ZANDI
Gulong gulo ang utak ko ngayon sa mga nangyayari sa akin na kahit ako hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Una, paano ko nagawang tugunin ang halik na iyon ni Eli? Diyos na mahabagin naman. Para akong temang na binatok batukan ang sariling ulo at mukha. Baka kasi napasukan lang ako ng ibang nilalang. Lalaki ang gusto mo Zandi di? Lalaki lang. Di ba nga ang dami mong crush na mga lalaki sa school dati, mga favourite male celebrity mo. Pero anong nangyari at nakipaghalikan ka sa tyanak na iyon? Na nuno ka ba? Napasukan ng masamang espiritu? Baka kailangan ko ng magtatawas o kaya pari para madasalan ako. Haysss.. Andito ako sa may sakayan. Kagagaling ko lang sa isang mall kasi kinatagpo ko yung kababata ko. Nagulat ako ng may umakbay sa akin.
"Hay naku, kanina pa kita hinahabol. Wala ka pa ring pagbabago kung makalakad ka akala mo eh nasa marathon. Bakit k aba nagmamadali?" si Joseph ang kababata ko at kinakapatid na rin. Dati ko siyang kaklase sa sa Mababang Paaralan ng Macario Jacinto Elementary School. Pero noong nasa high school na kami lumipat na sila. Then noong college lalong hindi na kami nagkita pa dahil sa dito na siya sa Lungsod ng Maynila nagpatuloy ng pag-aaral niya bilang isang IT student.
"Kasi kailangan ko nang makabalik sa bahay ng amo ko baka kasi hinahanap na ako nun at baka magalit siya dahil hindi ako nakapag-paalam sa kaniya kanina na aalis ako sandali. Sige Joseph ha mauna na ako. Sa susunod na lang ulit at salamat sa pagdala nitong mga pasalubong na galing sa amin. Si Doms pala andito din sa Maynila. Magkasama kami dati sa work. Pero siguro next month makakasama ko na siya dahil medyo magaling na yung paa ng amo ko. Ako kasi ang kinuha niyang therapist para sa anak niyang na injured." Mahabang paliwanag ko sa kababata ko.
"Ay ganun ba Sige ganito na lang. Ihatid na lang kita sa inyo ha para sa susunod na paglabas natin susunduin na kita. Okay lang ba yun sayo?" pangungumbinsi ni Joseph sa akin.
"Sige na nga. Sayang din ang pamasahe ko at saka para hindi ako masyado gabihin. Kaya tara na para makabalik ka din sa inyo ng maaga. Alam mo naman ditto sa Manila naku marami ang halang ang kaluluwa." Sabay hila ko sa braso niya papunta sa sasakyan niya. Yeah maykaya sila sa buhay dahil meron na silang negosyo ditto sa Lungsod. Ang utak ko kasi nasa tyanak na. Naku grabe pa naman ang ugali nun. Maldita, demonyita, maarte, aish...
Papasok na kami sa gate ng hinarang kami. Dahil madalas ako kasama ni Eli kaya kilala ko na mostly mga guard ditto. Malaya naman kaming nakapasok sa main gate hanggang sa makarating na kami sa malaking bahay. Maging si Joseph ay napahanga sa ganda at laki ng bahay ng amo ko. Papasok na sana ako sa loob ng bigla niyang hawakan ang braso ko kaya napahinto ako.
"Zandi, pwede ba kitang sunduin ulit? Lalabas tayo nila Doms. Manood ng sine o kaya kakain sa labas. Sige na Zandi." Natawa naman ako dahil sa kanyang pagmamakaawa effect sa akin. Kaya napatango ako sa kanya at sabay yakap sa isa't isa. Tamang tama naman na napatingin ako sa may bintana at nakita ko ang matatalim na tingin ng tyanak. Bigla niyang nilisan ang bintana. Naku po lagot na ako nito.
"Salamat uli Joseph ha. Sige na papasok na talaga ako. Mag-iingat ka at saka text mo ako kapag nakauwi ka na sa inyo ha." Paalam ko sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko naman sa kusina ang mga kasambahay namin na nanonood ng PANGAKO SAYO. Kaya nakiupo ako sa kanila at binigay ang kakaning galing sa aming probinsya at ang ibang gawa ng mama ko. Nag-enjoy naman sila sa pasalubong ko.
"Manang si Eli po ba kumain na?" kahit maldita yang tyanak na yan alam ko mayroon yang soft side.
"Naku Zandi ewan ko ba diyan sa alaga ko. Minsan nakangiti minsan naman nakabusangot. Noon puro lang yan busangot ang alam niyang gawin. Hindi pa siya naghahapunan. Kung gusto mo ikaw ang magdala sa room niya. Teka lang at iinitin ko ang pagkain niya ha." Habang hinahanda ni manang ang pagkain ni tyanak, naglagay ako ng kakanin sa saucer plate para kay Eli. Nang handa na ang lahat umakyat na ako ng third floor bitbit ang pagkain ng tyanak. Katok ako ng katok pero bakit parang walang tao yata. Nakailang katok na ako pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. Baka tulog na siya. Aalis n asana ako ng may magsalita sa likod ko na ikinagulat ko naman. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko alam kung anong meron sa mata niya dahilan upang mapapatulala ako ng ilang sandali. Bumalik ang katinuan ko ng magsalita siya.
"What are you doing here? Ibalik mo na yang dala mo sa baba at wala akong ganang kumain. Besides busog pa ako kaya sige na ibalik mo na yan sa baba. I'm going to sleep na din. Goodnight." Papasok n asana siya sa loob sakay ng wheelchair niya ng marinig ko ang pagkulo ng kanyang tyan. Busog pala ha.
"Ay alam mo Eli ang sabi nila masama ang matulog na gutom na gutom ka."napatigil naman siya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita."Kwento ng lolo ko noong nabubuhay pa siya, naku sumalangit nawa ang iyong kaluluwa lolo. Naku wag po kayong magpakita lolo ha." Sabay tingin sa paligid at pasimpleng tiningnan ang reaction ng tyanak na napapatingin din sa paligid. Perfect nadala sa pang-uuto ko.. bwahahahaha usal ko sa utak ko."Kapag natulog kang gutom ang kaluluwa natin humihiwalay sa ating katawan at nagpupunta kung saan saan. Di bay un yung mananaginip tayo. Kaya kung gutom ka at natulog ka yung kaluluwa mo baka pumunta ng kusina o kaya makikain sa ibang kabahayanan, paano kung nakulong siya doon sa cabinet, sa fridge, pumasok sa kung saan saan may pagkain at hindi na nakabalik sa katawan di ba mamatay ka. Tawag dun bangungot." Sige Zandi gandahan mo pa ang pag imbento ng kwento. "Kaya ito oh dinalhan kita ng pagkain. Naku ikaw din kapag natigok ka aba yung dad mo mag-aasawa tapos magkaanak sila. Paano kung yung magiging asawa ng dad mo may ibang anak pala. Naku naku tsk tsk." Napahiga ako sa kama habang nagkukwento at nakita ko naman sa peripheral visions ko na nilapit niya ang kanyang wheelchair sa may desk at ayun ang tyanak parang isang linggong hindi pinakaini. Hindi ko na lang kunwari pinansin ang mga malalaking subo niya basta kwento lang ako ng kwento ng kung ano ano. Diko nga alam kung saan at paano ko nabuo ang kwento na sinasabi ko kay Eli. Basta ang mahalaga kumain ang tyanak. Kawawa naman kung maipasok ang kaluluwa niya sa loob ng kaldero at gawing kaldereta. Bumangon na ako ng makita kong tapos na siyang kumain. Sabay lapit sa kanya at hinampas sa balikat.
"Ikaw ha kunwari busog. Tsk! Pati kakanin na gawa ng nanay ko hindi mo pinalagpas." Sabay tingin sa kanya na parang ini xray ko siya. Saan napunta mga yun at flat na flat pa din ang tyan niya?
"Bakit ganyan ka makatingin tagos hanggang buto ah." Reklamo niya.
"Well, hinahanap ko lang yung mga kinain mo. Saan mo ba nilagay yun at flat na flat pa din yang tyan mo? Ako kahit di ako kakain, bakit ganun mataba pa din ako? Yung mga alaga ko ba sa tiyan tamad at yang mga alaga mo diyan masisipag at malakas kumain? Sabihin mo sa akin, anaconda ba mga alaga mo diyan sa loob ng tyan mo?" natatawang biro ko na ikinangiti niya. Gosh! Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ang ganda niya pala. Parati kasing salubong ang kilay niya at parang pasan lagi ang mundo. Napakasunget niya sa amin minsan.
"Thanks nga pala dun sa dinner. Actually pinag-isa ko na yung breakfast at lunch ko. Nagmeryenda kasi ako kanina kaya medyo nawalan ako ng gana sa dinner. In fairness,masarap yung kakanin, gawa ba yun ng nanay mo? Lemme guess, sa kanya mo namana yang galing mo sa pagluluto no?" sambit niya na ikinatango ko. Ayun nakita ko yung ngiti niya. Napansin ko na parang wala na siyang iniindang sakit sa paa. Mukhang magaling na ang tyanak na ito ah. Hindi kaya niloloko niya lang kami at lahat ng nakikita namin ngayon puro pagkukunwari na lang? Makapag imbestiga nga.
"Uy malapit na birthday mo ah. May gaganapin bang party dito? So malamang bongga ang birthday mo tyanak. Tapos next year 18 ka na. Wow dalaga ka na Eli hehehe. Pwede ka na magboyfriend. Ayyiee" kinikilig kong pagbibiro sa kanya. Nakita ko naman yung pagbusangot niya sa akin sabay irap.
"Sayo na mga lalaki na iyan. Diko sila type. Yeah in two weeks birthday ko na. May gift ka ba sa akin?" taas kilay niyang tanong na nakahalukipkip habang nakasandal sa wheelchair niya. Napatingin naman ako sa kanya, kunwari nag-iisip.
"Anong gusto mong ibigay ko sayo Eli. Sabihin mo lang basta wag mahal ha. Wala akong budget eh." Sabay peace sign sa kanya. Lumipat siya ng pwesto.Umupo muna siya sa may single sofa and nag crossed ng legs. Nakita ko tuloy yung makikinis niyang binti. Hala, ano ang nangyayari sa akin? Huhu! Bata yan Zandi. Boss mo yan. Napapalunok ako at yumuko tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Pero ang mas ikinagugulat ko ng bigla siyang lumapit sa akin sabay bulong sa tenga ko. Huh? Paano siya nakarating sa kinaroroonan ko ng ganun kabilis? I think nagka goosebumps ako dahil sa init ng hininga niya sa may bandang leeg ko. Hindi ko na tuloy napansin pa kung gumapang siya, tumakbo, naglakad kasi nabaling yata ang focus ko sa ginawa niyang pagbulong sa akin.
"Ikaw."nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko. Hayun nakahilata na siya sa kama niya na panay ang ngiti sa akin at kinindatan pa ako ng walanghiyang tyanak na ito.
"S-sabi ko a-ano..." natuyuan yata ako ng laway kaya lumunok muna ako bago nagsalitang muli. "I said sabihin mo sa akin ang gift na yun. Basta hindi lang mahal."nakanguso kong sabi sa kanya. Naramdaman kong gumalaw ang kama ayun gumapang papunta sa akin at bumulong ulit sa may bandang leeg ko. Punyemas na tyanak ka, anong klaseng hininga ang meron ka at para akong nakuryente at ilang volts?
"Ikaw nga." Bulong niya sa akin at bumungisngis. Kinuha ko nga ang unan at binato sa kanya. Ayun nasalo naman niya at binato din sa akin. Dahil maliit ako ayun nasalo ng mukha ko. Pinandilatan ko nga. Tawa naman siya ng tawa. Ngayon nakita ko na ang totoong Eli. Dahil masakit ang mukha ko kinuha ko yung braso niya sabay kagat at takbo papalabas ng pintuan. I was thinking na pilay siya di niya ako mahahabol. Wrong, very wrong. Nahuli niya ako sabay hawak sa akin sa bewang at binuhat ako patapon sa kama. Ang nangyari ito pillow fight na kami hanggang sa napagod kami pareho.
Nagpaalam na ako sa kanya bitbit ang mga pinagkainan niya ng marinig ko siyang may sinasabi. Confirmed magaling na pala ang walang hiyang tyanak. Naisahan niya kaming lahat. Oras na para magpaalam pala ako sa kanya. Siguro mas mabuti na din yung mapalayo ako sa kanya dahil unti unti akong nagkakaron ng kakaibang pakiramdam. Alam ko hindi ito basta basta paghanga lang. Hindi kaya umiibig na ako sa tyanak na ito? No Zandi! Babae kayo pareho at bawal yun.
THIRD PERSON POV
Kinabukasan habang naglilinis ng pool si Zandi dumating si Eli sakay ng kanyang wheelchair. Nakita naman ni Zandi ito kaya nakaisip na naman siya ng kalokohan. Pilit niyang inaalis ang duming nakalutang sa gitna ng pool at dahil sa may kaliitan ang kamay at kabigatan ang pinapangkuha niya ng dumi ayun nag kunwari ang pobre na mahuhulog sa pool at yun nga nagpahulog sa tubig at kunwari lulubog-lilitaw sa tubig at kitang kita ito ni Eli. Walang sinayang na oras ang natatarantang Eli nakalimutan niyang injured pala siya bigla itong tumayo at sabay talon sa tubig dahil nakita niyang pumailalim na si Zandi. Sumisid siya pailalim ngunit nagtataka siya dahil wala na siyang makitang katawan sa ilalim. Nauubusan na siya ng hangin kaya umahon siya at tangkang lulubog na naman sana ng mapansin niya si Zandi na nakaupo na sa may gilid ng pool na ngingisi ngisi. Lalong kumunot ang noo ni Eli. Lumangoy siya palapit sa dalaga.
"Tell me, you knew how to swim right? So niloko mo ako, naisahan mo ako ganun?! Alam mo ba na halos himatayin ako dahil akala ko nalulunod ka na! At ito ka nagawa mo pang tumawa na parang tuwang tuwa ka sa nangyayari?! Okay ka rin ano?! Oh masaya ka na ha?!" napipikon niyang turan sa hindi nakapagsalitang si Zandi. Mukhang na guilty naman ang seste kaya huminahon ito at tumahimik sandali. Narinig niya naman na may sinasabi ang katabi.
"Gusto ko lang naman malaman kung totoong nakakalakad kana nga. Diko naman akalain na bigla kang tatalon sa pool at magpakasuper hero. Sorry na Eli." hindi naman alam ni Eli ang sasabihin kaya nakayuko itong nagsalita.
"Psshh! A week I guess. Wag mo na ulit gawin yung manakot ka ng kapwa para lang alamin ang isang bagay. Paano kung may sakit sa puso yung kasama mo oh di siya yung naunang napahamak kesa sayo." lecture ni Eli sa nakayukong si Zandi.
"Sorry na. Hindi na mauulit pa. Teka nga muna bakit ba kasi dimo sinasabi sa amin, sa dad mo, or sa akin?" sabay tingin kay Eli ng may mapagtanong na mga mata. Bumuntong hininga muna si Eli saka tumayo sabay tanggal ng kanyang tshirt, now she's only wearing her top and bikini swimming short nilingon niya din si Zandi sabay sabing...
"Dahil ayokong umalis ka." Pabulong niyang sabi at mabilis na tumalon sa pool at nagback stroke papunta sa kabila. Hindi naman ito narinig ni Zandi kaya tumayo siya upang habulin ang parang mermaid na si Eli.
"Eli!! Ano yung sinabi mo kanina? Bakit dimo sinabi sa akin ha?" napipikong tanong ni Zandi sa isa. Nagpalutang luting naman si Eli sa tubig sakay ng kanyang floater suot ang kanyang aviator ng magsalita ito.
"Hmm. I will tell you later now can you get me something to drink, please?" hindi naman umalis sa kinatatayuan niya si Zandi at nanatiling nakatayo at nakapameywang. Inalis ni Eli ang kanyang sunglass at nagsalitang muli."Please, nauuhaw na kaya ako. Can you make me some smoothie, please baby." Sabay kindat at ngiti ng pagkatamis tamis kay Zandi. Padabog naman na sumunod si Zandi pero kagat labi siyang napangiti dahil sa pagtawag sa kanya ni Eli ng baby. Hindi niya alam pero may naramdaman siyang kiliti sa kanyang puso sa tuwing kindatan siya ng isa o maglambing ito sa kanya. Bago siya pumasok sa loob nilingon niya muna si Eli na ngayon ay nakatingin din pala sa kanya na may mga ngiti sa mga labi. Nagkatitigan sila ng ilang Segundo at gayun na lamang ang pamumula ng kanyang pisngi ng binigyan siya ni Eli ng isang blow kiss at may parang may sinabi pero walang sound. (A/N sabi ni Eli... I LIKE YOU)
LUMIPAS pa ang ilang araw at lalo pang napalapit sa isat isa ang dalawa. Madalas makikitang magkasama sa kahit saang pasyalan o kaya naman makikita itong nagkukuwentuhan ng kung ano ano. Lalo naman nahuhulog ang loob ni Eli sa dalaga dahil sa pagiging malambing nito, maalaga, at maalalahanin. Pero pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman.
Kinaumagahan, habang nakikipag kwentuhan si Zandi sa kanilang hardinero nakita niyang pa parating si Eli na parang may hinahanap, naisip niya na baka utusan na naman siya nito ng kung ano ano kaya nag -isip siya ng paraan kung paano iwasan ang dalaga kaya kinuntsaba ang matandang hardinero na wag siyang ituro. Nagkubli si Zandi sa may malalagong bahagi ng Mga pananim.
"Mang Ben nakita mo po ba si Zandi? Kanina ko pa siya hinahanap pero diko siya makita" tanong ni Eli sa kanilang hardeniro. Hindi naman makapag sinungaling ang matanda kaya ngumuso ito kung saan nagkukubli si Zandi. Kagad naman nakuha ni Eli ang ibig sabihin ng matanda kaya nagkunwari itong di niya alam ang pinagkukublian. "Naku mang Ben kapag nakita mo siya pakisabi po na may iuutos ako. At saka aalis na lang po ako at pupunta sa bahay nila Amanda. Matagal tagal na din na diko nadalaw ang babaeng yun"kunwari na siyang tatalikod ng biglang may lumabas sa damuhan.
"Hep! Hep! Saan ka pupunta kamo? Kay Amanda? Pwes hindi ka pwedeng lumabas. Tara turuan na kita diyan sa homework mo sa math dali." sabay hila niya sa braso ng dalaga papasok sa loob ng bahay. Ngingiti-ngiti naman si Eli dahil panalo ang kanyang drama. Ito ang palusot niya kapag gusto niyang masolo ang dalaga.
Nasa kwarto na silang dalawa at parehong nag-aaral ng makita niya ang IPAD ni Eli. Nakita niya kasi si Eli na naglalaro ng candy crush. Dahil never pa siya nakahawak nito at kahit nahihiya man hindi pa rin siya nagpapigil na di sabihin ang saloobin.
"Eli, pwede pahiram ng IPAD mo. Check lang ako ng email ko baka may mga importanteng email na ako na diko alam." nakumbinsi naman niya ang kasama at binigay dito sa kanya ang IPAD. Malapit nang matapos sa pinag gagawa si Eli ng mapansing ang tahimik ng kasama niya kaya dahan dahan niyang tiningnan ang kasamang tahimik na nakaupo sa may paanan ng bed.
"What's that?" tanong niya sa kasama dahilan upang magulat ito.
"Ay naku ano bang klaseng website yun?Tsk! Pupunta na ako dapat sa hotmail eh bakit ba napunta ako sa candy crush na yun." sabay sauli niya ng IPAD ni Eli at bumalik sa pagtuturo sa dalaga sa mga assignments nito. Iiling iling naman si Eli sa palusot ni Zandi. Mabilis naman sila nakatapos. Nagpaalam na si Zandi na lalabas na upang matulog. Tuwang tuwa naman si Eli dahil handang handa na siya sa pagpasok niya sa school kinalunesan.
Sa kabilang kwarto naman, naghahanda na si Zandi para matulog ng mag beep ang cellphone niya.Ang kanyang kababata na si Joseph ang nagtext.
"Zandi, nakausap ko si Doms labas daw tayo bukas. Ano okay ka na sasama sa amin?" imbita ng kababata niya. Naisip niya tutal linggo naman kinabukasan kaya ayun nag text siya na okay siyang lumabas at napagkasunduan nila na abangan na lang siya sa labas ng gate. Pagkatapos nilang mag-usap nagpasya na siyang matulog dahil kailangan niya gumising ng maaga para gawan ng breakfast si Eli at para makapagpaalam din siya dito.
Maaga pa lang ay gising na gising na si Zandi at umuusok na ang kusina. Nagluto na siya ng breakfast para sa lahat. Kaya tuwang tuwa ang mga kasama niya sa bahay dahil sa taglay na kabaitan nito at pagkamaalalahanin. Natutuwa naman ang ama ni Eli dahil finally nakakalakad na ang kanyang anak at nakikita niya ang malaking pinagbago simula ng tumira sa kanila si Zandi. Kaya hinayaan muna niya na manatili pa sa kanila si Zandi dahil natutulungan niya ang kanyang kaisa-isang anak sa pag aaral nito.
Matapos niyang maihanda ang almusal ng lahat nagmamadali siyang nagtungo sa kanyang kwarto upang mag-ayos na. Bago siya pumasok sa kwarto nilingon niya muna ang nakasarang pintuan ng kwarto ni Eli at nanatiling nakatayo ng ilang segundo saka ito pumasok sa loob at lingid sa kaalaman niya na nakatingin din sa kanya si Eli sa pamamagitan ng spy camera. Kagat labi naman si Eli habang pinapanood ang dalaga mula sa loob. Nang makapasok ang dalaga sa kwarto nito nahiga siyang muli sa kama, kinuha ang phone at napapangiting tinitingnan ang nag-iisang picture ni Zandi na panakaw niyang kinuha ng minsang nasa dalampasigan sila at nakatingin ito sa kalangitan. Para na din siyang temang na paulit ulit basahin ang text messages nila sa isa't isa na bigla. Hindi naman mapuknat puknat ang mga ngiti niya sa labi habang binabasa ang mga qoutes na pinadala sa kanya ni Zandi.
From: ZANDI CUTE ^_^
"Time might lead me to nowhere
& faith might break into pieces
but I will always be THANKFUL
that once in my life's journey we became FRIENDS!" Nyt Nyt ELI.. :)
From:ZANDI CUTE ^_^
"When I was born, GOD said, "Oh No! Another IDIOT".
When you were born, GOD said, "OH No! COMPETITION".
Who knew, one day these two will become FRIENDS FOREVER!"
bleeh! hahaha!! Zands
From: ZANDI CUTE ^_^
"A true friend is someone
who thinks that you are a good egg
even though he knows
that you are slightly cracked." balut ka kasi ELI> bwahahaha!!!
Pagkababa niya sa dining narinig niyang parang nagtatawanan ang mga kasambahay niya. Nagpalinga linga naman siya at hinahanap ang taong kanina pa niya gusto makita ngunit nagtataka siya at wala ito sa kusina.
"Yaya si Zandi po?" tanong niya sa kanyang yaya na may edad na at naupo sa lamesa.
"Nagpaalam siya kanina sa daddy mo na lalabas kasama yung baklang kaibigan niya at yung si Joseph." sagot ng yaya niya. Nakita niya naman na parang kinikilig ang iba nilang kasambahay na ikinataka niya.
"Naku Eli mukhang may manliligaw na ang kaibigan mong si Zandi. Mukhang type na type siya ni Joseph ba yun. Kun sabagay pwede naman siyang maging boyfriend ni Zandi dahil dalaga si Zandi at binata siya at mukha naman siyang mabait. Naku wala naman yatang masama na maging sila." kwento ng kanilang taga luto sa bahay. Hindi naman nagustuhan ni Eli ang narinig bigla itong tumayo at napahampas sa table.
"Hindi pwede! Kahit kilan hindi pwedeng maging sila! Hindi maari!" at walang lingon lingon na nilisan ang dining. Naiwan naman na napatulala at gulat na gulat ang mga kasama dahil sa inakto ng kanilang batang amo.
"Anong nangyari doon?" tanong nila kay yaya Martha. Nagkibit balikat lang ito ngunit lihim siyang napangiti dahil sa nakikitang reaksyon ng alaga. Malakas ang kutob niya umiibig ang alaga niya sa dalagang si Zandi. Napabuntong hininga na lamang ito at napapailing.