Whisper 57 "Son!" wika ni Smith at tinapik ang balikat ni Austine. "What do you want dad? Ipagpipilitan mo na naman ba si Eve? Kailan ba matatapos ang kahibangan mo sa fix marriage?" usad ni Austine sa ama. Hindi siya sinagot ni Smith at hinugot sa kanyang attache case ang isang envelope. Inabot niya ito kay Austine at nagdadalawang isip pa na buksan ito. "What's this? Suhol?" iritableng tanong niya. "Open it. I know, you can use that for your family. You deserve that money, wala akong karapatan na ipitin ang pera mong pinaghiarapan sa iyong ipinanalo sa ipininta mong mukha ni Efinia," dali-daling binuksan ni Austine ang envelope at nakita ang tseke na naglalaman ng buong pera niya. Tinignan niya ang ama na nakangiti at maluha-luha ang mga mata nito. Hindi napigilan ni Austine na ha

