Chapter 4

1852 Words
AUSTIN ANDREWS is with Gregory. Both stunningly handsome and walking like the Prince of Egypt. Parang mga modelo na naligaw sa dalampasigan ng San Vicente. Austin is wearing a dark blue cargo shorts and white short sleeved polo. Bukas ang ilang butones nito sa dibdib and a dark sunglasses. Nililipad ng hangin ang may kahabaan nitong buhok. Abot sa tainga ang ngiti kaya makikita ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.   Hindi naman nagpapahuli sa kakisigan si Gregory na naka tight green polo shirt na bakat ang malapad nitong dibdib. Kung titingnan ang dalawa ay mga mukha itong modelo na nag s-shoot ng isang brand ng pabango sa gilid ng dagat. Baga man at hapon na at sobrang init pa rin ng panahon, ang dalawa ay mukhang mga fresh na fresh pa rin ang hitsura.   Ilan sa mga turistang kababaihan at binabae ang sumusunod ng tingin sa dalawa. Nakakasiguro si Candice na walang itulak kabigin sa dalawang lalaki ang mga ito. Mukhang tuwang-tuwa si Austin sa nakukuhang attention sa mga ito. Samantalang si Gregory ay wala namang ibang nakikita kundi ang asawa. Si Candice ay biglang sumimangot pagkakita sa kasama ni Gregory. Kahit na ba gwapo naman talaga si Austin ay hindi pa rin siya natutuwang makita ito. Para sa kanya ay ito ang perfect example ng isang Romeo: Playboy, womanizer, heartbreaker, seducer, casanova at etc. Nanakit at mananakit pa ng maraming damdamin ng kababaihan. Pero wala naman siyang pakialam kung ilang babae na ang pinaiyak nito at paiiyakin pa. Nasa mga babae nalang iyon na nahuhulog sa karisma ng isang Austin Andrews. Ang pinaka concern niya lang naman ay ang huwag siya nitong pinapakialaman at higit sa lahat ang huwag siya nitong asarin tulad ng lagi nitong ginagawa kapag nakikita siya. Pagkatapos bumati kay Sabrina ay lumapit si Austin kay Candice. Nakangiting inabot nito ang kamay ni Candice at binigyan ng damping halik ang likod ng palad nito nang makalapit ang dalawa. ''I knew it was you, sweetheart... kahit mula sa malayo ay kilalang-kilala kita," tukoy nito sa pagkakakita kay Candice kaninang umaga mula sa veranda ng suite nito. Para namang napaso sa ginawa ng lalaki na biglang binawi ni Candice ang kamay sa lalaki. ''At paano mo namang nasabi yan?'' naka ismed na tanong ni Candice. Naupo si Austin sa katabing upuan ni Candice ''Paano kahit sa malayo ay kitangki-ta ko ang panunulis ng nguso mo at ang tiger look mo na parang kapag nakikita mo ako ay gustong-gusto mo akong kalmutin. At ikaw lang ang nag-iisang ganyan sa akin." Tinanggal nito ang suot na itim na salamin. ''Dahil ako lang din naman ang nag-iisang babae na hindi mo makukuha sa tingin. Susundutin ko pa yang mata mo." Hinawakan pa ni Candice ang tinidor na ginamit niya kanina sa kinaing fruit salad. Kahit talaga kailan ay nawawala ang poise niya kapag kaharap ang lalaki. ''Wowww...bayolinte ka pa rin pala sweetheart," natatawang turan ni Austin at itinaas ang dalawang kamay. ''Naiisip mo ba kung ilang babae ang iiyak kapag binulag mo ako?'' Nagpa charming eyes pa ito kay Candice. ''At nakasisiguro din ako na napaka rami rin babae ang magpapasalamat sa akin kapag binulag kita... mga babaeng pinaiyak mo lang... at huwag mo nga akong tinatawag na sweetheart dahil kahit pumuti na ang uwak hindi mo ako magiging sweetheart!'' ''Aba hindi ako marunong magpa iyak ng babae... marunong lang ako magpaligaya ng babae!'' nakakalokong sagot ni Austin. ''Ang bastos mo... hindi kana nahiya!'' ''Anong bastos doon? Ikaw lang itong green minded... Kung ano agad nasa isip mo. Bakit, sa kama lang ba pwede paligayahin ang babae, sweetheart? Sinadya pa nitong diinan ang pagkakasabi ng "sweetheart" bilang pang- iinis kay Candice. ''Alam mo wala ka pa rin kwentang kausap... at tigilan mo nga ako sa kaka sweetheart mo...'' Inirapan ni Candice si Austin dahil naisahan nanaman siya nito at hinarap si Gregory na natatawa sa sagutan nila ng kaibigan nito. Bakit mo ba dinala dito iyang halimaw na yan? Sinisira na naman ang araw ko...'' Itinaas ni Gregory ang dalawang kamay. ''I did not invite him here, he invited himself," natatawang pangangatwiran ni Gregory. Nasanay na ito sa dalawa noon pa mang mga teenager pa lang sila at nagbabakasyon si Candice sa resort. Paborito itong asarin ni Austin. Natutuwa ito lalo kapag napipikon na ang babae. Si Sabrina ay natatawang umiiling-iling na hinimas nalang ang umbok ng tiyan. ''Na Miss kasi kita,Sweetheart...,"si Austin kinalabit pa si Candice ng hindi siya pansinin. ''Sinabing huwag mo akong tawagin ng ganyan at kinikilabutan ako...'' Pikon na pikon na talaga si Candice. Pinaka ayaw niya sa lahat ang tinatawag siya ng lalaki na sweetheart paano ay naka sisiguro siya na sweetheart ang tawag  sa lahat ng mga babae nito. ''Eh sweetheart...nasanay na ako sa tawag ko sa'yo. Para ka kasing cute na cute na kuting na laging handang mangalmot. Pinindot pa nito ang magkabilang pisngi ni Candice na parang isang batang sanggol. ''Arayyyy... ano ka ba!"   ''Binabanat ko lang ang mukha mo. Baka kasi mahipan ka ng hangin tapos maging permanent kanang nakasimangot.'' ''Hinagilap naman ni Candice ang tsenelas niya at ipang papalo iyon kay Austin. Mabilis naman nakatayo si Austin at nagpahabol kay Candice. Natatawang sinundan nalang ng tingin ng mag-asawang Sabrina at Gregory ang dalawa. ''Parang mga bata talaga ang dalawang iyan...Tingnan mo Sweetheart si Candice nawawala ang poise pagdating kay Austin,'' si Gregory na inakbayan ang asawa. ''Magkakatuluyan ang dalawang iyan...'' kumento ni Sabrina. ''Huh? Paano mo naman nasabi?" ''Ehhh parang tayong dalawa lang din ang mga iyan dati...'' ani Sabrina. Tumango tango naman si Gregory bilang pagsang-ayon sa sinasabi ng asawa. Naabutan naman ni Candice si Austin na halatang sinadyang magpahuli dito. Nanggigigil na pinagpapalo ito ni Candice ng hawak na tsenelas habang si Austin ay humahalakhak na sinasalo ang mga palo dito ni Candice. Tumigil lang ang dalawa ng mapansin na pinagtitinginan na sila ng mga turistang nasa tabing dagat ding tulad nila. --- BITBIT ni Candice ang tsenilas at sumilong sa ilalim ng malagong puno na madalas niyang tinatambayan noon sa tuwing na sa San Vicente siya at gustong mapag-isa. Naupo siya sa rattan na duyan na nakakabit doon. Noong huli siyang pumunta at tumambay doon mahigit isang taon na ang nakakaraan ay wala pang nakakabit na duyan sa puno. Wala rin ang may kalakihang bahay at ang restaurant na ''Ninita's Lutong Bahay'' na nakatayo doon ngayon. Ang naaalala niya ay tanging ang maliit na kubo na dating tinitirahan ng isang matandang babae lang ang naroon. Sabi sa kanya ni Sabrina ay ang kaibigan nitong si Engr. Bryan Wong ang may-ari ng may kalakihang bahay na nakatayo roon ngayon. Ang restaurant naman ay ipinatayo nito para sa ina ng napangasawa nitong si Katrina. Dahil sa maaga pa ay hindi pa karamihan ang mga kumakain ngayon sa restaurant ngunit balita niya ay matao daw ang kainan na iyon dahil sa masarap na luto ng asawa at biyanan ni Bryan. Nanghihinayang siya sa lugar hindi na niya masosolo iyon tulad noon. Kung hindi lang sana siya sa Manila nakabase ay siya ang may planong bumili ng lupang tinitirikan ng bahay ni Bryan at papatayuan ng sariling bahay. Pero ano naman ang silbi ng bahay na ipapatayo niya doon kung minsan lang naman siya naroon? Inugoy ni Candice ang duyan gamit ang dalawang paang nakasayad sa buhanginan. Sa punong ito madalas siyang umiiyak noon sa tuwing may pinagdadaanang problema. Noong bata siya ay dito siya naglalabas ng sama ng loob dahil sa hindi maintindihang pag-aaway lagi ng mga magulang niya. Dito niya rin iniyak ng sobra ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng Lola Matilda niya noong labing anim na taon siya. Ang Lola niya na laging naroroon lagi para sa kanya ay inatake sa puso ng malaman nitong tuluyan na silang iniwan ng Daddy niya at sumama na sa kabit nito. Sinisi nito ang sarili dahil sa naging buhay ng Mommy niya sa piling ng Daddy niya. Dapat daw ay mas naging mabuti pa itong ina sa Mommy niya at hindi ito pumayag na ipakasal ang Mommy niya sa batang edad nito noon. Sa punong ito rin siya umiyak noong nagpakamatay ang Daddy niya. Noong dalawampong taon gulang siya. Natagpuan itong walang buhay sa opisina nito. Uminom ito nang napakaraming sleeping pills. Nalugi kasi ang negosyo nito dahil sa pagbibigay ng luho sa kabit nito. Balita niya ay madalas daw na nasa ibang bansa si Vicky at naglulustay ng pera. Hindi siguro matanggap ng ama niya na isang walang kwenta at mukhang perang babae ang ipinagpalit lang nito sa Mommy niya. Naroon sila ng Mommy niya sa burol ng ama ngunit hindi manlang pumatak ang luha niya sa buong panahon na naka burol ito. Malaki ang sama ng loob niya rito. Hindi ito naging ama kailan man sa kanya. Kaya bakit naman siya magluluksa sa pagkawala nito? Kung hindi lang dahil sa Mommy niya ay hindi siya pupunta sa burol ng ama ngunit mapilit ang Mommy niya. Daddy niya pa rin daw ang nakaburol at kahit gaano kalaki ang pagkukulang nito sa kanya ay ama niya pa rin ito. Nasa burol din si Vicky at ang anim na taong gulang na batang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay ang anak ng Daddy niya kay Vicky. Masama ang tingin ng kabit ng Daddy niya sa kanila pero hindi rin naman ito nag eskandalo. Tinablan din siguro ito ng hiya dahil ang Mommy niya ang nagbayad sa lahat ng kailangan sa burol ng Daddy niya. ''Sabi saakin dati ni Daddy ay ate daw kita...'' ang batang lalaki. Lumapit ito kay Candice habang nakaupo siya sa huling hanay ng mga upuan sa pinag burulan sa Daddy niya. Hindi sumagot si Candice. Tinitigan niya ang batang lalaki na kumakausap sa kanya. Isang batang version ito ng Daddy niya. Namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Gusto niyang mainis sa bata dahil ito ang dahilan kung bakit tuluyan silang hindi inuwian ng ama niya ngunit hindi naman makitid ang isip niya para gawin iyon. Kung anuman ang nangyari ay wala itong kasalanan. Isa lang din itong biktima ng pagkakataon. Naupo ang batang lalaki sa tabi ni Candice. ''Sabi ni Daddy ay hindi ka lang daw maganda... napakabait mo rin daw po!'' nginitian pa siya nito. Hindi alam ni Candice kung paano pakikisamahan ang kapatid sa ama kaya tinitingnan niya lang ito. May dinukot ang bata sa bulsa ng pantalon nito at iniabot iyon kay Candice. Isang puting sobre na my nakasulat na ''To Candice'' sulat kamay iyon ng ama niya. Nagdadalawang isip si Candice kung kukunin ang sobre nang mag salita ulit ang kapatid. ''Sabi ni Daddy ibigay ko daw iyan kapag nakita kita.'' kinuha ng bata ang kamay ni Candice at inilagay ang sulat doon dahil tinatawag na ito ng Ina. Nag-aalangan na niyakap siya ng kapatid at tumakbo na ito papunta sa Ina. Natutulala namang sinundan ito ng tingin ni Candice. Nabigla talaga ito sa ginawang pagyakap sa kanya ng kapatid at hindi niya inaasahan iyon at tinitigan ang sobreng ibinigay nito sa kanya. Hindi siya sigurado kung ano ang gagawin sa sulat at inilagay nalang niya iyon sa shoulder bag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD