Episode 23

2301 Words

Pagkasara ko ng pintuan ng aking silid, doon ko na pinakawalan ang rumaragasang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ganito pala kasakit ang pakawalan mo ang taong sobrang minahal mo. Ganito pala kasakit ang tinatawag na pag-ibig. Masaya at masarap sa umpisa pero sa huli sobrang sakit pala. Nung isang araw lang narinig ko pa ang nabasang quotes ni Doms, ewan ko kung patama niya ba sa akin yun. "There are things that we don't want to happen but have to accept, things that we don't want to know but have to learn and people we can't live without but have to let go." Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko dahil sa quotes na yun. Tok Tok Tok Tok Naririnig kong katok mula sa labas ng aking silid. Nagpunas ako ng luha at inayos kunti ang sarili ko. Pagbukas ko, ang malungkot na mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD