ELI
Napapangiti ako sa tuwing tinutukso ko si Zandi na akmang hahalikan o kaya may gagawin akong masama sa kanya. Nariyan yung magblush siya o kaya halos di makatingin ng diretso sa akin o bigla na lang iiwas na parang takot na takot kapag magkadikit na ang mga balat namin.
Patuloy pa rin ang therapy ko every day. I guess my Dad is right. Zandi can be a great help in order for me to walk and be independent again. Kahit madalas ko siyang masigawan kapag ginagawa niya ang pag tetherapy, she never gave up on me. Makapal lang kasi ang mukha nito na bawat sigaw ko sinasalo ng mukha niya ayun nagging makapal na tuloy. But I'm thankful for her patience. Kung ako ito malamang iniwan ko na ang trabaho ko. Wala akong tyaga sa isang bagay. For me kapag ayaw then ayaw, I don't want to insist and mas lalo wala akong tyaga na amuin ka pa.
Her job as my therapist gave me the chance na makilala ko siya lalo. Masayahin siyang tao, yung mababaw ang kaligayahan. Malambing at napakamaalalahanin niya not only sa akin but sa buong kasamahan niya dito sa bahay kaya naman gustong gusto siya ng mga tao dito. Even Dad likes her sense of humor. Hindi siya boring kasama actually.
Isang umaga, nasa shower ako and Zandi on the other hand, fixing my messy bed. Araw araw niya itong ginagawa. Siya din ang nagpaplantsa ng damit ko. Komportable na kasi ako sa kanya na pumasok siya sa kwarto ko na ayusin at linisin ang kwarto ko at pagkatapos ipaghanda niya ako ng maisusuot. She's my instant P.A na and siya din ang laging gumagawa ng agahan ko. Oh hey, I pay her more. Yes extra pay yun. Galing sa allowance ko na inipon ko.Malaki yata talaga ang pangangailangan niya sa pera kaya tinanggap niya ang ganitong set up namin. Ni hindi na niya nagawang umuwi sa kanila tuwing weekend na kadalasan ginagawa niya.Okay enough talking, where's Zandi? Lumabas na ako ng washroom, I'm done taking my shower. Paglabas ko may nakita akong bulto ng katawan sa itaas ng bed ko. Kumunot ang noo ko dahil sino ang mapangahas na nilalang na malakas ang loob na humiga sa kama ko. As I get closer to my bed nakilala ko ang mapangahas na nilalang si Zandi. I crossed my arms and raised my eye brows and says...
"Oh kaya pala ang bagal mong makatapos sa trabaho mo dahil andito ka sa bed ko at nagpapakasarap ng higa. Baka naman gusto mo kantahan pa kita ng lullaby." Agad naman siyang napabalikwas ng bangon at nginitian ako.
"Naku kamahalan, hindi ako natutulog. Ipinikit ko lang sandali ang mga mata ko kasi parang napuwing ako kanina habang naglilinis ako ng kwarto mo.Masyado na kasing maalikabok dito." At kinusot kusot niya nga ang mata niya.Hmm, napuwing o talagang nakaidlip lang siya? Masarap humiga sa bed ko, very comfy talaga siya. Nag-alala naman ako sa ginagawa niya kaya pinigilan ko siya.
"Stop doing that, it might get infected. Mas lalo lang iyan lalala."she looked at me with confuse look. Oh yeah ako ba ito ang nagsasalita? Why so concerned Eli? Leche talaga ang pandak na ito. Inalis ko na ang tuwalya na nakatakip sa katawan ko at hinagis ko sa kanya, I guess she's not ready to catch the towel dahil tumama sa mukha niya. Oppsss, sorry my bad. Tsk! I took my outfit na nasa ibabaw ng kama ko and try them on. In fairness sa babae na ito dahil may taste siya when it comes to fashion. Nakita ko siyang nakatitig sa akin and napangiti.Narinig ko naman siyang parang may sinasabi.
"Eli, nakahanda na pala yung almusal mo. Ako ang nagluto ng mga yun. Tatapusin ko lang yung paglilinis dito at saka yung plantsahin tapos bababa na ako para sa session natin ha." Pahabol niya sa akin ng papalabas na ako ng kwarto. Pagdating ko sa main floor dumiretso na ako sa kusina dahil that smell of her pancakes makes me hungry and crave for more. I didn't know that Zandi is a good cook. Grabe talaga ang talent ng babae na to. She could be a perfect wife. My future perfect wife?
Napangiti naman ako sa naisip ko. Tsk! Ayaw ko sa pandak na iyan. Over my sexy and gorgeous body hindi ako mafafall sa pandak na iyan. Naupo na ako sa table at inienjoy ang nakahaing agahan na hinanda ni Zandi. Wow, ang sarap ng pancakes, yung scrambled eggs perfect ang pagkaluto. Para akong hindi pinakain ng isang taon dahil sa panay subo lang ako. Napaubo namana ako ng may magsalita sa likuran ko.
"Masarap ba ang gawa kong breakfast kamahalan? Parang gustom na gutom ka kasi dahil walang tigil ang pagsubo mo. Pwede naman dahan dahanin ang pagkain niyan. Ito tubig oh, nguyain mo kasi ayan tuloy nabulunan ka pa."inabot ko naman ang binigay niyang tubig at syempre ininom. Alangan naman panligo ko di ba.
"Hindi masarap ang luto mo. Gutom lang talaga ako kaya pinagtyagaan ko yung luto mo." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo gusto kong ubusin ang lahat ng nakahain. Leche na babae at bigla na lang sumusulpot kung saan saan. Nakasimangot akong nilisan ko ang dining at pumunta sa likod sa aming garden. Dito ko madalas makita si Zandi na inaalagaan ang mga tanim ni Mommy.Natutuwa akong pagmasdan siya habang kinakausap niya ang mga bulaklak. Akala ko nasisiraan lang siya ng bait pero naalala ko si mom, madalas kausapin ang mga tanim niya that makes me think they are weirdo or insane. Nakita ko si Zandi papunta sa kinaroroonan ko.Magsisimula na kami ng aming session.
"Tara kamahalan, magsimula na tayo para mas mahaba haba ang session natin." Kaya sinimulan na naman niya ang araw araw naming na gawain. Inaalalayan niya ako sa bawat exercises na pinapagawa niya. So far nailalakad ko na kahit papaano ang paa ko. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at tipid na ngumingiti.For sure natutuwa siya sa development ng therapy ko.
Natapos namin ang session na walang bangayang naganap sa pagitan naming dalawa. Maging ang daddy ko na nakikinood sa mga ginagawa niya ay tuwang tuwa din.
Sa bawat araw na nagdaan na kasama ko sa iisang bubong ang taong kinaiinisan ko, hindi ko alam pero unti-unting napapalitan ng kung anong saya at kilig sa tuwing magtetherapy na kami. Pilit kong tinatago ang saya sa tuwing nginingitian niya ako. Para hindi niya ako mahalata, sinusupladahan ko siya, sisinghalan, at kung ano ano pang palusot para takpan ang totoo kong damdamin. Kagaya na lamang noong nasa dalampasigan kami. Bago sumikat ang haring araw, matyaga na niya akong inaalalayan at ginagawa ang everyday exercises namin.
FLASHBACK
Tulak tulak niya ang wheelchair ko habang sinasamyo ang preskong hangin mula sa karagatan. Dinala niya ako sa patag na lugar upang masimulan na namin ang therapy. Dito niya ako madalas dalhin at ikinatuwa ko naman dahil sa totoo lang, napakaromantic ng lugar na ito. Nilagay niya ang break ng wheelchair at inalalayan akong makatayo, she stand right in front of me and by the count of three nabuhat niya na ako. Ito yata ginagawa niya madalas sa mga pasyente nia.We are almost hugging na madalas ko masamyo ang napaka sweet scent niya. I guess naaadik na ako sa amoy niya dahil madalas ko na ito hahanap hanapin. Napaiktad naman ako ng marinig ko siyang nagsalita.
"Kapit kang mabuti Eli ha, lagay mo yang isang kamay mo sa bewang ko tapos alalayan kita. Let's go sa may tubig okay." sambit niya. Sinunod ko naman ang utos ng babaeng siya lang ang bukod tanging napapasunod ako sa bawat utos niya. Kumapit ako at napahawak ng mahigpit sa bewang niya ng magsimula na kaming maglakad papunta sa may tubig. Sh*t! Ang lambot ng katawan ng babaeng amazona na ito. Perv ko talaga. Lalo akong ginaganahan kapag ganito ang mga pinapagawa niya sa akin. Nagulat naman ako sa ginagawa niya ng finold niya ang tights ko pataas, tuloy lumabas ang mapuputi kong binti at in fairness makinis pa rin iyan. Tiningala niya naman ako na may pagtataka.
"Wag kang mag-alala wala akong masamang binabalak diyan sa binti mo." busangot niyang wika sa akin. Aww! She's adorable kapag humahaba ang nguso niya parang sarap halikan ng paulit ulit.
"Wala naman akong sinabi ah. Nagtataka lang kasi ako dahil kung makatingin ka sa legs ko eh parang gusto mo yatang lapain. Anong akala mo sa binti ko chicken joy mula sa jollibee?" natatawang biro ko sa kanya na ikinapula niya. Oh now she's blushing. Such a cutie talaga ang pandak na ito. Alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin.
"Ano kamo parang chicken joy ng jollibee ang legs mo? Hmm. Tingin ko hindi. Parang... parang... walis ting ting kasi mga payatot. bwahahahhaha!" pinandilatan ko naman siya ng mga mata na akala mo para akong isang mabangis na leon na handa nang lapain ang taong nasa harapan ko. Salamat at tumigil naman siya sa kakatawa niya. Takot naman pala ang pandak na ito sa akin. Ako pa rin ang amo niya no. Lumusong na kami pareho sa tubig dagat at doon niya na ako sinimulang hilutin. Habang nagcoconcentrate siya sa kanyang ginagawa, diko mapigilang di tignan ang maamo niyang mukha. Those innocent looks na parang napaka fragile niya, may katangusang ilong, mahahabang pilik mata, at ang kanyang mga labi. Napapalunok ako ng ilang beses. A-ano kaya ang pakiramdam k-kapag s-siya ang kahalikan ko? tanong ko sa aking sarili na nauutal.Napaiktad naman ako at bumalik sa aking ulirat ng marinig ko ang boses niya.
"Okay ka lang ba Eli? Nilalamig ka na ba? Sandali na lang ito ha, pagkatapos uupo tayo diyan sa may damuhan at panoorin ang sunrise okay?" sambit niya sabay ngiti na ikinalabas ng kanyang dimple. Tumango naman ako sa kanya. Nang matapos na siya sa kanyang ginagawa inalalayan niya ulit ako sa paglalakad papunta sa may damuhan. So far may magandang result ang ginagawa niya everyday, kumikirot pa rin ang ankle ko pero hindi na kagaya sa una. Naupo kami sa damuhan upang panoorin ang pagsikat ng araw mula sa kanluran. Medyo malamig pa kaya nagulat ako ng nilagyan niya ako ng blanket sa likod. Lihim akong napangiti, she's very caring and sweet. Inabutan niya naman ako ng hot chocolate na baon niya. Then she sat next to me.Napansin ko na parang nilalamig siya kaya i say something to her,
"Zandi, halika share tayo dito sa blankie. Medyo malamig pa kasi dito sa labas and malapit na ang pasko kaya may kalamigan na." turan ko sa kanya. Umurong naman siya palapit sa akin and we snuggled together sa baon niyang blanket. While having our hot chocolates we also enjoy watching the sunrise. Oh what a perfect moments di ba?Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na yakapin siya patagilid. I just want to make her warm. Wala akong nakitang pagtutol instead she looked at me and smile kaya inakap ko pa siya lalo then lean my head into her shoulder.
Mataas na ang araw ng magmulat ako ng mga mata. Nakatulog pala kami dito sa may mga damuhan habang pinapanood ang sunrise. Binalingan ko ang aking katabi na himbing na himbing sa pagtulog, mabuti na lang kasi may pagkakataon akong matitigan ko siya. What did you do to me Zandi? Why I always think of you lately? Why I have this feeling of chills everytime I'm with you? Am I starting to like you now? I need to know and I need to stop this. This is not me, hindi ito ang plano ko. Hindi... I let out a sigh and wake her up.
Kinusot-kusot niya muna ang mga mata niya at nagpalinga linga sa paligid. Nagmamadali siyang bumangon at niligpit ang gamit namin. Hinanda niya na ang wheelchair ko para makauwi na kami. Then she look at me and smile..
"Let's go na kamahalan. Nakahanda na ang iyong sports car (she's referring to my wheelchair)." then tumayo siya sa harap ko para alalayan akong tumayo ng sa di inaasahang pagkakataon nung akmang bubuhatin niya na ako, nabaliktad dahil mas nahila ko siya kaya ang seste bumagsak siya sa taas ko at nagtama ang mga labi namin. Nanlaki ang mga mata niya, she's shocked sa pangyayari. Nasa labi niya pa rin ang labi ko kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinakop ko ang kanyang mga labi. Sa lahat ng nakahalikan ko ang labi ni Zandi ang pinakamalambot sa lahat. Nanatili siyang shock, ako pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanyang mga labi hanggang sa tinugon niya ang mga halik ko.Of course ginalingan ko ang paghalik sa kanya kaya napatugon siya. Goshhh! Then we ended our sweetest kissed and we're both panting!Whoa!! Nagkatitigan then we both smile to each other...
END OF FLASHBACK
Napaiktad ako ng makarinig ako ng mahinang katok sa pinto.
"Come in. That's unlock."utos ko sa taong nasa may pintuan. At bumungad sa akin si Yaya na may bitbit na pagkain. Teka asan si Zandi bakit siya ang nagdala ng snacks ko?
"Oh anak ito na ang snacks mo. Hinanda yan ni Zandi kanina bago siya umalis." bigla akong nagpanic ng marinig ko ang salitang umalis.
"U-Umalis? B-bakit siya umalis eh hindi pa naman ako magaling? At bakit wala siyang binanggit sa akin na aalis pala siya? D-dala niya ba mga gamit niya Yaya?" kandautal at sunod sunod na tanong ko sa Yaya ko na ipagtataka niya din. Dati kasi wala akong pakialam sa paligid ko. Umalis sila kung gusto nila wala akong pakialam.
"Eli, umalis si Zandi dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa kababata niya na andito din sa Maynila nagtatrabaho. Kaya ayun magkikita sila nung.. sino nga ba yun.. ahh si Joseph daw. Makibalita lang si Zandi tungkol sa pamilya niya at syempre para kunin niya din yung pinadala ng nanay niya. Matagal tagal na din kasi na hindi nakauwi si Zandi sa kanila." litanya ni Yaya. Natahimik naman ako sandali. Ang isipin na lalaki ang kasama niya ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bakit parang may kirot akong nararamdaman? Ayokong isipin na nagseselos ako.Nginitian ko ng tipid si Yaya at nagsimula nang kainin ang hinanda na meryenda ni Zandi.
Pero habang kinakain ko ang dalang meryenda ni Yaya nasa iisang tao lang ang utak ko. Hindi ko na namalayan na lumabas na pala ng kwarto ko si Yaya dahil ang utak ko ukupado ni Zandi.Ano na kaya ang pinag gagawa nila sa mga oras na ito? Nagpabalik balik ako ng lakad sa kwarto ko. Yes, I can walk na but pretend na hindi pa. I don't want Zandi na umalis ng bahay namin. Kaya pinapakita ko sa kanilang lahat na hindi pa rin ako magaling. Hopefully na walang makahuli sa akin na I am only pretending. Panay tingin ko sa relos ko then tawag sa guard house para alamin if nakarating na si Zandi. Tumambay ako sa mini library kung saan nakaharap ang window sa main gate at makikita mo ang lahat ng pangyayari sa labas ng bahay. Habang nagbabasa ako ng libro napahinto ako ng marinig ko ang isang awitin....
When no-one else can understand me
When everything I do is wrong
You give me hope and consolation
Napangiti naman ako sa kantang ito. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana at kitang kita ko ang yakapan moment ni Zandi at kung sino mang Chimpanzee ang naghatid sa kanya. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Umalis ako sa mini library at pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto ko. Tonight no dinner for me. Kaya natulog na lang ako.Bwesit!!!...