Chapter 17

756 Words
Halos maihi si Athena sa katatawa ng makita ang bagong itsura ni Keith ganon din ang mga kasama nila pati kasambahay pero sya yata ang pinakamalakas ang tawa. Kagagaling nito sa trabaho at nakapang opisina pa pero nakasuot ng sumbrero. Pero laking gulat nya ng nag alis ito ng sumbrebro sa mismong harapan nilang mag ina dahil hahalik ito sa anak nila na karga karga niya. Hindi nga din nya makalimutan ang itsura ng mga kasama nila na napanganga din pero bumunghalit din ng tawa ng makabawi. Parang nagtaka pa ito ng nagsisitawanan sila hanggang sa sumama na ang mukha. "Anong nakain mo anak at nagpakalbo ka?" Tanong ni Mommy Inna na nagpupunas ng luha dahil naluha ito sa katatawa. Napakamot sa ulo si Keith saka tumingin sa kanya. Parang doon lang nito narealise kung bakit sila natatawa. "Diba sabi mo--" Nabitin ang sasabihin nito at napabuga ng hangin. Pinanlakihan nya ito ng mata. "Oi wala akong sinabi. Sabi ko balbas lang ang alisin mo." Halatang defensive sya. Talaga namang balbas lang ang sinabi nya a. Malay ba nyang magpapakalbo ito. "Tsk. Inalis ko na din. Sinasabunotan kasi ni Baby e. Baka pag nakita mong may buhok sya sa kamay hindi mo na sya ipahawak sa akin." Wika naman nito. "Naks. Masunurin ka palang bata anak, ngayon ko lang nalaman." Tukso ni Daddy Aaron sa anak. "Dad.." alma nito sa ama. "Sir Keith. Magsumbrero ka baka matakot sa ulo mo si Baby Abcde." Tukso ni Ate Bakekang kay Keith habang tumatawa. Sinamaan ito ng tingin ni Keith"Ikaw Bakekang pag nahulog ang pustiso mo aapakan ko pa iyan para hindi kana makatawa ng ganya." Inis na sabi nito sa katulong kaya lalo silang natawa. Sinimangotan sya ni Keith dahil sya ang tawa ng tawa. E nakakatawa naman talaga ito. Hinalikan uli nito ang anak at ganon nalang ang gulat nya ng halikan din sya nito sa gilid ng kanyang labi kaya natahimik syang bigla. Ito naman ngayon ang napangisi. "Maliligo muna ako baby bago kita buhatin ah." Paalam nito sa anak pero sa kanya nakatingin. Tikhiman sila Kuya Ron at Macky samantalang napahagikhik naman ang mga kasambahay. Kasama nila ang mga ito sa maluwang garden dahil ang mga ito ang humahabol habol sa mga makukulit na bata. "Magkapatid talaga kayo ni Keith Mackario. Mahilig sa hokage move." Sabi ni Ate Stephan sa asawa. Namula sya. Alam nyang nakita ng mga ito ang ginawa ni Keith. Eeee... nakakainis talaga sya!!! Sigaw nya sa isip. "Athena, akin na muna ang apo ko para hindi ka mangawit." Sabi ni Daddy Aaron kaya inabot nya ang anak dito. Nahahawakan lang nya ang anak pag papadedehen nya ito. "Ayaw mo bang padedehen si Abcde sa bote Athena?" Tanong sa kanya ni Ate Ella. Kimi syang ngumiti. "Ayaw na po nya eh. Nag iiyak po." "Dedede parin iyon pag nagutom na talaga sya. Para makabawi ang katawan mo. Mas mataba na nga yata sya sayo eh. Lalo na lalaki pa sya. Habang lumalaki iyan mas lumalakas dumede." Anito. Nagtaka sya ng natawa ang dalawang magkapatid. "Lalo na pag tumanda kamo." Sigunda ni Kuya Macky. Kinurot naman ito ni Ate Stephan. "Magtigil ka Mackario." Tinig nagbabanta na sabi pa ni Ate Stephan. "Ang seryoso ng usapan eh" irap pa nito sa asawa. "Nagsasabi lang ako ng totoo honey. Diba tol?" Baling pa nito sa kapatid. Napangisi si Kuya Ron. "Mas malakas parin talagang dumede ang ama. Hindi maipupusot kahit bungi na." Sabi naman ni Kuya Ron. Nagkulay kamatis yata ang kanyang mukha dahil doon nya lang nagets ang ibig sabihin ni Kuya Macky. "Tsk! Isa kapa babe." Pinandilatan ito ni Ate Ella. Gusto nyang magpasalamat ng dumating si Keith para sana atleast may sasalo sa kanya pag tutuksohin sila pero nagkamali sya dahil mas inulan sila ng tukso. Bwesit naman kasing Keith. Panay ang dikit sa kanya na parang linta. Nandyang umaakbay ito. "Ma, Pa. Pakasal na po kami ni Athena sa debut nya." Nabigla sya at laglag ang panga nya sa sinabi nito. Napatingin pati mga batang naglalaro dahil narinig ang sinabi ni Keith. Napatingin sa kanya sila Mommy Inna na parang nagtatanong. Hindi sya nakaimik dahil hindi naman nya alam ang sasabihin. Namutla sya bigla. Hindi naman kasi nila napag usapan iyon. At hindi nya matandaan na pumaya sya ng tinanong sya nito. Tinanong ba sya? Parang sinabi lang naman ito sa kanya? Nagpropose na ba ito sa kanya? Hindi kasi ganon ang mga napapanood nya sa tv. To be continue... kailangan ng pumasok sa work. Sorry walang edit. Wala ng time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD