Kinaumagahan halos mabaliw baliw ang ina ni Zandi sa paghahanap sa anak. Hindi na kasi matawagan ang cellphone nito. Maging ang kanyang dalang pitaka hindi din niya alam kung nasa kay Zandi ba. Tinawagan na din ng ina nito ang dalawa niyang anak baka sakaling umuwi ang panganay niya ngunit tanging hindi po naming alam ang tanging sagot ng kambal. Hanggang sa dumating ang doctor na tumingin sa kanya kagabi. "Mrs. Ibanez, alam ko nap o kung nasaan ang anak ninyo. Nakilala ko siya dahil sa kanyang kasuotan at mukha na din. Ikinalulungkot kop o na ang anak niyo ay nasak-" hindi pa matapos tapos ng doctor ang sasabihin nito ng biglang nawalan ng ulirat ang ginang. Biglang sumaklolo ang kasamang kapitbahay na si Mang Leo at Aling Susan. "Mare! Mare! Magpakatatag ka!" nag-aalalang w

