MAAGANG bumangon si Austin kailangan niyang makausap si Nicole. Kailangan nitong malaman ang sitwasyon niya ngayon. Umaasa ito na magpapakasal sila tulad ng napagkasunduan. Mabait at maganda and babae at siyempre at sexy rin ito. Naging maayos naman ang naging pagsasama nila sa Cebu. Tinulungan siya nito kahit papaano na makapag move-on kay Candice. Inakala niya nga na nahuhulog na ang loob niya rito dahil sa halos araw-araw na magkasama sila nito sa Cebu kaya pumayag na siya na magpakasal na rito sana tulad ng gusto ng mga magulang nila. Ngunit nang muli niyang makita si Candice ay napag-alaman niyang hindi parin niya ito nakakalimutan at gusto niyang sumubok muling paibigin ito. Lalo na ngayon na magkakaanak na sila. Hindi niya pwedeng basta nalang pakawalan si Candice kahit na ikulong n

