Chapter 19

1584 Words
Pakiramdam ni Athena ay nakatungtong sya sa ulap habang papasok sya sa simbahan. Hindi dahil sobrang saya nya kundi parang hugkang ang pakiramdam nya. Parang sumusunod nalang ang katawan nya sa agos kung saan sya nito dadalhin. Iba't ibang bulungan ang umaalingawngaw sa kanyang pandinig. At parang nakikita nya sa gilid ng kanyang mga mata na nagbubulungan ang bawat taong nadaraanan nya. Pinagpapawisan na sya ng malapot at nanginginig ang kanyang mga kamay. Hindi nya alam kung nilalamig ba sya o naiinitan. At habang papalapit sila ng papalapit ay parang nauubos din ang kanyang lakas at ramdam na nya ang pangangatog ng kanyang tuhod. Wala sa loob na napakapit sya sa braso ng kanyang ama. Maagap naman nitong ginagap iyon na para bang pinapatatag nito ang kanyang loob. Nangilid ang kanyang luha ng maramdaman ang init ng palad nito. Handa na ba talaga sya? Kakayanin naba nya ang responsibilidad ng may asawa? Sari saring mga alalahanin at takot ang nasa dibdib nya. Tuluyang bumuhos ang luha nya ng magtama ang mga mata nila ni Keith. Ang mapapangasawa nya. Parang tumatagos ang tingin nito kahit naharangan pa ng belo ang kanyang mukha. Nakita nya ang pamumula din ng mata nito habang nakatingin sa kanya pero aninag nya ang kislap ng mga mata nito. Hindi nya akalain na sa mismong eighteen birthday nya ay hindi eighteen roses ang naghihintay sa kanya. Eighteen candle, eighteen gifts etc. At ang ama nya. Hindi sa gitna ng bulwagan sya nito dadalhin para isayaw kundi sa altar kung nasaan ang pare at ang makakaisang dibdib nya. Nanginginig ang kanyang kamay ng iabot ng kanyang Dadi ang kanyang kamay kay Keith matapos itong magmano sa kanyang magulang pero bumitaw sya sa hawak nito at mahigpit na yumakap sa kanya ama. "Dadi..." Anas nya habang patuloy ang kanya pagluha. Pilit nyang pinipigil ang hagulgol na gustong kumawala sa kanyang lalamunan. Gumanti din ito ang yakap. "Ssshhhh... Kahit na anong mangyari anak. Isipin mo na nandito lang kami. Ikaw parin ang prinsesa ko at mananatiling prinsesa ko kahit pa may asawa kana." Pagpapatahan nito sa kanya na halata ding pinipigil din nito ang emosyon. "I love you po and sorry for all the things that I've done." Aniya. Nasasaktan sya dahil alam nyang nabigo nya ang mga ito. "Mi.." baling din nya sa Ina pero tinanguan lang sya nito na parang hindi nito kayang magsalita dahil iyak din ito ng iyak. Buong pagmamahal nya itong niyakap ng mahigpit pero bumitiw din sya agad. Tumingin sya sa kanyang kuya na nagpupunas din ng mata. "Kuya.." "Tsk... You make me cry princess." Anito na pilit pinapasaya ang boses. Walang salita na yumakap sya sa kanyang kapatid. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng ikakasal. Iyong para bang pakiramdam na iiwan mo na talaga sila. Malalayo kana talaga sa kanila. "Wish your happiness bunso." Bulong ng kapatid. Ito na ang kusang bumitaw sa kanya. Hinarap nya ang mga magiging beyanan at nagmano sa mga ito pero masuyong yakap ang sukli ng mga ito sa kanya. Alam naman nya at ramdam nya ang mainit na pag tanggap sa kanya ng pamilya Aragon. Naramdaman nya ang kamay na umalalay sa kanyang likod at ang paghawak nito sa kanyang siko kahit hindi nya pa nakikita ang mukha nito ay alam na nyang si Keith iyon. Napatingin sya sa binata. Parang inaaninag naman nito ang kanyang mukha. "Wait." Anito May dinukot ito sa bulsa saka pumwesto sa harapan sya. Maingat nitong tinaas ng bahagya ang kanyang belo at saka maingat na dinampian ng panyo ang basa nyang pisngi. Hindi nya mapigilan ang pagtaas ng kanyang kilay dahil para itong naninilip habang sinisipat ang kanyang itsura sa loob ng kanyang belo. "Ayan okey na." Anas uli nito saka binaba uli ang takip ng kanyang mukha. "Hindi mo pa tuluyang tinaas Tol nakita mo naman na ang mukha." Hindi yata mapigilan ng kanyang kuya na tuksohin ang kaibigan kahit halos nasa harapan na sila ng altar. B"May oras para dyan brother at makapaghihintay pa naman ako." Balik naman ni Keith saka na sya hinarap. "Ready?" Masuyo nitong tanong sa kanya habang hawak hawak ang kanyang kamay. Isang tango lang ang sagot nya. Nagsilmula ng seremonya. Pero habang pinapakinggan nya ang sermon ng pare ay lalong tumitindi ang takot sa dibdib nya at naging abala ang utak nya sa paglilimi ng mga katagang pumapasok sa utak nya. Hindi nya namalayan na ilang ulit na pala syang tinanong pero parang tumatagos lang ito sa kanyang pandinig. "Athena..." Untag sa kanya ni Keith na parang nahihimigan nya ang takot at pangamba sa boses nito. Parang doon palang bumalik sa reyalidad ang kanyang utak. "Huh?" Maang nyang tanong Napabuga ito ng hangin. Hindi nya alam pero parang may bigat ang buntong hininga nito. "Tinatanong ka ni Father." Anito. Napatingin sya kay father pero bumalik uli ang mata nya sa binata. Dahil para na itong isang talonan. Bagsak ang balikat at nakatingin nalang ito sa baba. Inulit ng pare ang tanong pero naging abala na naman ang utak nya. Kaya napa "I-I do." Nalang sya ng wala sa loob dahil bigla ay nabahala sya sa itsura ni Keith. Nag angat uli ito ng tingin sa kanya at tumambad sa kanya ang napakalungkot nitong mata. Wala na ang kislap ng mga iyon. Naghinang ang kanilang mga mata na para bang may sariling unawaan. "By the power vested in me. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ng pare pero nanatiling ang kanilang mga mata sa isa't isa. "Kiss!!!! Kisss!!!" Umalingawngaw ang sigaw ng mga tao sa loob ng simbahan. Kaya napaharap sila sa mga ito. "Kiss!!! Kiss!!!" Naramdaman nya ang mahinang pagpihit sa kanya Keith paharap dito. Halos huminto yata ang paghinga nya ng unti unti nitong tinataas ang kanyang belo. Nagtama uli ang kanilang mga mata. Ngayon ay kitang kita na nila ang isa't isa dahil wala ng harang sa kanyang mukha. Nakita nya ang pagtaas baba ng lalamunan nito at napatingin sa mga labi nya. Unti unting bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha kaya unti unti din syang napapikit. Pero napadilat uli sya ng mata ng maramdaman ang isang mabining halik sa kanyang pisngi. Matapos iyon ay bumaling agad ito sa harapan nila at ngumiti ito sa kanilang mga bisita. Natapos ang kasal nila. Maraming lumapit at bumati sa kanila pero kapansin pansin ang pagbabago sa kilos ni Keith. KEITH Hindi maiwasan ni Keith ang masaktan dahil lantanrang pinaparamdam sa kanya ni Athena na napipilitan lang itong magpakasal sa kanya. Kaya naman ang kasal na pinakahihintay nya, ngayon ay parang gusto na nyang pagsisihan. Gusto nyang pagsisihan dahil parang napilitan lang ang babaeng mahal nya na pakasal sa kanya. Kung sana naghintay pa sya ng kaunting panahon. Kanina lang nya naisip na naging makasarili sya sa desisyon nyang magpakasal sila agad habang nakikita si Athenang nakatulala lang sa harap ng pare at para itong wala sa sarili. Duda nga sya kung alam ba nito ang pinagsasabi nito at sinumpaan nito sa harapan ng Diyos. Kung umatras ito kanina ay maluwag nyang tatanggapin kasya sa makita itong parang robot na sumusunod nalang sa sasabihin sa kanya kahit labag iyon sa loob nito o hindi pa talaga ito handa. Nakita na nya noon ang pag aalangan nito pero dahil sa umoo ito sa huli ay tinuloy na nya. Ang saya sayq pa nga nya noon. Marahas syang napahilamos sa kanyang mukha. "My God. Bakit parang wala na akong nagawang tama para sa kanya." Usal nya. Pinakasalan nya ito dahil iyon ang alam nyang makakabuti para sa mga ito pero bakit parang mas lumala pa yata. Parang mas nilubog pa nya si Athena dahil sa napilitan lang itong magpakasal sa kanya. Inubos nya ang laman ng kanyang baso saka na sya nagdesisyong pumasok na sa loob. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. First night nilang mag asawa ngayon. Kung sa ibang couple siguro baka sa mga ganitong oras isang mainit na gabi na ang nagaganap. Pero sila, nandito sya, hinihintay munang mahimbing ang tulog ng asawa bago sya pumasok sa kanilang silid. Or should he say silid nito. Gusto kasi muna nyang silipin ang mga ito bago sya pumasok sa sarili nyang silid. Yes... bubukod muna sya ng silid. Saka nalang siguro sila magtatabi ng asawa nya pag handa na talaga itong maging asawa nya. Ngayon. Pagkakasyahin nalang muna nya ang sarili sa pag aalaga sa mga ito. Ang importante ay magkakasama sila at natututukan nya ang paglaki ng kanyang anak. Gagawin nya ang lahat para tuluyan nyang mapasok ang puso ng kanyang asawa at alisin ang lahat ng takot nito at pangamba. Ipaparadam nya dito ang kanyang pagmamahal para hindi nito pagsisihan na nagpakasal ito sa kanya. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nya pinihit ang seradora ng pintoan. Tumambad sa kanya ang dim na kulay ng ilaw. Marami pang pulang petals ang nagkalat sa sahig. Dumako ang mata nya sa mag ina nyang mahimbing ng natutulog na ibabaw ng maluwang na kama. Dahan dahan syang lumapit at inayos ang kumot ng mga ito. Naglagay din sya ng unan sa tabi ng anak para may harang ito. Ililipat sana nya ang anak sa crib pero baka magising lang kaya hinayaan na nya ito sa tabi ng ina nito. Nang magsawa na syang panuorin ang mag ina nya ay tumayo na sya para lumabas. Maingat ang bawat galaw nya para hindi sya makagawa ng kahit na ano mang ingay na pwedeng makaabala sa tulog ng dalawa. Pero... "KEITH?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD