Whisper 58 Nakaramdam ng hilo si Precious kung kaya't maaga niyang pinatulog ang dalawang anak. Habang siya na dumiretso na sa kuwarto nila ni Austine upang magpahinga. Habang inaayos niya ang gamit, nakita niya ang isang cellphone ni Austine. Basag ang screen nito at mukhang napabayaan. Sinubukan niyang buksan ang cellphone ni Austine. Laking gulat ni Precious na napaka raming messages nito sa isang babae na nagngangalang Katrina. Binasa niya lahat ng coversation ng nobyo at ni Katrina. Nanginig ang katawan niya sa sobrang galit, hindi lang ordinaryong conversation ang kanyang nabasa, kung ano-ano pang malalaswang litrato ang pinapadala ng babaeg kausap ni Austine. "What's the matter with you? You are a womanizer Austine! Hindi ko na nga alam kung paano ako gagaling para lamang makamp

