using my bank account, sumailalim na ang kapatid ni Scott sa isang heart operation. I met his brother, Mac, before his operation. Wala siyang malay nang makita ko ito sa kahabag-habag niyang kalagayan. And I also met his sister, Jessy, ang batang babae na kausap niya sa phone. We rushed to the hospital where his brother is confined. Only to find out that we are three hours away from where I live. It’s 2 PM, an hour after Mac’s operation started. Tatlo hanggang anim na oras ‘yon at heto ako, kaming tatlo, kasama ang kapatid niyang si Jessy sa waiting room ng hospital, naghihintay na matapos ‘yon. “Lalabas lang ako, Kuya Scott. Bibili ako ng maiinom ni Kuya Henri.” She stood up and the nice girl smiled at me. I smiled at her, too. “Thank you, Jessy.” I told her. Tinanguan lang siya ni Scott bago ito tuluyang maglakad papunta sa harap ng pinto at lumabas. Halata ang pag-aalala sa mukha nito nang makaalis ang kapatid. Marahil ay nag-aalala siya para sa kapatid niyang si Mac. Kahit ako rin naman ay makakaramdam rin ng kaba at pag-aalala kung kapatid ko ang nasa loob ng operation room. I slowly move my right and hand gently tapped his shoulder. Napatingin ito sa akin matapos hilamusan ng kanyang palad ang sarili. His worried face is showing. “I’ll be alright. He’ll be fine.” I tried to smile. Hindi ito ngumiti pabalik ngunit marahan itong tumango. Ramdam ko ang paghinga nito nang malalim habang nakapatong pa rin ang kamay ko sa balikat nito. He looked at me. “Salamat...” he said. “Salamat dahil tinulungan mo ‘ko sa kabila ng ginawa ko sa ‘yo.” Bakas ang matinding guilt sa kanyang itsura ngunit marahan akong umiling sa kanya. “Tinulungan kita, dahil gusto kong tulungan ang kapatid mo. Walang kinalaman ‘yon sa ginawa mo sa akin. Desisyon ko ‘to. Hindi mo ‘ko pinilit.” I made it clear to him. Then, I looked away. “Isa pa, hindi naman ‘to libre. You’ll be working for me as my butler as soon as everything’s fine with your brother.” Inalis ko ang kamay ko sa balikat niya. Napangiti ito nang kaunti. Huminga ito nang malalim at tumingin sa malayo. Ilang beses siyang napalunok bago ibaling muli ang mga mata sa akin. Seryoso ang itsura nito. “Patawarin mo ‘ko.” Napalunok siyang muli nang sabihin ‘yon. Napayuko’t tila nagiging emosyunal. “Ginawa ko lang ‘yon kasi wala na akong maisip na ibang paraan para makakuha ng perang ibabayad sa operasyon ng kapatid ko. Pero pinagsisisihan ko ‘yon. Pinagsisisihan ko ‘yon...” kitang-kita ang pagkakonsensya at pagsisisi sa kanyang mukha habang sinasabi ang mga salitang ‘yon. His eyes became watery. And then, I saw his tears flow. Pinunasan nito ang mga luha sa mata niya’t umiwas sa akin ng tingin. Kusang kumilos ang kamay ko’t inilagay iyon sa likod niya. Hinahaplos ko ‘yon para pakalmahin siya. “I understand...” I said without looking at him. Sa malayo ako nakatingin, sa pinto at tulalang nag-iisip ng sasabihin. “Minsan, may nagagawa tayong mali na akala natin ay pinakatamang gawin sa pinakakomplikadong sitwasyon. Pero ang mahalaga naman, napagtanto mong mali ‘yong ginawa mo. You set me free.” I added and looked at him. Pinilit nitong bigyan ako ng isang matipid na ngiti at tumango. “Salamat.” He said at tumango. Gano’n rin ako. “Gagawin ko lahat para mabayaran ‘tong ginawa mo para sa kapatid ko.” Dagdag pa niya’t ngiti lang ang isinagot ko rito. Lumipas ang dalawa pang oras. Nandito pa kami sa loob ng waiting room ng hospital. Si Jessy ay natutulog na sa tabi ni Scott habang ako’t nasa kaliwa nito. “Hindi ka pa ba uuwi?” he asked and looked at me. “Hindi mo naman kailangang maghintay rito nang matagal. Ayoko na ring abalahin ka pa.” he added. Umiling ako rito agad at ngumiti. “Nandito na rin lang naman ako, gusto kong hintayin matapos ang operasyon ng kapatid mo.” Sagot ko sa kanya at tumingin kay Jessy na nakaunan sa hita nito. “Mahal na mahal ka talaga ng mga kapatid mo, ‘no? Maswerte ka sa kanila dahil may mga mababait kang kapatid na tulad nila.” Pag-iiba ko ng usapan. Sinabi ko ‘yon nang nakangiti’t may halong inggit dahil matagal na rin akong nangangarap na sana may kapatid rin ako. He looked at his sister, hinaplos nang marahan ang buhok nito. “Mahal na mahal ko rin silang dalawa.” Then, he looked at me. “Wala na ang mga magulang namin. Pinabayaan na kami, pinabayaan na sila. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kahit na anong mangyari, hindi ko sila pababayaan.” Napangiti ako sa sinabi niyang ‘yon. His sister is 13 years old and his brother is just 11, how could their parents abandon these little angels, na nagsisimula palang harapin ang mundo? “Sa totoo lang, halos pareho lang tayo ng sitwasyon pagdating sa mga magulang natin.” Napangisi ako habang nagsisimulang magkwento kay Scott. “Katulad ng mga magulang mo, buhay pa rin sila pero hindi ko naman sila maramdaman. Palagi silang wala at kung minsan, hindi pa umuuwi sa loob ng isang taon. Kaya lumaki akong palaging mga butler at kasambahay ang kasama.” Nakatingin ito sa akin at napangisi. “Pareho nga tayo ng sitwasyon pagdating sa kanila pero pagdating sa pera, magkaibang-magkaiba.” Natawa ito nang bahagya’t tumingin sa pintuan ng waiting room. “Iyong mga magulang mo, nagtatrabaho sila sa malayo’t hindi ka nakakasama dahil kumikita sila ng pera para rin sa ‘yo. Kami ng mga kapatid ko, wala ng mga magulang, wala pang suportang nakukuha galing sa kanila.” Napailing ito’t nakangising tumingin sa akin. “Pwede mong sabihin na swerte pa rin ako pagdating sa pera pero para sa akin, hindi ko naman kailangan nang sobra-sobrang karangyaan kung hindi ko naman sila kasama.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Wala man kayong suportang nakukuha galing sa mga magulang niyo, at least you have your siblings. Mayroon kayo ng isa’t isa. Iyon naman ang pinakamahalaga, ‘di ba?” nang sabihin ko iyon ay napangiti ito nang matipid. “Tama ka...” marahan itong napatango sa akin at tiningnan ang kapatid na natutulog. “Sila ang mas mahalaga...” he said. Napangiti ako. Sa loob ng isa pang oras, nagkwentuhan lang kami ni Scott. Nagpalitan ng mga personal na detalye na normal na itatanong ng bawat isa sa amin. I found out that he’s 27. He’s 6 years older than I am. He never had the chance to finish his college. Sinabi niya sa akin na noong second year siya, tumigil nang magsustento ang mga magulang niya sa mga kapatid niya at hindi sapat ang kinikita niya sa pagsa-sideline noon. Kaya nagdesisyon siyang huminto at maghanap ng isang full-time job. Iba’t ibang trabaho, iba’t ibang rates, at iba’t ibang klase ng work experience. Ngunit madalas rin siyang nasisisante. Ang dahilan? Kung wala siyang nakakaaway, minamanyak naman siya ng mga nagiging boss niya. Nakakatawang pakinggan pero kapani-paniwala naman ‘yon. Kung mag-aahit siya ng bigote’t balbas, mas lalong makikita ang maaliwalas nitong mukha. Noong una ko itong makita kahapon, I can’t deny that he got the looks. Gwapo siya sa aking paningin. Matangkad, sa palagay ko’y mas matangkad siya sa akin sa height kong 5’8. He has brown eyes. Matangos rin ang ilong niya and his eyebrows are just making his eyes more gorgeous. Manipis ang mga mapupulang labi at maganda ang moreno nitong kulay. Nakita ko rin ang katawan niya kagabi nang maghubad ito ng suit na suot sa harap ko. He also got a nice body. Pwedeng-pwede niyang ipagmalaki ‘yon. Kaya hindi na rin ako nagtaka noong sabihin niyang nababastos siya sa work place niya noon. Still, hindi pa rin tama na mangyari ‘yon sa kanya o sa kahit na sino. Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa trabaho, I also shared mine to him. “Proud akong sabihin na ‘yong perang ipinangpundar ko ng coffee shop ko, hindi galing sa pera ng mga magulang ko. I worked hard to establish it.” Nakangiti kong sabi kay Scott. “Noong high school pa lang ako, I told myself that if I want something, I should earn it with my own hardwork and so I did. Nagtrabaho ako sa iba’t ibang kompanya, sa loob ng dalawang taon, kasabay ng pag-aaral ko at ‘yong naipon ko, iyon ang ginamit ko para ipatayo ang Henrique’s.” Makikita ang pagkabigla sa mukha niya nang ikwento ko ang tungkol roon. Mukhang hindi siya makapaniwala. “Pasensya na. Hinusgahan agad kita at sinabing ‘spoiled brat’ ka.” Napailing ako’t natawa. “Hindi ka naman pala gano’n.” “Okay lang. Hindi mo pa naman ako kilala. Hindi rin kita kilala pa kaya nahusgahan rin agad kita.” Pilit akong ngumiti. Ngumiti ito nang matipid at marahan akong tinanguan. “May isang bagay pa pala akong dapat ihingi sa ‘yo ng pasensya...” nakuha niya ang atensyon ko nang sabihin niya ‘yon. “Iyong sinabi kong kasalanan mo kung bakit kayo naghiwalay ng nobyo mo. Mali ako roon. Hindi ko dapat sinabi ‘yon sa ‘yo.” Umiling agad ako. “You don’t need to be sorry. You only said that because you didn’t know what happened to us. Pasensya na rin for reacting that way...” I told him and looked away. “Niloko ka niya, ‘di ba?” napangisi ako sa kawalan nang marinig ‘yon sa kanya. “Gusto mo ba, kidnap-in ko ‘yong ex mo na ‘yon para makaganti ka?” napalingon agad ako rito at nakitang may ngisi sa kanyang mukha. “Ipapakulong na talaga kita kapag ginawa mo ‘yon!” pabiro kong sabi rito’t natatawang umiling bago tumitig muli sa kawalan. “Galit ako sa kanya, sa ginawa niyang panloloko sa akin at hiniling ko rin na sana siya ang nasa posisyon ko kahapon. Pero naisip ko rin na wala ring maitutulong kung gaganti pa ako. Mapupuno lang ako ng galit at ayokong mangyari ‘yon.” Pagsasabi ko ng totoo. “So, hindi ka na galit sa kanya?” Napatingin ako rito. “Galit pa rin.” Seryoso kong tugon. “Masyadong masakit ‘yong ginawa niya sa akin para makalimutan ko agad ‘yon. Dalawang taon rin kaming magkarelasyon. I loved him. And now, the only thing that’s left is myself. Ayokong sirain ang sarili ko dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya at sa panloloko niya sa akin.” Tumingin ako kay Scott, matipid itong nakangiti at tumatango sa mga narinig. “Sana dumating ‘yong araw na mahanap mo ‘yong tao na magmamahal sa ‘yo nang totoo at hindi ka lolokohin kailan man.” Napangiti ako sa sinabi niya sa akin. Napailing ako’t napatingin sa pinto. Totoo ba ‘to? The guy, aka The Weird Kidnapper who kidn*pped me yesterday, is now giving quotations like this? Hindi ako makapaniwala. I can’t believe that I am talking to him and sharing my heartbreak story with this guy. This is so weird but I can’t deny that he’s giving me decent words, to the point that it feels like he’s comforting me. “Thanks...” iyon lamang ang naisagot sa kanya. Ngumiti ito. A few minutes after, the door opened. Iniluwa nito ang babaeng doktor na nakasuot ng laboratory gown. Napatayo ako agad. Jessy woke up and Scott stood up. Lumapit ang doktor sa aming tatlo matapos tanggalin ang surgical mask na suot. Ngumiti ito na nagbigay sa akin, sa amin, ng magandang senyales. “Kamusta po ang kapatid ko, Doc?” Scott, feeling nervous, asked her. Napakapit sa braso nito si Jessy na kinakabahan rin habang nakatingin sa doktor. “Your brother is fine, Mr. Lozano.” Her smile widens. “The operation that we performed was successful.” Parehong napatingin ang magkapatid sa isa’t isa at kapwa napangiti sa magandang balita. Maski ako ay hindi maiwasang makaramdam ng tuwa sa narinig. “Gising na po ba si Mac?” ang excited na tanong ni Jessy. Nginitian siya ng doktor. “For now, mananatili siyang unconscious but he’ll wake up after a few hours. So, don’t worry, honey.” Napangiti si Jessy sa narinig. Gano’n rin si Scott. “Maraming salamat, Doc.” Agad kaming pumunta sa kwartong kinaroroonan ni Mac. Nanatili akong nasa labas at nakasilip habang hinihintay si Scott na lumabas mula roon. Natutuwa akong tingnan ang dalawa na masaya dahil nakikita nila ang kapatid nilang stable na ang kondisyon ngayon. After a few minutes, lumabas na si Scott mula sa kwarto’t kinuha ko na ang chance na ‘yon upang magpaalam na sa kanya. “I guess, I have to go now.” Nakangiti kong sabi sa kanya. “As soon as I get back at the city, ipo-proseso ko agad ‘yong kalahati ng payment. Hindi mo na kailangang alalahanin ‘yon.” I told him. “Ihahatid na kita...” “Stay here with Jessy and Mac.” Pagtanggi ko sa alok niya. “Kaya kong magdrive. Isa pa, hindi pa kita opisyal na butler. Tawagan mo nalang ako kung kailan ka ready. Or contact Julio.” I gave him my calling card, with my address. Marahan itong tumango’t matipid na ngumiti nang tanggapin ‘yon. “Salamat ulit...” he said. “You’re welcome, Mr. Weird Kidnapper.” Natawa ako’t napailing lamang ito matapos marinig ‘yon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD