Chapter 18

1451 Words
Laglag parin ang panga ni Athena dahil sa pagkabigla at ganon din ang mga kasama nilang nakarinig sa anonsyo ni Keith. Para syang nanlamig bigla pero nagsimula naman syang pawisan. Ramdam nya ang paggagap nito sa kanyang palad kaya wala sa sariling napatingin sya dito. Agad na nagtama ang kanilang paningin dahil matiim din pala itong nakatitig sa kanya. Ang sidhi ng kabog ng kanyang dibdib. "Di ba baby?" Pagniniguro pa nito kaya lalong tumaas ang kilay nya na hindi tinago ang pagkalito. "D-did I say yes?" Nakamaang sya. Parang wala parin sya sa sarili ng magtanong sya dito. Ito naman ang napakunot pero ng lumaon ay unti unting gumuhit ang ngiti sa labi. "Yes sweetie, you don't have a choice than to yes to me." Anito na may naglalaro paring ngiti sa labi ng binata. Narinig nya ang paghagikhik ni Stephan. "Pa... Ganyan ka din ba noon kay Mommy Ina noong niyaya mo syang magpakasal?" Parang nanunukso ito. Parang nagtaka naman ang matandang Aragon dahil sa tanong ni Ate Stephan. "No, I have my own style." Proud naman sagot nito pero nakita nila ang pagkindat nito kay Mommy Ina. "Koww.. style mo bulok. Hindi naman nanligaw iyan. Ang alam lang nya noon eh ang mag asar lalo na pag hindi ko pinapansin." Kuntudo irap naman si Mommy Ina sa asawa. "O papaano hindi mo ako pinapansin pag hindi na kita iniinis." "Then how you end up together po?" Curious nyang tanong na parang nakalimutan na ang tungkol sa kasal. Parang kinikilig sya sa dalawa dahil nagsusumigaw parin ng pagmamahal kung makatingin si Daddy Aaron sa asawang nakanguso. "As your Mommy Ina said... hindi ko sya niligawan. Kundi ininis ko sya ng ininis until sa dumating ako sa point na hindi ko na alam kung papaano sya lalapitan na hindi sya maiinis sa akin. Sagad sa buto yata nya ang inis nya sa akin noong time na iyon. Ito open book naman ang love story namin sa mga asawa ninyo. But that time mahal ko na ang Mommy nila. She already consume my whole being. Kumbaga hindi ko din namalayan na sa kanya na umiikot ang mundo ko. Hanggang sa gustong gusto ko na syang mapasaakin pero hindi ko alam kung papaano sya paaamohin. Your mom that time is like a tiger or dragon should I say. Parang palagi syang nagbubuga ng apoy pag nandyan ako. Until one day God give her a trial. Nagkasakit ang kapatid nya na tanging pamilya lang nya. Alam kong mali na gamitin ko ang sitwasyon nya para mapasaakin lang sya pero iyon nalang ang nakikita kong paraan para makuha ko sya. And then I ask her na pakasal sya sa akin at ako na ang bahalang magpagamot sa tito ninyo and there she is. Mrs Aragon parin sya until now." "Oi marami kang hindi sinabing kalokohan. Akala mo ha.." Inirapan uli ito ni Mommy Ina na ikinatawa naman ng asawa nito. Pinasa nito ang anak nyang karga karga nito sa asawa pero malambing na inakbayan ang huli saka hinalikan sa ulo. "I know.." parang maamong tupa ang matandang lalaki samantalang nakangisi naman ang mga anak nitong nakatunghay sa mga magulang. "Ngayon alam ko na kung saan nila namana ang hokage move nila." Napatango tango si Ate Stephan pero naruon parin ang mapanukso nitong ngiti hindi lang sa biyanan nito kundi pati narin sa magkakapatid. "Hey.. si Macky at Keith lang siguro.." tanggi naman ni Kuya Ron. "Hindi daw nakuha. E ano iyong ginawa mo sa akin sa silihan noong first time tayong nagkita?" Nanlaki ang mata nya. Halla! Laglagan naba ito? "f**k! Don't tell me na kinuha kalang nya sa silihan?" Bulaslas na tanong ni Keith kay Ate Ella. Ang lakas ng tawa ni Kuya Ron dahil doon samantalang si Ate Ella naman ay pulang pula ang mukha. Hindi din nila mapigilang mapahagikhik. "Makasilihan naman ito, ano ang tingin mo sa akin pumapayag nalang kahit saan?" Masungit na sabi nito kay Keith. "Then what did he do to you that time?" Inis namang tanong ni Keith. Hindi naman halatang masyado apektado si Keith sa inakto nito. "Ehmm.. Tol sa amin nalang iyon." Ngising mapang inis na sabi naman ni kuya Ron kay Keith na nakabusangot na. "He just pinned me in the corner and said. Pinilit nya akong mangako na hihintayin ko daw sya hanggang sa maging malaya sya. First time naming magkita iyon ha." Panlalag parin ni Ate Ella sa asawa. Natatawa parin si Kuya Ron pero namumula mula ito. "Because I already love you that time baby. Noon lang tayo nagkita pero matagal na kitang asawa sa mga panaginip ko." Natatawa naman si Macky. "Yes. Kahit ako hindi ako makapaniwalang hindi pa kayo nagkikita ng personal ng mga oras na iyon. Dahil halos gabi gabi yatang tinitigasan iyan dahil palagi ka nyang napapanaginipan." Tukso nito sa kapatid. Gusto nyang pamulahan dahil sa sinabi ni kuya Macky. "Tsk.. your word Tol. Maraming bata." Saway ni Kuya Ron sa kapatid pero nakangisi. "Ganyan talaga ang nagagawa ng pag ibig. Mahiwaga." Dagdag nito na parang naglalambing sa asawa. Hay... "Pero mabalik tayo sa inyo Keith? Hindi mo ba pinilit itong si Athenang pakasal sayo anak?" Seryosong tanong ni Mommy Ina kay Keith. Natahimik uli sila at sya naman ay napatingin din kay Keith. Bahagyan nitong pinisil ang kanyang kamay. "Actually, She hasn't answered me yet mom. Pero gusto ko maghanda na tayo habang hinihintay natin sagot nya." Napatawa si Kuya Ron. "Hindi mo naman sya masyadong prenepressure sa lagay na iyan." Tukso nito sa kapatid. "And son, this time I want you think hindi na para sa sarili mo kundi para na sa kanila." Sabi naman ni Daddy Aaron. "I know Dad. Gusto kong makasama na sila at mabuo na kami bilang isang pamilya. I want to provide all their needs. I want to give them all the love that I have. Nakuha ko naman na ang basbas nila Dadi Jerone kaya ang sagot nalang ni Athena ang kulang." Nanlaki ang mata nya sa narinig. "Nakausap mo na sila Dadi?" Gulat nyang tanong. Masuyo itong ngumiti sa kanya. "Yes baby." Maiksi nitong sagot. "Oo Athena at tapos na din syang nabubog ng Dadi mo." Sabad naman ni Kuya Macky kaya nagtatanong ang mga mata nyang tumingin dito. "N-nabugbog?" Mahina nyang tanong na parang naguguluhan. Samantalang si Keith naman ay pinandilatan ang kapatid. "Tsk.. don't mind about what he said." Halatang iniiwasan nitong sagotin ang tanong nya dahil kinabig sya nito at pinatakan sya ng halik sa noo. Bigla syang nailang pero para bang normal lang na ginagawa nito ang bagay na iyon sa kanya. "Ano man ang magiging desisyon mo hija ay kailangan paring kumuha si Keith ng consent sa magulang mo kahit na nasa tamang edad kana non. At kagaya ng sinasabi namin sa iyo. Pumayag ka man o hindi sa kasal na inaalok ng anak namin ay ay pamilya kana namin." Napayuko sya ng ulo. Sa totoo lang hindi nya alam kung papayag ba sya o ano. Parang pumapasok ang napakaraming alalahanin sa kanyang utak. Katulad ng papaano ang pag aaral nya, ang pangarap nya. Maabot parin ba nya iyon kahit may asawa na sya? Okey lang naman na hindi pa sila ikasal pero papaano nga ba nya mabibigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak? Papaano maalis ang usap usapan na isa syang desgrasyada? Kung tutuusin ay napalaki ng nagawa nyang kahihiyaan sa kanyang pamilya. Sobra sobra ng sakit sa ulo ang duloy nya. Pero ngayon nasa harapan na nya ang pagkakataon na maitama nya ang lahat bakit hindi sya makaoo agad. "Hey.. don't stress your self baby.. Okey lang. Maghihintay ako kahit matagal." Tinaas nito ang baba nya at pinasaya ang boses. Napakalamlam ng mata nito na nakatunghay sa kanya na para bang mapapaoo ka nalang sa hinihiling nito. Bahagyan nyang naipilig ang ulo saka ibinaling sa iba ang tingin. "Huwag mo lang masyadong patagalin Athena ha baka magkarayuma na iyan at hindi nyo na madagdagan si baby Abcde." Hirit uli ni kuya Macky kaya nakurot ito ng asawa sa tagiliran. "Tsk... kahit puro uban na ang buhok ko tol makakabuo parin ako kahit isang basketball team pa.. anong akala mo sa sperm cells ko may expiration." Masama ang tingin ni Keith sa kuya. Para namang sinusunog ang kanyang mukha at alam nyang pulang pula na sya dahil sa mga naririnig nya. My god! Kung mag usap ang mga ito parang wala silang babaeng kaharap ah. Reklamo nya sa kanyang isipan. "Pero ngayon... hintayin ko munang makapagtapos sya ng pag aaral saka namin sundan si baby Abcde." Ani Keith na lalong ikinapula ng kanyang mukha. "Pasagotin mo muna ang mapapangasawa mo tol baka ka magplano." Mapang asar na buska naman ni kuya Macky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD