Chapter 10

2252 Words
H E N R I Like a typical day in my student life, I woke up at 7 AM. Naghanda na ako para sa pagpasok. I took a bath. I ate my breakfast. I wore my uniform, prepared myself, and grabbed my backpack. Lumabas na ako sa bahay. There, I saw a man facing my Ferrari, nakatalikod habang nakatayo suot ang itim na suit. Matangkad, maayos ang naka-brushed up na buhok, at higit sa lahat ay presentable tingnan. Hindi ko inaasahan na maaga siyang darating ngayong umaga kahit sinabi ko naman na pwede namang hapon nalang siya pumunta para sunduin ako. “Looking good,” that caught his attention. Napalingon agad ito sa akin. Kahit isang linggo na ang nakakaraan, ganitong-ganito pa rin ang itsura ng kanyang mukha. Seryoso. “Mas bagay sa ‘yo ngayon ang suit na ‘yan kaysa noong huli kong nakitang suot mo ‘yan.” I laughed a bit. Napangisi ito dahil doon. Last night, when he messaged me, asking me if he can start his job as my butler ay hindi na ako nagdalawang isip na ipaalam sa kanyang pwede na siyang magsimula kahit kailan niya gusto. Then, he told me that he wants to start today. Kaya pinag-utos ko agad na padalhan siya ng bagong set ng uniform kagabi. The Scott I am facing right now is actually gorgeous. Malinis tingnan, walang bahid ng pawis, presko, at mukhang propesyunal. “Good morning, Mr. Almazen.” Napakunot ang noo ko nang batiin niya ako nang may matipid na ngiti’t binuksan ang pinto ng kotse. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ako or what, but calling me in that very formal way makes me cringe. “Henri nalang,” I told him. “Hindi bagay kapag masyado kang magalang.” Pagbibiro ko’t natawa ito nang kaunti bago umiling. Pumasok na ako ng kotse, umupo sa likuran, at isinara na nito ang pinto bago pumunta sa unahan. Pumasok na siya’t sinimulang paandarin ang kotse. “Sabi ko naman sa ‘yo, pupwede namang mamaya mo nalang ako sunduin.” I told him nang makalabas kami ng gate. “Hindi ka pa yata nagkape man lang.” Sabi ko pa rito. Nakatutok ito sa daan. “Kung sisimulan ko ang trabaho ko, gusto kong simulan ‘yon nang tama.” He said and then, he looked at the rearview mirror. Nakita ko ang pagngisi niya roon. “Isa pa, butler mo na ako ngayon. Trabaho ko ang pagsilbihan ka. Hayaan mo ‘kong gawin ko nang tama ang trabaho ko.” He added and I saw him smile at the mirror. Napangiti ako mula sa narinig kay Scott. He’s really taking all of this seriously. Hindi nga ako nagkamali noong sabihin kong weird siya. What I meant about that was, weird in a way that he isn’t a bad person even when I met him. Hindi naman talaga siya masamang tao. He’s kind, serious, and weird...in a good way. “How’s Mac?” nakangiti kong tanong habang nakatingin sa rearview mirror. “Kamusta ang pakiramdam niya?” “Maayos kaysa noon. Ang sabi ng doktor, kailangan niya munang manatili sa hospital ng isa o dalawang linggo bago siya tuluyang ma-discharge at makauwi.” Tumango-tango naman ako nang marinig ang sinabi niya. Naka-focus lang ito sa kanyang pagmamaneho. “Good to know.” Nakangiti kong tugon. “Eh, si Jessy?” I asked. Tumingin ito sa salamin. “Nasa school. Hindi ko naman pwedeng hayaan na pabayaan niya ang pag-aaral niya at lumiban pa ng isang linggo.” Ang sagot nito. “Gusto ko rin na hangga’t maaari, makapag-aral siya nang mabuti. Gano’n rin si Mac.” Dagdag pa nito kaya’t napangiti ako. “You really are a good brother.” I told him while staring at his eyes on the rearview mirror. He just smirked. Wala akong kapatid pero kahit gano’n ay hindi ko maiwasang humanga sa dedikasyon at pagmamahal ni Scott para sa mga kapatid niya. They are lucky to have him as their brother. Gano’n rin naman si Scott. Maswerte siya’t mayroon siyang dalawang kapatid na nagmamahal sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa pagkakatitig sa mga mata niya sa salamin habang patuloy ito sa pagmamaneho. “Bakit ka nakangiti d’yan?” napansin niya pala ‘yon kaya bigla akong natauhan at binawi nang kaunti ang aking pagngiti. “Wala lang. Natutuwa lang ako sa mga kapatid mo.” I answered him. “Next time, isama mo sila, para madala ko sila sa coffee shop ko. Gusto ko rin silang maka-kwentuhan, eh.” Nakangiting sabi ko kay Scott na matipid na napangiti. “Kung hindi naman nakakaabala masyado sa ‘yo, sige.” Sagot nito sa akin. “Sigurado akong matutuwa ang dalawang ‘yon.” Napangiti ako nang marinig sa kanya ‘yon. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Scott patungo sa Collegio Del Pierro. Habang binabaybay namin ang daan patungo roon, hindi ko maiwasang sariwain ang parehong scenario kung nasaan kami, isang linggo na ang nakararaan. He was wearing the same type of uniform and so did I. Nasa driver’s seat siya at ako nama’y narito ulit sa backseat mg Ferrari. Ganitong-ganito ang eksena. Ang kaibahan nga lang, noo’y hindi pa namin kilala ang isa’t isa. Ibang Scott pa ang kilala ko no’n at ibang ako pa ang kilala niya. We were strangers to each other, one week ago. Nakakatawang isipin na sa loob lang ng isang linggo’y ganito na kami kalapit ngayon. The weird kidnapper became my butler. ‘Di ba? Hindi kapani-paniwala na sa loob lang ng isang linggo, marami nang nagbago. At isa na siya roon. Isa pa pala, ang kaibahan lang noong una kaming magkita, he’s holding a gun. Tama! Bigla kong naalala. ‘Yong baril! “Scott? Can I ask you something?” hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Nakita kong tumingin ito sa rearview mirror. “What about the gun you used to scare me that day? Nasaan na ‘yon? At saan mo nakuha ‘yon?” pagtataka ko. I mean, hindi naman siya isang pulis. Isa pa, sa personalidad na mayroon siya, duda akong siya ‘yong tipong hahawak ng gano’n upang manakot ng tao. Unless, he was too desperate that time kaya humiram siya ng baril sa kakilala niya. Napansin ko ang pagngisi nito. “Kay Mac ‘yong baril...” he answered that made my jaw drop. “What?! Paanong magkaroon ng baril ang kapatid mo?” gulat kong tugon sa kanya na hindi gaanong na-gets ang pinupunto nito. Natawa siya nang kaunti. “Bago ka magulat nang sobra, gusto ko lang ipaalam na laruan lang ‘yon. Hindi ‘yon totoo.” He looked at the mirror. Nagulat ako sa nalaman mula sa kanya. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo nahalata, eh.” Bigla itong napangiti. Is he teasing me right now? “You mean, that was fake?” ang hindi ko makapaniwalang tugon kay Scott. I just can’t believe he fooled me with a toy gun. “What the f**k, Scott? You lied.” Napairap ako sa kanya dahil sa inis. Why did I not notice that it was fake in the first place. “Hindi ako nagsinungaling. Masyado ka lang naniwala. Isa pa, hindi naman kita masisisi. Takot na takot ka noong itutok ko ‘yon sa ‘yo.” Seryosong sabi nito’t tiningnan ako mula sa salamin. “Pasensya na nga pala tungkol doon. Alam kong natakot kita.” Mahinahon nitong sabi sa akin. Umiling ako. “Okay lang. Tapos na rin naman. I’m glad it was fake.” Ngumiti ako. Still, hindi pa rin ako makapaniwala na nadala ako ng galing niya sa paghawak ng baril kahit hindi ‘yon tunay. “Isa pa, wala rin naman akong alam sa mga baril. Kaya there was no way I could ever tell that day kung peke ba ang hawak mo or hindi.” Pagsasabi ko sa kanya ng totoo. “Sa yaman mo, dapat ay nag-aaral ka na ng tungkol sa paghawak at paggamit no’n. Marami namang weapons training na pwede mong pasukan. Para sa ‘yo rin iyon.” Ang tila advice nito sa akin habang patuloy sa pagmamaneho. Napaisip ako sa sinabi niya. “Hindi ko alam kung kaya ko bang humawak ng baril. Isa pa, hindi ko rin alam kung kailan ko kakailanganin ‘yon.” I answered. “Hindi mo naman masasabi ang panahon.” Ang sagot nito sa akin. “Kailangang matuto kang depensahan ang sarili mo.” Dagdag pa niya. “Eh, bakit pa? Nandyan ka naman na para protektahan ako. Hindi na siguro kailangan no’n.” Ngumiti ako matapos pabiro kong sabihin iyon. Napailing lamang ito’t napangisi nang dahil sa narinig mula sa akin. “Bakit? Ikaw ba, nakahawak ka na ng totoong baril?” tanong ko rito. “Matagal na rin mula noong huli. Retired na pulis ang lolo ko sa probinsya. Noong nandoon kami ng mga kapatid ko, tinuruan niya akong humawak at bumaril.” Pagbabahagi nito’t tumango naman ako. “Hayaan mo, sa susunod, tuturuan kita. Kahit kung paano man lang humawak ng baril gamit ang peke.” He laughed and I did too. “Basta huwag mo lang akong tututukan ulit!” biro ko sa kanya at pareho kaming natawa. Nang makarating kami sa tapat ng school, nagpaalam na ako kay Scott. I told him to pick me up after my classes today. Binigay ko na rin naman sa kanya ang kopya ng schedule ng klase ko habang nasa kotse kami kanina. For now, sinabi kong sa bahay na siya dumiretso dahil binilin ko na sa mga kasambahay roon ang pagkain niya. I also told him that if he wants to visit his brother, Mac, at the hospital, he can go. Matapos ‘yon, naglakad na ako papasok sa campus at dumiretso na sa una kong klase. Sa unang dalawang subjects ko ngayong araw, naging normal naman ang lahat. Kung mayroon mang hindi normal ngayon, ‘yon ay ang hindi ko imikan ang dalawa kong kaibigan na sina Almira at Ronald kahit nasa iisang klase lang naman kaming tatlo. Hindi rin naman sila gumagawa ng paraan para lapitan ako’t kausapin. Alangan naman na ako ang lumapit sa kanila para gawin ‘yon? Besides, why would I? Hindi naman ako ang naging insensitive sa aming tatlo. They laughed at me about my k********g story. Hindi sila naniwala at pinagtawanan pa nila ako. How dare them? Isa pa, mukha namang wala silang balak na kausapin rin ako. Sa nakikita ko sa kanila kanina, masaya silang dalawang nagtatawanan. Palagi namang gano’n. Palagi namang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Kailan ba nila ako inintindi? Ang alam lang nila sumbatan ako dahil tama ang hinala nila tungkol kay River. Bukod do’n, wala na. Hindi ko nga alam kung kaibigan ba talaga ang turing nila sa akin or what. Tiago on the other hand, siya lang ang sumagip sa company ko habang nasa klase kami. He talked to me. Napapangiti niya ako sa mga jokes niya. Hindi niya ako hinahayaang maramdamang mag-isa lang ako sa classroom. In fact, he sat next to my seat earlier. Buong klase yata kaming nagkwentuhan lang kanina. I can’t help but to feel attached to him once again. Naramdaman ko na ito sa kanya noon ngunit ngayon, pakiramdam ko’y ito na ang pinakatamang panahon para maramdaman muli iyon. I like him a lot. Tiago invited me for lunch at the cafeteria but I had to refuse because of the book I needed to return at the library. Isa pa, may gusto rin akong hanapin na libro para sa subject namin mamaya. Sinabihan ko na lang siya na mauna na at huwag na akong hintayin. Pagkalabas ko ng library matapos ang halos bente minutos sa loob no’n, lumabas na ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisip kong pumunta na ngayon sa cafeteria dahil mayroon pa naman akong trenta minutos bago ang simula ng pangatlong klase ko ngayong araw. Habang naglalakad at nilalagpasan ang mga estudyanteng madaraanan ko, biglang nagvibrate ang cellphone na nasa loob ng bulsa ko. Hindi ko pinansin ang nauna ngunit nang pumangalawa at pumangatlo ito ng pagvibrate, hindi na ako nakatiis. Huminto na ako sa paglalakad at kinuha ‘yon. Ang tatlong messages na natanggap ko ay MMS o mga multimedia messages na nang tingnan ko kung kanino galing, unknown number iyon. Naglakas loob akong tingnan ang mga naglo-load na mga litratong ipinadala sa akin ng kung sino man. Nang tuluyang natapos ang pagloload, nagulat ako sa aking nakita. Napalunok ako’t sandaling hindi nakagalaw. Napatingin ako agad sa aking likuran, sa karamihan ng mga estudyante at gurong naglalakad. Hinanap ng mga mata ko kung sino ang posibleng kumuha ng mga litratong ito. I looked back at the messages kung saan nakalakip ang mga litratong ‘yon. Kunot-noo ko itong tiningnang mabuti. Ang mga larawan na ‘yon ay mga stolen shots ko habang papasok ako ng library kanina, ang pangalawa ay noong lumabas ako mula roon, at ang pangatlo ay habang naglalakad ako sa gitna ng maraming estudyante. Nagulat nalang ako nang bigla na namang may dumating na multimedia message sa akin at nang tingnan ko ito, ako ulit ang laman ng litratong ipinadala, nakatalikod habang nakatigil sa puwesto kung nasaan ako ngayon. Napalunok ako nang dahil sa kaba. Matapos ‘yon ay lumingon akong muli na kunot ang noo habang sinusubukang hanapin kung saan nagtatago ang kumuha noon. This is literally creeping me out. Who the f**k took these stolen photos of mine? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD