H E N R I “He was a multifaceted intellectual and a political activist...” Patuloy lang sa pagsasalita ang instructor namin sa unahan sa subject nitong Life and Works of Rizal, ngunit ako, hindi naman talaga ako nakikinig. Ito ang huling klase ko ngayong araw ngunit magmula noong lunch, hindi na mapalagay ang utak ko sa pag-iisip. Hindi ako mapakali. Iniisip ko pa rin kung sino ang nagsend sa akin ng mga stolen shots ko habang nasa labas ako kanina. Sa totoo lang, it creeps me out, the same way that those red notes in my locker made me feel. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ang sino mang nagpadala sa akin ng mga stolen shots ko kanina at ang naglalagay ng creepy red notes sa loob ng locker ko ay iisa. Hindi imposible ang bagay na ‘yon. “Hey...” bigla akong binulungan ni Tiago na n

