Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling ni Zandi sa nasabing pagamutan, walang Eli na dumating. Walang text o kahit tawag man lang. Tanging ang bestfriend niya lang ang dumating para dalawin ito. Hindi din umalis sa tabi niya ang nanay at kapatid maging ang pinsan niyang naka base sa Amerika si Charmaigne. Huling araw niya sa ospital ng makatanggap ito ng text mula sa di kilalang number. Matamlay niya itong binuksan at binasa. Ngunit ang pagbukas sa nasabing minsahe ang pinagsisihan niya sa lahat. Halos gumuho ang kanyang mundo sa kanyang natuklasan. Kung masakit ang masaksak ng patalim meron pa palang mas higit na mas masakit. Saktong pumasok sa loob ng kwarto ang mga kaanak niya ng ibalibag nito ang nasabing cellphone na ikinawasak nito. "Aaahhhhhh!!! Blllaaggg(insert sou

