Chapter 3

1342 Words
''PASENSIYA kana iha at hindi ko napigilan ang Mommy mo sa probisong inilagay niya sa last will niya! Sinubukan ko siyang kombinsihin na tanggalin nalang iyon at hayaan kang magdisisyon para sa sarili mo ngunit hindi niya ako pinakinggan. Naniniwala siya na mas makabubuti para saiyo kung susundin mo ang provision sa testamento niya.'' Umiiyak ang Tita Sara niya habang humihingi ito ng paumanhin sa kanya. Maliban sa abogado ay ito lang ang nakakaalam sa provision na inilagay ng Mommy niya sa last will nito. ''Hindi ko po kayo sinisisi Tita at kung anuman ang naging desisyon ng Mommy ay alam kong ginawa niyo ang lahat para pigilan si Mommy. Bagaman at may konting tampo ako kay Mommy ay naiintindihan ko rin naman ang kagustuhan niya na maging masaya ako. Alam kung mahirap para sa kanya ang naging desisyon niya." Niyakap ni Candice ang Tita Sara niya. Bakit nga ba inisip ng Mommy niya na mag-iisa siya gayong narito naman ang pamilya ng Tita Sara niya. Para na rin niya itong pangalawang Ina kung mag-alala sa kanya. ''Ano ang plano mo ngayon iha? Napag-isipan mo na ba ang gagawin mo?'' sunod-sunod na tanong ni Tita Sara at nagpahid ng mga luha. Naupo si Candice sa katabing upuan ni Tita Sara niya ''Susundin ko po ang kagustuhan ni Mommy Tita... Hindi ako papayag na may makuhang kahit katiting na sinco ang walang hiya at mukhang perang kabit ni Daddy." Naniningkit ang mga mata ni Candice pagkaalala na maaring maging kahati niya sa kayamanan ang babaeng naging sanhi ng lalong pagkasira ng pamilya nila. Sa umpisa ay maayos ang naging pagsasama ng Mommy at Daddy niya. Natatakot kasi ang Daddy niya sa lolo Gustavo niya. Pinagbantaan rin ito na babawiin ang negosyo na ang Lolo niya ang namuhunan kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng Mommy at Daddy niya. Limang taon si Candice ng mamatay sa plane crash ang Lolo Gustavo niya, iyon rin ang simula ng kaliwa't kanan na pambababae ng Daddy niya. Wala na kasi itong kinatatakutan. Pagkatapos magpakasawa ng Daddy niya sa kaliwa't kanan na pambababae ay nagpermanenti ito sa isang babae at iyon ay si Vicky. Kung noon ay umuuwi pa ang Daddy niya mula ng magka-anak ito at ang kabit nitong si Vicky ay tuluyan na itong hindi umuwi sa kanila. Labin-limang taong gulang siya noon. Kitang- kita niya kung paanong umiiyak ang Mommy niya habang tinatawagan nito sa telepono ang Daddy niya at pinipilit na umuwi ngunit pinagbabagsakan lang ito ng telepono ng Daddy niya. Hindi na raw ito uuwi at may bago na daw itong pamilya. Hindi sumuko ang Mommy niya. Dinala siya nito sa bahay na tinutuluyan ng Daddy niya at baka daw pagnakita siya ng Daddy niya ay makinig ito at umuwi na sa kanila. Kitang- kita niya kung gaanong nagmakaawa ang Mommy niya sa Daddy niya na sumama na ito pauwi sa kanila payag na nga rin daw itong may kabit ang Daddy niya basta huwag lang sila tuluyang iwanan. Pinagsarhan lang ito ng pinto ng magaling niyang ama. Ilang minuto ay ang walang hiyang kabit naman nitong si Vicky ang lumabas ng bahay at pinagtabuyan sila ng Mommy niya. Huwag na daw silang umasa sa wala. Mala demonyo pa itong tumawa bilang dagdag na pang iinsulto sa kanila. ''Candice, anak huwag kang gagawa ng isang bagay na maari mong pagsisihan sa huli! Pag-isipan mong mabuti ang mga bagay na gagawin mo," pukaw ni tita Sara sa paglalakbay ng isip niya. ''Huwag kayong mag-alala tita hindi ko sisirain ang buhay ko ng dahil lang sa isang lalaki... katulad ng ginawa ni Mommy!'' nakakasigurong pahayag ni Candice. ''Paano mo matutupad ang provision iha? Sa pagkakaalam ko wala ka namang kasintahan?'' Pilyang ngumiti si Candice ''Tita wala ba kayong tiwala sa kagandahan ko? Kung gugustuhin ko ay pwede ako lumabas ngayon diyan sa pinto at kung sino man ang pinaka unang magka interes sa akin at makipag one night stand ay tapos agad ang problema ko,'' pagbibiro ni Candice sa Tita Sara niya. Naiiskandalo naman ang matandang babae sa sinabi ni Candice at napa sign of the cross pa ito. ''Iha huwag na huwag mong gagawin iyan... Baka may ibang paraan pa!'' Natatawa si Candice sa reaction ng Tita niya. ''Huwag kang mag-alala tita pipiliin ko ang magiging ama ng anak ko at hindi basta kung sino lang," dagdag pa ni Candice. ''Ewan ko sa'yong bata ka...magkakasakit ako sa puso sa mga naririnig ko sa'yo.'' Tinalikuran siya ng matanda habang bumubulong-bulong pa ito.  --- ''IKAW ang pinaka magandang buntis na nakita ko Sab," humahangang pahayag ni Candice kay Sabrina. Na sa harap sila ng Madrigal Resort dumating si Sabrina kasama ang asawa nitong  si Gregory ngunit iniwan din sila ng lalaki at pupuntahan daw nito ang kaibigang si Austin sa kabilang resort.   ''At ikaw naman ang pinaka maganda kong taga hanga! ganting sabi ni Sabrina. Pinagmasdan pa nito si Candice. ''Ikaw ang magandang hindi nakakasawa tingnan, habang tinititigan ka ay mas lalo kang gumaganda. Gusto ko ang kulay ng balat mo...hindi ka morena pero hindi rin naman matatawag na maputi at ang sexy mo kahit saang angulo tingnan.'' ''Sige, magbulahan pa tayo rito," natatawang turan ni Candice. ''Malaki na pala yan noh?'' tukoy nito sa pinagbubuntis ni Sabrina. Noong burol ng Mommy niya ay hindi ito nakapunta sa Manila para makiramay dahil maselan daw ang pagbubuntis nito sabi ni Tita Sara pero madalas itong tumawag sa kanya para kamustahin siya. ''Nahihirapan na nga ako maglakad eh...buti na ngalang at sa isang buwan na ang labas nito kaya konting tiis nalang," hinihimas-himas ni Sabrina ang malaking umbok ng tiyan. Si Candice ay titig na titig naman sa tiyan ni Sabrina. Kung siya sana ang nasa kalagayan ng kaibigan ay wala na sana siyang problema. ''Ninang ka pala paglabas ng anak ko at hindi pwedeng wala ka na naman sa binyag tulad noong kasal ko at hindi na kita mapapatawad,'' nakangiting pagbabanta ni Sabrina. Hindi siya nakarating noong kasal nito dahil my out of the country business trip siyang hindi pweding ipagpaliban. Nakangiting itinaas ni Candice ang kanang kamay. ''Promise, hindi ako mawawala!'' ''Sabi pala ni Mommy ay may problema ka kaya naisipan mong magbakasyon muna rito? Tinatanong ko nga si Mommy kung ano ayaw naman sabihin. Ikaw nalang daw ang tanungin ko.'' ''Si tita Sara talaga... sabi ko na nga sa kanya ay hindi naman talaga problema. Napaka daling solusyunan kung gugustuhin ko," caswal na sagot ni Candice. Hindi na kailangan malaman pa ng kaibigan ang tungkol sa provision sabi pa nga mas maraming nakakaalam mas komplikado at ayaw niya rin itong mag-alala pa sa kanya. ''Sure ka? Palagi kasi akong kinakabahan tuwing nandito ka at siguradong may problema kana naman saka parang hindi mapalagay si Mommy kaninang magkausap kami...'' Nang-aarok na tinitigan ni Sabrina ang kaibigan. Natatawa naman si Candice sa ginagawang pagtitig ng kaibigan sa kanya. ''Sure nga ako... saka parang hindi mo kilala si Tita Sara konting bagay nagpapanic na iyon agad.'' Mukha namang napaniwala niya ang kaibigan dahil hindi na ito nagtanong ulit.Iniba na rin nito ang topic. Kasalukuyan silang nagkwekwentuhan tungkol sa isang pangyayari noong mga dalagita pa sila kung saan head over heels si Sabrina kay Gregory ngunit hindi ito pinapansin noon ng lalaki ng matanaw ni Sabrina ang asawa. ''Ayan na pala ang Romeo ng buhay ko...'' nakangiting Turan ni Sabrina. Titig na titig sa asawa na para bang ilang taon itong hindi nakita samantalang halos isang oras palang naman ng iwan ito ng lalaki sa kanya at nagpaalam na pupuntahan ang kaibigan sa kabilang resort. Natutuwa si Candice at isa si Sabrina sa mga taong maswerting nabiyayaan ng tinatawag nilang ''forever'' o taong nakatagpo ng tunay at wagas na pagmamahal sa taong mahal rin nito. Katulad din ng mga magulang nito na si Tita Sara at Tito Ram. Sayang sana naranasan din iyon ng Lola at Mommy niya. Kahit nalungkot sa huling naisip ay pinilit ni Candice na ngumiti. Nakakahawa ang ngiti ng kaibigan. Sinundan niya ang tinatanaw nito nalaglag ang panga niya ng makita ang kasama ni Gregory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD