ZANDREA
Ngayon na kami magsisimulang mag therapy well Sana Lang sumunod siya sa mga rules ko. Andito Ako sa likod at tinatanggal ang Mga tuyong dahon sa kanilang hardin bhabang hinihintay ang paggising ng monster na si Eli. Grabe ang maldita niya talaga. Akala Naman niya kapag mahawakan ko ang Mga gamit Nila agad agad mabasag. Anong akala niya sa palad ko sand paper? Walang hiya talaga.
Pagkatapos kong tanggalin ang Mga dahon naglakad lakad Ako sa may pool at nag stretching. Maya't maya may narinig akong tumatawag sa akin. Si Manang Martha Lang pala.
"Good Morning Manang" masigla kong bati sa kanya.
"Good morning Zandi, bakit ang aga mo yata? At nakalimutan ko palang sabihin sayo na kapag sabado lumalabas kaming mga trabahante dito. Yung iba bukas na ang balik pero Ako mamaya bago maghapunan andito na Ako. Kayo Lang ni Eli ang maiiwan dito sa bahay. At saka marunong ka Naman magluto pwede kang magluto ng Kung ano ang gusto mong lutuin. Isali mo na Lang din si Eli Kung okay Lang sayo." Habilin ni manang sa akin.
"Ay walang problema manang. May kunting alam Naman Ako pagdating sa kusina." Sagot ko. At yun nga umalis na si manang kasama ang Mga kasambahay Nila dito. So kaming Dalawa Lang ng monster ang andito? Nakalimutan ko na sabado pala ngayon.
Makalipas ang mahigit dalawang oras, tapos na din ako mag almusal nang magising ang monster.
"Hello Eli good morning!" Bati ko sa kanya with a big smile on my face pero hindi umubra eh kasi nakasimangot siya sa akin.
"What is good in my morning Kung mukha mo kaagad ang makikita ko." Sagot ng malditang tyanak na ito.
"Gusto ko lang naman sabihin sayo na nakahanda na ang almusal mo kamahalan at saka umalis na pala silang lahat dahil day off daw nila today." anas ko sa tyanak. She rolled her eyes.
"Duh! You don't need to tell me dahil I know what day today and alam ko na day off ng mga kasambahay namin." You see that. Maldita talaga. Hindi yata uso ang thank you sa tao na ito. Lumabas na ako at nagpunta sa may pool. Hinubad ko ang aking tsinelas at nilublob ang paa sa tubig. Dito ko na lang siya hintayin para sa aming therapy session. Nakita ko naman siya na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Hoy pandak, I have something to tell you. Dahil day off nila manang ikaw ang gumawa ng gawain nila. Hindi porke pinatira ka ng daddy ko dito sa bahay mag feeling amo ka na rin. Wag mong abusuhin kabaitan ng daddy ko." Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ng marinig ang sinabi niya. Hindi ako nag feeling amo dito ah. Sabihin niya lang kung ano ang dapat kong gawin at gagawin ko. Ngitngit ko sa aking sarili.
"May ipapagawa ka ba sa akin kamahalan, sabihin mo lang naku kayang kaya ko yan. At saka kilan ba tayo magsisimula ng therapy mo? Dapat masimulan na natin yan para gumaling ka kaagad." Turan ko sa kanya.
"Pwes dahil wala silang lahat ikaw ang maglinis ng bahay at magluto. Yun ay kung okay lang sayo? We'll start our therapy after mo magawa ang mga utos ko, understood?" Dinig kong sabi niya.
"Understood na understood kamahalan. Yun Lang pala eh. Sanay ako gumawa ng mga gawaing bahay. Sige kamahalan saan ako magsisimula?"pumasok kami sa loob ng bahay. Naalala ko tatlong palapag pala ang bahay nila at ang sobrang laki. Napapalunok ako sa aking nakikitang kailangan linisan. Nakita ko naman ang ngingisi-ngising tyanak na ito. Sarap niyang gawing mop sigurado sobrang kintab ng sahig kapag mukha niya ang gagamitin kong panglampaso usal ko sa aking utak.
"Kunin mo sa likod ang lahat ng gagamitin mo at dito ka sa main hallway magsimula dahil this is the traffic area gusto ko malinis ito parati tingnan. And one more thing, kailangan makintab ang tiles" paliwanag niya akin at nagmamadali akong nagtungo sa likod upang kunin ang mga gagamitin ko. Pagbalik ko dala dala ko na ang walis, dustpan, timba na may tubig at mop sabay lapag sa sahig. Habang nagwawalis ako nakamasid lang siya sa ginagawa ko. Bigla niya akong pinatigil. Ano na naman ang gusto ng tyanak na ito tanong ko sa aking sarili.
"Bakit po kamahalan, may ipag- uutos pa po ba kayo? May gusto papo ba kayong idagdag na gawain?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kami gumagamit ng walis dito. Nakita mo yang mga yan?" sabay turo sa malaking saksakan sa wall. "That's for the centralized vacuum. That door behind you is where we hid the vacuum. It's easy for you and make your job easier and lightier." easy bakit di kaya siya tumulong dito at siya mag vacuum. Ngitngit ko sa aking sarili sabay bukas sa pinto at bumungad sa akin ang vacuum at ang pagkahaba habang hose na akala mo sawa. Hinila ko na ang vacuum at ang iba pang parts. Whew paano ba ito gamitin? Wala kaming ganito sa bahay. Napaka high tech naman ng gamit nila. Bahala na siyang matawa sa akin no sa diko alam paano gamitin ito.
"Eli paano ba ito gamitin? Pasensiya na walis lang gamit namin sa bahay. Wala naman kaming dapat vacuumin at baka pati damit namin masama pa sa vacuum." anas ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag bungisngis niya. Inirapan ko nga ang tyanak na ito. Kahit hirap siya sa pagwewheel chair niya sinunod niya pa rin ang utos ko.
"Ganito lang yun. Attached all the parts. Itong hose ipasok mo dito sa malaking hole then ito ang handle, this small brush here for dusting, itong maliit na handle para sa mga corner corner at ito ang pinaka head niya lagay mo siya kung ready ka na to vacuum the floor and oh by the way, this tiny button here click mo yan kapag carpeted angvacumin mo and then click mo siya kapag hardwood floor naman ang vacumin mo. See this na parang may brush? This is for the hardwood floors or tiles para di ma scratch. Then one more click for the carpeted area or rugs like those sa entrance. Now watch me here while showing you the proper way in vacuuming the floors." mahabang paliwanag niya sa akin at ito nga nag start na siya. Yan ganyan tuloy mo lang. Habang nag vavacuum si Eli naka upo lang ako sa may gilid sabay turo ng mga namiss niyang dumi.
"Ay Eli dito pa oh dimo na vacuum. At saka ayun pa Eli... Naku Eli ayusin mo nga ang pag vacuum mo mukhang dika naman marunong eh." utos ko sa kanya. Napansin niya yata na puro ako utos lang kaya tinigil niya ang kanyang ginagawa.
"Wait a minute, hindi ba dapat ikaw ang gumagawa nito? Ako pa yung injured ako pa ang nagtatrabaho? Ang kapa-" diko na siya pinatapos at bigla akong nagsalita.
"Ang sabi ko naman kasi turuan mo ako eh mukhang nag eenjoy ka naman diyan sa ginagawa mo kaya hinayaan na lang kita. In fairness magaling ka pala mag vacuum. Ang galing mong sumipsip ng dust ayan oh makintab." palusot ko sa kanya sabay kindat. Nakita kong namula siya sa ginawa ko. Huh? Bakit kaya nagblush yun? Kinuha ko na ang vacuum sa kanya at nagsimula na akong maglinis. Nakita ko siyang umalis saglit kaya nagawa kong dayain ang trabaho ko. yung iba hindi ko na pinadaanan ng vacuum. Ang laki kaya nito.
After ng ilang minutong pag vacuum ko, nagsimula na akong mag mop ng floors. Sawsaw ng mop sabay piga at punas sa floor kasi kailangan malinis at makintab daw. Natuwa naman ako sa aking nagawa dahil makintab na ito. Kaya pinagpatuloy ko ang aking paglalampaso hanggang sa nakita ko ang tyanak sakay ng wheelchair at dinaanan ang aking nalampasuhan. Bumakat ang gulong kaya ayun nagkaron ng guhit. Hmmm, pinunasan ko naman ito ulit at naglampaso na naman.
Tagaktak na ang pawis ko sa kakalinis, nakita ko na naman ang tyanak sakay ng wheelchair niya at panay kain ng chips. Kunwari diko siya nakikita. Sige lampaso dito lampaso doon hanggang sa napansin kong bumalik ulit siya at this time tumigil sa gitna at tinaktak ang chips sa bunganga niya at ang iba nagkandahulog sa sahig.
Uminit ang ulo ko sa aking natatanaw. Isa na lang isa na lang at malilintikan ka na sa akin, ngitngit ko sa aking sarili. Nilinis ko ulit yung pinagkalatan niya, wow ang linis linis na. Sinisilip silip ko pa ang sahig baka may namiss akong hindi nalinisan. Tuwang tuwa naman ako sa aking pinagpaguran kaya pangiti ngiti akong naglalampaso hanggang sa nakita ko uli siyang pabalik sa pinaglinisan ko. Bitbit ko ang mop at sabay sabing...
"Subukan mo lang dumaan sa pinaglinisan ko at ingudngod ko ang pagmumukha mo dito! Sige gawin mo pa!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya naman.
"What?! Sa sarili kong pamamahay hindi na ako pwede maglakad lakad dito?" protesta niya sa akin.
"Sige subukan mo lang at makikita mo, makikita mo talagang tyanak ka!" kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis at dumaan sa kabilang pasilyo ng bahay. Naiwan naman akong ngingisi-ngisi. Susunod din naman pala eh. Sa isip isip ko. Tinapos ko na ang paglalampaso dahil naalala ko magluluto pa pala ako tsk.
Andito na ako sa kusina at handa na naman sa panibagong task ang pagluluto. Of course parating nasa likod ang tyanak. Tiningnan ko ang laman ng fridge nakita ko naman na may manok dito. Dahil favorite ko ang manok na fried hmm fried chicken ang lulutuin ko. Nagsisimula na akong magluto. Teka anong klaseng stove ito? Puro lang ito circle, nalintikan na. Ano ang pipindutin ko dito? Hmmm, si Eli ang sagot ko dito.
"Eli saan dito ang pindutin ko? At saka ano itong tsa-ka-twa- yung ito?" sabay turo ko sa word na ito(chaud)at saka tiningnan ko siya kung alin ang kanyang pipindutin.
"Electric stove ang tawag dito. If you want to use the front ito ang pindutin mo kapag ang likod ito ang pindutin mo. Kung gusto mong warm ang food mo till later ito yung pindutin mo naman, chaud means hot. Manang always use this spot kapag mamaya pa niya iseserve ang pagkain so you be aware about this spot, get it?" ngiti lang ang isinagot ko sabay tango ko sa kanya na inirapan naman ako. Nagsimula na akong magprito ng chicken na pinagapang ko sa harina yung parang sa jollibee.
"Eli, nakakain ka na ba ng fried chicken?"tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.
"Are you stupid? Kahit 3 years old malamang yes ang sagot sa tanong mo. Duh!" malditang tyanak na ito. Pwede naman siyang magsabi ng yes na walang stupid.
"Kasi tanungin sana kita kung luto na ito. At pwede Eli paki tingnan mo muna may kukunin lang ako." sabay puppy eyes ko at malaking smile. Nakabusangot naman siyang lumapit sa may stove at ako, tumakbo sa kwarto at tiningnan kung may life na ako para sa aking candy crush game para makaalis na ako sa level ko. Pagbalik ko tapos na siyang magluto pero napapalunok ako sa aking nakikita dahil kung pwede niya lang akong hiwa hiwain baka ako ang pinagapang niya sa harina at maprito. Hala, natagalan yata ako sa paglalaro ng candy crush. Mag isip ka ng palusot Zandi.
"Natapos ko na lahat lutuin ngayon ka palang magpapakita dito? Aba ikaw na ang pagsisilbihan ko kung ganun. Ako na naka wheelchair ako pa ang magsisilbi sa taong wala naman kapansanan sa katawan." irita niyang reklamo sa akin. Medyo napahiya naman ako sa sinabi niya. Leche kasing candy crush na iyan. Malintikan ka sa akin na bakla ka bakit ka nag download ng ganung game sa cellphone ko.
"Ka-kasi Eli ano, nakakahiya man sabihin pero nag CR ako at nahirapan akong ilabas. Alam mo na yun kaya diko na kailangan pang e details." nakayuko kong sagot sa kanya. Nakita ko naman yung pag ngiti niya kaya napangiti na rin ako. Biglang parang may kung anong kilig akong naramdaman sa ngiti niya. Natapos kaming kumain na walang kibuan basta lang kami nagpakiramdaman sa isa't isa. Nilinis ko na ang mga kalat niya dito sa kusina at siya ayun umakyat na sa kanyang room. Dahil sa madami akong ginawang paglilinis sa kusina inabot yata ako ng ilang oras. Minadali kong tapusin ang mga gawain dito para makapagpahinga na din ako.
Nang masiguro kong malinis na ang kusina, pakanta kanta pa akong umaakyat sa hagdanan at tinitingnan ang bawat room dito sa third floor. May library, may theater room, may bilyaran, tapos yung room ni tyanak katabi ng room na ginagamit ko.
Akmang papasok na ako sa kwarto ko ng marinig ko ang munting ungol. Huh ano yun? Dahil nakaawang ng kunti ang room ni Eli nakita ko siyang may kahalikan na seksing babae. What? Nakikipaghalikan ang tyanak sa babae? Lesbian si Eli? Gulat na tanong ko sa sarili ko. Nakita kong nasa loob ng damit ang isang kamay ni Eli habang naghahalikan sila. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin at bigla akong sumigaw.
"Eliiii!!!!!!" pareho naman silang nagulat sa sigaw ko kaya naitulak ni Eli ang babae upang ito'y mahulog sa kama. Buti nga sa kanya. Nagdrama ako."Nawala lang ako saglit may iba ka nang kaulayaw. Nangako ka pa na ako lang ang tanging babaeng mamahalin mo yun pala may iba ka pang mahal. Ang sama sama mo Eli!" sabay takbo palabas ng room papuntang room ko pero tumigil ako sandali sa labas at pinakinggan ang mga nangyayari sa loob. Narinig ko naman ang malakas na pagsampal ng babae kay Eli.
"PaaK! Walanghiya ka Eli. Liar!" singhal ng babae sa kanya sabay labas ng room at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nagmamadali naman akong pumasok sa room at lock ng pintuan. Wrong move. Eli got a spare key kaya nabuksan niya ang pinto ng walang ka proble-problema.
"What did you do Zandi? Don't you know that Amanda is my girl for a long time?Now she's gone, she left me because of you and dahil hindi niya naibigay ang gusto ko ikaw ang gagawa nun." nahihintakutan naman ako sa sinabi ni Eli. Nanaykupo! Virgin pa ako. At gagawin namin yung kanina? Napapalunok naman ako sa sinabi ni Eli at nang akmang lalapit siya sa akin bigla akong umakyat sa bed patakbo papuntang pinto. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Eli. Lintik ka na tyanak ka. Grrrrrrrrrr!!!