Chapter 2

1510 Words
MAAGANG nakatulog kagabi si Candice kaya hindi nakapagtataka na maaga rin siyang nagising. Mabilisan siyang naligo at nagbihis ng bestida na angkop sa lugar. Maglalakad lakad siya sa dalampasigan excited siyang makita kung gaano na kalaki ang pagbabago sa lugar mula ng huli siyang narito. Sandali siyang huminto sa paglalakad at pinagmasdan ang ABC resort. Tulad ng inaasahan niya ay maganda pa rin ito at halatang maayos ang pagpapatakbo sa nasabing resort base na rin sa hitsura niyon. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makilala ang lalaking lumabas mula sa isa sa mga veranda ng resort. Nakasuot ng puting hapit na t-shirt at cotton shorts. Mukhang kagigising lang nito dahil naghihikab pa ito at nag-inat ng braso. Austin Andrews ang makulit na lalaki na may kulay asul na mga mata. Panganay sa tatlong anak ng may ari ng ABC Resort. ABC stands for Austin, Bernard and Camille Andrews. Katulad niya ay naroon din ito noon tuwing summer vacation. Madalas siya nitong inaasar. Laman ito ng dalampasigan ng San Vicente lagi noon kasama ang maingay at makukulit din nitong mga kaibigan. Kasing edad ito ni Sabrina na matanda sa kanya ng dalawang taon. Isa rin ito sa anim na malapit na kaibigan ni Sabrina at ng napangasawa nitong si Gregory. Kahit medyo may kalayuan siya sa kinaroroonan ng lalaki ay nakikita niyang guwapo parin ito at halos walang ipinagbago sa hitsura nito mula ng huli niya itong nakita. Kahit magulo pa ang buhok nito at baka nga hindi pa man lang ito naka paghilamos ay hindi iyon nakabawas sa kakisigan ng lalaki. Ang lalaking tingin palang ay makalaglag panty na. Iyon ang bansag dito ng karamihan. Madalas rin na marinig niyang komento ng kababaihang turista na hindi maiwasang humanga sa lalaki. Pero para sa kanya ito ang pakialamero at mayabang na lalaki na walang ginawa kundi ang inisin siya. Kumaway sa kanya ang lalaki ng mapansin na nakatingin siya dito. Akala siguro ng nito ay isa siya sa mga babaeng gustong magpapansin dito. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad. ---Flashback--- UMIIYAK ang labing dalawang taon gulang na si Candice sa ilalim ng isang malagong puno hindi kalayuan sa resort nila. Kasama niyang dumating ang Mommy at Daddy niya sa resort. Akala niya ay magiging masaya ang bakasyon nila dahil sa wakas ay magkakasama silang nagbabakasyon. Ngunit pangalawang araw palang nila sa resort ay narinig na niyang nag-aaway ang Mommy at Daddy niya na nasa kabilang kwarto niya lang. Nasa isang Family suite sila ng Madrigal Resort na may dalawang kwarto, maliit na sala at kainan para talaga iyon sa mga pamilyang nagbabakasyon sa resort nila. Nagising siya sa sigaw ng Mommy niya. Ayon sa naririnig niya ay nagpaalam ang Daddy niya na babalik na sa Manila at may kailangan daw itong asikasuhin. Galit na galit ang Mommy niya. Sigurado daw ito na pupuntahan lang nito ang kabit nito at ang anak sa labas ng Daddy niya. Naririnig din niya ang kung anong mga bagay na nababasag at sigurado siyang ibinabato ng Mommy niya ang mga iyon at tumatama sa dingding.  ''Tumigil ka Elena at baka hindi ako makapagpigil at mapatulan kita!'' naririnig niyang pagbabanta ng Daddy niya. ''Sige! Saktan mo ako ulit...diyan kalang naman magaling ang saktan ako. Isa kang malaking pagkakamali sa buhay ko at pinagsisisihan kong ikaw ang naging ama ng anak ko!'' sumisigaw na sagot ng Mommy niya. Minsan na itong pinagbuhatan ng kamay ng Daddy niya at hindi siya magtataka kung uulitin nito ang pananakit sa Mommy niya. ''Pinagsisihan ko namang nakilala ka! Masaya sana ang buhay ko kung hindi ka ipinagpilitang ipakasal sa akin ni Gustavo. Kung hindi niyo ako pinikot!'' sumisigaw na rin ang Daddy niya. ''Sana ipinakulong ka nalang ni Daddy kaysa ipinakasal ka sa akin...'' humihikbing sagot naman ng Mommy niya. ''Madali lang naman ang solusyon sa problema natin... e di maghiwalay nalang tayo... palayain na natin ang isat isa, utang na loob! Bago pa tayo magkapatayan.'' Baga man at nakikiusap ay hindi naman mababa ang tuno ng boses nito ''Para ano, para maging malaya kayo ng kabit mo? Magdusa ka dahil sa ayaw at sa gusto mo mag-asawa tayo. Hindi magiging broken family ang pamilyang lalakihan ng anak ko,'' galit na galit na sagot ng Mommy niya. Ipinagpapasalamat nalang ni Candice na hindi naririnig sa labas ng kwarto ang sigawan ng Dalawa. Hindi naiistorbo ng mga ito ang iba pang guests ng resort ngunit hindi na niya kayang marinig ang pag-aaway ng dalawa. Umiiyak na nagtatakbo na siya palabas ng kwarto. Hindi niya alam kung saan pupunta at tulad ng nakagawian ay tumakbo siya sa dulong bahagi ng dalampaligan. Matarik at malalaking bato na ang naruruon. Wala na ring daan doon papunta sa kabilang bahagi ng dalampasigan kundi ang dagat o kaya ay sasadyaing umikot sa bundok. Paborito niya ang lugar na iyon dahil walang gaanong tao. Isang maliit na kubo lang ang mayroon doon at isang matandang babae ang nakatira. Gustong gusto niyang tumatambay sa ilalim ng malaking puno na may malalapad na dahon. Pakiramdam ni Candice ay kasalanan niya kung bakit ganoon ang mga magulang niya. Kung hindi sana siya nabuo at nabuntis ang Mommy niya sa kanya ay hindi mapipilitang pakasalan ito ng Daddy niya. Baka sana nakahanap pa ang Mommy niya ng lalaking totoong magmamahal dito at nakapili naman ang Daddy niya ng babaeng gusto talaga nitong pakasalan. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto pa niyang maghiwalay nalang ang dalawa para naman matahimik na ang pamilya nila. Pero hindi iyon ang gusto ng Mommy niya. Lumaki kasi ito sa isang broken family. Naghiwalay ang Lolo Gustavo niya at Lola Matilda noong labing anim na taon gulang ang Mommy niya at dahil hindi matanggap ng Mommy niya ang paghihiwalay ng mga magulang at nagrebeldi ito. Nabuntis sa edad na dese syete at napilitang panagutan ng Daddy niya. Maimpluwensiya ang Lolo Gustavo niya at ipapakulong nito ang Daddy niya kung hindi papakasalan ang Mommy niya. Takot ang Daddy niya makulong Kaya napilitan itong magpakasal sa Mommy niya. Baga man at madalas itong nag-aaway at ang Daddy niya ay hindi nito gusto makipaghiwalay sa Daddy niya. Natatakot ang Mommy niya na matulad siya rito at baka magrebeldi rin siya at danasin ang mga bagay na pinagdaanan nito. Iyon ang paliwanag sa kanya ng Lola Matilda niya. ''Siguro kaya sobrang alat na naman ng dagat ay dahil umiiyak ka na naman...'' Kilala ni Candice ang may-ari ng boses na iyon. Pag-aari iyon ng pinaka mayabang na binatilyo na walang ginawa kundi asarin siya at ito rin ang pinaka huling nilalang sa mundo na gugustuhin niyang makita ngayon. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang na umiyak. Nakasalampak siya ng opo sa buhangin at naka yuko sa naka cross na dalawang kamay na nakapatong naman sa mga tuhod niya. Sana iwan nalang siya ng lalaki at gusto niya talaga mapag-isa. Ngunit manhid yata ang lalaki at naupo pa sa tabi niya. ''Ang sabi ko wag kana umiyak kasi aalat lalo ang dagat niyan...'' pangungulit ng binatilyo sa kanya at hindi pa nakuntinto at kinalabit siya nang hindi niya ito pansinin. Naiinis na nag-angat si Candice ng mukha. ''Ano naman ang kinalaman ng pag-iyak ko sa pag-alat ng dagat, eh dati na namang maalat yan!'' ''Sabi ni yaya kay Camile kaya daw maalat ang dagat ay dahil sa naipon na luha ng mga tao. Kaya kung patuloy ka na iiyak mas magiging maalat pa ang tubig dagat.'' nakaka luko pa itong ngumiti. ''Anong akala mo saakin..., uto-uto? Hindi ako batang paslit para maniwala sa walang kwenta mong sinasabi. Pwede ba iwan mo nalang ako at gusto kung mapag-isa!'' naiinis na pagtataboy ni Candice sa binatilyo. Nakakalokong tumawa ang binatilyo. ''Hindi ka nga batang paslit...pero para ka namang batang paslit kung umiyak diyan,'' pang-aasar ulit nito. ''Wala ka ba talagang planong iwan ako dito?'' naiinis na tanong ni Candice. Nahiga ang binatilyo sa buhanginan at iniunan ang kanang braso. ''Dito lang ako babantayan kita...balita ko kasi aswang yong matandang babaeng nakatira diyan sa kubo. Baka ikaw ang gawing agahan noon,'' pananakot nito kay Candice. "Iisipin ko nalang na musika ang naririnig kong paghagulgol mula sayo...'' Naiinis na tumayo si Candice at walang salita na tinalikuran ang binatilyo. Total ay walang balak na iwanan siya ng makulit na binatilyo siya nalang ang aalis. Sumunod naman ang binatilyo sa kanya. ''Saan ka pupunta? Tapos kana ba umiyak?'' ''Total ay ayaw mo akong iwan mag-isa, ako nalang ang aalis at wala kang pakialam kung saan ako pupunta!'' tumakbo pa ang batang Candice palayo sa makulit na binatilyo. Wala ata itong ibang magawa at sa tuwina ay siya ang paborito nitong asarin. Hindi na sumunod si Austin kay Candice tinanaw niya nalang ang paglayo nito. Kakamot kamot na naupo ulit sa buhanginan. Gusto niyang pagsisihan na nilapitan niya ito. Sana nakuntento nalang siya na tingnan ito mula sa hindi kalayuan. Hindi niya ito matiis na makitang umiiyak kaya nilapitan niya ito at balak niya lang sana na damayan ito ngunit naasar lang tuloy ito sa kanya.Mukhang malaki talaga ang problema nito at gusto nga talagang mapag-isa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD