bc

The Blue-Eyes Casanova

book_age18+
6.5K
FOLLOW
21.3K
READ
possessive
friends to lovers
pregnant
arrogant
manipulative
self-improved
sweet
bxg
friends with benefits
passionate
like
intro-logo
Blurb

Kailangan ni Candice ng anak, anak na manggagaling mismo sa sinapupunan niya. Iyon ang provisong hinihingi ng Mommy niya sa last will nito bago niya makuha ang mana niya. Madali lang iyon kung tutuosin kailangan niya lang ng lalaki na papayag magbigay sa kanya ng isang anak.

Ngunit sino naman ang matinong lalaking basta nalang papayag na magdonate ng spern nito sa kanya. Hindi rin naman niya gustong basta nalang kung sino ang maging ama ng magiging anak niya.

Hindi niya kailangan ng asawa. Lalong hindi siya naniniwala sa salitang ''FOREVER'', walang forever! Lalong lalo na sa pamilya niya. Ang lola niya, ang Mommy niya at siya walang forever sa kanila. Lahat sila ay iniwan ng mga lalaking inakala nilang nagmamahal sa kanila. Minsan niya nang sinubukan hanapin ang forever na para sa kanya ngunit nasaktan lang din siya katulad ng Mommy at Lola niya. Mas gusto niya na lang na mag-isa kaysa masaktan pa muli. Alam iyon ng Mommy niya kaya ngaba anak lang ang hinihingi nito sa kanya.

Austin Andrews - siya ang napili ni Candice na magiging ama ng anak niya. Kung ang pisikal ang pag-uusapan ay wala siyang maipipintas. Magandang lalaki, matangkad, matalino at kulay asul ang nangungusap na mga mata. Tingin palang nito ay ulam na sabi pa nga ng mga kababaihang nahuhumaling dito. Galing rin sa kilala at magandang pamilya. Mga katangian na perpekto sa lalaking hinahanap niya.

Kailangan niya lang makuha ito at mabigyan siya ng anak at Goodbye na sila sa isat-isa...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KANINA PA tinititigan ni Candice ang maliit na memory card. Iniabot iyon sa kanya ni atty. Manalastas matapos nitong basahin ang last will and testament na iniwan ng Mommy niya. Nakakasigurado siya na video ng Mommy niya ang laman niyon at nagpapaliwanag sa iniwang last will and testament nito at katatapos lang basahin ng abogado nila. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa ginawa ng Mommy niya. Bakit kailangan pa nitong diktahan ang gagawin niya sa buhay niya? Kinuha niya ang laptop at nagdesisyon pakinggan ang kung ano mang paliwanag ang sasabihin nito. Pagkapihit niya ng play button ay bumulaga agad ang imahe ng Mommy niya. Buhay na buhay at naka ngiti pa sa kanya. ''Hi, anak!''kumaway ito sa kanya. Pakiramdam ni Candice ay buhay na buhay pa ang Mommy niya. Nakangiti ito na animo walang karamdaman. ''Dahil napapanood mo ako dito ngayon ibig lang sabihin na ay pumanaw na ako.'' Panimula nito lumunok at nag alis ng bara sa lalamunan. ''Pasensiya na anak, kahit hindi ko kagustohan ay kailangan na rin kitang iwanan,'' emosyonal na pahayag nito. Kumuha ito ng tissue paper sa box na nasa harap nito at pinahid ang tumulong luha.'' Naniniwala ako na kakayanin mo na kahit wala na ako. Lagi mong pakatatandaan na mahal na mahal kita! Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko...at dahil sayo nakayanan ko ang lahat ng sakit at lungkot na naidulot sa akin ng Daddy mo.'' Nagpahid ulit ito ng mga luha at nagpatuloy sa pagsasalita. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo magawang buksan ulit ang puso mo at magpapasok ng sino mang lalaki sa buhay mo. Ngunit kailangan mo ng karamay at inspirasyon sa buhay. Hindi lahat ng lalaki ay katulad ng Daddy mo at ng dalawang lalaking nanakit sayo anak.'' Naniniwala ako na may lalaking nakalaan para sayo at magmamahal ng tapat sayo. Subukan mo lang buksan muli ang puso mo. Pero hindi kita pipilitin sa bagay na iyan...'' huminto ito at huminga muna ng malalim. ''Ngunit pagpasensiyan mo na ako kung hihilingin kung bigyan mo ako ng apo. Sa pagkawala ko ay mag-isa ka nalang ngayon sa buhay at hindi ako matatahimik na alam kung wala kang ibang karamay. Kailangan mo ng isang anak na magbibigay sayo ng pagmamahal at ibang klaseng kaligayahan. Katulad mo sa buhay ko. Mahal na mahal kita anak! Paalam at hangad ko lagi ang iyong kaligayahan...'' Nakita pa ni Candice ang paghagulhul ng Mommy niya bago naging itim ang kulay ng screen patunay na tapos na ang pinanunood niya. Humahagulhul na rin sa pag iyak si Candice. Miss na miss na niya ang mommy niya kahit mag-iisang Linggo palang itong naililibing. Nawala ang tampong naramdaman niya kanina habang binabasa ng abogado ang probisong iniwan ng Mommy niya. Ngayon niya lubos na naiintindihan ito. Natatakot itong tumanda siya mag-isa at gusto lang nito na may makasama siya sa buhay at hindi na mag-isa dahil sa pagka wala nito. --- HINDI pa sigurado ni Candice kung ano nga ba ang gagawin niya ngayon sa buhay niya at kung paano tutuparin ang kahilingan ng ina. Nagdesisyon siyang magbakasyon sa Hotel na isa sa mga mamanahin niyang ari-arian ng ina kung sakali. ''Candice iha, sana nagpasabi ka para nasundo kita sa airport!'' Gulat na salubong ni Mr. Olivar kay Candice. ''Pero natutuwa akong makita ka rito iha.'' Si Mr. Ramon Olivar ang COO ng dalawang Madrigal Resort at sa San Vicente ito naka base at paminsan ay binibisita nalang nito ang Madrigat Resort sa Boracay. Ang Mommy niya ang madalas na pumupunta doon noon dahil ito ang CEO sa dalawang Madrigal Hotel and Resorts. Minana iyon ng Mommy niya sa namayapa na rin nitong ama at ang ilan pang mga negosyo. Si Candice naman ang may hawak sa garments factory nila at ang ilang mga Grocery store sa Manila. ''Hindi ko na po kayo inabala Tito Ram total ay marami naman pong taxi paglabas ng airport. Pasensya na rin po at hindi ako nakapagpasabi na darating ako ngayon." ''Walang problema iha, natutuwa ako at narito ka. Siguradong matutuwa si Sara at Sabrina kapag nakita ka. Hindi mapalagay ang Tita Sara mo na iniwan ka namin sa Manila,'' pahayag nito na baga man at nakangiti ay nararamdama ni Candice ang lungkot sa boses nito. Ang mag asawang Ramon at Sara ang pinaka malapit na kaibigan ng Mommy niya. Higit sa pagiging malapit na magkaibigan ay pamilya ang mga ito para sa kanila ng Mommy niya. Nakatatandang kapatid ang turing ng Mommy niya kay tita Sara. Pitong taon ang tanda nito sa Mommy niya. Ang mga ito rin ang takbuhan lagi ng Mommy niya sa tuwing nagkakaproblema ito. Naroon ang Tita Sara niya sa tabi ng Mommy niya sa buong panahon na nakaratay ito sa ospital sa Makati Med. Si Tito Ram naman ang tumulong sa kanya sa pag-asikaso sa burol ng Mommy niya. ''Dito po pala muna ako mag stay Tito Ram,'' pagpapaalam niya dito. ''Maigi iha at para naman mabawasan ang pag-aalala ng Tita Sara mo sayo. Gusto mo bang gamitin ang private suite ng Mommy mo o ipapadala ko ang mga gamit mo sa ibang suite ng Resort? Kung gusto mo na ay gamitin mo ang guest room sa bahay. ''Salamat po tito pero dito na lang po ako. Gagamitin ko po ang private suite ni Mommy. Inutusan ni Mr. Olivar ang room attendant na may bitbit sa mga gamit ni Candice na ihatid ito sa suite na dating gamit ng Mommy niya. Nagpasalamat si Candice sa nakatatandang lalaki at sumunod na rin sa lalaking may dala ng mga bagahe niya. Napagud siya sa biyahe at gusto niya muna magpahinga. Mamayang gabi o kaya ay bukas nalang siya makikipagkita kay Tita Sara at Sabrina. --- NAKATAYO si Candice sa veranda ng suite niya. Mula sa kinaruruonan niya ay tanaw ang malaking bahagi ng baybayin ng San Vicente. Isang taon na rin yata mahigit mula ng huli siyan nakapasyal sa resort. Marami na rin palang bagong nagsulputang malalaking Hotel at Resort sa paligid.Nagiging kilala na rin kasi ang lugar ng San Vicente bilang isa sa magagandang tourist spot sa Pilipinas. Noon ang pinaka malaking kompitensiya lang nila ay ang ABC Resort na halos kadikit lang ng Madrigal Resort. Hapon na, kaya naman nagsisibalikan na ang mga grupo ng mga turista na nag Island hopping, Scuba diving at etc. At dahil long weekend kaya naman hindi nakapagtataka na maraming local tourists sa resort. Karamihan sa mga guests nila ay may mga kaya sa buhay dahil kayang magbayad at mag-stay sa resort nila. Ang Madrigal Resort ang pangalawa sa pinaka malaking Resort sa San Vicente. Ilang hakbang lang ang layo ng resort sa baybayin na siya talagang dinarayo sa lugar na iyon. Baga man at hindi kasing puti ng buhangin ng Boracay ang buhangin sa baybayin ng San Vicente ay malinis naman iyon at sariwa ang hangin. Hindi rin kasing crowded ng ibang tourist destination sa bansa. May maganda ring talon sa lugar na isa ring dahilan ng mga turistang pumupunta sa kanila. Minsan ay dinadayo rin sila ng ilang kilalang tao at tv personalities dito sa Pilipinas. Mga taong gustong magpahinga sa ingay ng siyudad. Ang iba ay gusto lang magsaya at magbakasyon kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ang ilan naman ay katulad niyang gustong lang tumakas o makalimot sa problema ng kahit panandalian lang. Mahigit isang buwan na mula ng namayapa ang kanyang ina at iksaktong isang buwan na mula ng basahin ni Atty. Manalastas ang last will and testament na iniwan ng nito para sa kanya. Kailangan niyang magdalangtao bago dumating ang ika dalawampot pitong kaarawan niya iyon ang nakasulat sa proviso na binasa ng abogado sa kanya. Mayroon nalang siya kulang apat na buwan para magawa iyon kung hindi ay mawawala sa kanya ang 80% sa lahat ng mga ari-arian na iniwan ng Mommy niya. Ibibinta ang lahat ng iyon at ang pagbibintahan ay hahatiin sa Lima. Ang unang bahagi ay mapupunta sa ilang pinaka matatapat na tauhan ng Mommy niya na naka lista sa testamento nito. Ang pangalawang bahagi ay mapupunta sa mga bahay ampunan na sinusuportahan noon ng Mommy niya. Ang pangatlo ay sa malalayong kamag-anak nila. Ang pang-apat ay sa naging pangalawang pamilya ng Daddy niya at ang huling bahagi nalang ang tanging matitira sa kanya. Hindi naman sa nagiging gahaman siya. Ngunit walang karapatan ng pangalawang pamilya ng Daddy niya sa mga naiwan ng Mommy niya. Ang lahat ng mga ari-arian ng Mommy niya ay galing sa mga magulang nito at hindi sa Daddy niya. Kulang pa ba ang mga nakuha ng mga ito sa Daddy niya noon at pati ang perang pinaghirapan nila ng Mommy niya ay makikihati pa ang mga ito? Matatanggap niya ang una pangalawa at pangatlong maaari niyang maging kahati sa mga naiwan ng Mommy niya ngunit hindi ang mukhang perang kabit ng Daddy niya. Alam ng Mommy niya kung gaano ang galit niya sa pangalawang pamilya ng Daddy niya kaya naman sinadya nito na idagdag iyon sa mga kahati niya kung sakaling hindi niya susundin ang kahilingan nito. Maaari naman mapawalang bisa ang proviso ng Mommy niya at iyon ay kung mapapatunayan na hindi talaga siya maaari magbuntis at may problima ang kanyang bahay bata. Kung gugustuhin niya ay madali lang ang sulusyon doon, pwede naman siya pumunta sa ibang bansa at magpa opera para sirain ang bahay bata niya at palabasing naaksidente siya. Pero bakit naman niya gagawin iyon? Hindi niya lang gusto mag-asawa pero gusto niya rin magka-anak. Mapapaaga ngalang ang plano niya dahil sa testamentong iniwan ng ina sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.4K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.2K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.9K
bc

Faithfully

read
266.2K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook