Chapter 20

2150 Words
"Keith?" Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ni Keith at humigpit din ang pagkakahawak nya sa doorknob ng marinig ang inaantok na tinig ng kanyang asawa. Dahan dahan syang pumihit paharap dito. "Hindi kapa matutulog?" Tanong nito habang kinukusot ang mata. Hindi sya agad nakasagot bagkus ay tinitigan lang nya ito. "M-may problema ba?" Parang nag aalangang tanong ni Athena kay Keith na parang napako na sa may pintuan. "Aa.. wala. Matulog kana." "Ikaw.. hindi kapa ba matutulog?" Agad nyang iniwas ang mata sa asawa. "S-sa kabilang kwarto nalang ako." "Huh?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Athena. "Go back to sleep Athena. We'll talk tomorrow morning. Goodnight." Hindi na nya ito binigyan ng pagkakataon pa na magsalita dahil tuluyan na syang lumabas ng silid. He sigh. He knew it would be a long night for him. Hindi nya eniexpect na ganito ang magiging first night nilang mag asawa. Pero maghihintay na talaga sya this time. Hindi nya ipipilit ang sarili sa asawa. Wala na syang dapat pang ikabahala dahil sa kanyang sa kanya na si Athena. All he need to do now is to wait... he knew, waiting for her would be worth it. ATHENA Halos mapunit ang bunganga ni Athena sa kahihikab dahil antok na antok pa talaga sya. Kumuha sya ng mug para magtimpla ng sarili nyang kape pero natitigilan parin sya. Papaano naman kasi ginugulo ni Keith ang kanyang utak. Naguguluhan sya sa kinikilos nito mula pa kahapon. Hindi naman ito ganon dati sa kanya but he suddenly change. He was used to him always being clingy. Iyong gusto nitong palagi nyang napapansin. Always sweet. Palagi pa ngang nanantsing pero kahapon bigla nalang parang nanlamig. Iniexpect nga nyang tatabi ito sa kanilang matulog pero--- napailing sya para iwaksi ang nasa isip. Tsk... Mahiya ka kasi. kung ano ano kasi ang iniisip mo. Hindi lahat ng mag asawa nagtatabi sa higaan. "Hindi ba?" Mahina nyang bulong. Kasi ang alam ko pag mag asawa na nagtatabi na sa higaan. Giit ng kanyang utak. Akma nyang ilalagay ang kape sa kanyang mug--- "Hindi ba dapat gatas ang tinitimpla mo?" "Ay kabayong palaka!" Nagulat sya ng bigla nalang itong magsalita sa kanyang likoran. Salubong ang kilay nyang hinarap ito pero hindi nya uli maiwasang napasinghap dahil sa itsura nito. Siguro katatapos lang nitong magjogging o kaya nag exercise dahil basa pa ng pawis ang damit nito pero bakit ang sarap parin sa ilong ang natural nitong amoy. At bumabakat ang malapad nitong dibdib. Lihim syang napalunok. "My goodness Athena. Bakit apektadong apektado yata ang keke mo." Wala sa sariling napatapek sya sa noo dahil kung ano ano ang naiisip nya. Nakakahiya. "Diba sabi ko sayo gatas ang inomin mo at hindi kape." Nahimigan nya ang pagkairita sa boses nito. Tinungo nito ang ref at lihim pa syang napasamyo ng hangin ng dumaan ito sa harapan nya. Para syang pusa na nakaamoy ng hinihaw ng isda at parang natakam pa kaya medyo hinabol nya ang ilong sa likoran nito. Pero hindi nya inaasahan ang bigla nitong pagharap sa kanya. Parang nagtaka ito ng makita sya pero bahagyan lang. "Ituloy mo iyang tinitimpla mo pero ako ang iinom nya." Wika nito. Nakahinga sya ng maluwag dahil mukhang hindi nito nahalata ang ginawa nya. Kumuha ito ng baso at nagbuhos doon ng gatas. Medyo napanguso sya. "Ayaw ko nyan." Parang gusto nyang unatin ang kilay nitong nakataas na naman. Bakit ba ang hilig nitong pagtaasan sya ng kilay lalo na pag hindi nito gusto ang ginagawa nya o sinasabi nya. "E kasi naman gusto ko ng mainit." Nakasimangot nyang sagot kahit wala pa naman itong sinasabi. "Problema ba iyon. E di ipapainit ko." Giit din nito. "Tsk! Gusto ko ng kape. Mula ng inuwi nyo ako hindi na ako nakatikim ng kape puro nalang gatas. Ano ako bata?!" Mula kasi ng iuwi sila noon sa mansyon ng mga ito ay bantay na bantay na nito ang pagkain nya dahil sobrang payat daw nya lalo na at nagpapadede pa sya. "Pagtatalunan na naman ba natin ito Athena. We've already talked about this, haven't we?" Wika nito at pinagpatuloy ang pag papainit ng gatas nya. Lalo syang napasimangot. "Maarte ka lang kamo... okey naman na ang katawan ko. Mataba na nga ako." Giit nya na hindi itinago ang pagkairita sa boses. Bumaba ang kilay nito pero ngayon ay salubong naman. "Ako maarte?" Tinuro pa ang sarili at lumapit sa kanya kaya napaatras sya. Bawat maliliit na hakbang nito pausad ay ganon din ang usad nya papaatras hanggang sa nasukol na sya sa may island counter. Tinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nya kaya nakulong sya dito. Bahagyan pa syang napaliyad ng ilapit nito ang mukha sa mukha nya na halos maduling na sya sa lapit ng mukha nito. "Hindi ako maarte baby, iniingatan at inaalagaan ko lang ang pag aari ko." Pausal nitong sambit habang titig na titig sa mata nya. Kumakabog ang kanyang dibdib at pigil pigil ang kanyang hininga. "P-pero hindi naman masama ang kape sa katawan e." Pabulong din nyang giit habang titig na titig din sya dito. Parang gusto nyang mapapikit dahil tumatama ang mabango nitong hininga sa kanyang mukha. "Em. Hindi nga siguro masama pero gusto ko healthy lahat ng kinakain mo." Anas din nito pero sa labi na nya nakatingin. Dahil sa nangangawit na ang likod nyang nakasandal sa island counter ay kusang umakyat ang braso nya sa leeg nito. Pero huli na ng marealizee nya ang ginawa. Para namang nabigla si Keith pero mukhang nakabawi naman agad. Hindi nya alam kung aalisin ba nya ang braso nya sa leeg nito o ano dahil hindi naman ito lumayo sa kanya. Para syang hinihigop ng titig nito. Ramdam na ramdam nya ang init na umisingaw sa katawan nito kaya para syang pinagpapawisan. Napakislot sya ng bumaba sa kanyang baywang ang kamay nito. Bawat haplos nito pababa sa baywang nya ay nag iiwan ng kilabot sa kanyang balat. isang sigaw ang kumawala sa kanya ng iangat sya nito paupo sa island counter. Ito na ngayon ang nakatingala sa kanya habang nakapagitna ito sa kanyang binti. Ang kanyang braso ay nanatili sa leeg nito habang nakayuko sya dito. "A-anong ginagawa mo?" Wala sa sarili nyang tanong habang halos magkadikit ang kanilang noo. Tumaas ang isang kamay nito at iniipit sa kanyang taynga ang nalalaglag nyang buhok. "Can I kiss you my wife?" Pa anas na tanong ni Keith habang titig na titig sa kanya. "Huh?" Naguguluhan nyang tanong. "We haven't had a proper kiss since we got married you know." Parang nanantya nitong sabi. Hindi sya nakaimik. Nakita nya ang pagpanglaw ng mata nito. "But if you are not ready yet---" bahagyan itong lumayo pero humigpit ang kapit nya sa batok nito. Parang ayaw nya itong lumayo sa kanya. "Hindi naman ako marunong." Nag-aalangan nyang sagot. s**t! Oo nga at may anak na sya pero hindi nya matandaan kung papaano nila ginawa ang baby nila. Parang nagliwanag naman ang mukha ni Keith. "Sigurado kang okey lang sayo?" Paniniguro nito na ikinapula ng mukha niya. Parang gusto nyang itago ang kanyang mukha. Tsk! Bakit pa kasi kailangan nitong magpaalam e mag asawa naman na sila. Sila Dadi at Mami nya pag gusto ng Dadi nya na halikan si Mami nya basta nalang nya itong hinahalikan pero bakit si Keith ay nag papaalam pa. Hindi ba nito alam na nakakahiya sa part nya ang sumagot ng OO! "I'm asking you baby. Okey lang ba na halikan kita." Masuyo nitong tanong. Hindi nya maiwasang mapanguso. "Nakakainis ka naman eh. Bakit kasi nag papaalam ka pa---" biglang nanlaki ang mata nya ng bigla nitong sakupin ang kanyang labing nakanguso pa. Mainit ang labi nito at ramdam nya agad ang dulo ang dila nitong sumusuot sa pagitan ang kanyang labi kaya napaawang iyong. "Emmmm.... mahaba nyang ungol ng pumasok agad iyon sa kanyang labi na parang sabik kasabay ng pagsipsip nito sa bibig nya. Hindi nya maiwasang napahinga ng hangin dahil parang nalulunod sya sa ginagawa nito. Malay ba nyang sisipsipin nito ang laway nya. Pero wala syang makapang pagtutol. Kahit pa siguro ubusin nito ang laway nya. Ang sarap pala ng dila nito. Manamis namis. "Kumain kaba ng matamis." Wala sa loob nyang tanong pero sinakop uli nito ang labi nya. Kusang pumikit ang kanyang mga mata ng maramdaman ang palad nito sa batok nya at mas diniin pa sya dito. Parang gusto na nyang mabaliw sa ginagawa ng dila nito sa loob ng kanyang bibig at hindi nya maiwasang salubongin ito ng kanyang dila. "Emmm... hindi baby" ungol nito na habang sinisip ang kanyang dila. Parang kinikiliti sya sa ginagawa nito at parang lalong uminit ang kanilang paligid. Parehas silang napakislot ng makarinig sila ng iyak ng bata at ang tinig ng kanyang yaya mukhang papasok na ang mga ito sa kitchen. Agad nyang naitulak si Keith at agad na inayos ang buhok. "Nandito lang pala kayo. Gutom na si baby gusto na yatang dumede." Anang kanyang yaya habang nakatunghay sa kanila ni Keith. "A-a oho. P-papadedehen ko na po." Kanda buhol buhol nyang sagot sa kanyang yaya. "A eh... baka pwedeng maghiwalay muna kayo bago mo sya padedehen anak." Alanganin namang sabi ng kanyang yaya. Ganon nalang ang panlalaki ng mata nya ang mapansin ang ayos nila. Nakapulupot parin pala ang binti nya sa katawan ni Keith at hindi pa pala sya nakababa. Samantalang ang lakas naman ng halakhak ng loko ng makita ang itsura nya. Para hindi man lang nakaramdam ng hiya sa kanyang yaya. Itinulak nya ito pero hindi ito nagpatinag bagkos ay pumulopot ang matitigas nitong braso sa baywang nya saka na sya ibinaba pero hindi sya agad binitawan. Inayos uli nito ang pagkakaipit ng kanyang buhok. "Doon nalang kayo sa sofa mas kumportable ka doon. Isusunod ko nalang ang gatas mo doon." Masuyo nitong sabi. Wala sa sarili na napatango nalang sya. Napatingin sya sa kanyang yaya na karga karga ang kanyang anak. "Maliligo muna ako anak habang pinapadede mo ang anak mo pero kukunin ko din sya agad pagkatapos ko para naman magkaroon kayo ng time na maglabing labing. Kong bakit naman kasi ayaw nito ang dumede sa bote. Idi sana solo ninyo ang honeymoon ninyo." Tukso nito kaya parang umakyat yata lahat ng dugo nya sa kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Hindi nya alam ang sasabihin. "Okey lang po iyon 'ya. Hindi din naman kami mag eenjoy kung hindi namin kasama ang anak namin." Sagot naman ni Keith habang dala dala na ang tray na may lamang gatas, kape at sandwich. Sabay sabay silang lumabas sa kusina. Imbis na sa sofa sila nagtungo ay sa may gilid ng pool sila nito dinala. Hindi parin nya maiwasang mamangha dahil sa sobrang ganda ng tanawin. Actually nandito sila ngayon sa Palawan at isa daw itong private resort na pag aari dati ng pamilya ni Keith pero ngayon ay ibinibigay na sa kanya bilang regalo ng mga magulang nito sa kasal nila. Talagang nakapangalan na sa kanya ang resort. Tinanggihan nya ng una pero sabi ni Keith. Ito daw ang hiniling nya sa magulang bago pa nito nalaman ang tungkol sa kanilang mag ina. Tumanggi parin nya pero dahil lahat daw ng pamana na makukuha nya sa mga magulang nito sa kanilang mag ina ipapangalan kaya wala na syang nagawa. Iyon siguro ang pag uusapan nila sa mga susunod na mga araw. Inalalayan silang umupo sa isang mahabang rattan set. Rattan seat furniture kasi ang upuan doon na napapatungan din ng foam at mga pillows kaya kumportable parin. Halatang gutom na gutom na ang anak nila dahil talagang napapahawak pa talaga ito sa dede nya. Nagtaka sya ng umupo din si Keith sa tabi nila at dikit na dikit pa talaga ito sa kanya na parang gusto yata nito ay dito sya sumandal. "Lumayo ka. Hindi ako makakapagpadede." Aniya. Naiilang parin syang magpadede pag kasama nya ito. "Tsk. Ilang beses ko ng nakita iyan Wife." Pinanlakihan nya ito ng mata. "Come on. Gutom na ang anak natin." Pilit nito. "Tsk.. maligo kana nga. At saka diba sabi mo mag uusap tayo ngayon." Pagtataboy pa nya. Nagsimula ng umiyak ang anak nila dahil hindi na yata nito mahintay na ilabas nya ang dede nya. Napabuga naman ng hangin si Keith. "Okey. Liligo lang ako saglit." Anito saka pinatakan ng hinalikan ang kanilang anak at mabilis din syang hinalikan sa sentedo saka na sila iniwan. Wala sa loob na hinabol nya ito ng tingin. Wala sa loob na napangiti sya. Para kasing hindi trenta ang asawa pag kumilos. Hahaha... gurang na ang asawa nya. Pag nababasa lang siguro nito ang iniisip nya paniguradong magtatampo ito. Sa mga minamahal ko pong reader. Kumusta po kayo? Pasinsya na po sa matagal na UD. Hanap po muna kayo ng complete na story na mababasa kasi matagal ko pa itong maitutuloy. Mga isang buwan pa po siguro. Maraming salamat po. Keep safe everyone...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD