GALING si Candice sa restaurant ng resort at katatapos niya lang magtanghalian kasama ang kapatid. Nagpaalam kanina si Austin na may susunduin daw ito sa airport kaya hindi makakasalo sa kanila. Pabalik na siya sa suite ng makita si Nicole. Mukhang kadarating lang nito dahil nakita niyang may kasunod itong staff ng resort at bitbit ang maleta ng babae. Kaya pala nagtataka siya kung bakit ilang araw na hindi niya nakikita sa resort ang babae dahil wala pala ito doon. Nakita niyang kasunod ng babae si Austin at mukhang si Nicole ang sinasabi nitong susunduin sa airport kanina. Nagmamadaling pumasok si Candice sa elevator pagkatapos bilinan ang kapatid na huwag pupunta sa dagat. Hindi niya alam kung paano haharap kay Nicole. Nahihiya siya sa dalaga dahil lumalabas na inaagaw niya si A

