Whisper 51 Walang tigil sa pag-iyak si Phoebe nang malaman niyang nasa ospital ang kanyang ina. Sinundo siya ni Austine sa bahay nito sa Baseco at ngayon na nasa sasakyan ito at walang tigil sa pag-iyak. "Gusto mo ba ng lollipop? Huwag ka nang umiyak, ayos lang naman ang mama mo," aniya ni Austine at halos mabiyak na ang eardrums sa sobrang iyak ni Phoebe. "Kawawa po si mama! Ayaw ko po siyang nagkakasakit! Bakit po siya nasa ospital! Palagi na lang po siyang umiiyak." "Palagi? Ngayon lang naman siya tinakbo sa ospital diba?" tanong ni Austine habang siya ay nagmamaneho. "Hindi po, suki po si mama sa ospital. Kahit i-check niyo pa po ang track record niya sa Las Palmas hospital. Sabi po ni nanay Luz, kahit po noong pinagbubuntis niya ako pati ni kuya Agustus, palagi po siyang nahihima

