Whisper 56 Maingay at nagkagulo ang bahay ni Austine dahil kay Archer at Jobert na naglalaro sa sala, habang sila Babe at Phoebe na nagbabasketball sa labas ng bahay. Naiwan sa kusina si nanay Luz at Austine. "Ilang buwan pa at magiging apat na ang anak niyo ni Precious. Masaya ako na makita kong ayos na ang buhay ni Precious," wika ni nanay Luz. "Salamat po sa ilang taon na kinupkop niyo po siya at tinuring na pamilya. Hindi ko po alam kung paano po ako makakabawi sa ginawa niyong pagsalba sa kanya." "Nako hijo, mahalin mo lang ng tapat at sobra-sobra si Precious masaya na ako. Ikaw pala ang lalaking mahal niya, ni minsan hindi ka niya pinakita sa'kin. Ewan ko lang kay Jobert, ang kuwento niya sa'kin noong bagong salta pa lang si Precious. Palagi itong umiiyak sa gabi, at may tinitign

