H E N R I "Huwag ka nang tumuloy..." napakunot ang noo ko habang pababa sa hagdan nang marinig iyon kay Scott na naghihintay sa akin. Seryoso ang kanyang mukha at halata ang pag-aalala para sa akin. Lumapit ako sa kanya at hindi sinang-ayunan ang gusto niya. "We talked about this already, Scott." Ang sabi ko habang tinitingnan ang kanyang uniporme. Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na stripes polo at puting pantalon. I paired my attire tonight with a pair of white rubber shoes. Maayos na rin ang buhok kong naka-brushed up paitaas and I smell good, too. "Sasamahan kita," sambit pa nito kahit alam naman niyang hindi iyon pu-pwede. "Basta masiguro kong ligtas kang makakauwi ngayong gabi." Napailing ako sa aking pagkadismaya kay Scott habang kaharap ko ito. Tinitigan ko ito ng ilang sa

