H E N R I
"You're fired from being my personal butler, Julio."
That statement of mine made him speechless. Halos hindi nga ito makatingin sa akin nang diretso. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa pagsisisi.
"Hindi lang ako, my family trusted you, but you broke that trust. You betrayed my family. You betrayed me." Mariin ko siyang tiningnan. Pinipigilan ko ang pagtaas ng aking boses dahil sa pinaghalong inis at pagkairita.
Gabi na nang makabalik ako sa bahay. The maid greeted me with their worried faces. Even Julio was shocked to see me. Nagulat yata siyang kaya ko ring imaneho ang Ferrari na dapat sana ay siya ang gumagawa.
Pinalipas ko muna ang dalawang oras bago ko kausapin nang masinsinan si Julio. I took a shower. I pampered myself after 24 hours of being in a strange place, nang walang ligo at walang pag-aayos. Gusto ko kasing kapag hinarap ko si Julio para kausapin ay mabawasan man lang ang panggagalaiting nararamdaman ko sa kanya.
Pinatawag ko siya agad sa maliit na kwarto kung nasaan ang working room ko rito sa bahay. Ngayo'y nakaupo na siya at kaharap ako. Tanging ang table ko lang ang naghihiwalay sa aming dalawa.
"Patawarin niyo po ako, Sir Henrique..." he lifted his head and looked at me. Para itong maamong tuta sa harap ko. "Alam ko pong walang kapatawaran 'yong ginawa kong pagtraydor sa inyo at ang pagtulong kay Scott. Naiintindihan ko po kung tatanggalin niyo po ako sa trabaho. Huwag niyo lang po akong ipakulong. Parang awa niyo na po, Sir Henrique..." halos maiyak na ito sa pagsasalita habang nakatingin sa akin.
He's lucky because Scott, his friend, made it clear to me that he was just forced to do it out of kindness and pity. Nakiusap sa akin ito na huwag sisihin si Julio nang sobra o kagalitan ito nang sobra. Ngunit alam kong hindi ko maiiwasan 'yon. He still betrayed me. He still made contact with Scott and agreed, and even helped him on his plan to kidnap me.
"Scott is not a bad guy after all." Julio lifted his head again from bowing. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "That's why I'm here, buhay pa at humihinga. He set me free. Nagsisi siya sa ginawa niya and I understood his situation." Hindi nagsalita si Julio pagkatapos ng mga narinig mula sa akin.
Nanatili itong nakayuko matapos akong tingnan. Tinitingnan ko lamang ito dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. I trusted him as my butler. Pakiramdam ko'y nadagdagan ang mga taong nasa listahan ko ng mga hindi mapagkakatiwalaan.
"But I'm willing to give you a second chance, katulad ng ibinigay ko kay Scott." Nang marinig iyon, tumunghay ito't hindi makapaniwalang tiningnan ako. "Hindi kita ipapakulong pero totoo ang sinabi ko sa 'yo kanina na tinatanggal na kita bilang butler ko. You will not going to work for me as my personal butler any longer." Nginisian ko siya't tiningnan.
"Maraming salamat po, Sir Henrique! Kahit anong trabaho po ang ibig niyo sa akin, pagbubutihin ko po nang sobra!" halata ang kagalakan sa tono ng boses nito kaya't napatango ako sa kanya.
"From now on, you'll be a security guard in my coffee shop. Araw-araw kang in charge sa pagpapanatili ng shop ko na malayo sa gulo. Iyon ang bago mong trabaho." Nagulat ngunit napangiti ito nang sabihin ko ang bago niyang posisyon. "And you will be replaced by Scott as my personal butler." He was shocked when he heard what I said but he kept it down. Hindi ito nagsalita't nakangiti nalang na tumango.
I'm sure, he'll ask Scott the reason why I'm hiring him as my butler, siya na siguro ang bahalang magpaliwanag rito.
"Maraming salamat po, Sir Henrique." Buong galak nitong tugon sa akin habang nakangiti't maiyak-iyak. Ngumiti ako rito pabalik.
"Tomorrow, you can start your job. No need to drive me to school. I can handle it myself for the meantime." Sambit ko't tumayo na mula sa pagkakaupo. He stood up and nodded. "You can go now." I told him.
Ngumit ito at nagpasalamat muli sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
After that talk, nagtungo na ako sa aking kwarto para magpahinga. I didn't check my phone since I got it back from Scott. Wala lang akong lakas pang natira para gawin iyon. I just charged it and prepared myself to sleep.
The next day, I woke up early to prepare for my first class.
Suot ang bagong uniporme, bumaba na ako para mag-agahan. While eating breakfast, I took the time to open my phone and checked the my unread messages.
Pagkabukas ko ng messaging app, bumungad sa akin ang hindi ko mabilang na message nina Almira at Ronald.
"Just where the hell are you right now, Henrique?"
"Oh, boy! Hinahanap ka ni Mr. Hipolito kanina. Alam mo namang ayaw no'n ng uma-umabsent sa klase niya!"
Napairap ako matapos basahin ang message nilang 'yon kahapon. Ang ilan sa mga message nila ay mas bago ngunit hindi na ako nag-abalang basahin pa 'yon. Karamihan kasi roon ay tungkol lang sa paninisi nila sa akin tungkol sa hindi ko pakikinig sa mga advice nila about River. Ayoko namang pag-usapan pa 'yon.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang messages na mula kay Tiago.
"I'm here. Waiting for you."
"I'm still here..."
"Are you still coming?"
"I understand that you aren't able to come. Maybe, we should meet up next time."
"Be safe..."
Napapikit ako matapos mabasa ang mga messages na 'yon ni Tiago. He really waited for nothing. Kasalanan ko 'yon...at ni Scott!
I really owe him an apology for that.
Matapos kumain, kinuha ko na ang bag ko't sumakay na ng kotse. Maaga pa naman and I feel like, I need sometime alone before the class starts.
While driving, I received a call from Almira. Ayoko na sanang sagutin 'yon pero wala akong nagawa kung 'di ang maglaan ng twenty seconds para sabihin sa kanyang sa school nalang kami magkita nina Ronald.
After parking the car inside the campus, since hindi ko naman iyon maiiwan sa labas dahil Julio isn't my butler s***h driver anymore, nagtungo ako sa cafeteria kung saan naghihintay ang dalawa.
As always, pareho silang nakasuot ng makapal na make-up, parehong mapula ang mga labi at pareho ng kulay ng buhok, ash-blonde. Twinning daw kasi sila palagi. 'Yon ang goal ng dalawang ito.
When I sat in front of them, sa table na palagi naming pinupwestuhan, doon ko kinuwento ang lahat.
That I was kidn*pped.
And guess what? Hindi sila naniwala, bagkus ay tinawanan lang ako ng mga ito. Nagsisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pa.
"So, you're saying na na-kidnap ka for a day and now, you're back? No wound, no bruises, no anything." Napatingin si Almira kay Ronald at kapwa sila tumawa. Napairap ako sa ginawa ng dalawa.
"You're delusional, Henri!" natatawang sabi ni Ronald sa akin. "Epeketo ba 'yan ng break up niyo ni River?" tumatawa pa rin ito nang sabihin 'yon but Almira poked him in the arm that made him stop.
Umigting ang panga ko sa narinig mula kay Ronald. Pareho ko silang sinamaan ng tingin. Kahit kaunting pakealam man lang, wala? Kahit magpakita man lang sila ng kaunting sensitivity at concern, wala talaga? Kahit mismong respetuhin man lang nila 'yong nararamdaman ko about my break up with River. Hindi, eh. Ginawa pa nilang katatawanan.
"I will not tolerate that kind of joke and that kind of attitude." Mariin kong sambit habang pareho silang tinititigan nang seryoso. "Ayoko muna kayong makitang dalawa. Pakiusap." Kalmado ngunit gigil kong dagdag bago kunin ang bag ko't isinukbit ito sa aking balikat.
Hindi nakapagsalita ang dalawa. I saw Almira's staring at Ronald, as if she's blaming him or something.
Matapos tumayo't tingnan sila nang masama, I immediately rushed outside the cafeteria and left them there.
They are probably the worst friends.
Inis akong naglakad papunta sa building kung nasaan ang classroom ng unang klase ko ngayong araw.
I still have 20 minutes kaya hindi ako nagmamadali. Ayoko naman sanang pumunta na sa loob ng classroom pero dahil kina Almira at Ronald, mas gusto ko nalang na roon tumambay.
Papasok pa lang ako sa entrance ng building nang makita ko sa harapan no'n si Tiago. Mukhang papasok na rin siya't tutungo sa kanyang klase. He smiled when he saw me. Gano'n rin ang ginawa ko.
He's wearing the same uniform but he definitely looks more masculine than I am.
"You didn't come to class yesterday." Iyon ang agad niyang bungad nang maglapit kami. Nakangiti pa rin ako. "Are you okay?" sa itsura niyang ito ay mukhang inaalala niya pa rin ang kalagayan ko matapos ang naging hiwalayan naming dalawa ni River.
Tinanguan ko siya't matipid na ngumiti. "Yeah, I'm okay. Thanks for asking." I answered him. "Gusto ko rin palang humingi ng pasensya dahil hindi kita sinipot sa coffee shop ko noong isang araw. An urgent matter suddenly came in. I'm sorry for not texting back also." Nahihiya kong paumanhin sa kanya.
Hindi ko na sinabi sa kanya ang totoong dahilan dahil baka hindi rin ito maniwala. Isa pa, does it really matter now? Buhay naman ako. Nakabalik naman ako rito nang maayos.
He was smiling and slowly nodding at the same time. His face is just a sight to see. Napakaaliwas ng mukha ng lalakeng ito.
"Naiintindihan ko." He told me. Napangiti ako. "Wala naman tayong magagawa kung urgent 'yon. Besides, we can still meet some other time. That's if you still want to have a coffee with me." My smile widens.
"I'd love that." Agad ko ritong sagot.
Nakangiti ito matapos marinig ang sagot kong 'yon. "Papunta ka na rin ba sa classroom?" He asked.
"Actually, oo." I answered. "Pero pupunta muna ako sa locker room para kunin 'yong ballpen at calculator ko roon." Dagdag ko nang maalala ang mga gamit na kukunin ko sa aking locker.
"Well, see you in class, Henri." He smiled and tapped my shoulder. Ngiti lang ang isinagot ko rito bago siya tuluyang maglakad papasok ng building.
Nasa unang palapag lang ang locker rooms. Hiwalay ang sa lalake at sa babae. Nang makarating roon, kinuha ko ang susi ng sa akin at agad na binuksan 'yon.
Kinuha ko ang ballpen at calculator na kakailanganin ko sa klase mamaya. Inilagay ko 'yon sa aking bag. Isasara ko na sana ang locker ko nang matigilan at may mapansin sa loob no'n.
Normal lang na makatanggap ako ng mga letters galing sa mga estudyanteng humahanga sa akin. Mostly, girls. Ngunit isang kapirasong pulang papel ang umagaw sa atensyon ko ngayon. Nakahalo ito sa mga puting sobre't mga papel kaya agaw-pansin ito.
May bago na naman?
Kinuha ko ito at tiningnan bago basahin kung ano ang nakasulat roon.
"YOU ARE BACK. I MISSED YOU, MR. MARSHMALLOW."
Nangilabot ako sa aking nabasa. Those words were written in big bold letters. Sa gilid ng mga salitang iyon ay ang drawing ng isang smiley face. Walang kahit na anong pangalan kung sino ang nagbigay. Kahit initials o kung ano mang magbibigay sa akin ng ideya kung sino ang naglagay nito sa locker ko ay wala.
It's creepy.
Kunot ang noo ko 'yong ibinalik sa loob ng locker ko. Hindi ko iyon tinapon. Inisip ko na lang na kung hindi iyon isa sa mga taong madalas na maglagay ng letters sa loob ng locker ko, isa 'yong estudyanteng walang magawa sa buhay niya't gusto lamang akong pagtripan.
Tama.
Isinara ko na ang locker ko't nagtungo na sa classroom.
***