H E N R I
Binati ako ni Julio ng isang matipid na ngiti nang dumating ako sa Henrique’s.
I smiled back and looked at his body guard uniform. It suits him.
Matapos batiin ng aking mga empleyado sa coffee shop, naglakad na ako sa isa sa mga table sa pinakadulo. Umupo ako roon at inilapag ang aking cellphone.
Hindi pa ako nakakauwi nang tuluyan nang magmessage si Tiago kaya’t ako na mismo ang nagsabi sa kanyang dito kami magkita.
Parating na rin siguro ‘yon. I told him that we should meet here because the first meet up was ruined...by Scott.
Habang naghihintay, one of my employees came to me and asked me what drink should they make, tumanggi na lamang ako at sinabing tatawagin ko nalang ang isa sa kanila kapag dumating na si Tiago.
While waiting for him, I can’t help but to think about River and our emotional talk earlier.
Nagagalit pa rin ako sa kanya. Isang linggo pa lang mula noong malaman kong niloloko niya ako at mula noong magdesisyon akong hiwalayan siya nang tuluyan. Nandito pa rin ‘yong sakit. Hindi pa rin ‘yon lubos na nawawala. I loved him. Hindi naman gano’n kadaling bitawan nalang lahat ng alaalang mayroon ako kasama siya. Isa pa, we were in a relationship for two years. Matagal rin ‘yon. Gusto kong manghinayang kahit parang mali. Kung may sigurado man ako ngayon, ‘yon ay ang bagay na hindi talaga kami para sa isa’t isa.
That’s one thing about me. I don’t personally believe in second chances. For me, that’s bullshit. Like, para saan pa? If you knew in the first place that it will ruin everything, bakit ka pa gagawa ng isang bagay na alam mong hindi kapata-patawad? Isa pa, hindi ‘yon deserve ni River. Ang patawad, siguro ay oo pa. Ngunit ang second chance? Wala siyang pag-asa.
It’s 7 PM and it took 5 minutes before Tiago finally came.
Binati siya ni Julio at agad na hinahanap kung saan ako nakapwesto. I smiled at him when he noticed my table. Malayo pa lang ay nakangiti na ito. Like me, he’s still wearing his uniform. Mukhang hindi pa rin siya nakakauwi.
“I’m happy to see you.” Agad nitong bati sa akin nang makalapit. His eyes are so bright while looking at me. Umupo ito kaharap ako. “Natuloy rin sa wakas ang pagkikita nating dalawa.” He said and I laughed a bit.
Natawa rin ito’t tinitigan ako. “I’m really sorry about that...” nakangiti kong sambit kay Tiago. “Do you want anything to drink? Coffee?” I asked him ngunit nakangiting umiling ito.
“Sapat na ‘yong kaharap kita at kausap ngayon.” Banat nito sa akin sabay kindat, napailing ako’t napangiti. “How are you?”
I looked at him straightly in his eyes. “I’m good. At least, that’s what I feel now that you’re here.” Pagbabalik ko ng banat sa kanya. Napangiti siya nang malaki.
Ganito kami noong una pa lang kaming magkakilala. Even before I met River, siya ang una kong nakilala. Siya ‘yong madalas kong kasama kapag hindi ko kasama sina Almira at Ronald. He was always beside me.
Seryosong tao si Tiago ngunit kapag kaharap ako, may side siyang ipinapakita na pakiramdam ko ay para sa akin lang. Ang pagiging palabiro. Mahilig siyang bumanat at magbigay ng mga jokes. Madalas rin siyang mambola. Kahit galing siya sa pamilya ng mga politiko, mataas ang level ng humor niya.
I thought, I liked him. Well, gusto ko naman talaga siya noon pa. Siguro ang tamang sabihin ay ‘I thought, he was the one for me’. He is perfect. His face, his body, his humor, and his perfect image. Everything in him, it’s just perfect. Nasa kanya na lahat ng hahanapin mong katangian sa isang lalake. Sa madaling salita, wala ka ng hahanapin pa.
But I still rejected him.
Hindi ko pinili.
At alam ko sa sarili kong nasaktan ko siya noong si River ang sinagot ko.
Mula sa pagngiti, napaseryoso ito ng tingin sa akin at pinangliitan ako ng mga mata. “What happened to your eyes?” pagpuna niya. Akala ko noong pinunasan ko ang mga mata ko kanina’y hindi na ‘yon mahahalata. “Did you cry?” his face tells me that he’s worried.
Napawi ang mga ngiti sa labi ko. Saglit akong napayuko bago tumitig sa kanya pabalik. “I saw River earlier before I got your message...” I answered him. Nakikinig lang ito sa akin. “We had a little...emotional fight.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang matapos kong sabihin ‘yon kay Tiago.
“It’s okay...” he held my hand on the table. “I told you, kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako at handa akong makinig.” Matipid siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. Pinisil nito ang kamay ko’t napatingin ako sa kanya. I smiled back at him.
“Thank you, Tiago.” I said.
Ngumiti ito bago bitawan ang kamay ko. Tumingin siya sa kanyang likuran, to where Julio is standing near the entrance. Bumalik ang mga mata niya sa akin habang kunot ang noo nito. Marahil ay nagtataka siya.
“Julio’s not in his butler uniform now. Are you assigning him here for good?” he asked. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Julio bago bumalik ng tingin kay Tiago. “Why is that?” pagtataka nito.
Napalunok ako’t marahang tumango. “It’s a long story...” ang sagot ko sa kanya. “And I think, this is not the right place to talk about it...” matipid kong nginitian si Tiago na marahang tumango sa akin.
“Well, if you say so...” sambit nito at tiningnan ako. Ilang segundo matapos niyang sabihin ‘yon, napangiti siya. “Why don’t we talk about it to some other place? Kung okay lang sa ‘yo? Ano, are you game?” napahawak ito sa kanyang upuan habang hinihintay ang sagot ko.
Napangiti ako dahil gusto ko rin namang umalis na rito sa coffee shop ngayon. “Sounds like a plan.” Sambit ko’t tumango sa kanya. Napangiti ito sa akin nang marinig ang pagsang-ayon ko. “Let’s go outside,” tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo’t gano’n rin si Tiago.
We both left Henrique’s.
We decided not to go with our cars. I suggested that we should just walk and enjoy talking to each other while doing that. He agreed.
Madilim na sa labas. Thanks for the streetlight and the good ambiance of the night, naglalakad kami ngayon nang parehong may ngiti sa mga labi namin.
Naglalakad kami ngayon papunta sa plaza na madalas naming puntahan, two years ago. The one with a mini fountain in the middle and wooden benches around.
Matagal-tagal na rin simula noong huli kaming magawi sa plaza na ‘yon na kaming dalawa lang kaya hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Ang alam ko lang, I’m happy that I’m doing this again with Tiago.
Habang naglalakad palapit sa plaza, kaunti lang ang mga taong nakakasalubong namin, that gave me the go signal to start sharing with him the reason why I assigned Julio as the coffee shop’s security guard.
Kung may tao mang pinagkakatiwalaan ako ngayon, si Tiago ‘yon. Kaya rin hindi ako nagdalawang isip na magkwento sa kanya ng tungkol sa pagkidnap sa akin ni Scott, ng pagtulong ko sa kapatid nito’t pagtanggal kay Julio bilang butler ko.
At least, alam kong hindi ako nito tatawanan katulad kung paano gawing biro nina Almira at Ronald ang tungkol doon.
“Did you report to the police? The man who kidn*pped you?” alalang tanong nito sa akin na natigilan sa paglalakad at hinarap ako. Umiling ako sa kanya bilang sagot. “What? And you said, you helped him and his brother? The guy is a criminal, Henri. Paano nalang kung sinaktan ka niya?” matipid ang ngiti ko siyang inilingan.
“He didn’t hurt me, Tiago. He’s a good guy.” Kalmado kong tugon rito.
Napailing ito. “How can you be so sure about that?” he asked me. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Because I saw it and I felt it...” matapat kong sagot kay Tiago’t tiningnan ang mga mata niyang nakatingin rin sa akin ngayon. “He only did that because he was desperate for his brother’s heart surgery. And when I saw his brother, I understood the situation.” Paliwanag ko pa rito.
“He still committed a crime.”
“And he still chose to set me free.”
Napabuntong-hininga na lamang si Tiago matapos marinig ang sinabi ko, tumingin ito sa akin nang seryoso bago ako matipid na nginitian.
“I’m just so glad that you’re fine...” hinawakan niya ang balikat ko habang nakangiti. Napangiti rin ako rito. “But who’s going to be your butler now that Julio’s guarding Henrique’s?” he asked.
“Him...” pilit akong ngumiti. “Scott.”
Nagulat ito sa narinig. “The kidnapper?” hindi ito makapaniwala. “But...why?”
Napailing ako’t natawa. “I paid for his brother’s operation and he doesn’t want it for free. So, to pay me back, he’ll be my butler once his brother’s fine.” Paliwanag ko kay Tiago na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman ngunit pinili nalang tumango.
“I trust you with your decision but I just want you to be more safe, okay?” he gave me a worried smile and tapped my shoulder. Tumango ako’t ngumiti bago kami magpatuloy sa paglalakad papunta sa plaza.
Nang makarating kung nasaan ang mga wooden bench, pumili kami ng pwesto, malayo sa iilang mga taong nandito ngayong gabi at umupo.
Sa gitna ay pinapanuod namin ang mini fountain. Sa unang mga segundo ay wala sa amin ang umimik, we are just staring at the fountain, and enjoying the silence of the surroundings.
“I missed this...” napatingin ako kay Tiago na tulalang nakangiti sa harapan niya. “‘Yong pupunta tayo rito nang tayo lang dalawa. Noong mga panahong ang wala pa siya.” Bumalik siya sa akin bigla ng tingin. Napangiti ako nang mapait. I think, he was referring to River.
Tumingin ako sa aking harapan. “Things happened...needed to happen,” mapait na sagot ko sa kanya habang ramdam kong nakatitig pa rin ito sa akin. “But we’re still good right? We’re friends?” tumingin ako sa kanya.
Seryoso ang mukha nito at hindi tumugon sa akin ng ilang segundo. “No, we’re not...” he answered with a serious stare. Medyo kumunot ang noo ko. “We’re not going to change anything. Gano’n pa rin naman kita tingnan magmula noon.” Then, he smiled. Napangiti ako sa aking narinig.
That made me think what he really meant by what he said. Kung gano’n pa rin ba niya ako tingnan katulad noon, bilang kaibigan? O ‘yong tingin niya sa akin noong niligawan niya ako?
“Thank you...” I told him. “I appreciate it.” Ngumiti ito matapos ko siyang ngitian.
I looked at the mini fountain in front of us. Dinama ko ang bawat saglit na ‘yon habang katabi ko si Tiago. Pakiramdam ko’y ang pagkairitang nararamdaman ko kanina nang makita ko si River sa campus ay biglang nawala dahil sa kanya.
“Henri...”
Napatingin ako sa kanya when he called my name. “Yes?” I smilingly responded.
Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. “Bakit...bakit hindi ako?” napalunok ako nang marinig ang tanong niyang ‘yon. Napawi ang ngiti sa aking mukha dahil sa pagkabigla. “Why did you choose him over me?” dagdag pa niya that made my heart beats faster. Hindi ko alam kung paano magre-react.
Napalunok pa ako ng ilang beses at napayuko. Nailang ako bigla kay Tiago. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya. Like how would I suppose to answer it?
“I’m sorry...I didn’t mean to ask you—”
“No, it’s okay.” I cut him off. Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang.” Tumango-tango ako habang tinitingnan ako.
Tumingin ako sa aking harapan, yumuko’t huminga nang malalim bago bumaling muli ng tingin kay Tiago.
Since he asked, magiging unfair ako kung hindi ko man lang sasagutin ‘yon, kahit sa pinakasimpleng paraan.
“I don’t know, actually...” napalunok ako. Tiago is patiently looking at me with his serious stare. “But it was a bad decision, very bad...” I faked my laugh.
He looked at me. I saw his adam’s apple moved when he swallowed. “If there was no River, would you choose me?” nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong. Hindi ako nakaimik agad. “May pag-asa ba ako sa ‘yo? Sa puso mo?” he added that made me shake my head and smiled.
“Of course...” tiningnan ko siya nang seryoso. “I would definitely choose you.” Pagsasabi ko sa kanya ng totoo dahil ‘yon naman talaga ang gagawin ko kung saka-sakali.
Napayuko ito’t natawa. Napatingin ito sa mini fountain sa harap at tumingin muli sa akin. “You two just broke up. I shouldn’t be asking these questions to you. I’m sorry...” umiling agad ako nang marinig ‘yon kay Tiago.
“You’re fine.” I told him. Ngumiti lang ito sa akin at pareho kaming tumingin sa aming harapan.
Ilang segundo pa ang lumipas nang wala sa amin ang umiimik. We were just focusing at the mini fountain for a couple of seconds until Tiago spoke.
“What was that again?” he asked. “The one you said that you were accusing River ealier?” napatango ako’t naalala ang nabanggit ko sa kanya patungkol sa pagkikita namin ni River sa campus kanina.
About that damn creepy red note that I found inside my locker for the third time.
“Someone is tripping on me. Kaya hindi ko naiwasang isipin na si River ‘yon.” I told Tiago. “The one who’s behind all the red creepy notes inside my locker.” I added.
Nanliit ang mga mata nito. “Maybe, a die-hard fan?”
Napailing ako agad nang marinig ang sinabi niya. “Impossible.” I told him. “Sinong die-hard fan ang maglalagay sa locker ko ng mga creepy red notes? Besides, marami na akong natanggap na mga letter pero iba ‘to ngayon. Something’s telling me that someone’s tripping on me.” Dagdag ko pa’t humarap sa mini fountain nang kunot ang noo.
“Have you reported this to the police?” I looked at Tiago, umiling ako. “To the Dean, at least?” tanong pa nito ngunit umiling akong muli.
“Hindi pa. Hindi pa sa ngayon.” Seryosong sambit ko sa kanya. “Gusto kong magkaroon muna ako ng ideya kung sino ang nasa likod no’n bago ako magreport.” I told Tiago. Iyon kasi ang plano ko.
He nodded. “Just tell me what help I can give.” Hinawakan nito bigla ang kamay ko. Napatingin ako rito. “Kung kailangang maghire ako ng private investigator para malaman kung sino ang taong naglalagay ng bagay na ‘yon sa locker mo, gagawin ko. Just to make sure that you’ll be safe at hindi ka na rin gaanong mag-isip pa.” His forehead furrowed.
Matipid akong ngumiti’t binawi ang kamay ko sa kanya. “I appreciate the offer, Tiago. Thank you.” I said and looked at his eyes. “But I like to figure this out, myself.” Nginitian ko siyang muli.
Marahan siyang tumango matapos marinig ang sagot ko. Halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha. “If that’s what you want.” He smiled and looked at me. “Just be safe, okay?” Tumango ako sa kanya.
“I will.”
Half an hour has passed.
Nagdecide kaming umalis na sa plaza at maglakad na pabalik sa Henrique’s para balikan ang mga kotse namin.
“Thank you for tonight, Tiago.” Ang sabi ko rito nang makarating kami sa tapat ng coffee shop ko. Nakangiti ako sa kanya at gano’n rin ito sa akin. “Thanks for your time.”
Ngumiti ito nang malaki. “Anything for you, Henri.” He tapped my shoulder. “Just make a call or message. I’ll be there.” He told me. It made me smile more.
Tumango ako sa kanya. “I’ll guess, I’ll have to go.” Paalam ko rito at tumingin sa kotse kong nakaparada sa harapan. I looked back at him. “Good night, Tiago.”
He smiled. “Be safe.” He said. “Good night.”
After that exchanging good nights, tuluyan na kaming nagpaalam sa isa’t isa, at pumunta na sa sari-sarili naming sasakyan.
Tiago waved at me before he left. Pinauna ko kasi itong umalis. At nang tuluyan na siyang umalis, doon ko pa lang sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan.
Before leaving Henrique’s my cellphone beside me vibrated.
I thought it’s Tiago kaya kinuha ko agad ‘yon para buksan. But to my surprise, it’s not him.
It’s Scott.
“Pwede na ba akong magsimula sa trabaho ko?”
***