H E N R I
Hindi ko mapigilan ang sarili kong manggigil nang masipat ng mga mata ko si River.
Alas sais na ng gabi.
Wala na halos estudyanteng naglalakad sa parteng ito ng campus. Malapit sa gate. Sinadya ko talagang hindi muna umuwi kahit isang oras na magmula noong matapos ang klase ko.
Ang pakay ko? Ang kupal na ‘to.
He noticed me rushing towards him. Bago pa siya makausal ng kahit anong salita ay marahas ko na itong itinulak. Napaatras siya’t kumunot ang noo. Gulat na gulat ito. Gigil ko siyang tiningnan.
“Are you f*****g with me?!” sigaw ko sa kanya habang pinoproseso nito ang lahat na parang walang alam kung bakit ganito nalang ako kagalit sa kanya. “Dahil ba nakipaghiwalay ako sa ‘yo? Iyon ba ang dahilan? Ha? River?!” tiningnan ko siya nang masama.
“Ri...what are you saying?!” umakto ito na parang naguguluhan sa sinabi ko. Napailing ako sa inis. “I don’t know what you’re talking about!” he shouted.
Sa inis ko’y tinulak ko siyang muli. Inis akong dumukot sa bulsa ko’t inilabas ang kapirasong pulang papel na gusumot na dahil sa sobra kong panggigigil.
“f**k you, River! Ngayon mo sabihing wala kang alam rito!” I showed him the red note I found inside my locker earlier. Nanggigigil ko pa rin itong tiningnan.
He focused his eyes on the paper and read it.
“I WANT TO BITE YOUR LIPS, MR. MARSHMALLOW UNTIL IT BLEEDS.”
Pangatlong beses ko nang makatanggap ng creepy notes na nakasulat sa kulay pulang papel magmula noong pumasok ako, 4 days ago. Pinalagpas ko noong una dahil akala ko, isa lang ‘yong note galing sa kung kaninong humahanga sa akin. Pero nang pumangalawa, nagduda na ako dahil sa nakasulat roon. At ngayong pangatlo, hindi ko na maiwasang ma-creepy-han dahil roon. Hindi ito isang letter galing sa kung kaninong may gusto sa akin. Sigurado akong galing ‘to sa isang taong gusto akong pagtripan. At isa lang naman ang taong gagawa no’n, eh.
Si River.
“Wala akong alam sa bagay na ‘yan, Ri—”
“Oh, f*****g cut the bullshit out, River! Sino pa bang maglalagay no’n sa locker ko? I couldn’t think of anyone but you!” dinuro ko siya at ginusumot ang papel na hawak. “If you’re doing this because I broke up with you, itigil mo na ‘to kung ayaw mong kasuhan kita!” masama ang tingin ko sa kanya. Ang mga mata nito’y nakatingin sa akin nang diretso. How can he look at me like that after what he just did?
Umiling siya at sa pagkakataong ito, kunot na ang kanyang noo. “I told you, wala akong alam d’yan at sa binibintang mo, Ri!” he shouted at me. Lalo akong nainis. “Why would I do such a thing?” tanong pa ng gago.
“Because you want me back! For money! ‘Di ba? You want me back because you want me to splurge for your wants and needs! Mukha ka namang pera, ‘diba?” nginisian ko siya dahil sa inis at pagkairita.
Natigilan siya sa narinig mula sa akin, napayuko bago ako tingnan ulit. “Look, I know, I cheated on you. Nagkamali ako, niloko kita. I hurt your feelings. At oo, sige na, mukha na akong pera.” Mariin niyang sabi sa akin habang nakatutok ang mga mata sa mga mata ko. “Pero hindi ko gagawin ang bagay na binibintang mo for the sake of money. I can easily come to you, ask for your forgiveness, beg for you to come back, and still get rejected. Kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng oras na magpadala sa ‘yo ng gan’yang bagay para lang takutin ka or what?” seryoso ang tono ng boses niya. Bumitaw ang mga noo ko sa pagkakakunot nito.
As much as I don’t want to believe him, hindi ko maiwasang tanggapin ang eksplanasyon niya at kung paano siya magreact towards my accusation. Bakit nga naman siya mag-aaksaya ng oras para gawin ‘yon? Alam naman pala niyang hinding-hindi ko na siya babalikan.
Pero kung hindi si River ang may gawa at may pakana ng paglalagay ng mga red note sa locker ko, sino?
Kumunot ang noo ko’t tiningnan siya. Nakatingin rin ito sa akin na naghihintay ng sagot ko.
“Ikaw man o hindi, I still hate you.”
Matapos bitawan ang mga salitang ‘yon sa kanya, tinalikuran ko ito’t nagsimula nang maglakad palayo.
I left him there. He didn’t say anything bago ako umalis. Naiwan siyang nagtataka at gulat pa rin sa paratang ko sa kanya.
I can’t blame myself for thinking that it was him who put those damn red creepy notes inside my locker.
Sino bang tao ang pinaglaruan lang ako? Siya. Kung nagawa niyang paglaruan ang puso ko at saktan ako, hindi rin malabo na siya ang may gawa ng mga ‘to para paglaruan ang isip ko.
Sa ngayon, wala akong ibang maisip na ibang taong nasa likod nito kung hindi siya lang. But he looked like he was telling the truth, kahit ayoko mang paniwalaan ‘yon, kapani-paniwala ang sinabi niya kanina.
Papunta na sana ako sa parking area ng campus nang may tumawag sa pangalan ko.
It’s him again. River.
“Sandali lang...” nilingon ko ito’t kunot-noong tiningnan habang patakbo siyang lumalapit sa akin.
“What now, River?” walang gana kong tanong sa kanya nang makalapit ito sa akin.
Seryoso ako nitong tiningnan. “I just wanna say that I’m sorry...” napairap ako at umiwas ng tingin sa kanya. “Sorry, Ri...”
“Saan?” tiningnan ko siya na inis pa rin habang kaharap ito. “Sa ginawa mong panloloko sa akin? O sa panggagamit mo sa akin para sa pera? Alin doon?” nginisian ko siya dahil gusto kong maramdaman at makita niya na gigil ako sa ginawa niya.
“Both...” he answered, yumuko ito at lumunok. “I’m sorry for hurting you. Mali ako. Hindi dapat kita niloko o ginamit. I’m really sorry, Ri...” tumingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mata. Napailing ako’t natawa sa inis.
“You’re just sorry because you got caught, River.” Gigil ko siyang tiningnan. “If I didn’t see you and Gwen, f*****g inside my room at our clubhouse, hindi ka naman magkakaganito’t maluluha na parang isang maamong tutang hindi makatahol.” Mariin kong sambit. Napatiim-bagang ako sa inis.
“That’s why I’m sorry!” he tried to hold my hand but I didn’t let him. Masama ang tingin ko sa kanya. “Napagtanto kong mali ako, nagsisisi na ako, at alam kong huli na. Wala na akong magagawa kung ‘di ang humingi ng patawad dahil nasaktan na kita at hindi mo na ako kayang mahalin pa...” his tears began to flow. Nanggigil ako nang makita siyang umiiyak. How dare him?
“Alam mo naman pala, eh. Bakit ka pa humihingi ng kapatawaran sa akin kung alam mo namang hindi kita kayang patawarin?” tanong ko sa kanya’t seryoso itong tiningnan. Hindi ito nakapagsalita’t yumuko na lang. “I trusted you, River. Binigay ko rin sa ‘yo lahat. Konting ungot mo, bigay ko. Konting request mo sa akin, sunod ko. Saan ako nagkulang? What did I do to f*****g deserve this? The real question is, do I really deserve this pain? Ha?!” maging ako’y nagsisimula ng maging emosyunal matapos bitiwan ang mga salitang ‘yon sa harap niya.
Umiling ito habang nakayuko pa rin. “Hindi...” sagot niya. “You are too kind to deserve all that s**t I gave you, Ri.” Natawa ako’t pinigilan ang luhang gusto nang pumatak mula sa mga mata ko.
“You still put this s**t on me, Riv.” Inis ko itong tiningnan. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan ‘yon bago niya pa makita. “Nasasaktan ako kasi minahal kita, pinagkatiwalaan kita, at akala ko iba ka sa lahat. Nasasaktan ako kasi you ruined, not only our relationship, but also my trust and my heart!” sigaw ko.
Lumuluha ako nitong tiningnan. “Alam kong walang kapatawaran para sa ‘yo ‘yong ginawa ko at naiintindihan ko ‘yon...” suminghot ito’t pinunasan ang mga luha sa kanyang mata. “Gusto ko lang malaman mo, kahit wala namang magbabago pa, na nagsisisi na ako. You don’t deserve someone like me. Hindi ko rin deserve ang taong katulad mo.”
Pinunasan kong muli ang luhang pumatak mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Lumunok ako’t matapang siyang tiningnan.
“We don’t deserve each other...” mariin kong sabi. “And I don’t deserve to be someone who doesn’t know how to forgive. Hindi kita kayang patawarin pa sa ngayon, River. Maybe, someday pero hindi pa sa ngayon.” matapos bitawan ang mga salitang ‘yon ay marahan siyang tumango habang lumuluha.
“I understand...”
Iyon ang mga huling salitang sinabi namin sa isa’t isa bago ako magpasyang tumalikod at umalis na sa harapan niya.
I walked away.
I immediately went to the parking area and got inside my car. Pinaandar ko agad ‘yon at umalis.
As I was wiping my tears while driving, my phone vibrated.
Kinuha ko ito na nakapatong sa tabi ko’t sinulyapan ang pangalan ng kung sinong nagmessage.
It’s Tiago.
“Are you free later?”
Kung may pinakamabuti man siguro akong gagawin ngayon ay ang itama ang mga mali ko’t bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na mas kilalanin pa ang taong ito.
The one I rejected because I chose River over him.
Ang lalakeng sana ay pinili ko nalang.
***