Chapter 16

1273 Words
Pupungas pungas si Athena ng bumangon dahil tinatawag sya ng kalikasan. Antok na antok pa sya at halos hindi nya maidilat ang mata. Humihikab na napapakamot sya sa kanyang tiyan ng bigla syang natalisod at halos sumubsob sya sa sahig. "What the-- hey... are you alright?" Napabalikwas din ng bangon ang binata. "Haisst! Bakit kasi paharang harang ang paa mo dyan?" Singhal nya agad sa binata. Hindi kasi nya agad napansin ang paa nito kaya natalisod sya. Hindi naman kasi nya alam na doon pala ito natulog kagabi. Nasa lapag ito sa tabi ng kama. Doon ito naglatag ng manipis na foam. "Sorry.." kakamot kamot ito sa ulo. "Eeee... puro ka nalang sorry!" Maktol nya saka na nagdadabog na iniwan. Napakamot naman sa ulo si Keith. Napansin nya ang anak na gising na kaya sumampa na sya sa kama. Napangiti sya. "Good morning baby. Magaling kana hmm." Masuyo nya itong hinalikan sa noo. Hinawakan nya ang kamay nito na parang naglalaro. Akala yata dede iyon dahil agad sinusubo. "Gutom kana hm.. wait lang natin si Mommy nasa banyo pa. Pakabait ka ha. Para pa namang tigre si Mommy. Parang palaging galit kay Daddy. Kahit kagigising ang taray parin." Aniya sa anak. Lalo syang ginanahang makipag usap dito dahil bumibilog ang labi nito na parang nakikipag usap din. "Oo ang ganda ni Mommy diba, kahit bagong gising." Napangisi sya ng maalala ang itsura nito. Sa totoo lang. Pinagsawa nya ang mata dito kagabi. Pinanood lang nya ito. Pati nga pagpapadede nito e. Hehe.. inggit na inggit sya sa anak. Huwag kayo. Baka sabihin nyong namboboso sya. Ng pumasok kasi uli sya sa kwarto ay tulog na ito at mukhang nakatulugan na nito ang pagpapadede. Sya na nga ang nag baba ng damit nito ng binitawan ng anak nya ang dede nito. Hindi nya alam pero parang proud na proud sya sa sarili ng mga oras na iyon habang pinapanood nya ang mag ina nya. Matanda na sya pero parang teenager parin sya kung umakto sa harapan nito. Kaya nga nagkakanda sermon sya sa dalawang nyang kapatid. Bubuhatin na sana nya ang anak ng biglang magsalita si Athena. "Anong gagawin mo sa anak ko?" Tinig mabagsik iyon kaya hindi nya tinuloy ang pagbuhat sa anak. "Bubuhatin ko lang sana dahill mukhang naiinitan na ang likod nya." s**t! Ang hirap lang dahil para syang nasa court room palagi pag kaharap nya ito. "Hindi pwede. Pupunasan ko pa sya." Masungit na wika nito saka tinungo ang cabinet. "Baby. Mamaya tayo magkakarga. Pupunasan ka daw muna ni Mommy." Pag kakausap nya sa anak saka hinalikan ito sa pisngi. Lalo syang napangiti ng maamoy ang anak. Amoy gatas ito. Gatas ni Athena.. parang kinikiliti ang puso nya sa mga naiisip nya. Tang*na! ganon pala ang pakiramdam. "Huwag mo syang halikan dahil baka magkarashes sya." Inis na sabi sa kanya ni Athena kaya lihim syang napabuga ng hangin. Nilayo nya ng kunti ang mukha sa anak. "Kung gusto mong makahalik sa anak ko tanggalin mo lahat ng balbas mo. Lamok nga hindi ko hinahayaang makalapit sa anak ko tapos ng dahil lang sa balbas mo magkakarashes sya." Ingos nito sa kanya. Wala sa loob na napahaplos sya sa kanyang mukha. Mukhang maggogood bye na ang mga inaalagaan nya at well maintain nyang balbas. Iyon pa naman ang hinahabol habol sa kanya at lalong nagpatikas sa p*********i nya. "Aalisin kona mamaya." Aniya na parang nahiya pa sya. Tinignan lang sya at inirapan. Pinanood nya ito habang pinupunasan nito ang anak nila. Halatang alam na alam na nito ang ginagawa. "Ehem.. Athena." Agaw pansin nya dito ng matapos nitong bihisan ang anak nila. Tumingin ito sa kanya pero medyo nakataas parin ang kilay na parang inis palagi sa kanya. "Gusto ko sana humingi ng tawad sa lahat. Alam kong hindi naging madali sayo lahat pero hayaan mo sanang bumawi ako sa inyo." Mapagpakumbaba nya wika. Ngayon palang sila magkakausap ng sarilinan. "Paano ka makakabawi? Sa anong paraan? Sa mga materyal na bagay?" Sarkastiko naman nitong tanong. "Unang araw pa nga lang namin dito--anong ginawa mo? Imbis na you spend your time with your son ay mas pinili mo pa ang bote na makasama." Sumbat nito sa kanya. "How long have you known about your son? A month tapos kahapon ka lang nagpakita?" Nanunuya nyang tanong. Napayuko sya ng ulo dahil hindi nya kayang salubungin ang nagbabaga nitong mata. "Oh your sorry again? Hanggang kailan ka magsosorry sa akin?" Inis na tanong nito. "Hanggang sa mapatawad mo ako. At hindi ako magsasawang sabihin saiyo iyon dahil alam kong malaki ang kasalanan ko." Pagak itong tumawa. "Well, I don't need your sorry Keith Aragon. And besides wala ka naman talagang kasalanan sa nangyari dahil kung tutuusin ay mas malaki ang kasalanan ko. Nasasaktan lang ako dahil lantaran mong pinapakita na walang halaga sayo ang anak na pinaglaban ko sa buong mundo--" "Don't say that. Nang una palang na nalaman ko na ako ang ama ng baby natin ay gustong gusto ko na kayong kunin. Sabik na sabik na akong mayakap sya. Gusto kong ipagsigawan sa mundo na daddy na ako." Giit nya. Nilapitan nya ang mga ito at hinaplos ang ulo ng kanyang anak. "Then bakit ngayon ka lang? Bakit mas inuuna mo ang negosyo mo kaysa sa kanya. Dahil ang alam ko ang isang ama ay nasa top priority ang anak o pamilya. Alam mo bang hirap na hirap ako ng mga oras na iyon?" "I'm sorry. Nandito na ako. Pangako. Kasama mo na ako sa lahat ng bagay. Hayaan mo na ako ang mag alaga naman sa inyo." Hindi ito nakaimik pero kitang kita nya ang lungkot sa mga mata nito. Tinitigan nya ito sa mga mata. "Pakasal ka sa akin." Usal nya. Napaawang ang labi nito na parang hindi makapaniwala. "Kahit kasal na tayo hahayaan kong maging malaya ka parin kagaya ng dati. Abotin mo ang pangarap mo. Ipagpatuloy mo ang buhay mo. Hindi kita pipigilan. Susuportahan kita sa lahat ng bagay. Maging bestfriend mo ako, partner in crime. Kapatid. Tatay lolo. I will be whoever you want me to be." "Huh... M-minor pa ako." Nakita nya ang pag aalangan sa mukha nito. "And turning to Eighteen before the end of this month." Agad nya. "Pero bata pa ako." Giit din nito. "Then grow up with me. Dalawa kayo ng anak natin na palalakihin ko." Giit nya. Napasimangot naman si Athena. Ano sya paslit na kailangan pang palakihin. "I mean. You'ra asking me to marry you..sa tingin mo makakaya ko ng mag asawa. Sa anak pa nga lang natin hirap na hirap na ako. Diba pag mag asawa na pwede na silang gumawa ng baby. Papaano kong nakagawa na naman tayo ng baby.. papaano ako maestudy kung may baby na naman sa tyan ko." Bulalas nito. Gusto nyang matawa dahil ang advance nitong mag isip. Diba pwedeng honeymoon muna isipin nito bago ang baby uli. Hahaha.. jowk lang. "Baby. Hindi naman ibig sabihin pag nagpakasal tayo ay gagawa na tayo ng baby. Kaya kita niyayayang magpakasal ay-- I want to secured you and baby Abcde. Gusto kong ibigay lahat sa iyon ng kung anong meron ako." Naguguluhan parin si Athena. Bakit kailangan pakasal sila. Hindi ba nito kayang magpakaama sa anak nya na walang kasal. "Bakit kailangan kasing maikasal tayo?" Maktol naman ni Athena. Napabuntong hininga sya. "Ayaw mo bang magkaroon ng kumplitong pamilya ang baby natin?" Tanong nya habang masuyong tinitigan ito sa mata. Parang nailang naman si Athena sa titig ni Keith. "Pwede naman nating ibigay iyon sa kanya na hindi tayo kinakasal." Giit parin nito. "No baby. Kailangan nating ikasal para maibigay natin ang kumpletong pamilya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD