Whisper 52 Halos mabulabog ang mga empleyado pati na ni Smith sa boardroom. Dumagundong ang pintuan na binagsak ni Austine at sa kanya lamang nakatingin. "What's the problem son?" tanong ni Smith sa kanya. "Everybody get out! NOW!" sigaw niya at nagsitayuan ang mga empleyado para lumabas. Sa pagsara ng pintuan, halos atakihin sa puso si Smith nang ibalibag ni Austine ang mga upuan sa gilid, tinadyakan din nito ang lamesa at umtras sa kanyang ama. "Ano bang nangyayari sa'yo!" sigaw ni Smith sa kanya. "You! You ruin my life! Ama nga ba talaga kita?! Answer me, Smith!" sigaw ni Austine at binato ang dokumento sa harap ng kanyang ama. "What are you talking about?!" "Nagmamang-maangan ka pa?! Binalot mo ako sa kasimungalingan! Buong akala kong inabanduna ni Precious ang anak namin, per

