H E N R I "What do you want to watch?" I asked Scott as soon as we sat on the couch. Nasa living room kami ngayon sa harap ng flat screen tv. Sa gitna namin ay ang maliit na glass table kung saan nakapatong ang mga binili naming chips at drinks sa convenience store na nadaanan namin kanina habang pauwi. Sinabihan na niya ang mga kapatid niya na late siyang makakauwi at maglock na ng bahay habang wala siya. He also asked their neighbors if they could look after them. Pumayag naman ang mga ito. At ngayon, kasama ko siya. Nakatingin lang sa akin ito ng ilang segundo bago magsalita. "Ikaw ang bahala." Ang sabi nito na ikinadismaya ko. "Ano ba 'yan, Scott? Wala ka man lang bang paboritong genre?" ang sabi ko't kunot-noo siyang tinitingnan. Napangisi naman ito sa akin. "Eh, kung sabihin

